• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 4:05 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 21st, 2025

Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel, tinuligsa ang babala ng Duterte Youth na pagbubunyag sa umano’y korupsyon sa gobyerno

Posted on: May 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINULIGSA ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel ang babala ng Duterte Youth na pagbubunyag sa umano’y korupsyon sa gobyerno na tinawag nitong “self-serving.”

Kinuwestiyon din ng mambabatas ang timing ng naturang pahayag.

“Self-serving. Kung may alam pala sila tungkol sa korapsyon, bakit di nila isiniwalat dati pa?” pagtatanong ni Manuel sa isang post nito sa X (dating Twitter).

Ang reaksyon ng mambabatas ay kaugnay sa pahayag ni Duterte Youth Party-list Chairman Ronald Gian Carlo Cardema na nagbabala sa Commission on Elections (COMELEC) na kapag hindi pinayagan ang pag-upo ng kanilang mga representante ay ibubunyag nila ang umano’y “kalokohan” na kinasasangkutan ng mga opisyal ng kongreso at comelec.

“Basta makakapit sila sa puwesto, kaya nilang isantabi ang korapsyon na pumapatay sa kinabukasan ng kabataang Pilipino. Niloloko nila kahit ang mga Duterte supporter sa pekeng mga adbokasiya nila,” ani Manuel

Iginiit pa ni Manuel na inilantad nila ang iskandalo ng confidential funds ni VP Sara, maharlika investment scam ni Marcos, at iba-iba pang anyo ng pork, nang walang hinihinging kapalit, dahil ang loyalty nila ay sa taumbayan hindi sa sinumang politiko.

“Ito ang pagiging tunay na makabayan. Ito dapat ang ipakitaa nating example sa kabataan,” pagtatapos ni Manuel. (Vina de Guzman)

Scrap collector, 1 pa kulong sa sugal at P270K shabu sa Valenzuela

Posted on: May 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa mahigit P270K halaga ng shabu ang nasamsam sa isang drug suspect matapos mahuling nagsusugal ng cara y cruz, kasama ang isang construction worker sa Valenzueloa City, Miyerkules ng madaling araw.

          Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela Police OIC Chief P/Col. Relly Arnedo ang mga naarestong suspek na sina alyas “Jeff”, 40, scrap collector at alyas “Randy”, 42, kapwa ng residente Brgy. Parada.

          Ayon kay Col. Arnedo, nakatanggap ang Paso De Blas Police Sub-Station (SS-1) ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na illegal gambling activity sa F. Santiago St,. Brgy. Parada.

          Agad inatasan ni SS1 Commander P/Capt. Michael Oxina ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni PSSg Fernando Laciste Jr, kasama sina PCpl John Ray Laredo at Pat Randy Oray na puntahan ang lugar kung saan huli sa akto ang mga suspek na abala sa paglalaro ng cara y cruz dakong alas-12:30 ng hating gabi.

          Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong piso coins na gamit bilang ‘pangara’ at P750 bet money habang nakuha naman ni PCpl Laredo kay alyas Jeff ang isang sling bag na naglalaman ng walong plastic sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na nasa 40 grams at nagkakahalaga ng P272,000.

          Ayon kay PCpl Christopher Quiao, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa P.D. 1602 (Anti-Illegal Gambling/Cara y Cruz) habang karagdagan na kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) under Art II of RA 9165 ang kakaharapin pa ni ‘Jeff’. (Richard Mesa)

LTO, QCPD sinalakay ang shop na nagbebenta ng mga imported na right-hand motor vehicles

Posted on: May 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SINALAKAY ng Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng patnubay ng Kalihim ng Department of Transportation (DOTr) Vince B. Dizon, ang isang establisyamento sa Quezon City na umano’y nagbebenta ng segunda-manong mga sasakyang may manibela sa kanan.

Ang operasyon, na sinuportahan ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD), ay nagsimula mula sa pagsubaybay sa social media patungkol sa nasabing transaksyon.

Ayon kay Asec Mendoza, ang paunang pangangalap ng impormasyon ay nagpakita na ang tindahan ay sangkot sa pagbebenta ng mga segunda-manong sasakyang may right-hand drive.

“Batay sa batas, ang mismong presensya ng mga right-hand drive na sasakyan sa bansa ay labag sa batas dahil hindi dapat sila naipapasok dito,” paliwanag ni Asec Mendoza, na binanggit ang Republic Act 8506 bilang batayan.

Batay sa RA 8506, o An Act Banning the Registration and Operation of Vehicles With Right-Hand Steering Wheel in any Private or Public Street, Road or Highway,” nakasaad na: Ipinagbabawal ang pag-import, pagpaparehistro, paggamit, o pagpapatakbo ng anumang sasakyang may manibela sa kanang bahagi sa anumang highway, lansangan, o kalsada, pribado man o pampubliko, at kabilang ang mga kalsadang pinamamahalaan ng gobyerno, lokal man o pambansa.

Ang hepe ng LTO-Intelligence and Investigation Division na si Renante Melitante ay humingi ng tulong mula sa kapulisan at noong Mayo 15, bumisita sila sa Faequip Corporation Yard na matatagpuan sa San Pedro Compound 5, Tandang Sora, Quezon City.

Sa aktwal na inspeksyon, natagpuan ng koponan ang ilang segunda-manong sasakyang may right-hand drive.

Kinumpiska ang mga dokumento ng LTO, kabilang ang mga sertipiko ng pagpaparehistro, para sa mas malalim na pagsisiyasat, kasama ang dalawang trak na may right-hand drive.

Sinabi ni Asec Mendoza na ang dalawang trak ay sasailalim sa inspeksyon upang matukoy kung ang numero ng makina at chassis ay binago.

“Inutusan ko rin ang isang masusing imbestigasyon ukol dito, partikular sa kung paano nai-rehistro ang mga imported na segunda-manong sasakyang may right-hand drive,” ani Asec Mendoza.

“Mayroon na kaming nakalap na paunang impormasyon na ang pagpaparehistro ng mga sasakyang ito ay dumaan sa isang hindi pangkaraniwang proseso at nais naming matukoy ang lahat ng taong sangkot dito,” dagdag pa niya.

“Hindi natin ito palalampasin. Tulad ng sinabi ng ating DOTr Secretary Vince Dizon, hindi papayag ang pamahalaan sa ganitong uri ng maling gawain,” ani Asec Mendoza. (PAUL JOHN REYES)

Lahat ng ayuda sa 4Ps pag-iisahin

Posted on: May 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PANAHON na para pag-isahin ang lahat na “ayuda” program sa ilalim ng kasalukuyang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ayon kay incoming Senator Panfilo Lacson.

Sinabi ni Lacson na ito ay bahagi ng kanyang pagsulong ng good ­governance, kasama ang mas matinding pagbusisi sa pambansang budget, sa kanyang pagbalik sa Senado.

“Ngayon pa lang, nagpapa-draft na ako sa prospective legislative staff ko ng amendment sa batas patungkol sa 4Ps. I-expand na lang yan, ma-cover ang mawalan sa trabaho, ang kulang sa kita. Huwag na ang napakaraming nomenclature kasi nakakalito at hindi saklaw ng batas, wala namang basehan. At ito parang naging political tool na lang ng mga mambabatas para gamitin sa kanilang panga­ngampanya whether panahon ng kampanya o hindi pa, ganoon ang kinalalabasan,” ani Lacson.

“Mas maganda ang 4Ps kasi ito data-driven, ito may batas, at may pinanggagalingan, may listahan na pinag-aralan. May guma-graduate, may papasok, ‘di tulad ng napaka-indiscriminate, ang TUPAD, AKAP, AICS, MAIP, katakut-takot, maraming duplication,” dagdag niya.

Ads May 21, 2025

Posted on: May 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Sa kabila ng plano na ipagbawal ang pag-angkat mula sa Brazil:  ‘Walang isyu sa suplay ng manok’ – DA

Posted on: May 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) na walang isyu sa suplay ng manok sa kabila ng planong ipag-utos ang import ban sa poultry products mula sa Brazil.
Inaasahan naman na ang looming country-wide ban matapos na iulat ng Brazil ang unang kaso ng highly pathogenic avian influenza (HPAI) o bird flu mula sa commercial farm sa Montenegro, Rio Grande do Sul.
Ang Brazil ang itinuturing ng Pilipinas at ng buong mundo na ‘largest chicken exporter.’
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na may ilang bansa ang maaaring magsilbi bilang alternative sources kapag naging epektibo na ang import ban.
“Yes, we will have to ban the whole country from exporting chicken to us. But, of course, hindi lang naman Brazil ang nagsu-supply sa Pilipinas,” ayon kay Tiu Laurel.
“As far as supply is concerned, I really don’t see any issue, baka may brief supply gap lang na baka one or two weeks, because they have to change origins. But in general, I don’t see any issue, because even our local poultry industry medyo maganda ang production,” aniya pa rin.
Gayunman, magkakaroon ng minimal price adjustments sa impending import ban.
“Ang advantage lang ng Brazil, kaya malakas sila, dahil sila ang pinakamura. So, baka mas makabili lang tayo ng, iyong mga importers o processors, na mas mahal na kaunti pero I think the price difference is only a few percentage,” ang sinabi pa rin ng Kalihim.
Nito lamang buwan ng Pebrero, may 44.15 milyong kilogramo ng manok ang inangkat mula sa Brazil, ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI).
Ang ibang bansa na maaaring panggalingan ng poultry imports para sa nasabing buwan ay ang Belgium, Canada, Chile, The Netherlands, Poland, Estados Unidos at United Kingdom.
Pagdating sa produksyon, nakapagtala ang bansa ng 550,499 metric tons (MT) ng local chicken production sa unang bahagi ng 2025, mas mataas kaysa sa 506,277 MT na naitala para sa kaparehong panahon noong 2024, ayon naman sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Samantala, pinanindigan naman ng BAI na ligtas ikonsumo ang mga poultry products sa bansa sa gitna ng mahigpit na mga hakbang laban sa paglaganap ng HPAI.
“The Bureau of Animal Industry assures the public that poultry products, including chicken meat and table eggs, remain safe for human consumption despite the previously reported case of avian influenza in Camarines Sur,” ayon sa hiwalay na kalatas.
Dahil dito, pinaalalahanan ng ahensiya ang publiko na tiyakin na mahroong “meat inspection certificate” sa lokal na pamilihan.
(Daris Jose)

Cabinet performance review, isinasagawa na; balasahan posible- PBBM

Posted on: May 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ISINIWALAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isinasagawa na ng kanyang administrasyon ang ‘performance review’ para sa mga miyembro ng kanyang gabinete.
Nagbadya rin ang Pangulo ng potensiyal na pagbabago base sa resulta ng ebalwasyon.
Sa premiere episode ng kanyang “BBM Podcast”, umere, araw ng Lunes, sinabi ni Pangulong Marcos na ang pagrerebisa at pagsusuri ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na i-assess ang government performance at alisin ang ugat ng kawalan ng kakayahan at korapsyon partikular na’t papasok na ang kanyang administrasyon sa second half nito.
“Maganda naman ang takbo pero performance review,” ayon sa Pangulo.
“All of these things … titingnan namin, bakit mabagal, ang baba ng serbisyo. Anong gagawin natin para pabilisin? ‘Yun ang importante,” ang sinabi pa rin ng Pangulo.
All of these things … titingnan namin, bakit mabagal, ang baba ng serbisyo. Anong gagawin natin para pabilisin? ‘Yun ang importante,” ang sinabi pa rin ng Pangulo.
At nang tanungin kung may Cabinet officials ang nanganganib na masibak, sinabi ng Pangulo na nagpapatuloy pa ang pagrerebisa na maaaring humantong sa pagsibak o legal action, depende sa matutuklasan.
“Baka mangyari ‘yan. Dito nga sa ginagawa naming performance review. Iyon ang warning ko sa kanila,” aniya pa rin.
Samantala, dinepensa naman ni Pangulong Marcos ang kanyang atake sa pagharap sa mga tiwaling opisyal, sabay sabing may ilan na siyang sinibak sa puwesto ng walang pag-aatubili.
“Sa nakaraang dalawang taon, three years, basta’t may report kami na validated, tanggal ‘yan. Hindi na namin ina-announce pero tanggal ‘yan. Kadalasan,” ang sinabi ng Pangulo.
( Daris Jose)

Mga banyagang arestado sa Cebu AVSEGROUP, haharap sa kasong deportasyon

Posted on: May 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MAHAHARAP sa deportasyon ng Bureau of Immigration (BI) ang siyam na dayuhan na inaresto ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP) sa Mactan-Cebu International Airport.
Ito ay matapos nilang tangkaing magdala ng P440 milyon na hindi idineklarang salapi.
Bukod sa mga kasong kriminal, maaari ring ma-blacklist mula sa muling pagpasok sa bansa, ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado.
“Immigration laws prohibit foreigners from engaging in activities that pose risks to national security,” said Viado. “Once they face their criminal charges, these individuals will be deported and blacklisted from re-entering the Philippines,” ani Viado.
Binubuo ang grupo ng pitong Chinese, isang Indonesian, at isang Kazakhstani.
Nakikipag-ugnayan na ang BI sa PNP para sa karagdagang pag-verify ng mga rekord at dokumentasyon. (Gene Adsuara)

“FINAL DESTINATION BLOODLINES” BREAKS MULTIPLE OPENING WEEKEND RECORDS IN THE PHILIPPINES

Posted on: May 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
“Final Destination Bloodlines” made a killing at the box office on its opening weekend.
According to a report on Deadline.com, “Final Destination Bloodlines” topped the global box office this weekend with $102 million – half of which came from international markets, including the Philippines, which came in at Top 3 among markets outside the US in terms of the best opening performance for the film.
“Final Destination Bloodlines” also broke multiple opening weekend records in the Philippines.
Per the report, the latest installment in the bloody successful horror franchise made $3.4 million in the Philippines on its opening weekend alone, making it the biggest opening weekend in the country so far this year.
“Final Destination Bloodlines” also broke the opening weekend record for an R-16 movie in the Philippines, and now has the second highest PH opening weekend figure for a horror movie of all time.
Watch the trailer: https://youtu.be/yqmM8CK25lU
Rated R-16 without cuts, “Final Destination Bloodlines” takes audiences back to the very beginning of Death’s twisted sense of justice. Plagued by a violent recurring nightmare, college student Stefanie (Kaitlyn Santa Juana) heads home to track down the one person who might be able to break the cycle and save her family from the grisly demise that inevitably awaits them all. The newest chapter in the bloody successful horror franchise is directed by Adam Stein and Zach Lipovsky. Santa Juana leads a talented cast that includes fellow part-Filipino Teo Briones (son of actor JonJon Briones and brother of Isa Briones of “The Pitt”), Richard Harmon, Owen Patrick Joyner, Anna Lore, Rya Kihlstedt, with Brec Bassinger, and the late Tony Todd.
“The fun of ‘Final Destination’ is all those little elements that lead up to the deaths,” says co-director Stein. “And those elements are all inanimate, which means that it’s basically up to the filmmakers to bring it to life. It’s really the filmmaking that is the villain that’s chasing the characters. It’s all those insert extreme closeups of things that are hitting other things to create the chain reaction. So, it’s a joy for directors. Getting to bring that into the world, getting it in the camera, putting it in the edit in a way that brings Death to life is just so much fun.”
Adds co-director Lipovsky, “It’s really challenging, because the audience is participating in every ‘Final Destination’ movie. You’re sitting in the theater, you know what’s gonna happen… but you also know that there are gonna be surprises, and as a filmmaker, that’s really challenging, because—”
“Spoiler alert,” playfully cuts in Stein, “everyone dies.”
New Line Cinema presents A Practical Pictures / Freshman Year / Fireside Films Production: “Final Destination Bloodlines,” now showing in cinemas!
Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”
(ROHN ROMULO)

Final Destination Bloodlines_cast.jpeg

Programang pang-edukasyon, agad na tututukan: ALFRED, nagpasalamat sa double victory nila ng kapatid na si PM 

Posted on: May 21st, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IBINAHAGI ni Alfred Vargas ang doble-dobleng pasasalamat sa mga taga-District 5 ng Quezon City na sa ikalawang pagkakataon ay muli silang pinagkatiwalaan ng kanyang kapatid na si PM Vargas.
Nanalo si Alfred bilang konsehal samantalang si PM naman ay kongresista na kakatawan din sa 5th District.
Sa kanyang Instagram account, idinaan ni Alfred ang pasasalamat kasama ang mga video nilang magkapatid habang nangangampanya gayundin ang pagkakaproklama sa kanila kasama si Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Nilapatan ito ng awiting “We are The Champions” ng Queen.
Caption ni Alfred sa post, “We are the champions, my friend… And we’ll keep on fighting ’til the end..
“To God be the glory!!!
“Doble-dobleng pasasalamat sa lahat ng ating kababayan para dito sa ating double victory sa District V!”
Sa pagkapanalo ni Alfred, haharapin agad niya ang pagtatrabaho para maipagpatuloy ang kanyang mga proyekto sa kanyang distrito.
Isa na ang programang pang-edukasyon.
“Starting this July, we will start rolling out our ‘Alagang Vargas Scholarship Program 2.0, level up!’ This educational assistance program aims to provide one scholar for every Novaleño family. Isang pamilya, may isang iskolar.
“This scholarship is for elementary, high school and college levels and there is no grade requirement. Basta pasado ka, pasado ka na rin sa program! The scholarship will continue until the student graduates from college.
“So far, we have 20,000++ college graduate scholars already who are now accountants, managers, engineers, teachers, nurses and even elected barangay officials, among others!,” pagbabahagi ni Alfred.
Tulad ng ibang kandidato dumaan din sa maraming pagsubok ang aktor/politiko habang nangangampanya. Maraming fake news at disinformation ang ibinato sa kanya. Subalit inilaban siya ng kanyang mga ka-distrito. Sinamahan siya gayundin ang kanyang kapatid na si PM hanggang dulo.
Kaya naman ganun na lamang ang pasasalamat niya.
“Maraming salamat sa inyong pagmamahal, supprta at tiwala through the years! Sa gitna ng napakaraming paninira, fake news, kataksilan, kasinungalingan at pandaraya, nanatili kayong tapat at totoo at nanindigan para sa prinsipyo at tunay na serbisyo.
Inilaban ninyo kami kahit mahirap. Sinamahan niyo kami hanggang dulo!
“Dito natin napakita na isa tayong tunay na pamilyang magkasama sa hirap man o ginhawa at handang lumaban para sa tama at para sa isa’t isa at para sa bayan,” pahayag pa ni Alfred.
Binati at pinuri rin niya ang kapatid na si PM dahil sa pagiging tunay at tapat na lider na ang hangad ay laging makatulong sa kapwa.
Congrats bro Congressman PM Vargas @pmvargasph !!! Isa kang tunay na lider na may sinseridad, puso at tapang para sa mga mamamayan ng Novaliches. We are proud of you. Nanalo ka muli at mahal ka ng distrito dahil isa kang mabuting tao na may tunay na pagtulong at malasakit sa kapwa.”
Sa huli ipinangako ni Alfred na patuloy siyang maglilingkod ng totoo at daragdagan pa ang mga programang pakikinabangan ng kanyang mga ka-distrito.
“Ang inyong lingkod naman po, Alfred Vargas, ay patuloy na maglilingkod nang totoo at lalo pa nating pagbubutihin ang ating mga programa at lalong palalakasin ang ating pagsasama.
“Novaliches, mahal na mahal kita. Maraming salamat po sa inyong muling pagtiwala!
#alagangvargas #elections #victory #grateful”
Bukod sa kanyang mga ka-distrito, pinasalamatan din ni Alfred ang kanyang asawang si Yasmine Espiritu na kasama niyang naglibot at nangampanya gayundin ang mga anak na sina Alexandra Milan, Aryana Cassandra, Alfredo Cristiano, at Baby Aurora Sofia.
“I thanked them immensely, especially my wife. My family has sacrificed so much to support me these last 15 years in public service. So much of my time was spent serving others and sometimes, at the expense of my time with my family.
“But they understood me all the way and knew how much passion I had in trying to effect positive change. I have achieved so much because my wife and children supported me and for that, I am immensely grateful.”
(ROHN ROMULO)