LOTLOT or lost o talunan si Luis Manzano sa kung tama ang pagkakatanda namin, first time niyang tumakbo.
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
LOTLOT or lost o talunan si Luis Manzano sa kung tama ang pagkakatanda namin, first time niyang tumakbo.
NAG-UUMAPAW ngayon ang kaligayahan ni Megastar Sharon Cuneta, dahil naging matagumpay ang muling pagtakbo bilang senador ng asawang si Francis “Kiko” Pangilinan.Sa Instagram post ni Sharon, mababasa na, “I BELIEVE THAT MIRACLES STILL HAPPEN!!! All we did before and apart from our hard work in the campaign was PRAY, TRUST, PRAY, PRAISE AND GLORIFY GOD NO MATTER WHAT! And last night over dinner with our son, we prayed with our angel girls at home and said that NO MATTER THE OUTCOME, WE WOULD PRAISE HIM!!! And we THANKED HIM WITH ALL OUR HEARTS FOR JUST THE OPPORTUNITY FOR KIKO TO “APPLY” TO BE A SERVANT OF THE PEOPLE.”
Labis-labis nga ang pasasalamat ni Mega sa lahat ng tumulong at sumuporta kay Kiko sa kabuuan ng kampanya.
Pagpapatuloy niya ni Sharon, “MARAMING, MARAMING SALAMAT PO SA INYONG MGA NAGTITIWALA, NANINIWALA, SUMUSUPORTA, NANGAMPANYA, NAGTYAGA SA HIRAP, INIT AT PAGOD, NAGDASAL, AT BUMOTO KAY KIKO KAHAPON! WALANG EPEK ANG SOBRANG PANINIRA NG TROLLS AT MGA NAGPAPABAGSAK SA KANYA!
“Wala naman silang sinabi sa inyong mga nag-isip na botante at lalong lalo na sa Panginoon! Mabuhay ang ating mahal na Pilipinas! May God bless us all!! God bless and guide my Kiko to be his best senator-self yet!!! Mahal na mahal po namin kayo!! @kiko.pangilinan.”
Panghuli sa kanyang post, “And to our dear Senator @bamaquino – OUR HEARTFELT CONGRATS (and my attempted cartwheels!) on your WIN!!! NUMBER 2!!! WOOHOOOOO!!! GOD IS GOOD AND FAITHFUL TO THOSE WHO LOVE AND SERVE HIM AND OUR PEOPLE!!! God bless you!!! We love you, BAM!!!”
Nagpasalamat din si Frankie Pangilinan sa nag-uumapaw na suportang nakuha ng kanyang Daddy Kiko.
Ayon sa post niya sa X, “[K]anina lang sabi ni dad handa na daw syang magpahinga tas sabi ni Lord wag muna.
“[D]i talaga ako makapaniwala guys 8 hrs ago lang pinaguusapan na namin mga backup plan na ni sir.”
“[M]araming maraming maraming maraming maraming maraming salamat.”
Congrats Sen. Kiko Pangilinan!
***
EastWest at Puregold, inanunsyo ang mga nanalo ng Php 1M Cash Credit Promo!
MAY nanalo na! Official nang inanunsyo ng EastWest Bank, kasama ang Puregold, ang mga suwerteng nanalo sa EastWest Puregold 1M Cash Credit Promo — at wow, isang masuwerteng cardholder ang nag-uwi ng Php 1 milyon sa cash credit, habang iba pa ang naka-score ng tig-Php 100,000!
Ginawa ang promo para magpasalamat sa mga suki ng EastWest. Simula pa lang hanggang December 31, 2024, bawat single receipt na nagkakahalaga ng Php 3,000 sa Puregold ay may kasamang automatic e-raffle entry.
At hindi lang ito para sa mga taga-Metro Manila. Galing sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ang mga nanalo — patunay na ginawa ng EastWest ang lahat para maabot ang bawat sulok ng bansa at mas mapalapit pa sa kanilang cardholders.
Ang grand prize winner ng Php 1 milyon cash credit ay si Carl Joseph Esteban na hindi pa rin makapaniwalang siya ang nagwagi.
Samantalang ang mga nakasungkit ng tig-Php 100,000 ay sina Joseph Winston Santos, Jeffrey Ong, Joan Vigo, Marissa Layacan, Kayzele Garolacan, Joselle Aguilar, Diane Kathleen River at Leah de Leon.
Sa EastWest, bawat swipe may dagdag saya! Gusto nilang gawing sulit at rewarding ang bawat gastos — mapa-grocery, bills, o simpleng shopping-spree lang.
Sabi nga ni Mia Tamayo, Senior Vice President at Head ng Credit Cards ng EastWest:
“We’re always looking for ways to give back to our customers who trust EastWest for their financial needs. Partnerships like this allow us to create meaningful rewards that truly benefit our cardholders.”
At hindi ito ang huli. Buong taon, abangan ang mga pa-promo, perks, at exclusive deals ng EastWest credit cards — pang-shopping, pang-travel, o kahit pang-lifestyle, may panalong alok para sa ’yo!
Congratulations sa lahat ng nanalo! At maraming salamat sa lahat ng sumali, siguradong hindi ito ang huling panalo ninyo.
Para sa iba pang promo at updates, bisitahin ang www.eastwestbanker.com
o sundan ang EastWest sa social media.
(ROHN ROMULO)
KITANG-KITA talaga sa aura ni Sue Ramirez na masaya siya ngayon.SA loob mismo ng presinto pinosasan ng pulisya ang 26-anyos na factory worker matapos mabistong wanted sa kasong rape sa lalawigan ng Masbate makaraang kumuha ito ng National Police Clearance sa Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban, dakong alas-3:30 ng hapon nang magtungo ang puganteng si alyas “Tony, residente ng Gen. T. De Leon St., sa Bignay Police Sub-Station-7 upang mag-apply ng police clearance na kailangan sa kanyang trabaho bilang factory worker.
Nang isalang ang aplikasyon ni ‘Tony’, natuklsan sa e-Warrant System ng pulisya na may nakabimbin siyang warrant of arrest na inilabas ni Masbate City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Ave. A. Zurbito-Alba ng Branch 48 noong Agosto 9, 2024 para sa mabigat na kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Kaagad nakipag-ugnayan ang pulisya sa Masbate Police Provincial Office (PPO) at dito nila naberipika na nasa Top 3 Most Wanted Person ng Mandaon Municipal Police Station (MPS) sa Masbate si ‘Tony’ kaya isinilbi noon din sa kanya ang arrest warrant.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Bignay Police Sub-Station-7 habang hinihintay pa ang ilalabas na commitment order ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Masbate Provincial Jail sa Masbate City. (Richard Mesa)
TIMBOG ang dalawang babae, kabilang ang isang lola matapos salakayin ng pulisya ang garment factory na gumagawa ng mga pinekeng branded na kasuotang panloob sa Malabon City.
Dakong ala-1:00 ng hapon nang pasukin ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan sa bisa ng search warrant na inilabas ng Malabon Regional Trial Court (RTC) Branch 74, ang 3M Garments sa 90 P. Aquino St. Brgy. Longos na gumagawa at tumatahi ng mga pinekeng “Alfa 1 Brief”, “Amazing Panty”, at “Amazing Bra” na pawang mga branded na produkto.
Inaresto ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) sa pangunguna ni P/Maj. Marvin Villanueva ang 49-anyos na isa sa may-ari ng pabrika at ang 62-anyos na supervisor, habang wala naman sa naturang garments factory ang Chinese national na si Eugene Chua na may-ari rin ng 3M Garments.
Ayon sa pulisya, bulto-bultong mga pekeng branded na bra, panty, at brief na may tatak na “Personal Collections”, mga resibo at ibat-ibang dokumento ng pakikipag-transaksiyon ang nasamsam ng pulisya sa naturang pagsalakay.
Kinumpiska rin ng kapulisan ang kabuuang 32- sewing machine o makinang panahi, apat na cutting machines, at dalawang heat press machines na gamit sa paggawa ng mga pekeng produkto.
Ayon kay BGen. Ligan, mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines ang naarestong suspek habang hihintayin pa ng pulisya ang ilalabas na warrant of arrest ng hukuman para tugisin si Chua. (Richard Mesa)
MAKAKABILI na ang mga residente ng Navotas ng dekalidad na bigas sa halagang P20.00 lamang kada kilo, kasunod ng paglulunsad ng P20 Rice Project ng Department of Agriculture (DA) sa lungsod.
Sa pamamagitan ng inisyatiba, ang bigas ay mabibili sa abot-kayang presyo ng mga mahihinang sektor, kabilang ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at solo parents. Ang bawat tao ay maaaring bumili ng hanggang 10 kilo ng bigas kada linggo.
Opisyal na inilunsad ang programa sa Kadiwa Center sa Navotas City Hall at sa Agora Market, na may paunang 75 sako mula sa DA.
Ang programa ay naglalayong sugpuin ang epekto ng pagtaas ng presyo ng pagkain at tiyakin ang food security sa mga pinaka-apektadong populasyon.
Ang P20 Rice Project ay ipinatutupad ng DA sa pamamagitan ng Food Terminal Inc. (FTI), katuwang ang mga local government units.
Nagpahayag naman ng buong suporta si Mayor John Rey Tiangco sa programa.
“We thank President Bongbong Marcos and the Department of Agriculture for making this possible. Sa halagang P20 kada kilo, makakasigurado tayong hindi lang mura kundi de-kalidad na bigas ang mabibili ang bawat Navoteño, lalo na ang nasa vulnerable sectors.” dagdag niya. (Richard Mesa)
MAARI nang makabili ang mga residente ng Navotas ng dekalidad na bigas sa halagang P20.00 lamang kada kilo, kasunod ng paglulunsad ng P20 Rice Project ng Department of Agriculture (DA) sa lungsod. Prayoridad nito ang mga 4Ps members, senior citizens, PWDs, at solo parents. Nagpahayag naman ng buong suporta si Mayor John Rey Tiangco sa programa. (Richard Mesa)