• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 9:05 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 27th, 2025

ALTODAP: MAS MATAAS NA INSURANCE SA PRIBADONG SASAKYAN, DAGDAG NA PROTEKSYON AT DIGNIDAD SA MGA MOTORISTA

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA gitna ng patuloy na pagrepaso kasunod ng utos ni Pangulong Marcos na pag-aralan ng Department of Transportation (DOTr) ang panukalang dagdagan ang insurance benefits para sa mga pribadong sasakyan, iminungkahi ng isang transport group leader na maaaring silipin ng pamahalaan ang sistemang insurance na ipinatutupad sa mga pampublikong sasakyan o PUV.
Ayon kay Boy Vargas, Pangulo ng Alliance Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), ang kasalukuyang P400,000 insurance payment kada nasawi at P100,000 kada nasugatang pasahero sa ilalim ng tinatawag na “two-group” system para sa PUVs ay sapat at katanggap-tanggap para sa parehong mga motorista at mga insurance company.
“Tested and proven na itong sistemang ito at wala namang masama kung titingnan ito ng DOTr kung puwedeng i-implement sa mga pribadong sasakyan,” ani Vargas, na nagbalik-tanaw kung paanong ipinaglaban ng mga transport group ang “two-group” system noong 2008 laban sa pagtatangkang angkinin ng Government Service Insurance System (GSIS) ang insurance ng PUVs.
Isa sa mga positibong aspeto ng kasalukuyang “two-group” insurance system para sa PUVs, ayon kay Vargas, ay ang “all-risk, no-fault” policy sa ilalim ng Passenger Personal Accident Insurance (PPAI), na pangunahing rekisito sa pagkuha ng prangkisa mula sa Land Transportation and Franchising Board (LTFRB).
Sa ilalim ng patakarang ito, lahat ng pasahero ng PUV, kabilang ang drayber, ay saklaw ng insurance para sa pagkasawi o pagkasugat, anuman ang sanhi ng aksidente o kung sino ang may kasalanan.
Ang insurance para sa mga yunit ng PUV ay pantay na hinahati sa dalawang accredited insurance consortium sa ilalim ng “two-group” scheme upang mapadali ang aplikasyon at pagproseso ng claims.
Dahil mandatoryo ang PPAI sa pagkuha ng Certificate of Public Conveyance para sa prangkisa, mungkahi ni Vargas na ipatupad din ito sa mga pribadong sasakyan tuwing pagpaparehistro at pag-renew ng rehistro.
Sa kasalukuyan, ang insurance na kinakailangan sa pagpaparehistro ng pribadong sasakyan ay ang Compulsory Third Party Liability (CTPL), na madalas ay nababalewala dahil sa limitadong saklaw nito.
Kapag ipinatupad ang mungkahi, ani Vargas, makikinabang ang mga drayber at pasahero ng mga pribadong sasakyan sa insurance claim na P400,000 kada nasawi at P100,000 kada nasugatang pasahero kumpara sa kasalukuyang maximum na P200,000 na kailangang hatiin sa lahat ng biktima kung maraming nasangkot.
Una nang nanawagan si Vargas kina DOTr Secretary Vince Dizon at sa Insurance Commission na samantalahin ang determinasyon ni Pangulong Marcos na pag-ibayuhin ang mga hakbang para sa kaligtasan sa kalsada sa ilalim ng Bagong Pilipinas. (PAUL JOHN REYES)

Unified 911 System ilalarga sa Hunyo

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INIHAYAG ni Interior and Local ­Government Secretary Jonvic Remulla na target nilang ilunsad sa Hulyo ang Unified 911 System sa buong bansa.
Ayon kay Remulla, magiging isa na lang ang emergency number na dapat tawagan ng sinuman sa alinmang panig ng bansa.
Paliwanag ni Remulla, hindi lamang  pulis ang maaaring magresponde kundi maging ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection.
Lalatagan din aniya ang 911 system ng mga pinakabagong innovation kabilang ang geolocation, live streaming, at integrasyon ng pulisya, bumbero, at paramedic, at ang mga emergency responder ay magkakaroon ng body-worn camera, radyo, at medical support.
“In less than one month, i-bid out natin ang unified 911 system para sa buong Pilipinas. Unified na. Ngayon kasi 35 ang emergency call numbers. Gagawin nating centralized na siya,” saad pa ni Remulla.
Oras na maging operational, inisyal na pagaganahin ito sa Region 1, ­Greater Metro Manila, Region 7 at BARMM.
Sinabi ni Remulla, na dapat na maging maagap at at mabilis ang pagresponde sa mga emergency cases upang maramdaman ng  publiko ang presensiya ng pamahalaan.

Ads May 27, 2025

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Behind every great fighter is a great team. Meet the friends and family of Karate Kid Li Fong in “Karate Kid: Legends”

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

 

 

Martial arts fighter Li Fong (Ben Wang) has more than legends Mr. Han (Jackie Chan) and Daniel LaRusso (Ralph Macchio) to guide his training. Also behind the kung-fu prodigy is family, and friends discovered along his new journey in New York City, in the newest addition to the iconic franchise, Karate Kid: Legends.

 

Watch the new trailer: https://youtu.be/BtACuGrq2uA

 

In Karate Kid: Legends Li Fong finds a new home in New York City with his mother, Dr. Fong (Ming-Na Wen), moving across continents from Beijing. Finding himself clashing with the local karate champion, he turns to his uncle Mr. Han for guidance, who enlists original Karate Kid Daniel LaRusso. Merging both karate and kung-fu, the two trainers prepare Li Fong for the ultimate martial arts showdown, and behind Fong’s back is his new friend Mia (Sadie Stanley), retired boxer Victor (Joshua Jackson), and his SAT tutor Alan (Wyatt Oleff).

 

The first friendly face Li Fong encounters as he adjusts to the big city is Mia Lipani, manning her dad’s pizza shop.  “The key to Mia as a character is she’s grown up in New York, but she’s grown up working in New York, in a pizza shop with her dad,” director Jonathan Entwistle says. “She’s not an uber hipster. She’s not super cool. And Sadie was the perfect person to encapsulate that. She has a little vulnerability and a lot of backbone—she’s a very, very strong person.”

 

Sadie Stanley, who plays Mia, talks about her character’s personality and how inherently kind she is. “Mia is a very sarcastic girl, very headstrong, and very funny,” says Stanley. “And when Li Fong and Mia first meet, he’s overwhelmed with this new reality, this new life. Mia kind of comes in and shows him that first bit of kindness, that support he needs.”

 

Mia’s father, Victor Lipani, is a retired boxer, who has a shared experience with Fong, both coming from fighting backgrounds. Joshua Jackson, who plays Victor, sees that similarity and uses it to create a bond between the two fighters. “I grew up in a neighborhood where there were a lot of kids, a lot of parents, a lot of people who weren’t your blood relation,” he says. “It takes everybody to raise kids, right? So as a trusted older male, Victor is there for Ben, because he’s dealing with quite a lot of trauma.”

 

Fong’s mother is played by Ming-Na Wen, who was eager to play the part as joining the Karate Kid universe is very special to her. “To be part of the Karate Kid world, being an Asian American, it’s just different,” she says. “Even though Miyagi is Japanese and I’m Chinese, we have a shared Asian-American experience. It had such an impact on my life, when I was younger watching it.”

 

She’s excited to see the fans react to Ben Wang, as she felt such a connection with a young actor while playing his mother. “I told Ben, ‘You’re the perfect son.’ He’s so courteous and soft spoken. And yet there’s like this little wicked sense of humor. I think that the fans are going to fall in love with him!”

 

Family, friends, and epic martial arts fighting are all in  Karate Kid: Legends, arriving in Philippine cinemas on May 28. Karate Kid: Legends is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #KarateKidMovie @columbiapicph

 

Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”

 

(ROHN ROMULO)

Sa latest digital issue ng OUT Magazine: LEA, pumayag na mapasama sa cover bilang suporta sa young transgender 

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
AVAILABLE na ang latest digital issue ng OUT Magazine kunsaan nasa cover ay ang Broadway divas at kasama rito si Lea Salonga.
Kasama ni Lea ay ang sina Kristin Chenoweth, na nanalo ng Tony Award in 1999 for ‘You’re A Good Man, Charlie Brown’; Idina Menzel na nagwagi sa 2004 Tony Awards for ‘Wicked’; Maleah Joi Moon na 2023 Tony winner for ‘Hell’s Kitchen’ at Megan Hilty na isa sa nominees sa 2025 Tony Awards para sa musical na ‘Death Becomes Her.’Si Lea ang pinaka-beterana sa grupo  dahil nanalo siya ng Tony Award noong 1991 for ‘Miss Saigon.’
Ang theme ng cover shoot nila ay ang impact ng talents nila sa theatre world, lalo na sa LGBTQ+ community.
Si Lea ay may strong advocate sa LGBTQ+ community dahil na rin sa kanyang transgender son na si Nic Chien.
Ayon kay Lea, ang pagpayag niya na mapasama sa cover ay paraan niya to support young transgender people and their right to exist and live authentically.
Kasalukuyang nagpe-perform si Lea on Broadway sa musical na ‘Stephen Sondheim’s Old Friends with Bernadette Peters’ at the Samuel J. Friedman Theatre hanggang June 29, 2025.
Next na gagawin ni Lea ay ang musical na ‘Into The Woods’ dito sa Pilipinas. It will be staged at the Samsung Performing Arts Theater in Circuit Makati on August 7.
Bukod sa kanyang anak na si Nic, ang iba pang makakasama ni Lea sa naturang musical ay sina Eugene Domingo, Mark Bautista, Joreen Bautista, Arielle Jacobs, Joaquin Valdes, Nyoy Volante and Mikkie Bradshaw-Volante.
In September, tuloy ang North American tour ni Lea para sa kanyang The Stage, Screen & Everything In Between show.
Magsisimula ang 32-city tour ni Lea sa Athens, Georgia on September 11, 2025at magtatapos ito sa West Palm Beach, Florida on December 12, 2025.
The tour is a concert experience that celebrates Lea Salonga’s career, highlighting her performances in musical theatre, film, and television.
***
KAHIT busy sa kanilang showbiz careers, hindi napapabayaan ng Sparkle stars na sina Ashley Sarmiento at Sofia Pablo ang kanilang pag-aaral.
Sa gitna ng kanilang mga tapings, shootings, personal appearances, photo shoots at regional shows, sinisiguro nila Ashley at Sofia na nasa priority list nila ang kanilang pagpasok sa school at pagtutok sa kanilang pag-aaral.
Nag-post last May 21 via Instagram si Ashley ng photos ng kanyang pag-graduate, complete with toga, graduation cap, medal and diploma, mula sa senior high school sa University of Perpetual Help System DALTA (UPHSD).
“Turned in: SHS Graduation Pics
“Thank you, Lord! Big thanks to UPHSD, my teachers, and friends who helped me all through out. It surely wasn’t easy trying to fit my schedule and submitting piles of school works but i made it! And to my family, thank you for keeping me going and motivated.” caption ni Ashley.
Sa comment section ay binati si Ashley ng kanyang co-stars sa weekly series na MAKA na sina Zephanie, Bryce Eusebio, Olive May at iba pa.
Last January ay nag-turn 18 si Ashley with a grand royal-themed debut party sa Diamond Hotel ManilaGa-graduate naman this June from senior high school sa UST Angelicum College ang Next Gen Leading Lady na si Sofia Pablo.
Natapos na rin ni Sofia at ng kanyang group mates ang pag-revise at defense ng kanilang thesis titled “Consumer Behavior Towards Online Shopping Fraudulent Incidents in Quezon City” as a requirement for their Accountancy, Business and Management (ABM) Strand last May 2 naganap ang thesis defense ni Sofia at ng group mates niya.
Caption ni Sofia sa IG post niya: “Thesis? Defended!”
Naging sulit nga raw ang pagbalanse ni Sofia between her showbiz career at school work.
“Siyempre po masarap sa feeling kasi grabe po ‘yung binigay kong effort. Ang sarap po sa feeling na after two super hard years in senior high, nairaos ko and I’m graduating,” masayang balita ng 19-year old bida ng GMA Afternoon Prime series na ‘Prinsesa Ng City Jail.’
Pinost na rin ni Sofia last February ang kanyang graduation pictorial with the caption: graduation pictorial!! @ustangelicum
Ang loveteam ni Sofia na si Allen Ansay ang isa sa unang natuwa at bumati sa malapit nang pagtatapos nito sa senior high school.
“Congrats Aki ko,” comment pa ni Allen.
Kailan lang ay si Sofia ang napiling bagong celebrity endorser ng cosmetic brand na Avon.
***
SA edad na 68, gorgeous pa rin ang ’80s sex symbol na si Bo Derek.
Muling namataan sa publiko si Bo sa red carpet premiere ng HBO series na And Just Like That Season 3 sa New York City.
Kasama sa Sex and The City spin-off series ang husband ni Bo na si John Corbett playing Aidan Shaw.
Natuwa ang mga bida ng AJLT na sina Sarah Jessica Parker, Kristin Davis and Cynthia Nixon na dumalo sa event si Bo na bihirang magpakita sa publiko at happy sa kanyang private life.
Sumikat si Bo Derek sa 1979 comedy film na “10” kunsaan nakapareha niya si Dudley Moore. Naging poster girl of the ’80s si Bo dahil sa kanyang iconic cornrow braids habang tumatakbo siyang naka-bikini sa beach.
First husband ni Bo ay ang film director na si John Derek na dinirek siya sa mga pelikulang Tarzan: The Ape Man, Fantasies at Bolero.
Nabiyuda si Bo in 1998 after John died of cardiovascular disease. Nakilala ni Bo si John Corbett in 2002 at kinasal sila noong 2020 after living-in for 18 years.
(RUEL J. MENDOZA)

Malalim daw ang pinag-ugatan ng tampuhan: GERALD at JULIA, usap-usapan ang balitang naghiwalay na

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAY katotohanan kaya ang tsikang hiwalayan blues nina Gerald Anderson at Julia Barretto.
Ito ang obserbasyon ng nga taong nasa paligid nila. Nagkanya-kanya na raw lakad ngayon ang dalawa.
Dagdag pa raw ang ginawang pagbura ng dalawa sa mga larawan na magkakasama sila sa Instagram pages nila.
Well, sa totoo lang naman kung ilang beses na rin naman nagkaroon ng isyu na hiwalay na ang dalawa di ba?
Pero ang ending nagkaayos din naman at na patch nila ang hidwaan.
Ayon pa sa source namin ay iba na raw ang sitwasyon ngayon nina Gerald at Julia.
Mukhang malalim daw ang pinag-ugatan ng tampuhan at maaring hahantong na raw sa tuluyang paghihiwalay.
Pero sa mga nakausap naming taga-showbiz ay maaring gumawa lang daw ng ingay sina Gerald at Julia.
Hindi na raw kasi gaanong hot topic ang dalawa, huh!
***
WALANG katotohanan daw ang isyu kina re-elected Bulacan Governor Daniel Fernando at Kim Rodriguez.
Ito ang tsika sa amin ng nakausap naming staff ng gobernador.
Siyempre itinanggi rin niya ang isyung binigyan ng kotse ng Gov. Daniel si Kim at pati na rin sa sinasabing isang milyong allowance nito.
Paliwanag pa rin ng kausap namin na bahagi raw yun sa mga ginawang paninira kay sa gobernador ng mga nakalaban sa pulitika.
Samantala landslide ang pagkapanalo ni Gov. Daniel, tinambakan nila nang husto ng ka-tandem niyang si VG Alex Castro ang mga katunggali.
Now on his 3rd and last term may balak kayang tumakbo sa higher position si Gov. Fernando?
(JIMI C. ESCALA)

Napansin dahil sa mahusay na pagganap sa ‘Lilim’: HEAVEN, waging Best Actress sa ‘Jinseo Arigato International Film Festival’

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA Instagram post ni Heaven Peralejo, ibinahagi niya ang memorable moments sa pagkapanalo niya ng Best Actress sa Suspense-Thriller-Horror Category sa Jinseo Arigato International Film Festival, dahil sa mahusay niyang pagganap sa “Lilim.”
Panimula ng post ni Heaven na hindi pa rin makapaniwala, “Still in disbelief. Thank you for seeing me. Thank you for hearing me…”
Inialay niya ito sa kanyang direktor at ina… “This one’s for my director @red_mikhail @evolvestudiosph…and for my mom @luanneperalejo. We did it.” 
Pagpapatuloy pa ng kanyang pasasalamat, “Thank you to the Jinseo Arigato International Film Festival for this incredible honor. To be recognized for something I love with all my heart—it means the world.
“To Boss Vic, my tatay in this industry—thank you for trusting me with this role and for always guiding me. @viva_films
“To Boss @veroniquecorpus Boss val, and Boss @mamagrace314 I offer this award to all of you. Thank you for believing in me.
Special mention naman ang kanyang kaibigan na sumama at nagbigay ng suporta sa kanya.
“To @kimpoyfeliciano, my brother from another mother thank you for flying all the way just to be here. Your support means so much,” say pa ni Heaven.
Hindi niya nakalimutang pasalamatan ang kanyang tagahanga…
“And to my @heavenlyangels@marven_royalsofc to all my supporters thank you for standing by me through every high and low. I carry your love with me always.
Pinarangalan din si Direk Mikhail Red bilang Best Director para sa “Lilim.”
Congrats Heaven and Direk Mikhail!
***
NAGSAGAWA ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng isang Data Privacy Seminar kamakailan bilang parte ng pagpapalakas sa seguridad at etikal na datos na kapit ng Ahensya.
Parte rin ito ng pakikiisa ng Board sa selebrasyon ng Privacy Awareness Week tuwing huling linggo ng Mayo, alinsunod sa Proklamasyon Bilang 527.
Ito ay upang mapataas ang kaalaman ng publiko at mga ahensya ng gobyerno pagdating sa data privacy at mga karapatan kaugnay dito.
Ang inisyatibong ito ng MTRCB ay bahagi rin ng pagsuporta sa misyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na maisulong ang digitalisasyon at mapalakas ang digital na ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagtitiyak na ang mga institusyon ng pamahalaan ay responsableng pinoproseso at pinangangalagaan ang mga datos.
Binigyang-diin ni MTRCB Executive Director II Roberto C. Diciembre ang kahalagahan ng naturang pagsasanay sa direksyon ng MTRCB patungo sa interes ng mga stakeholder.
“Napakahalaga po para sa ating ahensya na tiyaking maayos, ligtas at protektado ang ating mga datos, laluna’t karamihan sa ating mga transaksyon ay may kalakip na personal at sensitibong impormasyon,” sabi ni Diciembre sa kanyang pambungad na salita.
Nananatili naman ang pangako ng MTRCB na maisulong at mapaigting ang kakayahan ng ahensya pagdating sa tamang pangangalaga ng mga personal na datos alinsunod sa mandato nitong magserbisyo sa publiko ng may integridad at katapatan.
(ROHN ROMULO)

Palarong Pambansa 2025, pormal nang binuksan sa Ilocos Norte

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PORMAL nang binuksan ang 2025 Palarong Pambansa, na ginanap sa Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium sa Laoag City, Ilocos Norte.
Tinatayang 15,000 student-athletes mula sa iba’t ibang rehiyon ang lalahok sa palaro na tatagal hanggang Mayo 30. Tampok ang 22 regular sports kabilang ang basketball, swimming, athletics, at taekwondo.
Kasama rin ang weightlifting bilang demo sport, at kickboxing, girls’ football, at girls’ futsal bilang exhibition events.
Una rito, nangunguna ang National Capital Region (NCR) na nakamit ang ika-17 sunod na overall title noong 2024.
Mababatid na sa kabila ng naranasang lindol sa La Union noong Mayo 24, walang naiulat na pinsala o nasaktan sa mga lugar ng palaro.
Tampok sa pagbubukas ang makulay na seremonyang hango sa epikong Ilocano na “Biag ni Lam-ang.”

Alex Eala, hindi pinalad vs Emiliana Arango sa unang round ng 2025 French Open

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINDI pinalad ang Filipina tennis player na si Alex Eala laban sa Colombian na si Emiliana Arango, 6-0, 2-6, 6-3, sa unang round ng 2025 French Open women’s singles tournament nitong Linggo.
Nakabawi si Eala sa ikalawang set kung saan siya ay lumamang ng 3-2 bago ito pansamantalang itinigil dahil sa ulan.
Sa kalaunan, nakuha niya ang set ngunit nakabawi ang Colombian sa huling set.
Ang 20-anyos na si Eala, ay lalaban pa rin sa doubles tournament kasama ang Mexicanang si Renata Zarazua simula Miyerkules.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon ni Eala na makapasok sa main draw ng French Open.

Courtesy resignation ni Teodoro , hindi makakaapekto sa military operations -PN Spokesperson for the WPS Trinidad

Posted on: May 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HINDI makaaapekto ang courtesy resignation ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ang AFP ay isang professional organization na patuloy na tutuparin ang mandato nito na magsilbi sa mga Filipino at protektahan ang bansa.
Ang courtesy resignation ni Teodoro ay bilang tugon sa naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“The AFP is a professional organization. We keep performing our mandate just as other agencies of the government are professional in performing their mandates. Tayo naman kung sino man ang nakaupo sa atin, we keep performing our mandate. Kung sinong maitalaga sa gobyerno, we are full support from the Navy, the Air Force, and the Army,” ang sinabi ni Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, Philippine Navy (PN) spokesperson for the West Philippine Sea (WPS).
Para kay Trinidad, ang AFP ay “doing good” sa nakalipas na tatlong taon habang nasa kapangyarihan si Teodoro bilang DND chief.
“Nakikita ito sa result ng mga surveys na naiintindihan ng ating taumbayan at sumusuporta sila as paninindigan ng DND at AFP in performing its mandate especially sa West Philippine Sea,” ang sinabi pa rin ni Trinidad.
Ang Navy, ayon kay Trinidad, buo ang suporta kay Teodoro, binigyang-diin na walang roadblocks kahit pa ang kapalaran ng huli sa Gabinete ng Pangulo ay nakabitin.
“There are no roadblocks, the SND [Secretary of National Defense] has our full support. Whatever the guidance of the SND is as the alter ego of the President in the Defense Department, we fully support it. We have a very robust relationship with our SND,” aniya pa rin.
Matatandaang, noong nakaraang linggo, inatasan ni Pangulong Marcos ang kanyang mga Cabinet secretaries na magsumite ng kanilang courtesy resignation bilang bahagi na pagkakaroon ng pagbabago kasunod ng hindi kanais-nais na mga resulta sa kamakailan lamang na midterm elections.
Nagdesisyon si Pangulong Marcos na panatilihin sa puwesto ang kanyang economic team at maging si Executive Secretary Lucas Bersamin, subalit tinanggap ang courtesy resignations ni Ambassador Antonio Lagdameo, Permanent Representative to the United Nations, and Environment Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga. Nagdesisyon din ang Pangulo na palitan ang pinuno ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Sa ngayon, hindi pa rin nagdedesisyon ang Pangulo sa courtesy resignation ni Teodoro bilang Kalihim ng DND. ( Daris Jose)