• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 1:17 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 16th, 2025

5 indibidwal, timbog sa sugal at droga sa Valenzuela

Posted on: May 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KULONG ang limang indibidwal, kabilang ang isang bebot matapos maaktuhang nagsusugal at makuhanan pa ng illegal na droga ang dalawa sa kanila sa magkahiwalay na operation sa Valenzuela City.

          Sa ulat ng Paso De Blas Police Sub-Station 1 kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Chief ng Valenzuela police, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na may lalaro ng cara y cruz sa Francisco Compound, De Castro Subdivision, Brgy. Paso De Blas.

          Kaagad namang rumesponde ang mga pulis sa nasabing lugar kung saan naabutan nila ang dalawang lalaki na sina alyas “Danilo”, at alyas “Ryan” na naglalaro ng cara y cruz na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila dakong alas-8:00 ng gabi.

          Nasamsam ng mga pulis ang tatlong piso coins na gamit bilang pangara at P540 bet monet habang ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ay nakuha kay alyas Danilo.

          Nauna rito, nadakip naman ng mga tauhan ng Ugong Police Sub-Station 8 sina alyas “Lyn”, alyas “Randy” at alyas Efren” nang maaktuhan nilang naglalaro din ng sugal na cara y cruz sa Brgy. Mapulang Lupa, bandang alas-10:45 ng gabi.

          Nakumpiska ng mga tauhan ng SS8 sa lugar ang tatlong piso coins na gamit bilang pangara at P470 bet money habang ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ay nakuha kay alyas Lyn.

          Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 habang karagdagan na kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kakaharapin pa nina ‘Danilo’ at ‘Lyn’. (Richard Mesa)

Dalagita, lolo utas sa sunog sa Caloocan

Posted on: May 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang 16-anyos na dalagitang estudyante at isang lolo, habang lima ang sugatan sa naganap na sunog na tumupok sa 70 kabahayan at establisimiento sa Caloocan City.

Unang nakita ang bangkay ng 62-anyos na lalaki na nagpapagaling pa lamang matapos sumailalim sa operasyon sa ulo, habang Huwebes na ng umaga nahukay ang labi ng dalagitang estudyante na na-trap din sa loob ng nasunog na tirahan sa Natividad St. Brgy. 81.

Sugatan naman ang lima pa, kabilang ang isang fire volunteer na nakuryente at dinala sila sa MCU Hospital para magamot.

Sa ulat ng Caloocan Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog ng alas-4:49 ng hapon sa bahay ng isang alyas “Melanie”, negosyante ng prutas at may-ari rin ng inuupahang bahay ng nasawing lalaki.

Mabilis ang pagkalat ng apoy dahil bukod sa hindi kaagad makapasok ang mga bumbero sa napakasikip ng lugar, dikit-dikit din ang mga kabahayan na karamihan ay gawa sa light materials dahilan upang itinaas ang sunog sa ikalawang alarma.

Bandang alas-6 ng gabi nang ideklarang kontrolado na ang sunog bago tuluyang maapula ng alas-9:57 ng gabi.

Aabot sa 90 pamilya ang nawalan ng tirahan na ngayon ay pansamantalang nasa covered court ng barangay kung saan sila pinadalhan ng mga pangunahing pangangailangan ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan.

May hinala na naiwang naka-charge na cellphone ang sanhi ng pagsiklab ng apoy na tumupok sa tinatayang P300,000 halaga ng mga ari-arian.

Patuloy naman ang pagsisiyasat ng arson investigators matapos matuklasan na karamihan sa mga kabahayan ay gumagamit ng jumper sa kanilang kuryente. (Richard Mesa)

Kelot na wanted sa rape sa Navotas, sumuko sa Caloocan policeKelot na wanted sa rape sa Navotas, sumuko sa Caloocan police

Posted on: May 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
KUSANG loob na sumuko ang 32-anyos na akusado sa panghahalay sa isang menor-de-edad babae sa Navotas City nang matuklasang inilunsad na ang malawakang pagtugis sa kanya ng pulisya sa Caloocan City.
Nagtungo sa Bagong Barrio Police Sub-Station-5 na nasa kanto ng G. De Jesus St. at Malolos Avenue, Brgy. 146 sa Caloocan City ang akusadong si alyas “RJ”, dakong ala-1:32 ng hapon upang isuko ang kanyang sarili
Sa ulat ni Caloocan Police Chief P/Col. Paul Jady Doles kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen, Josefino Ligan, inilabas nitong Mayo 6, 2025 ni Navotas Family Court Presiding Judge Cecilia Bunagay-Parallag ng Branch 1 ang warrant of arrest laban kay RJ para sa kinakaharap na kasong Qualified Rape of a Minor.
Nang makarating sa kaalaman ng akusado na inilagay na siya ni Navotas Police Chief P/Col. Mario Cortes bilang isa sa Most Wanted Person sa lungsod ay minarapat na lamang nitong sumuko sa pulisya.
Pinuri naman ni BGen. Ligan ang mga tauhan ng Sub-Station-5 sa mabilis na pagproseso sa boluntaryong pagsuko ng akusado na pansamantala munang ipiniit sa naturang presinto ng pulisya habang hinihintay ang kautusan ng hukuman sa paglilipat sa kanya sa Navotas City Jail. (Richard Mesa)

LOOK UP! WATCH THE OFFICIAL TRAILER FOR JAMES GUNN’S “SUPERMAN”, STARRING DAVID CORENSWET! “SUPERMAN” 

Posted on: May 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

 

 

YOUR choices, your actions, that’s what makes you who you are. Watch the newly released trailer for James Gunn’s Superman,” starring David Corenswet, Rachel Brosnahan and Nicholas Hoult. Only In Cinemas and IMAX July 9.

 

Watch the trailer: https://youtu.be/KRCa-7ck7uM

 

About “Superman”

 

“Superman,” DC Studios’ first feature film to hit the big screen, is set to soar into theaters worldwide this summer from Warner Bros. Pictures. In his signature style, James Gunn takes on the original superhero in the newly imagined DC universe with a singular blend of epic action, humor and heart, delivering a Superman who’s driven by compassion and an inherent belief in the goodness of humankind.

 

DC Studios heads Peter Safran and Gunn are producing the film, which Gunn directs from his own screenplay, based on characters from DC, Superman created by Jerry Siegel and Joe Shuster.

 

The film stars David Corenswet (“Twisters,” “Hollywood”) in the dual role of Superman/Clark Kent, Rachel Brosnahan (“The Marvelous Mrs. Maisel”) as Lois Lane and Nicholas Hoult (the “X-Men” movies, “Juror #2”) as Lex Luthor. The film also stars Edi Gathegi (“For All Mankind”), Anthony Carrigan (“Barry,” “Gotham”), Nathan Fillion (the “Guardians of the Galaxy” films, “The Suicide Squad”), Isabela Merced (“Alien Romulus”), Skyler Gisondo (“Licorice Pizza,” “Booksmart”), Sara Sampaio (“At Midnight”), María Gabriela de Faría (“The Moodys”), Wendell Pierce (“Selma,” “Tom Clancy’s Jack Ryan”), Alan Tudyk (“Andor”), Pruitt Taylor Vince (“Bird Box”) and Neva Howell (“Greedy People”).

 

“Superman” is executive produced by Nikolas Korda, Chantal Nong Vo and Lars Winther. Behind the camera, Gunn is joined by frequent collaborators, including director of photography Henry Braham, production designer Beth Mickle, costume designer Judianna Makovsky and composer John Murphy, along with editors Craig Alpert (“Deadpool 2,” “Blue Beetle”), Jason Ballantine (the “IT” films, “The Flash”) and William Hoy (“The Batman”).

 

“Superman” will be in theaters and IMAX nationwide on July 9, 2025, distributed by Warner Bros. Pictures.

 

Join the conversation online and use the hashtag #Superman

 

Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”

 

(ROHN ROMULO)

Nakakapagod pero sulit na sulit: MAJA, aminadong hands-on sa pagiging ina kay MARIA

Posted on: May 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
IKINASAL noong July 2023 sina Maja Salvador at Rambo Nuñez at noon namang May 31, 2024 ay isinilang ang una nilang anak na babae, si Maria.
Kaya tinanong namin si Maja kung ano ang pinaka-best part ng motherhood.
“Everything,” umpisang sagot ni Maja.
“Siguro yung gigising ka sa umaga, hindi nga sa umaga, sa madaling araw, tapos may katabi ka ng little you, di ba,  mini me, so ang sarap sa pakiramdam.
“Hindi mo talaga mae-explain, e.”
May pagod rin bang kaakibat ang pagiging ina, lalo na sa tulad niyang first time mom?
“May pagod,” bulalas ni Maja, “totoo yung… totoong nakakapagod. Pero yung masarap na pagod, sulit, worth it.”
Hands on na ina si Maja, as in mismong siya ang nagpapalit ng diaper ni Maria.
Breast-feeding?
“Ngayon nag-stop na, nag-dry na yung milk ko nung nag-diet ako at tsaka balik-workout, nagsayaw-sayaw, ganun daw yun e, nagda-dry, so…
“Happy naman ako inabot ako ng eight months sa pagbe-breast feed.”
Maging si Rambo raw ay hands-on dad kay Maria.
“Sobrang close sila nung anak ko. Kasi sa mga pamangkin pa lang ni Rambo, isa yun sa kinain-love-an ko e, yung alam niya na mahilig siya sa bata, so iyon.
“Kumbaga yung mga nakikita ko dati, nai-imagine ko dati ngayon nangyayari na.
“Recently I had a show sa Ilocos Sur and La Union so nagwo-work ako, e yung anak namin gusto sa beach, mahilig mag-swimming.
“So naiiwan sa kanya, so silang dalawa nagsu-swimming, tapos nakikita ko na lang yung photos and videos na sobrang nag-e-enjoy so ayun,” ang masayang kuwento pa ni Maja.
Tinanong namin si Maja kung ano ang ginawa niya, kung ano ang sekreto at napakaseksi niyang muli, na parang hindi siya nanganak?
“Ay, hindi po totoo iyan,” pakli niya, “kung nakita niyo ako ang laki-laki ko!”
Ngayon ay napakaseksi ni Maja.
“Sa akin lang hindi talaga nag-work iyong pag nagbe-breastfeed ka yung papayat ka, hindi iyon… kasi lalo akong kumakain.
“Pero simula nung natapos na ako, January iyon e, kapag ginugutom ko yung sarili ko, gutom talaga. Hindi ako kakain tapos workout, balik sa sayaw.
“So medyo mabilis nga yung pagpayat ko.
Samantala, mag-premiere na ang Emojination Season 5 ngayong May 17 (Sabado), 5:30 PM sa TV5  at may same-day catch-up sa BuKo Channel ng 8:00 PM.
Makakasama dito ni Maja bilang co-host ang Last One Laughing (LOL) Season 1 grand winner na si Chad Kinis at nagbabalik din ang ever-energetic sidekick na si Chamy Aguedan.
(ROMMEL L. GONZALES)

Isa na namang dekalidad na digital series na hatid ng Puregold: ZAIJIAN, pinasilip na ang maseselang eksena nila ni JANE sa ‘Si Sol at si Luna’ 

Posted on: May 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SA paunang silip ng maseselang eksena nina Zaijian Jaranilla at Jane Oineza, sa kwentong umiikot sa isang relasyong may agwat sa edad, nangangakong maging mapangahas ang seryeng ‘Si Sol at si Luna’.
Matutunghayan nga ang mga komplikasyon ng pag-ibig at buhay sa trailer ng pinakabagong digital na serye ng Puregold Channel, ang ‘Si Sol at si Luna.
Tampok dito ang mga dating child stars na sina Zaijian at Jane, sa mga mapanghamong tauhang gagampanan, kung saan bibigyang-buhay nila ang pag-iibigan ng dalawang taong may malaking agwat sa edad.
Sa ‘Si Sol at si Luna, si Sol ay isang estudyante ng pelikula na abala sa kaniyang tesis, at nagbago ang kaniyang buhay nang si Luna, isang babaeng bigo ang puso.
Sa pagtatagpo ng kanilang mga landas, kinailangan nilang harapin ang magkasalungat nilang damdamin tungkol sa pag-ibig at pagkawala, na pinatitindi ng agwat ng kanilang edad.
Ipinasilip ng trailer ang makulay at pulidong biswal na estilo ng direktor na si Dolly Dulu.
Kilala sa kanyang pelikulang ‘The Boy Foretold by the Stars’ at mga gawa sa telebisyon, katuparan ng kaniyang malikhaing bisyon ang ang ‘Si Sol at si Luna”.
Nauna nang ipinasa ni Direk Dolly ang kuwento bilang lahok sa 2025 Puregold CinePanalo Film Festival. Bagamat nakapasok ito sa shortlist ng 16 na pinakamahusay na lahok, hindi ito nakabilang sa pinal na lineup.
Gayunpaman, dahil sa potensyal at lalim ng naratibo, binigyang-daan ng Puregold na maisakatuparan ang proyekto bilang isang lingguhang digital na serye.
Ipinahayag ni Direk Dolly Dulu ng kanyang pasasalamat sa oportunidad na maisabuhay ang kwento. “Lubos akong nagpapasalamat sa pagkakataong maisapelikula ang ‘Si Sol at si Luna.
“Ang saya-saya ko lang, lalo na’t libre itong mapapanood sa YouTube kaya mas malawak ang maaabot ng kwento. Siyempre, masaya rin ako na ito ang kauna-unahang serye ng Puregold na mas malalim ang temang tinatalakay at damdaming inihahatid.”
Pinagtibay naman ni Ivy Hayagan-Piedad, senior marketing manager ng Puregold, ang tiwala niya sa bisyon ni Direk Dolly: “Lagi’t laging makahahanap ng tagapakinig ang magagandang kwento, ano man ang daang tahakin nito. Mula pa lang sa pitch, naantig na kami sa kwento ni Direk Dolly. Ikinararangal naming mabigyan ito ng liwanag at maibahagi sa mga manonood sa pamamagitan ng retailtainment platform ng Puregold.”
Ang ‘Si Sol at si Luna’ ay sumusunod sa yapak ng iba pang digital series ng Puregold Channel gaya ng ‘My Plantito, ’52 Weeks, at Ang Lalaki sa Likod ng Profile. Sa nakaraang mga taon, nanguna ang Puregold sa pagtataguyod ng lokal na kultura at mga alagad ng sining, kabilang na ang serye, OPM, at industriya ng pelikula.
Mapapanood na ang serye simula Mayo 31, Sabado, sa ganap na 7 PM sa Puregold Channel sa YouTube. Ang mga susunod na episode ay lalabas tuwing Sabado sa parehong oras.
Para sa mga karagdagang update at upang mapanood ang bawat bagong episode, mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at X, at @puregoldph sa TikTok.
(ROHN ROMULO)

May mga nagugulat matapos na manalo…  Gov. VILMA, parang may nagbago lalo kanyang pinost sa IG story

Posted on: May 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
HALOS lahat, iisa ang comment, ang ganda at iba na ang glow ni Ashtine Olviga.
Si Ashtine lang naman ang biglang sikat ngayon dahil sa pinagbibidahang VIVA One series na “Mutya ng Section E.”
Nang ipakilala sina Ashtine, kasama ang mga ka-loveteams niya na sina Andres Muhlach at Rabin Angeles, halos wala pa siyang following o talagang hindi pa siya nagmamarka. Pero ngayon, 2 million na ang Instagram followers niya.
Brand ambassador na rin si Ashtine ng Ash perfume kunsaan, inilunsad siya sa VIVA Cafe.
Bukod sa mga ito, maipapalabas na rin sa TV5 ang Mutya ng Section E simula ngayong May 19. Another blessing para kay Ashtine dahil mas maraming makakapanood na nasa free TV na sila.
At nagsimula na rin silang mag-taping for another season of their successful VIVA One series.
Ang maganda, sa kabila ng lahat ng ito, sinisigurado raw niyang walang nagbabago sa ugali niya. In fact, basta mas mapapadali raw ang biyahe niya, nagco-commute pa rin siya via MRT at motor.
Si Ashtine ang sinasabing ginu-groom ng VIVA bilang next Nadine Lustre at masaya si Ashtine na aminadong fan ni Nadine.
***
MAY mga nagugulat bakit after na manalo bilang Governor ng Batangas City parang may nagbago raw kay Vilma Santos o Ate Vi.
Marami ang nagulat kahit na may ibinigay siyang dahilan kung bakit hindi siya um-attend ng proclamation rally. Eh, bilang isang kandidato na nanalo, isa na yata ito sa pinakamasayang moment.
Iniisip tuloy na ang dahilan, baka raw hindi matanggap ang pagkatalo ni Luis Manzano, kahit na nanalo ito at ang anak na si Ryan Christian Recto.
Then, naging kapansin-pansin ang ipinost naman niya sa kanyang Instagram story na tila sinasalungat nito na si Bam Aquino ang author ng Tertiary Free education. Sa post niya, diumano’y ang asawang si Ralph Recto raw.
Hindi na makikita ang post na ito. May nag-call ng attention ni Luis. Ayon dito, baka raw admin ang nag-post, huh.
(ROSE GARCIA)

Ads May 16, 2025

Posted on: May 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MTRCB ensures age-appropriate rating for “Final Destination: Bloodlines” and other films showing this week

Posted on: May 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

EXPECT another heart-pounding experience as the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) has reviewed and rated the highly-anticipated American supernatural horror “Final Destination: Bloodlines” as R-16 (Restricted-16), restricting viewers aged 15 and below due to its graphic and intense horror scenes.

The movie is the sixth and final installment of the iconic horror series, following the latest movie released last 2011.

The narrative follows Stefanie Lewis, a college student, as she tries to outsmart the horrific destiny that haunts her family.

Meanwhile, get ready Atiny, as South Korean boy band “ATEEZ” takes over cinemas with their concert film “ATEEZ World Tour Towards The Light: Will To Power.”

The movie is rated PG (Parental Guidance), suitable for ages 13 and below with parental supervision.

The band’s signature hits, including “The Real (Light Ver.),” “Crazy Form,” “Say My Name,” and “Guerrilla” are powerfully performed.

MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio reminds Filipino families to utilize the age-appropriate ratings as a reference when choosing what film to watch.

“It is our duty to empower Filipino families by helping them make wise media choices,” said Sotto-Antonio. “Our age-appropriate classifications guarantee that Filipino children and young viewers are protected from potentially harmful content while allowing everyone to enjoy cinema responsibly.”

The Board encourages all moviegoers to refer to official ratings that are displayed in theaters, on cinema websites and on the MTRCB’s official website: midas.mtrcb.gov.ph and channels: @MTRCBGov.

(ROHN ROMULO)

1000046725.jpeg
1000046726.jpeg