• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 2:11 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2025

Thunder, kinumpleto ang second-largest playoff comeback at ibinulsa ang 3-0 lead laban sa Memphis

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IPINOSTE ng Oklahoma City Thunder ang second-largest playoff comeback upang ibulsa ang 3-0 lead laban sa Memphis Grizzlies. Sa ikatlong game sa pagitan ng dalawang koponan, binura ng Thunder ang 29-point deficit upang itumba ang Grizzlies, hawak ang anim na puntos na kalamangan, 114-108. Sa pagtatapos ng 1st half, hawak na ng Memphis ang 26-point lead at halos ibulsa na ang isang panalo laban sa NBA top team. Gayunpaman pagpasok ng ikatlong quarter ay agad umarangkada ang OKC at ipinoste ang 36-18 scoring run sa loob ng 12 mins, daan upang bumaba sa walo ang deficit. Maliban sa episyenteng opensa, naging maganda rin ang depensang ipinakita ng OKC at pagpasok ng 4th quarter ay lalong nangibabaw ang elite defense ng NBA top team. Nagawa kasi ng koponan na limitahan ang Memphis sa 13 points sa buong 4th quarter. Sa huling 4mins & 50 secs ng laro, mistulang nagkaroon ng offensive breakdown ang Grizzlies dahil walang naipasok na kahit isang puntos ang koponan. Sa huli, nagawa ng Thunder na iposte ang 27 points sa 4th quarter, tangan ang 6-point lead at muling ibinulsa ang Game No. 3. Muling gaganapin sa homecourt ng Grizzlies ang Game No. 4 ngunit kung umabot sa Game 5, babalik na ito sa homecourt ng OKC. Sa kasalukuyang playoffs, tanging ang top NBA team na Thunder ang nakagawa ng 3-0 lead.

 

https://images.app.goo.gl/kMNXpTwSBvhn88AY8

Eala bigo kay Swiatek sa Madrid Open

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NATAPOS na ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa Madrid Open sa Spain. Ito ay matapos na talunin siya ni world number 2 Iga Swiatek sa score na 4-6, 6-4, 6-2. Nagawa pang maitabla ni Eala sa 4-4 sa ikalawang set subalit pinatunayan ni four-time French Open champion ang kaniyang lakas sa clay court. Pagpasok ng desiding set ay nakalamang agad ang Polish player na 3-0 hanggang mahabol ni Eala 3-1. Subalit hindi na nagpabaya si Swiatek at tuluyang tinalo ang Pinay tennis star. Itinuturing ni Swiatek na rematch niya ang laban kay Eala dahil sa tinalo siya sa quarterfinals ng Miami Open noong nakaraang buwan.

 

https://images.app.goo.gl/9q1pEnVdVHh9DVZ1A

NPC kinondena ang ginawang pananakot sa DZRH reporter

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KINONDENA ng NPC ang mga banta laban kay DZRH reporter Romy Gonzales mula kay La Paz, Abra Mayor at congressional candidate Joseph “JB” Bernos. Ayon kay NPC President Leonel Abasola, hindi katanggap-tanggap ang agresibong pag-uugali ni Bernos bilang opisyal ng pamahalaan. Nanawagan ang NPC sa COMELEC, DILG, at PNP na imbestigahan ang insidente at bigyan ng proteksyon si Gonzales. Binigyang-diin ng NPC ang kahalagahan ng malayang pamamahayag at integridad ng mga mamamahayag sa bansa.

 

https://images.app.goo.gl/npc-dzrh

Bersamin at dalawa pang cabinet members, magsisilbing mga caretaker ng Pilipinas habang nasa Vatican City ang First couple

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANGALANAN ng Malakanyang ang mga magsisilbing caretaker ng bansa habang nasa Vatican City ang First Couple. Sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang pansamantalang mamumuno. Lumipad ang Pangulo at Unang Ginang upang dumalo sa libing ni Pope Francis. Kumpirmadong dadalo rin ang mga lider mula sa iba’t ibang bansa. Ayon sa Vatican, pumanaw si Pope Francis kamakailan matapos ang ilang linggong gamutan sa ospital dahil sa double pneumonia.

 

https://dzme1530.ph/wp-content/uploads/2025/04/caretaker.png

Impeachment trial issue ni VP Sara, ayaw nang patulan ng Malakanyang

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TILA ayaw nang patulan ng Malakanyang ang mga pahayag ni VP Sara Duterte kaugnay ng kinakaharap nitong impeachment complaint. Ayon kay Usec. Claire Castro, wala ang Palasyo sa posisyon para manghimasok sa isyung ito. Kinumpirma ni VP Sara na nakipagpulong siya sa mga abogado habang nasa Netherlands. Naniniwala siyang mananalo sila sa impeachment. Ayon kay Castro, ang proseso ay nasa kamay na ng Senado. Wala ring natanggap na notice of disallowance ang Office of the President ukol dito.

 

https://remate.ph/wp-content/uploads/2024/11/sara-1.jpg

Mga kandidato sa 2025 elex, hindi dapat kasama sa distribusyon, pagbebenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo- Malakanyang

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Malakanyang na hindi dapat kasama ang mga kandidato para sa 2025 elections sa distribusyon at pagbebenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo. Ayon kay Presidential Communications Usec. Claire Castro, dapat ay hindi makita sa tarpaulin ang mukha ng sinumang kandidato. Aniya, ang pagbebenta ng bigas ay para sa taumbayan, hindi para sa mga kandidato. Bagama’t walang direktiba ang Pangulo, kumpiyansa ang Malakanyang na makikita ng COMELEC kung may pamumulitika. ‘Hayaan natin ang COMELEC na magsuri kung ginagamit ito sa pangangampanya,’ dagdag ni Castro.

 

https://remate.ph/wp-content/uploads/2023/09/BIGAS.jpg

Valenzuela, unang lungsod sa Pilipinas na nag-deploy ng 41 electric vehicles

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BILANG katuparan ng layunin ng environmental initiative nitong ‘Go Green Valenzuela,’ at sa pagsisikap na patatagin ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod, ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ay nagturnover ng 41 electric vehicles (EV) para magamit ng Valenzuela City Police Station at iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan. Kasabay nito, pinasinayaan din ng lungsod ang bago nitong EV Charging Station sa ALERT center. Ang Valenzuela ay ngayon ang unang lungsod sa Pilipinas na nag-deploy ng pinakamalaking bilang na 35 electric vehicles para magamit sa mga operasyon ng pulisya at anim naman para sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno. Ang hakbang na ito ay naging posible sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa ACMobility at BYD Philippines, na nagtulak sa paggamit ng mga sustainable na solusyon sa transportasyon. Ang inilaang badyet ng mga EV ay umabot sa P75,768,000.00 sa tulong ni Senator Win Gatchalian. May mga anti-theft equipment, regenerative braking, at electronic stability program ang mga sasakyang ito. Dumalo sa seremonya sina Mayor WES Gatchalian, Senator WIN Gatchalian, DILG Secretary Juanito Victor Remulla, dating Senate President Vicente “Tito” Sotto, at iba pang opisyal.

 

https://media.philstar.com/photos/2025/04/25/untitled-1_2025-04-25_22-17-59.jpg

COMELEC pinapasagot ang ilang mga kandidato dahil sa pagbili ng boto

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAPASAGOT na ng Commission on Elections (COMELEC) ang ilang mga lokal na kandidato dahil sa alegasyon ng pagbili ng mga boto. Dalawa sa mga dito ay tumatakbo sa pagka-alkalde ng lungsod ng Maynila na sina Isko Moreno at Samuel Versoza. Kabilang din na pinapasagot sina Caloocan mayoral candidate Dale Malapitan at Malabon Mayor Jeannie Sandoval. Nilinaw ni Malapitan na ang pamamahagi ng P3,225 sa mga botante ng Caloocan ay bahagi ng kanilang programa at ito ay pinayagan ng COMELEC noon pang Pebrero. Nasa listahan na pinapasagot rin ng COMELEC ay sina: Maguindanao del Sur Rep. Esmael Mangudadatu, Alaminos, Laguna Vice Mayor Victor Mitra, Alaminos Mayor Eric Reyes, Alaminos Councilor Joey Briz, Isabela Rep. Joseph Tan, Bulacan Sangguniang Panlalawigan member Anna Kathrina Hernandez Santiago, Isabela Mayor Alyssa Sheena Tan, Pandan, Catanduanes Mayor Raul Tabirara, Cavite Rep. Adrian Jay Advincula, Eastern Samar Councilor Rex Docena, Jerry Jose na tumatakbong konsehal ng Villaverde, Nueva Vizcaya; Masbate Gov. Richard Kho; Baybay City congressional candidate Levito Baligod; Baybay City mayoral candidate Marilou Baligod; Ana Kathrina Hernandez, na tumatakbong konsehal ng Bulacan; Montevista, Davao de Oro Mayor Cyrex Basalo, Aurora Gov. Reynante Tolentino, Santiago City Sangguniang Panglunsod member Sherman Miguel, Eastern Samar Rep. Maria Fe Abunda, Maria, Aurora Mayor Ariel Bitong, Sanggunian Bayan member Elizabeth Farin, Palawan Rep. Christopher Sheen Gonzales, Maguindanao del Sur Datu Ali Midtimbang at Sanggunian Panglunsod member Anton Phoenix Abaya. Ang mga ito ay pinapasumite ng written explanation kung bakit hindi sila dapat idis-qualify dahil sa alegasyon umano ng pamimili ng boto. Natitiyak naman ng COMELEC na kanilang agad na binibigyan ng aksyon ang mga reklamong naipaparating sa kanilang opisina.

 

https://img.bomboradyo.com/cauayan/2025/04/vote-buying-comelec.webp

Kelot na wanted sa statutory rape, nakorner sa selda

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Nadiskubre ng Caloocan Police na ang isang lalaking wanted sa tatlong kaso ng statutory rape ay nakapiit na pala sa Caloocan City Jail. Si alyas Dodie ay matagal nang pinaghahanap matapos kasuhan ng paulit-ulit na panghahalay sa isang menor de edad. Natunton siya sa BJMP facility ng mga tauhan ng DIDMD matapos matanggap ang impormasyon. Walang piyansa ang kaso laban sa kanya ayon sa warrant na inilabas noong Agosto 4, 2024.

 

https://hsrc.ac.za/wp-content/uploads/2024/12/terrifying-hands-silhouettes-studio_23-2150710095-700×467.jpg

2 tulak ng high-grade marijuana, arestado sa Caloocan

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Naaresto ng Caloocan police ang dalawang lalaking tulak ng high-grade marijuana sa isang buy-bust operation sa Bagong Silang. Kinilala ang mga suspek na sina alyas Andrie, 24, at Mark, 22. Nakumpiska mula sa kanila ang 29g ng high-grade marijuana at 950g ng tuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P157,500. Kakasuhan sila sa ilalim ng R.A. 9165. Pinuri ni NPD Director P/BGen. Ligan ang DDEU sa kanilang propesyonalismo at dedikasyon sa kaligtasan ng publiko.

 

https://media.philstar.com/photos/2025/01/03/jov_2025-01-03_22-39-15.jpg