• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 10:51 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 22nd, 2025

Two branches, one tree. Ben Wang is the new Karate Kid bringing two martial arts styles together in “Karate Kid: Legends”

Posted on: May 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

 

 

A worldwide search was on for the actor who will take on the mantle of Karate Kid for Karate Kid: Legends, and producer Karen Rosenfelt felt that Ben Wang was the perfect fit for the role. “It’s always like threading a needle when you’re looking for the center of a film,” she says. “I couldn’t be happier with Ben. He’s exactly what I saw in my mind. I think he’s the Marty McFly of our generation. He’s so talented—he performed most of his own stunts—and I think he’s got an amazing career ahead of him.”

 

Watch the new trailer: https://youtu.be/BtACuGrq2uA

 

Ben Wang plays Li Fong, a young kung-fu fighter who moves from Beijing all the way to New York City. He’s faced with new challenges trying to adjust to the new environment, and attracts trouble from the local martial arts group. With the help of his master, Mr. Han (Jackie Chan), they seek out original Karate Kid Daniel LaRusso (Ralph Macchio) to hone his fighting skills and prepare for an epic martial arts showdown.

Wang was no stranger to the hit martial arts franchise, having been introduced to the 2010 The Karate Kid film starring Jackie Chan and Jaden Smith. . “It takes place in Beijing, and I had just moved back to the U.S. from Beijing when it came out,” says Wang.

 

Drawing parallels from his and Li Fong’s shared backstory also helped in fully embracing his character. “It gets me emotional, this idea of going somewhere completely new and having to start over and finding people who help you along the way. And that’s what these movies are really about, you know? Behind the kung fu and the karate and all that cool stuff, it’s about finding your way, learning to fit in, and finding good teachers,” he says.

 

Wang also has the seal of approval from Ralph Macchio, who’s enjoyed working with the new Karate Kid.  “His work ethic, his preparedness, his not taking anything for granted—he will be this generation’s Karate Kid!” Macchio says. “Yes, I carry that, that’s not going away for me, ever. And I am extremely proud and privileged to have it. He’s in almost every frame of the movie, like I was.” Then he adds, with a laugh, “I didn’t have to speak another language, though, like he does. So he’s already ahead of me right there!”

 

Watch the rise of the new Karate Kid in Karate Kid: Legends, arriving in Philippine cinemas on May 28. Karate Kid: Legends is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #KarateKidMovie @columbiapicph

 

Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”

(ROHN ROMULO)

Hinahamon si Jed na sumali sa ‘Masked Singer’: BILLY, nakapaglaan ng oras kay AMARI habang wala pang taping

Posted on: May 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TURNING five years old na pala sa September 10 ang anak nina Billy Crawford at Coleen Garcia na si Amari.

At tatlong taon na ang lumipas bago nagkaroon ng Season 3 ang ‘Masked Singer Pilipinas’ ng TV5.

 

Kuwento ni Billy, “You know, it feels wonderful, kasi everything is in God’s time para sa akin.

“Kasi I got to spend time with my son nung hindi pa namin ginagawa yung Masked Singer.”

Pagpapatuloy ni Billy, “Nung dumating yung offer ng Masked Singer sa amin, e dun na parang naging malaking blessing ulit e, because I  got to have fun again.

“For Masked Singer it’s actually…it’s not I’m working e, para akong naglalaro, promise! Tapos nagsama pa kami ng tatay kong si Daddy Janno, e wala, talagang magulo na ‘to.

“So it just feels ano, it feels like a joy and such a pleasure to work and especially with Masked Singer, because we get to just have fun on stage.”

Ito ring Season 3 ang pinakaunang edisyon na may live audience.

“Yes,” bulalas ni Billy. because we did the first 2 seasons pandemic, so lahat… yung audience namin, yung Masked audience namin ay through zoom, so ngayon may live audience kami, so we get to interact with the audience.

“Nabubuhayan yung mga Masked Singers especially, and the judge detectives and including myself.”

Nagsimula na ang Season 3 ng Masked Singer Pilipinas nitong Sabado, May 17, at Linggo, May 18, 7:45 pm, sa TV5 at Sari Sari Channel.

Si Billy ang host ng programa at makakasama niya ng all-star at powerhouse na bagong panel of celebrity judge-detectives na susubukang tukuyin at hulaan ang mga mukha sa likod ng maskara at boses: Nadine Lustre, Janno Gibbs, Arthur Nery, at si Ms. Pops Fernandez.

Ano ang pinaka-challenging na parte na maging host ng Masked Singer Pilipinas?

“Pati na rin ang host…ako, hindi rin ako binibigyan ng kung sinu-sino ang nasa likod ng maskara. So the biggest challenge for me also is kailangan kong kilalanin kung sino ang nasa loob ng maskara because siya at siya yung makakausap ko.

“Kaya that I guess is my biggest challenge lang for me, and also kung paano kong ititigil magsalita si Arthur Nery, kasi ang daldal niya po dito sa Masked Singer season 3,” at tumawa si Billy.

“Kaya iyon yung challenging point dito.”

Kumusta katrabaho si Nadine?

“I’ve worked with Nads so many times and she has not changed once. She’s always professional, iyan yung makikita niyo kay Nadine e, she’s always professional.

“She does her own makeup and you know, she’s always on time and talagang she’s… kung yung tinatanong mo how do you prepare? She’s always prepared, iyon si Nadine.”

Best memory with Nadine?

“Kung kilala niyo si Nads kasi, tahimik na tao si Nads e, she’s not so… yung out there, na outspoken, she’s very tahimik, she’s very smart.

“Paminsan-minsan sobrang mahiyain yun, pag may sasabihin siya yung walang nakakarinig, so kailangan mong, ‘Ano yun, Nads?’

“Tapos ayaw na niyang ulitin, hindi na niya uulitin yun kasi nahihiya na siya, ganun siya e.  So that’s how I know Nadine.

“And when she works, ganun talaga siya, pero there are certain memories din na kengkoy din kasi si Nads e, palaban din yun especially sa hulaan, competitive din yung tao.”

Kumusta katrabaho sina Janno, Pops and Arthur?

“I’ve said it numerous times, it’s a gem working with amazing, talented people on a regular taping day, so parang it’s not even work anymore.

“Kumbaga nag-e-enjoy lang ako kasama nila.”

Kung meron kang gustong pasalihin sa Masked Singer, sino yun?

“Siguro ako sa sobrang dami ng beses na na-mention yung pangalan niya, gusto kong sumali sa Masked Singer si Jed Madela, kasi si Jed ang isa sa pinakakilala kong singers na kayang-kayang mag-iba ng boses niya, sa mataas, sa mababa, so yun yung sa tingin ko mahihirapan kilatisin, si Jed Madela.”

(ROMMEL L. GONZALES)

Maaaring masampahan ng kaso dahil sa land deal: ARNELL, tanggap ang pagkasibak sa OWWA at sasagutin ang isyu sa proper forum

Posted on: May 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAAARING masampahan ng kaso ang aktor/host na si Arnell Ignacio na nagsilbing Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator .
Ito at kaugnay ng diumano  P1.4-billion pesos land deal.
Mismong si Malacañang press officer Claire Castro ang nagkumpirma na may ipinadala ng letter of complaint laban sa TV host-actor at public servant sa Office of the President.
Kasalukuyang iniimbestigahan na raw ang umano’y maanomalyang P1.4-billion land acquisition deal ng OWWA na dapat sana’y aprubado raw ng Board of Trustees ng ahensiya bago irerelis.
Kaugnay naman dito ay binanggit pa ng pumalit sa puwesto ni Arnell na si Hans Cacdac na hindi raw nag-resign ang dating komedyante/host kundi tinanggal ito dahil nga sa nabanggit na kontrobersyal land acquisition deal ng OWWA.
Kung matatandaan, nagsilbing OWWA administrator noong 2022 si Arnelli matapos manilbihang deputy administrator last 2018 na italaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa phone interview naman kay Arnell ay sinabi nitong nakatakdang sasagutin niya raw ang lahat ng isyu sa “proper forum.”
Aminado rin siya na ikinagulat niya ang mga akusasyon laban sa kanya, huh!
***
UMIIWAS pa ring magsalita ang aktor tungkol sa pagkakasibak sa kanya bilang OWWA Administrator.
Pinayuhan nga raw siya na umiwas at  hindi na muna magsalita hinggil dito.
Nagbigay lang ng statement si Arnell nung lumabas ang desisyon ni President Bongbong Marcos na papalitan na siya ng Migrant Workers Undersecretary Patricia Caunan.
“Kung ito ang desisyon ng Palasyo, wala akong sama ng loob. Sa lahat ng OFWs at OWWA employees na na­ging parte ng aking panunungkulan, maraming salamat ,” banggit pa ni Arnell
“Naglingkod ako nang buong puso, at mananatili akong tagasuporta ng mga OFW saan man ako dalhin.” Dagdag pa niya.
Halos lahat na mga OFW na nagko-comment sa ilang online news ay hindi naniniwala sa ibinibintang sa kanya.
May ilan ding taga-showbiz na nagpo-post sa kanilang social media account kung gaano nila kakilala ang dating OWWA administrator.
Kami man ay naniniwala na may kinalaman ang pulitika sa nangyaring ito sa aktor.
Samantala katatapos lang ni Arnell ng pelikulang ‘Jackstone 5’Cna in-affiliate pa naman niya sa OWWA.
Wala raw tinanggap na talent fee si Arnell sa pelikulang yun.
“Hindi puwede. Kasi hindi mo maipag­hihiwalay e. Kakaila­ngan nung project ‘yung consultation e,” katwiran pa niya.
Bago mag-eleks­yon ay natapos na nila ang shooting nung pelikulang iyun na tumatalakay sa kuwento ng limang magkakaibigang bading na nag-OFW.
Kaya maiko-connect daw nila sa programang pino-promote ng OWWA.
(JIMI C. ESCALA)

Dinala ang yaya ng anak sa New York: SHARON, bongga ang sorpresang binigay sa pagtatapos ni FRANKIE

Posted on: May 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ANG bongga naman ng sorpresa ng mag-asawang sina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan sa kanilang anak na si Frankie Pangilinan na nagtapos sa pag-aaral sa New York City. 

Sa Instagram post ni Mega, makikita ang mga photos na kuha mula sa graduation ni Kakie kasama ang buong pamilya. 

Dahil hindi lang sina Sharon ang pumunta sa NYC para masaksihan ang pag-martsa ng ang anak, sinama kasi nila ang Yaya Irish ni Frankie.

“Our surprise for Frankie on her grad was her Yaya Irish!” caption ni Mega. 

“We brought her with us because she has taken care of Kakie for years now and they are so close.”

Makikita ang photo ang mainit na yakapan nina Frankie at Yaya Irish. 

Umani naman ito ng bonggang komento mula sa netizens ang nakaka-touch na post ni Sharon.

***

8th The EDDYS awards night ng SPEEd kasado na sa Hulyo, 2025
ASAHANG mas magiging exciting at maningning ang idaraos na 8th The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ngayong taon.
Ang espesyal na pagtatanghal ng ikawalong edisyon ng The EDDYS mula sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), ay gaganapin sa Hulyo,  2025.
Ang annual event na ito, na mula sa samahan ng mga entertainment editor sa Pilipinas, ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula, artista at iba pang personalidad na itinuturing na pinakamagagaling sa Philippine Cinema.
Mamimigay ng 14 acting at technical awards ang SPEEd para sa 8th The EDDYS na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2024.
Bukod sa pagkilala sa mga natatanging pelikula nitong nagdaang taon, magiging highlight din ng pinakaaabangang awards night ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons na itinuturing nang mga haligi ng movie industry.
Sila ang mga artista, direktor at iba pang personalidad na hindi matatawaran ang kontribusyon, dedikasyon at pagmamahal sa industriya ng pelikulang Pilipino sa loob ng mahabang panahon.
Ang ilan pa sa mga special award na ipamamahagi ay ang Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan), at ang Joe Quirino Award at Manny Pichel Award (para sa mga natatanging miyembro ng entertainment media).
Bukod dito, kikilalanin din sa gabi ng parangal ang Rising Producer of the Year at Producer of the Year.
Muli ring pararangalan ng SPEEd ang mga naging bahagi at lumaban para sa patuloy na pagbangon ng Philippine movie industry sa ikalawang taon nito – ang The EDDYS Box Office Heroes.
Dito, bibigyang-pugay nga ang mga pangunahing artista na bumida sa highest-grossing films sa bansa na naging daan upang muling sumugod sa sinehan ang mga manonood at manumbalik ang sigla ng pelikulang Pilipino.
Abangan ang iba pang mga detalye tungkol sa inaabangan nang 8th The EDDYS mula sa SPEEd ngayong darating na Hulyo.
Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals sa Pilipinas.
(ROHN ROMULO)

Ads May 22, 2025

Posted on: May 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Law enforcers, tutugisin ang mga small-scale drug dealers- PBBM

Posted on: May 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tugisin ng mga nagpapatupad ng batas ang mga small-scale drug dealers habang mahigpit na pinagtitibay ang due process sa anti-drug operations nito.
Sinabi ng Pangulo na magsasagawa ang kanyang administrasyon ng anti-drug campaign nang hindi gumagamit ng pagpatay o hindi pumapatay.
“So ngayon, in the same vein, part of the lesson of this election, let’s go back to ‘yung sa grassroots level. Kung inaalala ng tao, sinasabi, nagbabalikan (ang drugs) dito, sige, tuloy natin ‘yung malalaking drug bust,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“Tuloy natin… ikukulong natin ‘yung mga sangkot diyan sa drugs. Pero tingnan na muna natin ‘yung mas small offender,” dagdag na wika nito.
Sa katunayan, kinausap na ni Pangulong Marcos si Interior Secretary Jonvic Remulla at sinabihan ito na hindi magandang makita ang mga lugar na nakararanas ng paglaganap ng ilegal na droga.
Binanggit din ng Pangulo ang pangangailangan na dagdagan ang police visibility sa mga lugar na talamak ang ipinagbabawal na gamot.
“Sinabihan ko na nga ang DILG, nakausap ko si Sec. Jonvic. Sabi ko, tama rin naman, kasi hindi magandang tingnan ‘yung lugar mo maraming nagbebenta, maraming – maraming mga high na kung ano-ano ginagawa,” ayon kay Pangulong Marcos.
“That’s why ‘yung aming na – bagong ano is ‘Cops On The Beat,’ na may tao doon. Kasi kung may tao doon, walang ginawa ‘yan, araw-araw umiikot nang umiikot, alam niya lahat ‘yan,” dagdag na wika nito.
Tiniyak naman ng Pangulo na habang ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ay nakatutok sa mga s’mall drug dealers’ magsasagawa pa rin ng ‘due process.’
“Kasi talaga, iniwasan ko, ‘yung basta may suspect siya o may hinala o may sumbong, basta kung huli, papatayin na lang, di ba? Ah, wala. ‘Yun, doon kami lumayo,” ani Pangulong Marcos.
Sa kabilang dako, magpapatuloy naman ang operasyon laban sa mga ‘big time syndicates.’
“Hindi naman namin ititigil ‘yung mga operation,” ang pagtiyak ng Pangulo. (Daris Jose)

NHA, naggawad ng deed of absolute sale sa pagdiriwang ng 37th anibersaryo ng ombudsman

Posted on: May 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KASABAY ng pagdiriwang ng ika-37 na anibersaryo ng Office of the Ombudsman ay nagsagawa ang National Housing Authority (NHA) ng isang ceremonial signing ng Deed of Absolute Sale at issuance of Transfer Certificate of Title nitong Biyernes, Mayo 16, 2025.

Ang nasabing aktibidad ay ang pormal na pagtransfer ng 5,772 square meter lot na matatagpuan sa North Triangle, Diliman, Quezon City mula sa NHA patungo sa Office of the Ombudsman. Ang lote ay nagsisilbing annex ng Office of the Ombudsman Main Building na nagsisilbing extension ng frontline services ng huli.

Sinimulan ni NHA General Manager Joeben A. Tai ang kanyang mensahe sa isang pagbati para sa pagdiriwang ng anniversary ng Ombudsman. Binigyang-pugay niya rin ang kahanga-hanga at hindi matatawarang serbisyo nito para sa publiko.

“At NHA, we are grateful and honored to be part of the expansion of your office here in Quezon City. It is our sincere hope that this advancement will significantly contribute to the improved working condition, overall well-being, and welfare of dedicated civil servants of your institution. Kami ay tunay na nagpapasalamat na maging bahagi ng expansion ninyo ng inyong tanggapan dito sa Quezon City. Taos-puso kaming umaasa na ang inisyatibang ito ay makatutulong nang malaki sa pagpapabuti ng kalagayan sa pagtatrabaho, pangkalahatang kagalingan, at kapakanan ng mga dedikadong civil servants ng inyong institusyon,” pagbabahagi rin ni GM Tai.

Kasama niya sa panig ng Ahensya si NHA NCR-East Sector at Quezon City District Office (QCDO) Officer-in-Charge Ar. Monn Alexander Ong.

Para naman kay Ombudsman Atty. Samuel R. Martires, ang property transfer na ito ay isang “milestone” na maaaring makapag-ambag sa pangmatagalang pangako ng ahensya na itaguyod ang transparency at accountability para sa kapakanan ng bawat Pilipino.

Nakasama naman ni Atty. Martires para sa Office of the Ombudsman sina Deputy Ombudsman Jose M. Balmeo Jr., Assistant Ombudsmen Caesar D. Asuncion, Asryman T. Rafanan, Janet Leah M. Ramos, Finance and Management Information Office (FMIO) Officer-in-Charge Adorie T. Cornito, at Central Administrative Service (CAS) Director Violeta L. Agustin. (PAUL JOHN REYES)

Harry Roque, hindi maaaring aestuhin ng interpol

Posted on: May 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINDI  maaaring arestuhin ng interpol si dating Presidential spokesperson Atty.Harry Roque na nanatili ngayon sa The Netherlands , ayon sa Department of Justice (DOJ).

Si Roque ay lumipad sa naturang bansa matapos siyang maisyuhan ng warrant of arrest ng Angeles, Pampanga Regional Trial Court, branch 118 para sa kasong qualified human trafficking, dahil sa operasyon ng POGO o scam hub sa Porac, Pampanga.

Paliwanag ni DoJ Chief State Counsel, Dennis Arvin Chan, hindi maaaring arestuhin duon si Atty.Roque habang may nakabinbin itong Petition for Asylum o hanggang hindi pa iyon naresolba.

Kung patuloy naman na magtatago si Roque, sinabi ni Justice Assistant Secretary Mico Clavano na ilalagay muna ng hukuman sa archive ang warrant pero buhay pa rin ang kaso

At kung hindi magsusumite ng counter affidavit si Roque sa Pilipinas ay iri-resolve ng mga prosecutors ang kaso at ibabatay ito sa nakahaing reklamo. (Gene Adsuara)

Malabon exec, ibinahagi ang pagpapatupad ng LGU ng Ahon Blue Card program sa Paris summit

Posted on: May 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KINATAWAN ni Malabon City Administrator Dr. Alexander Rosete ang lungsod bilang paper presenter sa European Education and Leadership Summit na ginanap sa The Thames International University sa Paris, France, noong Mayo 19, kung saan ibinahagi niya ang epektibong pagpapatupad ng Malabon Ahon Blue Card (MABC) program kung paano binago ng lokal na pamahalaan ang paghahatid ng mga serbisyong panlipunan sa mga Malabueño.

Ang MABC, isa sa mga pangunahing inisyatiba ni Mayor Jeannie Sandoval na inilunsad noong Disyembre 2022, ay isang digital social welfare program na idinisenyo upang magbigay ng mahusay, napapanahon, at maginhawang access sa tulong at mahahalagang serbisyo para sa mga residente ng Malabon.

Sa kanyang presentasyon, na pinamagatang “From Policy to Progress: The Case of the Blue Card Supplemental Aid Program in Malabon City, Philippines,” ipinaliwanag ni Dr. Rosete na ang MABC ay binuo bilang bahagi ng mas malawak na pananaw ng pamahalaang lungsod upang i-streamline ang mga serbisyo at suporta sa komunidad at pagsugpo sa kahirapan—na ginagawang mas simple, mas mabilis, sentralisado, at nakatuon sa mga residente.

“We started small—with a policy that aimed to organize and centralize our social assistance programs. But what began as a simple reform quickly evolved into a citywide digital transformation platform. Today, more than 91,000 families—that’s almost the entire population of Malabon—are registered in the Blue Card system,” ani  Dr. Rosete.

Sa pamamagitan ng MABC, ang mga benepisyaryo ay nagkaroon ng access sa iba’t ibang tulong panlipunan, kabilang ang tulong pinansyal at mga grocery package. Sa taong ito, nakumpleto na ng lungsod ang 12 tranches ng pamamahagi ng tulong.

Sakop din ng programa ang Burial and Hospitalization Assistance na nagbibigay ng tig-P5,000 tulong sa mga pamilyang nangangailangan, Eskwela Savings Program para sa mga mag-aaral sa Grade 1 na makaipon ng pera para sa kanilang kinabukasan; at ang MABC Para sa Mga Kababaihan na sumusuporta sa mga solong ina sa pag-aalaga sa kanilang mga anak at pag-access sa mga oportunidad sa kabuhayan.

Ang pamahalaang lungsod ay nakipagtulungan din sa mga pribadong kumpanya at kooperatiba upang matiyak na ang mga residente ay makakakuha ng access sa mga serbisyo ng gobyerno at mga oportunidad sa ekonomiya.

omic opportunities.

“For many of our residents, the Blue Card is more than just a means to receive assistance. It is a symbol of belonging—a way to access services without having to plead, line up for hours, or explain their situation over and over again,” dagdag niya.

Sa panahon ng Summit, ginawaran rin si Dr. Rosete ng European Excellence Award bilang pagkilala sa kanyang hindi natitinag na dedikasyon, malawak na karanasan, kahanga-hangang mga nagawa, at napakahalagang kontribusyon sa pagpapabuti ng bansa at lipunan.

Ginawaran din siya ng kanyang Doctor of Philosophy Degree (Honoris Causa) sa specialized area of Public Administration and Leadership para sa kanyang makabuluhang kontribusyon sa serbisyo publiko at pamumuno na nakatulong sa pag-unlad ng mga lungsod sa Pilipinas. (Richard Mesa)

NAVORUN 2025, inilunsad sa Navotas

Posted on: May 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL na inilunsad ng Navotas City Tourism Office, sa pakikipagtulungan sa Backpack Runners ang NAVORUN 2025, isang fundraising fun run na nakatakdang maganap sa Agosto 24, 2025.

Layunin ng NAVORUN na i-highlight ang Navotas hindi lamang bilang Commercial Fishing Hub ng Pilipinas, kundi bilang isang umuusbong na destinasyon sa turismo sa palakasan.

Ang event ay nag-aalok sa mga kalahok ng pagkakataong tuklasin ang kakaibang kagandahan ng lungsod, habang sinusuportahan ang isang makabuluhang layunin.

Nagpahayag naman ng buong suporta si Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa inisyatiba.

“NAVORUN is a great way to get active, explore Navotas, and give back to the community. Whether you’re a seasoned runner or just starting out, this event is open to all,” pahayag niya.

Nag-aalok ang NAVORUN ng dalawang kategorya ng karera: 16km para sa Php 1,200 at 8km para sa Php 1,000. Lahat ng rehistradong kalahok ay makakatanggap ng race bib, finisher shirt, finisher medal, loot bag, at raffle stub.

Bukas ang pagpaparehistro hanggang Hulyo 18, 2025.

Ang kikitain sa pagtakbo ay pakikinabangan ng Navotas Drum at Bugle Corps, isang grupo ng mga mahuhusay na musikero ng kabataan na kumakatawan sa lungsod sa iba’t ibang mga kaganapan at kompetisyon.

Ang mga interesadong kalahok ay maaaring makipag-ugnayan sa Navotas City Tourism Office sa (8) 283-7415 local 116 o kaya kay Ms. Zuzy Cruz sa 0905-222-8049. Maaari din silang magmessage sa NAVOTURISMO Facebook page para sa mga update at karagdagang impormasyon. (Richard Mesa)