• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 3:19 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 23rd, 2025

Ayala Malls Cinemas presents exciting activities and treats for Lilo & Stitch with the Ohana Fun Station!

Posted on: May 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HE perfect family movie experience awaits in Ayala Malls Cinemas as they bring the Ohana spirit in theaters with Lilo & Stitch. There’s more to enjoy when watching in Ayala Malls Cinemas, as parents can take their kids for a fun-filled day of activities with Lilo & Stitch, now showing in theaters.
Moviegoers who purchase two tickets to Lilo & Stitch at participating branches will be eligible to participate in the Ohana Fun Station activities, which includes arts and crafts and Lilo & Stitch themed activity sheets. Patrons can also take photobooth pictures as souvenirs. The Ohana Fun Station is available to participating Ayala Malls Cinemas from May 24 to 25.
Watch the trailer: https://youtu.be/Su7UMqmEQV0
Lilo & Stitch is the live-action reimagining of the beloved animated movie of the same name. A lonely Hawaiian girl, Lilo (Maia Kealoha), crosses paths with Experiment 626, an alien on the run. Naming him Stitch, Lilo takes her unlikely companion out for a life on the island, while being pursued by aliens and visited by social workers.
Set off on an island adventure with Lilo & Stitch and Ayala Malls Cinemas, home to family fun and memorable movie-watching experiences. Get to see the film with your loved ones in different, fully immersive, ways with Ayala Malls Specialty Cinemas, which includes A-Giant, 4DX, ATMOS, and A-Luxe cinemas. Patrons are in for a viewing experience like no other as crystal clear screens are paired with luxurious seating and state-of-the-art sound systems. Delicious snacks and drinks are also available at The Movie Snackbar, for moviegoers craving for a treat with their film. Reserve your tickets at www.sureseats.com
Keep updated with Lilo & Stitch and all the latest cinema experiences from Ayala Malls Cinemas, the destination for family movies, by following the official Ayala Malls Cinemas FB and IG pages.
About Lilo and Stitch:
A live-action reimagining of Disney’s 2002 animated classic, “Lilo & Stitch” is the wildly funny and touching story of a lonely Hawaiian girl and the fugitive alien who helps to mend her broken family. Directed by Dean Fleischer Camp, the Oscar®-nominated filmmaker behind the animated feature film “Marcel the Shell with Shoes On,” the film stars Sydney Elizebeth Agudong, Billy Magnussen, Tia Carrere, Hannah Waddingham, Chris Sanders, with Courtney B. Vance, and Zach Galifianakis, introducing Maia Kealoha. “Lilo & Stitch” is produced by Jonathan Eirich, p.g.a. and Dan Lin, with Louie Provost, Tom Peitzman and Ryan Halprin serving as executive producers.

(ROHN ROMULO)

Ginawa ang tribute film na ‘Faney’ para ihandog sa mga Noranian: RS, napahanga agad ni NORA sa una pa lang na pagkikita

Posted on: May 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA pagsi-celebrate ng 72nd birthday nang namayapang Superstar at National Artist na si Nora Aunor last May 21, nag-premiere ang Faney (The Fan), na tribute film para kay Ate Guy, ginanap ito sa Gateway Cinema 11.
Ang Faney ay kuwento ng isang loyal fan ni Nora, na ginagampanan ng kinikilalang director-actress na si Laurice Guillen bilang Milagros/Lola Bona.
Sa araw ng pagkamatay ni Ate Guy, labis na nasaktan si  Milagros sa naturang balita.  Binubuksan nito ang kahon ng mga emosyon at alaala para sa kanyang idolo — isang mapait na halo ng ilang bagay na mas gusto niyang kalimutan.
Pinagbawalan siya ng anak na si Babette (Gina Alajar) na pumunta sa public viewing dahil kaka-angioplasty lang ni Milagros at nangangailangan ng mas mahabang panahon para maka-recover.
Plano niyang lumabas at kumbinsihin ang kanyang apo na si Beatrice (Althea Ablan) na sumama sa kanya.   Alam ni Milagros na may sama pa rin si Babette kay Nora dahil noong bata pa siya, palagi itong iniiwan sa kapitbahay, at nawala pa siya sa isang fan meet.
Si Beatrice ay isa ring malaking KPop at PPop fan at siya mismo ay naghahanda na rin para sa isang fan meet.  Nagpapaliwanag si Milagros at sinubukang manalo kay Beatrice habang inaalala ang Noramania na naranasan niya noon sa huli.
Ang mga sandali at pagpapalitan ng mga kuwento sa pagitan nina Milagros at Beatrice ay nagpapatibay ng agwat at pagkakatulad sa pagitan ng mga tagahanga ng iba’t ibang henerasyon.
Sa wakas ay pumayag si Beatrice na ihatid ang kanyang Lola sa wake ngunit pagdating nila, ay inabutan na sila ng cut-off ng public viewing.  Nadurog ang puso, nangako si Beatrice na dadalhin ang kanyang lola sa libingan ni Nora.
Kasama rin sa cast sina Bembol Roco, Perla Bautista, Angeli Bayani at Roderick Paulate. May natatangi ring pagganap si Ian de Leon. Mula ito sa panulat at direksyon ni Adolf Alix Jr.
Ang Frontrow Entertainment, na pagmamay-ari nina RS Francisco at Sam Verzosa, ang isa sa producers ng FaneyKasama ang Intele Builders, Mobile Wolf at AQ Films.
Nakausap namin si RS bago magsimula ang screening, at inamin na sobra siyang happy sa cast ng Faney na pawang first choice sa kani-kanilang role na kinabibilangan nga nina Laurice, Gina, Perla, Angeli, Bembol at Roderick.
Alam mo ang sabi ko talaga kay direk Adolf, ‘kaya mo ba talaga ang casting? Hindi ko kinu-question yung timeline, kasi we made it, a week in a half, in less than ten days.
Tumango lang siya, confident din kasi siya.  Alam mo, the next day, okey na si Laurice, after ilang minutes okey na si Gina.  Tapos, okay na si ganito, at okay na yun iba pa, kaya sabi ko go na tayo.
Tapos yun para sa younger generation, siya na ang pumili. Sabi niya, may nakatrabaho na magaling na artista, bagay na batang fan, si Althea Ablan.
Kaya sabi ko, go, I trust you.  So, I gave him 99%.”
Nagkuwento naman si RS sa kanyang first encounter kay Ate Guy noong decade ’90.
“Si Ate nakilala ko noong 90s, inutusan kasi ako ng production na sunduin siya sa bahay niya sa La Vista.
“Nanghiram ako ng kotse para sunduin ang isang Superstar. Isang karag-karag na kotse. Paglabas niya ng bahay sa La Vista, hindi siya nagtanong kung sino ako. Anong credentials ko.
“Ang sinabi lang niya, ‘Ikaw po ba ang susundo sa akin?’ Hindi niya tinanong kung maganda ang kotse ko, sumakay lang siya. 
“At habang lumalabas kami ng La Vista, umilaw yung gas, empty na. Sabi ko, magpa-gas muna kami sa gasoline station, tabi ng simbahan.”
Nasaksihan ni RS ang pagiging matulungin ni Ate Guy.
“Nagpa-gas ako. E, yung kotse, walang tint,” lahad ni RS.
“Merong mga bata nagbebenta ng sampaguita. Sumilip, sumigaw, ‘Si Nora Aunor!’ Wala pang two minutes, kinukuyog na yung karag-karag na kotse.
“Ang initial reaction ko po, paandarin, bayaran, umalis dahil nagkakagulo yung mga bata.
“Pero ang sabi sa akin ni Nora, ‘Kuya…’ Hindi niya kasi ako kilala. ‘Kuya, huwag ka munang aalis, ha?
“Bumaba siya ng kotse. Pinapila niya lahat ng mga bata, at dumukot siya ng wallet niya. At gamit yung pera niya, binigay niya lahat ng pera niya. Beinte, singkuwenta, isang daan…
“At ako po mismo ang nakakita kung gaano ka-selfless ang isang Superstar. Hindi niya tinigil ang pagbigay ng pera hangga’t di naubos yung laman ng pitaka niya.”
Ayon pa kay RS. “At mula nun, dun ko na-realize kung bakit ang dami sa buong mundo na nagmamahal sa kanya.
Ibinahagi rin niya na noong 2019, bago mag-pandemic, plano raw nilang kuhanin sana sina Nora at Vilma Santos para sa isang campaign ng Frontrow.
“Kausap na po namin sila parehas, nagkaroon lang ng pandemic. Sayang… So sana, kahit dito, makabawi man lang kami para sa ating Superstar,  say pa niya. 
Dagdag pa ni RS, isa lang po itong maliit na handog.  A humble offering namin hindi para kay Ate Guy, kundi para daan-daang libo if not million all over the world or the universe rather. Dahil marami talagang Noranians na naghihintay na mapanood ang Faney.
“In fact, marami ng nagmi-message sa akin, kung kailan ang screening after ng premiere night na ito (May 21).  Pero hindi ko pa masagot, dahil parang wala pang plano.  Depende rin sa reception at kung nagustuhan ng mga unang nakapanood.”
Ayon pa kay RS, ginawa nila ang Faney para sa lahat ng nagmamahal sa National Artist at Superstsr sa buong mundo, na dapat talaga bilang mapanood. Dahil sigurado kaming maaaliw at makaka-relate sila.

 

Pahayag pa ni RS, “Ito ang legacy project natin kasama rin si SV sa movie na ‘to.”

(ROHN ROMULO)

Kinompos ni Atty. Topacio ang ‘Oh Love’: JESY VIDAL, napiling kumanta ng themesong ng ‘Spring in Prague’ 

Posted on: May 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
VERY lucky o fortunate ang pretty newcomer na si Jesy Vidal.
And she’s in good hands dahil ang Borracho Productions ng Icon lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio at mga kasosyo ang namamahala ng kanyang career.
Knowing my good friend Atty. Topacio, talagang alaga nito ang kanilang mga talent. Infairness just like the late Motther Lily Monteverde and Boss Vic del Rosario ay may “eye” rin si Attorney dahil maganda, sexy at talented itong si Jesy.
Kaya bukod sa nilulutong movie project for Jesy, ay siya ang napili ni Atty. Ferdie para kumanta ng themesong ng international romantic comedy movie na “Spring in Prague” na launching movie ng Czech Actress na si Sara Sandeva with Paolo Gumabao as her leading man.
“Oh Love” ang title ng themesong na kinompos mismo ni Atty. Topacio.
Bukod sa pag-aartista, pagkanta at modelling ay masipag rin mag-aral si Jesy sa course na Bachelor of Science in Enterpreneurship.
Yes, businessminded itong alaga ni Attorney na active rin sa social media, na marami ng followers.
May Red Carpet and Press Preview pala ang “Spring in Prague”, this May 28, Wednesday sa Uptown Mall Cinema in BGC. The event will start at 5 p.m.
(Peter S. Ledesma)

Video greeting ng boyfriend kinakiligan ng fans: RAYVER, proud at forever number 1 fan ni JULIE ANNE

Posted on: May 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAG-TURN 31 last May 17 si Julie Anne San Jose at kinilig ang JulieVer fans sa video greeting ng boyfriend na si Rayver Cruz.

“I will always be your forever number 1 fan, super proud ako sa ‘yo my love sa lahat lahat at lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita hinding hindi akong mag sasawang sabihin sayo ‘yan everyday,” sey ni Rayver.
Muling magsasama sina Rayver at Julie dahil sa pagbabalik ng ‘The Clash.
Nag-pictorial na ang JulieVer para sa ika-7th season ng reality singing competition ng GMA-7 kasama ang Clash judges na sina Comedy Concert Queen Ai-Ai delas Alas, Asia’s Nightingale Lani Misalucha, at Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista.
This season ay may aabangan na matinding pasabog ang mga contestants.
Sey ni Julie: “First time in the history of The Clash na mangyayari ito.
Dagdag ni Rayver: “Kasi sa The Clash nangyayari ‘yung lagi kang gulat na parang, ‘Ah, nangyari ‘yon?’ Ang galing ng writer ng The Clash talaga.
Nitong mga nakalipas na buwan ay nagkaroon ng kanya-kanyang projects sina Julie at Rayver.
Napapanood si Julie sa murder-mystery series ng GMA at Viu na ‘Slay’. Si Rayver naman ay huling napanood sa pelikulang ‘Sinagtala’. Kaya sabik ang dalawa na muling magsama sa ‘The Clash’. 
***
HINDI pa raw handang pumasok sa panibagong relasyon si Jak Roberto.
Ito ang naging desisyon ng Kapuso hunk dahil tutok daw muna siya sa ibang bagay sa buhay niya tulad nang pagtatapos ng kanyang bahay, pag-asikaso sa kanyang negosyo at pagbalik sa kanyang workout sa gym.
“Wala muna siguro. Relax relax muna, gusto ko pang mag-discover ng iba’t iba pang business.
“Back on track na tayo sa pagwo-workout ulit, medyo napu-frustrate ako lately, siyempre maraming pinagdaanan, stress eating, etc. Ngayon, game mode na ulit,” pahayag ni Jak sa kanyang interview sa ’24 Oras’.
Naging pambungad nga noong January 2025 ang paghihiwalay nila ni Barbie Forteza after ng kanilang seven years na relationship. Pareho na raw sila ni Barbie na may kanya-kanya nang pinagkakaabalahan.
Hands-on si Jak sa pag-asikaso ng kanyang business na JC Essentials na sinumulan niya noong 2023 pa.
Handa na ulit na mag-taping ng teleserye si Jak para sa upcoming Kapuso series na ‘My Father’s Wife’ kunsaan co-stars niya sina Gabby Concepcion, Snooky Serna, Kazel Kinouchi and Kylie Padilla.
Huling ginawang teleserye ni Jak ay ang ‘The Missing Husband’ noong 2023. Last year ay nagkaroon siya ng mahabaang guest role sa ‘Black Rider.
***
FOR the first time ay isang may dugong Pinoy ang nanalo sa prestigious Eurovision Song Festival in Switzerland.
Tinanghal na champion ang classically trained Filipino-Austrian queer singer na si Johannes Pietsch sa 69th Eurovision Song Contest with the song “Wasted Love,” a song that combines operatic, multi-octave vocals with a techno twist.
“This is beyond my wildest dreams. It’s crazy,” sey ni JJ na tinalo ang mahigpit niyang kalaban na singer from Israel.
Ang mensahe ng kanyang song ay “love is the strongest force on planet Earth, and love persevered. Acceptance and equality for everyone. Let’s spread love.”
Austrian ang father ni JJ at Filipino ang kanyang mother. Lumaki siya sa Dubai and he speaks German, English, Arabic, French and Tagalog.
Ang Eurovision Music Festival ang pinakamalaking music event sa buong mundo since 1956. Ilan sa mga sumikat na winners ay ang ABBA (1974), Celine Dion (1988), Secret Garden (1995), Olsen Brothers (2000), and Duncan Laurence (2019).
 
(RUEL J. MENDOZA)

Pagsibak sa puwesto kay Ignacio, babala ni PBBM sa mga opisyal ng gobyerno 

Posted on: May 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SINABI ng Malakanyang na isang paraan ng babala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga opisyal ng gobyerno ang ginawang pagsibak sa puwesto kay Arnell Ignacio bilang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Pumasok kasi si Ignacio sa maanomalyang transaksyon gaya ng pagbili ng lupain ng nagkakahalaga ng P14-bilyon na hindi aprubado ng board ng OWWA.
Pinasok ang kasunduan noong Setyembre 2024 subalit taong 2023 pa ay nabilil na ang lupa at lumabas lamang ang deed of sale, absolute sale noong 2024.
Pinalitan si Ignacio dahil sa kawalan ng pagtitiwala ng opisina dahl sa nasabing transaksyon.
Si Atty. Patricia Cuanan ang pumalit kay Ignacio bilang bagong OWWA administrator.
Sa kabilang dako, bukod kay Ignacio ay sinibak din sa puwesto si OWWA deputy administrator Emma Sinclair dahil sa di umano’y maanomalyang land acquisition deal na pinasok ng una.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na sinibak sa puwesto si Sinclair dahil sa ‘loss of trust at confidence’ na may kaugnayan sa P1.4 billion land acquisition deal.
”Maliban po diyan, mayroon pa pong isa na makakasama, ang deputy [administrator] na si Emma Sinclair, pareho po silang tinanggal. Hindi po sila pinagresign,” ang sinabi ni Castro.
Kaya nga, dapat na magsilbi itong babala sa lahat ng public servants na hindi mangingimi ang Pangulo (Ferdinand Marcos Jr., na subakin sila sa puwesto kapag nabigong ganap na gampanan ang kanilang tungkulin sa publiko. ( Daris Jose)

Mayor Jeannie, hinikayat ang Malabueños na isulong ang local food products ng lungsod

Posted on: May 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA pagdiriwang ng ika-426th Founding Anniversary ng Malabon, nanawagan si Mayor Jeannie Sandoval sa mga Malabueño na suportahan ang mga lokal na produkto ng pagkain at yakapin ang diwa ng Bayanihan bilang isang makabuluhang paraan upang parangalan ang mayamang pamana at masiglang kultura ng lungsod.
“Sa ating pagdiriwang ng ika-426 na Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Malabon, ating pong itangkilik ang sariling atin. Ang mga pagkain at mga produktong gawang Malabon ang nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan hindi lang sa ating lungsod, kundi sa buong Pilipinas at sa mundo. Gaya ng Pansit Malabon, na kamakailan lang ay ating itinampok upang hirangin ang ating lungsod bilang isang World Record holder. Sa ating pagpapakita ng ating mga tinatanging mga produkto, ating naipapamalas ang galing ng mga Malabueno at ang kultura at pamana ng bawat komunidad sa ating lungsod. Happy Tambobong Festival, Malabueños,” ani Mayor Jeannie.
“Ito rin po ay ating pagkakataon upang patuloy na magkaisa, magkapit-bisig upang ipadama sa ating kapwa ang malasakit, pagkalinga, at bayanihan, na siyang magdadala sa atin sa isang mas maunlad, mas inklusibo, mas magandang komunidad na may mayabong na kultura at ekonomiya,” dagdag niya.
Kilala ang Malabon bilang “City of Flavors and Heritage,” na patuloy na ipinagmamalaki ang makasaysayang kahalagahan at natatanging lokal na pagkakakilanlan.
Sa kasaysayan, ang Malabon ay umunlad sa pamamagitan ng pangingisda at industriyang pang-agrikultura nito na matagal nang ipinagdiriwang para sa heritage homes, makulay na cultural traditions, at kilalang lutuin.
Noong Marso 2025, itinampok ang Pancit Malabon sa matagumpay na pagtatangka ng Guinness World Record ng lungsod para sa longest line of bowls of noodles.
Inilunsad din ng pamahalaang lungsod noong 2023 ang One Barangay, One Product event kung saan ang bawat barangay sa lungsod ay nagpakita ng pinakamahusay na mga produktong pagkain at non-food products na kinikilala ng mga residente para isulong ang iba’t ibang produkto mula sa mga komunidad nito.
“Sa pamumuno ng ating butihin Mayor Jeannie Sandoval, ang pagpapatuloy po ng ating nasimulan bilang isang bayan, isang komunidad, sa ating layuning pag-unlad ay sigurado,” pagbabahagi ni City Administrator Dr. Alexander Rosete.
“Ngayong ating ipinagdiriwang ang ating anibersaryo, ating tandaan at isapuso kung ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging isang Malabueno— ang pagiging matatag, mapagkumbaba, may malasakit at may pagkakaisa tungo sa isang progresibong lungsod,” dagdag niya. (Richard Mesa)

Kelot, kalaboso sa di lisensiyadong bakal sa Navotas

Posted on: May 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ARESTADO ang 34-anyos na lalaki na nag-iingat ng hindi lisensyadong baril nang salakayin ng pulisya ang kanyang bahay sa bisa ng isang search warrant sa Navotas City.
          Sa ulat, nakatanggap ang mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ng impormasyon na nag-iingat umano ng hindi lisensiyadong baril ang suspek na si alyas “King” kaya isinailalim siya sa validation.
          Nang positibo ang ulat, nag-apply ang pulisya ng search warrant sa korte at nang maglabas ang Navotas City Regional Trial Court (RTC) Branch ng 287 ng search warrant para sa paglabag sa R.A 10591, agad bumuo ng team ang mga tauhan ni Col. Cortes.
          Sa pangunguna ng Intelligence Section, katuwang ang Sub-Station 3, at SWAT Team ay agad sinalakay ng mga tauhan ni Col. Cortes ang bahay ng suspek sa Old Fish Port St., Brgy., NBBN saka hinalughog sa bisa ng nasabing search warrant.
          Nasamsam ng pulisya sa loob ng bahay ng suspek ang isang kalibre .357 revolver na may dalawang bala at nang wala siyang naipakita na kaukulang mga dokumento hinggil sa legalidad ng naturang baril ay pinosasan siya ng mga tauhan ni Cortes.
          Kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition ang isinampa ng pulisya laban sa suspek sa Navotas City Prosecutors Office.
Pinapurihan naman ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng Northern Police District (NPD) ang dedikason at professionalism ng operating units.
“This successful operation is a testament to the unwavering commitment of our police force to ensure the safety and security of our communities. Proactive measures like these are vital in maintaining peace and order in the NPD area,” pahayag niya. (Richard Mesa)

Bagong 10k non-teaching posts, magpapagaan sa ‘workloads’ ng mga guro – DBM

Posted on: May 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang 10,000 bagong non-teaching positions sa iba’t ibang lugar sa bansa para pagaanin ang ‘administrative workload’ ng mga public school teachers.
Layon din na pahintulutan ang mga buro na higit na tutukan ang dekalidad na pagtuturo.
Sa isang kalatas, sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na tinupad lamang ng inisyatiba ang campaign promise ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na suportahan ang mga guro at bawasan ang kanilang mga pasanin sa pangangasiwa.
Ang pagbuong ito ay matapos na ipag-utos ni Pangulong Marcos na lumikha ng 16,000 karagdagang teaching posts para sa School Year 2025–2026, bahagi ng nagpapatuloy na pagsisikap ng pamahalaan na palakasin ang sektor ng edukasyon.
Ang mga bagong posisyon ay ika-klasipika bilang Administrative Officer II na may Salary Grade 11 at ide-deploy sa ‘elementary, junior high, at senior high schools sa lahat ng rehiyon sa buong bansa.
“Actually, this is a campaign promise fulfilled by our beloved President. Noong una pa lang po, pinangako na ni Pangulong Bongbong Marcos na bibigyan niya ng kinakailangang suporta ang ating mga guro para padaliin ang kanilang mga trabaho,” ayon kay Pangandaman.
Winika pa nito na nais ni Pangulong Marcos na makapag- concentrate ang mga guro sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon sa halip na buhusan ng mga gawaing klerikal.
“Gusto n’ya na makapag-focus sila sa pagbibigay ng dekalidad na pagtuturo. Kaya nga po dinadagdagan natin ‘yung mga non-teaching personnel para bawasan ‘yung load ng trabaho sa kanila — na malaking tulong para sa kanilang mental health at overall well being,” dagdag na wika nito.
Samantala, inatasan naman ang regional offices ng DBM na magpalabas ng kaakibat na Notice of Organization, Staffing, and Compensation Action directly sa Schools Division Offices ng DepEd base sa deployment report. ( Daris Jose)

Mekaniko, dinampot sa pagdadala ng baril sa Malabon

Posted on: May 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
BINITBIT sa selda ang isang mekaniko patapos inguso sa pulisya na may dalang baril habang pagala-gala sa lansangan sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
          Ayon kay Malanbon police chief P/Col. Jay Baybayan, mahaharap ang suspek na si alyas “Mark”, 41, ng Templora St., Brgy. Santolan sa kasong paglabag sa RA 10591 in Relation to BP 881 (Omnibus Election Code of the Philippines).
          Sa ulat ni Col. Baybayan kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, nakatanggap ang Malabon Police Sub-Station ng impormasyon hinggil sa isang lalaki na may bitbit umanong baril habang pagala-gala sa Rodriguez Street, Brgy. Panghulo.
          Kaagad namang rumesponde sina PSSg Paulino Tarrayo at Pat Jeffrey Mendoza kung saan nakita nila ang suspek na naglalakad sa naturang lugar at may bitbit na baril kaya agad nila itong nilapitan saka inaresto dakong alas-12:40 ng hating gabi.
          Wala rin naipakita ang suspek na kaukulang mga dokumento hinggil sa legalidad ng nakuha sa kanya na isang kalibre .38 revolver na kargado ng isang bala. (Richard Mesa)

Nadine Lustre, naghain ng reklamong paglabag sa Safe Spaces Act sinuportahan ng Gabriela

Posted on: May 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGPAHAYAG  ng suporta ang Gabriela Women’s Party sa aktres na si Nadine Lustre na naghain ng reklamong paglabag sa Safe Spaces Act kasunod ng walang habas at malisyosong pag-atake laban sa kanya sa social media, matapos magpahayag ng kanyang pananaw sa pulitika.
“We commend Ms. Lustre for her courage in standing up against online gender-based violence. Her case highlights the alarming reality that women who speak out on political and social issues are systematically targeted with harassment to silence them,” ani Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas.
Iginiit ng mambabatas na ang pag-atake laban kay Lustre ay nagre-representa sa mas malawak na pattern ng online violence na target ang mga politically active women.
Ang pag-atake sa kababaihan tulad ni Nadine ay hindi isolated case. Ito ay bahagi ng sistemang patriyarkal na gustong patahimikin ang mga kababaihan, lalo na kapag nagpapahayag sila ng kanilang opinyon sa pulitika,” dagdag ni Brosas.
Matatandaang ipinanukala ng Gabriela Women’s Party na taasan ang multa sa sexual harassment at tugunan ang lumalawak na gender-based violence sa digital spaces.
Sinabi nito na hindi na sapat ang Anti-Sexual Harassment Act of 1995 kung saan ipinanukala nito na gawing P20,000 hanggang P250,000 ang multa at pagkakakulong ng mas mahabang panahon.
“Kailangan nating isabay ang ating mga batas sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya. Ang online spaces ay dapat maging ligtas para sa lahat, lalo na sa mga kababaihan,” dagdag nito.
 (Vina de Guzman)