NANANATILING naka -red alert status ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa tatlong lugar para sa 2025 local at national elections.Ang tatlong lugar ay ang Cordillera Administrative Region, Region 6 – Western Visayas at Region 7 – Central Visayas.
Ang red alert status ang pinakamataas na antas ng alerto para tugunan ang nagpapatuloy o inaasahan na imminent emergency.
Nangangailangan ito ng pagtugon ng ahensiya na nakatao sa NDRRM Operations Center at agad na agarang koordinasyon ng interagency.
Sa ilalim ng red alert status, ang uniformed personnel gaya ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), at Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensiya ng pamahalaan ay dapat na kaagad na magtalaga ng duty officers sa NDRRMOC sa panahon ng emergency status upang magbigay ng 24-hour duty sa rotational basis o batayan ng pag-ikot.
Sa kabilang dako, naka blue alert naman ang NDRRMC sa mga susmusunod na lugar ngayong 2025 polls. Ang mga ito ay :
-NDRRMOC
National Capital Region
Region 1 – Ilocos Region
Region 2 – Cagayan Valley
Region 3 – Central Luzon
Region 4a – Calabarzon
Region 4b – Mimaropa
Region 5 – Bicol Region
Region 8 – Eastern Visayas
Region 9 – Zamboanga Peninsula
Region 10 – Northern Mindanao
Region 11 – Davao Region
Region 12 – SOCCSKARGEN
CARAGA
Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindanao
Ang blue alert status ay nangangahulugan na ang NDRRMOC ay nasa paghahanda para sa isang slow-onset hazard event o inaasahang paglala ng sitwasyon, nangangailangan ng piniling duty personnel.
Ang pangunahin o lead personnel mula Office of Civil Defense ay dapat na magbigay ng serbisyo sa NDRRMOC.
Sa ilalim ng blue alert status, ang uniformed AFL, BFP, PCG, at PNP at iba pang departamento gaya ng Department of Health and the Department of the Interior and Local Government in the Philippines ay dapat na magtalaga ng detalyadong duty officers sa NDRRMOC sa panahon ng emergency status upang magbigay ng 24-hour duty sa rotational basis.
Samantala, ang state weather bureau PAGASA at ang Mines and Geosciences Bureau ay magbibigay naman ng serbisyo sa ilalim ng blue at red alert status at kailangan na magbigay ng initial analysis at forecasts essential para sa pagpa-plano na may kinalaman sa hydro-meteorological disaster events. ( Daris Jose)
SINABI ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang P441 million na cash na naharang mula sa 11 suspects sa Mactan-Cebu International Airport nito lamang weekend ay nagdulot ng seryosong alalahanin hinggil sa potensiyal na election-related illegal activities, kabilang na ang vote-buying at money laundering.
Matatandaang, sinampahan ng impeachment complaint si VP Sara noong Pebrero ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa gitna ng lumalaking hidwaan sa pagitan ng pamilya Duterte sa pamilyang Marcos at mga dati niyang kaalyado.
BUMOTO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa Eleksyon 2025 sa Mariano Marcos Memorial Elementary School.


