• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 6:39 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 23rd, 2025

Ambisyon na makakuha ng pangunahing posisyon sa Kamara ang mga Duterte, pantasya reaksyon ng mambabatas 

Posted on: May 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
“FANTASY ‘yan sila.”
Ito ang reaksyon ni Kabataan Partylist Represenative-Elect Atty. Renee Co sa ambisyon na makakuha ng pangunahing posisyon sa Kamara ang mga Duterte.
Ayon sa mambabatas na-threatened umano ang mga Duterte na mawalan ng kapit sa poder kung tuluyang matanggal sa puwesto si Vice President Sara at ma-convict naman si dating Pangulong Digong.
Kaya biglang pupuwesto si Pulong. Huwag silang magpanggap na oposisyon. Kailangan na talaga magpasa ng Anti-Political Dynasty Bill para hindi na nilalaro ng mga pami-pamilya ang mga posisyon sa gobyerno. Hindi dapat chessboard ng mga pamilyang Marcos at Duterte ang Kongreso,” ani Co.
Ang pahayag ay ginawa ng Kongresista kasunod nang paghikayat ni VP Sara sa kapatid na si Davao City Rep. Paolo ‘Pulong’ Duterte na kumandidato bilang House Speaker o Minority Leader.
(Vina de Guzman)

29 Cabinet Secretaries , tinugunan ang panawagan ni PBBM na magsumite ng courtesy resignation

Posted on: May 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAYROONG 29 Cabinet Secretaries  ang nagsumite ng courtesy resignation bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magsumite ang mga ito ng kanilang courtesy resignation. As of press time,  ito ay sina:
1. Department of Transportation (DOTr) Sec. Vince Dizon
2. Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian
3. Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla
4. Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Romando Artes
5.Department of Tourism (DoT) Sec. Cristina Frasco
6. Department of Budget and Management (DBM) Sec. Amenah Pangandaman
7. Department of Finance (DOF) Sec. Ralph Recto
8. Solicitor General Menardo Guevarra
9. Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac
10. Department of Information and Communications Technology ( DICT)
Sec. Henry Aguda
11. Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin Remulla
12 Presidential Communications Office (PCO) Secretary Jay Ruiz
13 Department of Agriculture (DA) Sec. Francisco Tiu Laurel Jr.
14. Department of Labor and Employment (DOLE) Sec Bienvenido Laguesma
15. TechnicalEducationand Skills Development Authority (TESDA)
Director- General Jose Benitez
16. TheDepartment of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Sec. Arsenio Balisacan
17. Presidential Adviser for Investment and Economic Affairs Sec. Frederick Go
18. Executive Secretary Lucas Bersamin
19. Department of Agrarian Reform (DAR) Sec. Conrado Estrella III
20. Department of Energy (DOE) Sec. Raphael Lotilla
21. Department ofEducation (DepEd) Sec. Sonny Angara
22. Department Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Maria Antonia Yulo-Loyzaga
23. Department of Science and Technology (DOST) Sec. Renato Solidum
24. Department of Nationak Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro
25. National Security Adviser Sec. Eduardo Ano
26. Department of Trade and Industry (DTI) Cristina Aldeguer-Roque
27. Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Enrique Manalo
28. CFO Sec. Dante Ang III
29. Arta Director Ernesto Perez
Sa katunayan, sinabi ni DBM Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman,
“We all serve at the pleasure of the President. I support all of his decisions, knowing that they are always made with the best interest of the Filipino people in mind. We stand firmly with the President as he steers the nation and our economy forward with integrity, transparency, courage, and compassion,” ayon pa rin sa Kalihim.
Para naman kay DMW Sec. Cacdac, “As a member of the President’s official family, I am always subject to the control, and work under the trust and confidence, of His Excellency.”
“I therefore humbly heed the call for courtesy resignation, which I shall submit immediately today.”
Sinabi naman ni SolGen Guevarra na “All members of the cabinet serve at the pleasure of the president.”
“Dagdag na pahayag pa ni SolGen na “the president needs all the leeway to move the country forward, including shuffling his cabinet lieutenants. like everyone else, the solgen will tender his courtesy resignation as directed.”
Naglitaniya naman si Finance Sec. Recto at nagpahayag na suportado nito ang direktiba ni Pangulong Marcos na magsumite sila ng kani-kanilang courtesy resignations.
“The President carries the heavy burden of leading the nation through complex global and domestic challenges. This bold decision was made with his desire to put people and country first.
That I serve at the pleasure of the President is a thought that has never been lost on me from the day I assumed office,” aniya pa rin.
“I have already submitted my courtesy resignation without delay or reservation,” anito.
Para naman kay Aguda, DICT Sec. Aguda, “President Ferdinand R. Marcos Jr.’s directive urging all cabinet secretaries to submit their courtesy resignations underscores his firm commitment to fast-track projects that uplift the lives of Filipinos.”
“We stand by the President and serve at his pleasure. We will continue to work to deliver his mandate for the Filipino people,” anito pa rin.
Winika naman ni DoLe Sec. Laguesma na Sec Laguesma: “A Cabinet Secretary serves for as long as he/she enjoys the full trust and confidence of the appointing authority, the President. Thus, it is well-within the plenary authority of the President to require that courtesy resignation be handed over by his Cabinet. As ordered and to afford the President a free hand, i will most respectfully comply. Thanks
Tinuran naman ni DA Sec. Tiu- Laurel na “yes of course ako pa!! hehehe.. naka medical leave ako till sabado fyi.”
“Kiko: may babalikan ako na family business in case na the president decides to replace me,” ang sinabi pa rin nito.
“The President has spoken. It’s clear that he seeks the flexibility to respond to the people’s clamor as conveyed in the recent midterm polls. As members of his official family, we are called to support his efforts to recalibrate and move forward with renewed focus.
I have submitted my courtesy resignation and now leave it to the President’s good judgment to determine whether I shall continue to be part of his team as he advances his vision for the country,” ang sinabi pa rin ng Kalihim.
“In the meantime, I will continue to serve the Department of Agriculture and its stakeholders to the best of my abilities. I remain guided by a commitment to public service and the greater good of the Filipino people,” anito.
Nagsumite naman na ng kanyang courtesy resignation si DSWD Gatchalian.
Sa katunayan, nakasaad sa resignation letter nito ay “In faithful adherence to the directive of the President, please accept this letter as formal notice of my resignation from my position as Secretary of the Department of Social Welfare and Development, effective immediately.
Thank you for giving me the opportunity to work in this position for two (2) years and three (3) months.
I deeply appreciate the trust and confidence that was bestowed upon me and to have served the people under this administration.
Again, allow me to thank you for the opportunity of serving our Filipino people.”
Sa kabilang dako, sinabi naman ni DEPDev Sec. Balisacan na
“I serve as DEPDev Secretary at the pleasure of the President. If deemed necessary, I stand ready to hand over the leadership to someone the President believes can better drive our nation’s development goals.”
Sinabi naman ni DOTr Sec. Dizon na “In line with the President’s directive to realign government with the people’s expectations and ensure faster and more focused action to address the their most pressing needs, Transportation Secretary Vince Dizon submits his courtesy resignation saying “we serve at the pleasure of the President, and of the people.”
Samantala, nakasaad naman sa resignation letter ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin na “I hereby respectfully tender my courtesy resignation as Executive Secretary, Office of the President. Upon your acceptance, the undersigned will immediately begin the process of turning over in an orderly manner all the matters pending in my office.”
“It has been an honor to be a member of your Cabinet, Mr. President. I will continue to serve the Filipino people alongside you towards a Bagong Pilipinas.”
Sinabi ng DND na “Secretary Gilberto C. Teodoro, Jr. has submitted his courtesy resignation to President Ferdinand R. Marcos, Jr. this morning and he assures the public that the Department of National Defense and its bureaus, especially the Armed Forces of the Philippines, will continue to fulfill its mandate of upholding our sovereignty and territorial integrity, and ensure the continuity of public service in support of national development during this time of transition.”
Para naman kay Sec. Dante Ang, “”I will comply with the President’s order.”
Ilan sa mga ito ay nagpahayag ng kanilang kahandaan na sumunod sa utos ng Pangulo. Makikita ito sa kanilang social media post, official statement, text messages, personal na abiso ng mga kapwa opisyal sa opisina.
(Daris Jose)

Hirit na courtesy resignation ni PBBM sa mga CabSecs, walang pinupuntiryang opisyal- Malakanyang 

Posted on: May 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
PINABULAANAN ng Malakanyang na ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang mga Cabinet Secretary na magsumite ng courtesy resignation ay hakbang upang tahimik na alisin ang ilang opisyal.
“We have no update on that, if there is really a target secretary regarding this request for courtesy resignation. There is none, as of the moment,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.
Sinabi pa ni Castro na layon ng nasabing panawagan ng Pangulo sa kanyang mga CabSec ang ayusin ang mga prayoridad ng kanyang administrasyon at hindi ihinto o maging sanhi ng pagkaantala ng operasyon ng pamahalaan.
“Maliwanag din po ang sinabi ng Pangulo, hindi po maaapektuhan kung anuman po ang pending at existing projects habang ito ay may transition. At tuluy-tuloy lamang po ang pagtatrabaho ng mga Cabinet secretaries at ng mga tao sa gobyerno,” ang winika pa rin ni Castro.
Nilinaw pa ni Castro na mananatili pa rin naman sa kani-kanilang mga puwesto ang mga Cabinet members maliban na lamang kung pormal na tatanggapin ng Pangulo ang kanilang pagbibitiw, tiyakin na nagpapatuloy ang liderato at operasyon.
“Mas maganda po itong mapakita rin ng ating mga heads of agencies, Cabinet secretaries na sila ay naaayon sa goal ng Pangulo, ipakita nila na sila ay dapat na manatili bilang parte ng administrasyon ng ating Pangulo,” ani Castro.
“Sabi nga natin, walang puwang ang tamad at korap sa administrasyon ni Pangulong Marcos Jr.” aniya pa rin.
“This is not business as usual,” ang pahayag ng Chief executive.
Sabay sabing “It’s time to realign government with the people’s expectations.” ( Daris Jose)

Clean-up at declogging operations

Posted on: May 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ng clean-up at declogging operations ang Malabon City Engineering Office, katuwang ang CENRO at MMDA mula Women’s Club hanggang Don Basilio St., Brgy. Hulong Duhat na bahagi ng paghahanda sa paparating na tag-ulan upang maiwasan ang pagbaha sa mga kalsada at kabahayan. Personal rin binisita ni Mayor Jeannie Sandoval ang lugar at hinikaya’t niya ang Malabueños na makiisa sa kampanya para sa kalinisan. (Richard Mesa)

Ads May 23, 2025

Posted on: May 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

14 milyong Pinoy target mabenipisyuhan ng P20/kilo rice program

Posted on: May 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TARGET ng Department of Agriculture (DA) na mabenepisyuhan ng P20 per kilo rice program ang nasa 14 milyong Pinoy sa Setyembre.
Ang pilot program na unang nai­lunsad noong May 1 sa piling lugar sa Visayas at ngayo’y target na palawakin ito kabilang ang mga rehiyon sa Luzon at Mindanao.
On top of the list for the second phase, which begins in July, is Zamboanga del Norte, with a poverty incidence of 37.7 percent. Also included are Basilan, Cotabato City, Tawi-Tawi, Maguindanao del Sur, Maguindanao, Davao Oriental, Sorsogon, and Maguindanao del Norte,” ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel.
Aniya ang third phase na sisimulan sa Setyembre ay sa Sultan Kudarat, Lanao del Norte, Catanduanes, Agusan del Sur, Sarangani, at Dinagat Islands.
Ang  murang bigas ay mula sa National Food Authority (NFA) na may kasalukuyang inventory na halos 8 milyong  50-kilo bags ng milled rice.
Sinabi ni Tiu Laurel na ang expanded pilot test para sa P20 rice ay magbebenepisyo sa higit  3.3 milyong households o nasa 14 milyong pinoy.
Sa ilalim ng KADIWA ng Pangulo program, tanging ang mga nasa vulnerable sectors lamang tulad ng indigents, senior citizens, persons with disabilities, at solo parents ang maaaring makabili ng P20 per kilo NFA rice.

DATING KONSEHAL NG MAYNILA ARESTADO NG NBI

Posted on: May 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ARESTADO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang indibidwal na dating konsehal ng Maynila na may outstanding warrant of arrest for Kidnapping for ransom.
Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang inaresto na si Roderick Dayanan Valbuena na kabilang sa limang akusado sa kidnapping na inihain sa RTC Branch 61, sa Makati City.
Napag-alaman na nakatanggap ng impormasyon ang NBI na lalapag si Valbuena sa Pilipinas sa NAIA Terminal sa Pasay mula Las Vegas kaya agad nagpakalat ng mga tauhan mula sa NBI-International Airport Investigation Division (IAID) .
Siya ay dinala sa NBI-National Capital Region para sa dokumentasyon at agad ding siyang itinurn-over sa kostudiya ng NBI detention facility sa Muntinlupa City .
Si Valbuena ay matagal nang wanted dahil sa kinakaharap na kaso.
(Gene Adsuara)

14,000 MOTORCYCLE TAXI RIDERS, NAGBANTA NG MASS LAYOFF KUNG HINDI TUTUGUNAN NG PAMAHALAAN ANG APELA NG MOVE-IT

Posted on: May 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGBANTA ng mass layoff ang mahigit sa 14,000 motorcycle taxi riders na posibleng magdulot ng abala sa libo-libong pasahero.
Ito ay kung hindi tutugunan ng pamahalaan ang apela ng Move-It laban sa inilabas na kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Batay kasi sa April 2025 order, pinababawasan ang bilang ng mga rider ng Move-It at pinatitigil ang kanilang operasyon sa Cebu at Cagayan de Oro.
Sa supplemental motion na inihain ng Move-It, kanilang hinihiling sa motorcycle taxi technical working group na itigil muna ang pagpapatupad ng naturang kautusan.
Ayon sa Move-It, walang due process ang order dahil ibinase lang umano ito sa isinagawang hearing kung saan kulang ang myembro ng technical working group at wala ring kinatawan ng kumpanya o ng mga rider
Maging ang kanilang pagsunod sa alokasyon ng rider o ang guidelines ng implementation program para sa motorcycle taxis ay binalewala sa desisyon.
Giit ng Move-It, ang pagpapatupad ng nasabing order ay magreresulta sa pagkawala ng hanapbuhay ng halos 7,000 rider sa Metro Manila, 3,000 sa Cebu, at 3,000 sa Cagayan de Oro at ang epekto sa mga pasaherong umaasa sa Move-It bilang abot-kaya, ligtas, at mabilis na opsyon sa transportasyon.
Dagdag ng kumpanya, kung patatagalin pa ang pagresolba sa kanilang apela, hindi lang mga rider ang mawawalan ng kabuhayan kundi tiyak ding mahihirapan ang publiko, lalo na’t may nakaambang rehabilitasyon sa edsa sa susunod na buwan. (PAUL JOHN REYES)

Walang dapat na papel si PBBM sa bicam

Posted on: May 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IGINIIT nina House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro at ACT Teachers Partylist Rep. elect Antonio Tinio na walang dapat na papel si Presidente Bongbong Marcos sa bicameral conference committee (Bicam) para sa national budget.

Ayon kay Castro, ang bicameral conference committee ay tungkulin ng lehislatura at hindi dapat pinakikialaman o dinadaluhan ng Pangulo.

“Ang presensiya ni Marcos o ng sinumang kinatawan ng ehekutibo sa Bicam ay naglalagay ng hindi kinakailangang pressure at banta
sa kalayaan ng mga mambabatas na magpasya batay sa interes ng mamamayan, hindi ng Palasyo,” ani Castro.

Sinabi naman ni Tinio na ang bicameral conference committee ay hindi isang secret club para sa Pangulo at kanyang kaalyado para pagdesisyunan kung papaano gagastusin ang pera ng taumbayan.

“Walang lugar ang Pangulo sa bicam. Dapat ay lantad at bukas sa publiko ang lahat ng pag-uusap. Panahon nang wakasan ang mga closed-door negotiations na nagtatago ng tunay na dahilan ng mga budget cut at dagdag sa
sa pork barrel,” dagdag ni Tinio.

Muling nanawagan si Castro na magkaroon ng full transparency at public scrutiny ang susunod na Bicam.