• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 3:55 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 22nd, 2025

Maynila, hindi iniwan ni Yorme Isko Moreno

Posted on: May 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINDI kailanman iniwan ni  Manila Mayor-Elect Francisco ‘Isko-Moreno’ Domagoso ang Maynila kahit noon  tumakbo siya sa pagkapangulo noong 2022.

Sa panayam sa Headstart ng ANC, sumunod lamang siya sa panawagan ng publiko na tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa .

Nais lamang aniyang mapagsilbihan ang lahat at ialay ang kanyang sarili .

“I just wanted to serve everyone and offered myself. Given a chance, Manila is still the capital of the country. If I’m going to be the President at the time, I’m going to serve the people of Manila. But, nakaraan na ‘yun, naka-move on na ako,” saad ng bagong alkalde ng kabisera ng bansa.

Pahayag pa ng bagong mayor, nag-endorso siya ng iba ngunit hindi sila naging masaya kaya naman noong minsan nag-ikot siya sa Tondo at nakita siya ng mga taga Maynila, doon aniya sila nanawagan na magbalik siya .

“Now, kung hindi ko naman pagbibigyan, ano naman ang mukha ang ihaharap ko sa kanila? I endorsed somebody and they’re not happy and they’re looking for somebody, and nung nakita nila ako noon sa kalsada one evening in Antonio Rivera, dun nag viral yung the word bumalik ka na. Then, I started talking to people,” ani Domagoso.

Sa katatapos lamang na 2025 national and local electiOns , natambakan ni Domagoso ang kanyang naging katunggali. (Gene Adsuara)

Ayon sa DOTr, aabutin nang halos bago 2 taon bago matapos ang naturang proyekto… EDSA rehab arangkada na sa Hunyo

Posted on: May 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDA nang umarangkada sa kalagitnaan ng Hunyo ang planong rehabilitasyon sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).

Sa isinagawang inspeksiyon sa EDSA busway stations, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na nagpulong na ang DOTr, Department of Public Works and Highway (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang isapinal ang mga plano para sa EDSA Rebuild Program.

“Nag-meeting kami ng DPWH at MMDA kahapon. At ngayon dahil nga kumplikado itong pagre-rebuild natin ng EDSA, ang target ay middle of June. ‘Yun ang talagang kailangan masimulan na,” ayon kay Dizon.

Una nang sinabi ng DOTr na ang rehabilitasyon ng EDSA ay bahagi ng hosting preparations ng bansa para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na idaraos sa susunod na taon.

Siniguro rin naman nito na sa kabila ng rehabilitasyon ay magpapatuloy pa rin ang operasyon ng EDSA Busway.

Ililipat umano ang busway at gagamit ng isang linya ang mga pribadong sasakyan.

Kabilang sa mga ­unang lugar na maa­apektuhan ng rehab ay mula sa Roxas Blvd. hanggang Guadalupe.

Sa pagtaya ng DOTr, aabutin nang halos dalawang taon bago matapos ang naturang proyekto.

Pinayuhan naman nito ang publiko na humanap muna ng alternatibong ruta dahil asahan na anila ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar. (Daris Jose)