
Ang PMPC Star Awards for Television ang pinakahuling showbiz function na ginanap sa nasabing venue.
Siyempre, isa sa talagang nalungkot ay ang aktres na si Zsa Zsa Padilla.
Sa pagtibag sa Dolphy Theater ay magkahalo raw ang emosyon na nararamdaman ng singer at aktres.
Hindi niya maitatagong na makahulugan sa kanya ang naiwang alaala ng nakilalang Comedy King.
“It’s bittersweet, of course, what’s happening to this place because this was named after Dolphy as a tribute to him after he passed on.
“But ‘yung circumstances talaga hindi natin maa-avoid. Kailangan siyang i-demolish kasama ng lumang building,” banggit pa ni Zsa Zsa.
Wala na rin namang magawa ang lahat ng nagmamahal sa ABS-CBN, kaya mag-move on na lang tayong lahat.
***
HANGGANG ngayon ay marami pa rin ang hindi maka-move on sa pagkatalo ni Bong Revilla bilang isa sa 12 senators.
Maski kami man ay hindi makapaniwala na pang-labing apat lamang si Sen. Bong sa mga naglalaban bilang senador.
In fairness, dito sa amin sa Tondo napakalakas ni Bong. Siya lang yata ang senador na personal na nag-ikot dito sa Tondo nung kasagsagan ng kampanya.
Kaya siyempre nalungkot kami sampu ng aming pamilya sa nangyari.
Isa rin sa ikinalungkot namin dahil hindi rin naging matagumpay ang unang pagsabak ni Luis Manzano sa pulitika.
Tumakbo si Luis bilang bise gobernador ng Batangas ka-tandem ng inang si Gov. Vilma Santos-Recto na walang katalo-talo sa larangan ng pulitika.
Since unang sumabak sa pulitika as mayor ng Lipa at hanggang sa pagiging kongresista ay pinadapa ni Ate Vi lahat ng itinuring na mga pader na politician ng Batangas.
Incumbent governor ng Batangas ang nakatapat ni Luis at talaga namang sobrang gumawa ng paraan kung kaya over a slight margin ay natalo ang isang Luis Manzano.
Pero may ibang plano ang Itaas para sa asawa ni Jessy Mendiola.
Masayang-masaya naman kami dahil sa tinambakan nang husto ng nagbabalik Manila mayor na si Yorme Isko Moreno.
Sobrang saya din namin dahil kahit sa sobrang pamumuwersa ng kalaban at sa hawak nilang kadatungan ay nagwagi at malaki ang kalamangan ni Congressman Ernix Dionisio.
Tunay na hindi matatalo ang lakas ng mga Batang Tondo.
(JIMI C. ESCALA)