• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 7:32 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 20th, 2025

The legends are back. Ralph Macchio and Jackie Chan team up for “Karate Kid: Legends”

Posted on: May 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IT’S only a matter of time that legends Ralph Macchio and Jackie Chan come together for the ultimate martial arts film, and time has finally come in Karate Kid: Legends.
“Bringing these two legends together is beyond a producer’s dream,” says producer Karen Rosenfelt. “What’s fresh and unique about this movie is that both Mr. Han and Daniel LaRusso are training a Chinese, Mandarin-speaking boy. It’s a story about family and recovering what’s important. And it works as a standalone if you have never seen a Karate Kid film, and it’s also a love letter to those who were there for The Karate Kid in 1984..
Watch the new trailer: https://youtu.be/BtACuGrq2uA
In Karate Kid: Legends, kung fu prodigy Li Fong (Ben Wang) has moved across continents to New York City. Adjusting to his new home, he finds himself attracting unwanted attention from the local karate champion. Preparing for the ultimate martial arts showdown, Li’s kung fu mentor Mr. Han (Jackie Chan) enlists the help of Karate Kid Daniel LaRusso (Ralph Macchio) to merge the two unique disciplines together.
The filmmakers have taken care to honor the franchise and bring in exciting new concepts to appeal to new and longtime fans, and none has brought in more effort into Karate Kid: Legends than actor and executive producer Ralph Macchio. “I’ve been careful over the years with protecting this franchise, protecting this character,” Macchio says. “The evolution of these characters, the themes in the original movie, they still stand the test of time and win over each generation.”
Jackie Chan was eager to get back into the franchise, reprising the role of Mr. Han. “I wanted to come back to this role because the audience wants to come back,” he says. “We’ve been looking for a good story. We’ve been waiting.”
Having the martial arts icon with decades of films under his belt was a unique learning experience for Macchio. “I have so much respect for him as an artist and entertainer,” he says. “He’s a legend in the field, whether it be motion pictures and martial arts or even comedy. He cares very much, and he’s very involved in every take, certainly in the martial arts takes. He’s like, ‘No, no, this is how it’s done!’ I kind of just say, ‘Okay!’”
The feeling was mutual with Chan, who felt like he had immediate chemistry with Macchio. “Our first time meeting was the premiere of The Karate Kid ten years ago. He’s an actor like me—so experienced,” says Chan. “He knows what a film needs. Immediately we just melded together. Whatever I’d say, he was already thinking.”
Watch the two legends foster the new generation of martial arts fighters as Karate Kid: Legends arrives in Philippine cinemas on May 28. Karate Kid: Legends is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #KarateKidMovie @columbiapicph (Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”)
(ROHN ROMULO)

Napahanga sila sa performance ni Esay sa ‘PGT’: KATHRYN, halatang nagulat at natawa na lang sa title ng kanta

Posted on: May 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NAGALINGAN ang ‘Pilipinas Got Talent’ judges na sina Freddie M. Garcia o FMG, Donny Pangilinan, Eugene Domingo at Kathryn Bernardo sa performance ni Esay Belanio dahil ibang-iba sa mga napanood na nila.
Posible naman kasi magaling naman talaga si Esay na sayang nga lang at hindi siya nagtagumpay noong nauna na siyang sumali sa ‘Idol Philippines Season 2’ dalawang taon na ang nakararaan dahil tinalo siya ni Khimo Gumatay.
Anyway, nakaaaliw ang naging reaksyon ni Kathryn nang tanungin niya si Esay kung ano ang entry song niya.
Say ni Kath, “What’s up rockstar?  That performance was so powerful.  Can I just say na ‘yung pag sacrifice sa ‘yo ng parents mo sobrang worth it, naniwala sila sa ‘yo and ngayon nandito ka sa Pilipinas Got Talent lahat kami naniniwala sa ‘yo.
Patapos na sana ang aktres nang bigla niyang hinabol tanungin, “yung kanina mong kinanta, sorry anong title no’n?”
Kaswal na sagot ni Esay, “Nagloko Ka Rin Naman.”
Halatang nagulat si Kathryn at natawa na lang sabay lingon kay Donny at umikot ang mata na tawang-tawa naman din sa kanya ang TV host/actor, sabay sabi na, “Tapos ikaw ang nagtanong?”
Maging si Eugene ay hindi napigilan ang tawa to the max sa reaksyon ng dalaga sabay tapik sa balikat ni Kathryn.
Hirit ni Kath, “kasi pinatanong nila sa akin, ‘nagloko ka rin naman (mataas ng tono) atsutsu. (tawa pa rin ng tawa sina Eugene at Donny).
“Ganda (sabi kay Esay), good job, congratulations!,” say ng aktres.
***
TINANONG sina Jane Oineza at Zaijian Jaranilla kung paano nila ilalarawan ang kissing scenes nila sa ’Si Sol at si Luna’.
“Pasabog,” tumawang sabi ni Jane.
“Speechless kasi wala akong nasabi after ng eksena ha, ha,” natawang sabi naman ni Zaijian.
Dagdag pa ng aktres, “of course, nandoon ‘yung alalay kasi first time ni Zaijian at nandoon din kami ni Direk Dolly (Dulu) as professionals.”
Hindi makakailang mas may experience si Jane pagdating sa intimate scenes (kasama ang boyfriend na si RK Bagatsing) kumpara sa leading man niyang si Zaijian sa newest digital series ng Puregold na mula nga sa direksyon ni Dolly Dulu.
“Siyempre teamwork ‘yun, it takes two to tango kahit naman may nagawa na akong ganu’n before, first time rin naming (kasama si Zaijian) gagawin na kami ang nasa eksena.
“Siyempre it’s something new kaya you have to know your co-actor and what helps them, ‘yun lang naman at na-enjoy namin ‘yung buong series, nabantayan naman ‘yung eksena saka and ‘yun nga, everything is very professional,” paliwanag ni Jane
Kahit May-September affair ang ‘Si Sol at si Luna’ ay nakitaan ng chemistry ang dalawa lalo na pagdating sa intimate scenes nila kaya pinayuhan ang aktor na magpalaki ng katawan para handa na siya sa mga susunod niyang projects pagkatapos ng digital series na ito.
Tinanong din kung humingi ng permiso si Zaijian kay RK para sa naabanggit na eksena nila ni Jane.
Sagot ng aktres, “part na ito ng trabaho naming, professional din naman kasi, so, kung ano ang kailangan sa kuwento, yun ang work naming ni-like naman niya (RK) ang trailer kaya proud din ako na parte ako nitong series kasi ang ganda ng kuwento, kulay, yung song, excited ako sa mga characters.”
Abangan sa May 31 digital series na ‘Si Sol at si Luna’ sa Puregold Channel sa YouTube tuwing Sabado.
Kasama rin sa serye sina Joao Constancia, Uzziel Delamide, Vaughn Piczon, Lyle Viray, Jem Manicad, Marnie Lapus at Atasha Franco.
 
(REGGEE BONOAN)

Deadma at hindi man lang nag-sorry sa kanila: CARMI, umaming may inaway na youngstar dahil palaging late

Posted on: May 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MATAGAL na sa showbiz si Carmi Martin, kaya tinanong namin siya kung ano ang masasabi niya sa mga kabataang artista ngayon.
Nagkaroon na ba siya ng hindi magandang karanasan sa mga youngstar?
Sagot ni Carmi, “Meron lang naman akong inaway! Ha! Ha! Ha!
“Hindi ko na maalala. Babae. Consistent siyang late!
“E one time, may nagpainom sa akin ng kape pampapayat daw. E ang effect pampainit pala ng ulo,” at tumawa ang aktres.
Tinanong namin si Carmi kung sa anong proyekto ito nangyari…
“Lastikman!
“Nung dumating siya, sa kanya naihulog yung init ng ulo dahil consistent naman siya na late and hindi siya nagso-sorry.
“Pero pagdating ng take, wala, parang walang away.”
Ano ang pang-aaway na ginawa niyo dito?
“Sabi ko, ‘Alam mo parati kang late! Hindi mo ba alam na nag-iintay kami sa iyo?!’
“Hindi sumagot.
“I don’t know pero parang supposedly dapat yung road manager pala ang magsasabi para sabihin na kung ano yung conflict ng pinanggagalingan, mga ganun.
“Dapat pinapaalam sa amin kasi ang tagal naming nag-iintay.”
Hindi man nag-sorry ay hindi naman raw na naulit itong ma-late.
“Parang I remember deadma.
“Yung mga ganun talaga na may attitude hindi rin magtatagal sa showbiz. Kasi ako pagka nale-late pag hindi pa ako dumadating tine-text ko yung co-actor ko na sasabihin ko, ‘Naku pasensiya na!’”
Si Aki Blanco raw ay never nag-attitude sa shoot ng ‘Isang Komedya Sa Langit’, na gumanap na apo niya.
“I think kasi lahat kami came prepared talaga because ano naman si Madam [Rosanna Hwang, producer], sinabi naman niya na ilang shooting days lang ito, ganito.
“So hindi ka puwedeng dadating dun na tatanga-tanga, o hindi mo alam ang gagawin mo.”
Comic role ang mapapanood kay Carmi sa nabanggit na pelikula, pero may mga eksena siya ng iyakan sa pelikula na mapapanood sa mga sinehan sa May 28.
Bukod kina Carmi at Aki, kasama rin sina Jaime Fabregas. EA de Guzman, Gene Padilla, John Medina, sa direksyon ni Roi Paolo Calilong, mula sa Kapitana Entertainment Media.
Mapapanood ang Isang ‘Komedya sa Langit’ sa mga sumusunod na SM cinemas; ng SM North Edsa, SM Cebu, SM Southmall, SM Fairview, SM Manila, SM Davao, SM Mall Of Asia, SM Marikina, SM Aura Premier, SM Seaside Cebu, SM Megamall, SM Grand Central, SM Clark, SM Dasmariñas at sa Greenhills Theater.
(ROMMEL L. GONZALES)

Magko-compete ang movie sa Palme d’Or ng Festival de Cannes: SYLVIA, muling rumampa para sa red carpet premiere ng ‘Renoir’

Posted on: May 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
MULING rumampa ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez kasama ang asawang businessman na si Papa Art Atayde, na this time ay para sa red carpet premiere ng Japanese film na “Renoir” sa 78th Cannes Film Festival na ginanap noong Sabado, Mayo 17.
Isa kasi ang Nathan Studios na pag-aari nina Sylvia sa mga producer ng pelikula, katuwang din nila ang film producer na si Alemberg Ang.
Ang “Renoir” ay coming-of-age story tungkol sa isang Japanese student na si Fuji Okita (Yui Suzuki) noong 1980s na aktibong daydreamer, ang pelikula ay nagtatampok ng sequence shot sa Pilipinas noong nakaraang taon.
Ang “Renoir” na mula sa panulat at direksyon ni Chie Hayakawa, ay isa sa mga pelikulang magko-compete para sa Palme d’Or, ang top prize ng Festival de Cannes.  Pinagsanib na produksyon sa pagitan ng Japan, Philippines, Singapore, Indonesia, at France.
Minarkahan nito ang pagbabalik ng Pilipinas sa competitive category sa unang pagkakataon mula noong 2016 kasama ang “Ma’ Rosa” ni Brillante Mendoza, na pinagbidahan ng yumaong Cannes Best Actress winner na si Jaclyn Jose.
Nakatanggap naman ang magagandang reviews at papuri ang “Renoir”…
“A delicate and touching Tokyo-set portrait of a girl’s loneliness” – The Hollywood Reporter.
“A film that at once offers too little and too much in terms of its protagonist’s story, and comes up short in delivering an emotional punch.” – icsfilm.org

“This vibrant coming-of-age story is driven home by an unforgettable young performance.” – Collider
“Quiet Japanese drama looks at death through a young girl’s eyes.” – The Wrap
Patuloy ngang gumagawa ng ingay ang Nathan Studios sa paghahatid ng mga kakaibang pelikula na gusto nilang ibahagi sa mga Pinoy viewers, kaya sobrang nakaka-proud.
Tunay ngang kaabang-abang ang next movies nila tulad nitong “Renoir’, na pinupuri nga ng mga nakapanood.
Hinihintay din namin ang “Moonglow” na pinagbibidahan nina Cong. Arjo Atayde at Isabel Sandoval, na siya ang nag-direk.
Isa pa sa na-acquire ng Nathan Studios ang 2024 Korean comedy-drama movie na ‘About Family’ na pinagbibidahan ni Lee Seung-gi.
And next month, magsisimula nang mag-shooting sina Sylvia para sa “I’m/Perfect” na possible entry sa 51st Metro Manila Film Festival.
***
SUPORTADO ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas ng dalawang klasikong pelikula na “Magic Temple” at “Hiling.”
Ito’y matapos bigyan ng angkop na klasipikasyon ng Board ang dalawang pelikula mula sa ABS-CBN’s “Sagip Pelikula.”
Rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) ang dalawang pelikula. Ibig sabihin, pwede ito sa pamilyang Pilipino at sa mga batang edad 12 at pababa na may kasamang nakatatanda.
Unang ipinalabas noong 1996, ang”Magic Temple” ay mula sa direksyon nina Peque Gallaga at Lore Reyes, na may temang pagkakaibigan, katapangan at mahika.
Ang “Hiling” (1998) ay mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes at pinagbidahan ng mga batang aktres na sina Camille Prats, Shaina Magdayao at Serena Dalrymple.
Tungkol ito sa isang batang babae na natutupad ang anumang kahilingan. Pagmamalasakit, pagiging hindi makasarili at aral mula sa ninanais ang ilang mapupulot sa pelikula.
Ang suporta ng Board ay bahagi na pagsisikap ng MTRCB na maisulong ang mayamang pamana ng ating bansa mula sa sining ng pelikula.
Suportado ito ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio.
“Ang mga restored na pelikula ay hindi lamang isang obra kundi yaman ng ating mayamang kultura,” sabi ni Sotto-Antonio. “Patuloy nating susuportahan ang mga ganitong inisyatibo na nagsusulong ng responsableng panonood habang ipinagdiriwang ang mga natatanging obra ng ating bansa.”
Patuloy naman ang kolaborasyon ng Board sa mga producer, distributor at mga organisasyon na nais mapanumbalik ang linaw at ganda ng mga klasikong pelikula.
(ROHN ROMULO)

Ads May 20, 2025

Posted on: May 20th, 2025 by @peoplesbalita No Comments