
Kaya sabi ng taong malapit kina Sofia at Daniel na fake news ang kumalat na baka hiwalay na ang mag-asawa dahil sa pag-unfollow sa isa’t isa sa kanilang IG account.
Nasulat namin na hindi totoong hiwalay na ang dalawa base ito sa taong malapit sa kanila.
At noong Abril 29 ay muli naming sinulat na magkasama sina Sofia at Daniel sa ABS-CBN dahil may panayam sila sa online show ni Melai Cantiveros na ‘Kuan On One’ na galing din sa taong malapit sa kanila.
Mukhang masaya ang bakasyon ng pamilya sa Bali base sa nakasulat sa straw hat na ‘vacation mode’ at may ilang larawang tumatakbo si Zoe sa tabing dagat ay may larawan ding magkakasama silang tatlo. Isa pang kuha habang nakaupo sila at may mga hawak na puting talulot ng rosas.
Samantala, mababasa naman sa komento ng netizens na natutuwa sila na sina Daniel at Sofia pa rin na inakalang nagkahiwalay na nga.
Anyway, palaisipan pa rin kung bakit naka-unfollow sila sa kanilang IG account, nalimutan na nilang ibalik?
***
“PARANG painting ‘yung mga kuha sa Incognito, yung nasa yelo sila,“ ito ang komentong narinig namin sa isang showbiz event na dinaluhan namin.
Nagkita kami ng killalang TV/movie executive at tuwang-tuwang binanggit na avid viewer siya ng ‘Incognito’ nina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Kaila Estrada, Anthony Jennings, Maris Racal at Daniel Padilla.
“Nakikita ko ‘yung mga post mo pag nanonood ka ng Incognito, ako rin, grabe ang ganda-ganda. Updated ako, ah,” sabi sa amin.
At dahil ‘Incognito’ ang topic ay nabanggit nga ng kasamahan namin ang mga episodes na napanood niya na mahirap ang tapings dahil mahirap makipaghabulan sa yelo.
Ito raw pala ‘yung kinukuwento ng cast sa nakaraang midterm presscon na ginanap sa Seda Hotel last month na hindi madaling mag-shoot sa Japan kapag winter season.
“In fairness ha, hindi nasayang ang kuwento kay Baron kasi hindi siya nakasama sa Japan, ‘yun pala may sarili siyang kuwento o pinagdadaanan sa Baguio, ha, ha,” tsika sa amin.
Sabi pa ng aming kausap, “alam mo palaisipan ang role ni Ian (contractor) di ba siya ang taga-utos ng kontraks kung ano ang gagawin, hindi kaya ang ending siya pala ‘yung kaaway?”
Kaabang-abang ang mga kaganapan ngayong linggo sa ‘Incognito’ na nandog ng Star Creatives at Studio Three Sixty na napapanood sa Kapamilya channel, iWantTFC, TV5, A2Z at cable channel, mula sa direksyon nina Lester Pimentel Ong, Ian Lorenos at Wang Yan Bin.
(REGGEE BONOAN)