• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 10:54 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2025

MRT 3 dinagdagan ng bagon sa peak hours

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Dinagdagan ng four-car train sets ang operasyon ng MRT 3 simula Lunes upang mapabuti ang serbisyo sa mga pasahero tuwing peak hours. Kasama sa plano ang libreng Wi-Fi at cashless payments. Pinahaba rin ang operasyon ng tren tuwing weekdays.

https://images.app.goo.gl/pNc8F53Wr2yHdGrt7

‘Days of Mourning’ dahil sa pagpanaw ni Pope Francis idineklara ni Pres. Marcos

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang ilang araw na pagluluksa mula Abril 23 hanggang 26 dahil sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon sa PCO, ilalagay sa half-mast ang watawat ng bansa sa lahat ng gusali ng gobyerno. Dadalo rin si Pangulong Marcos at First Lady Liza Marcos sa libing ng Santo Papa.

https://images.app.goo.gl/ggyUTpaHKcotmhiy7

Malakanyang, niresbakan si VP Sara matapos batikusin ang P20/kilo bigas sa Visayas

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Niresbakan ng Malakanyang si VP Sara Duterte matapos nitong batikusin ang programang P20 kada kilo ng bigas. Ayon kay Claire Castro, dapat suportahan ng mga lider ang programa ng Pangulo at huwag pairalin ang crab mentality. Sinabi rin niya na ang bigas ay hindi ‘panghayop’ at ito ay galing sa mga lokal na magsasaka. (Daris Jose)

https://cdn.balita.net.ph/balita/uploads/images/2025/04/24/11671.png

Kelot, kulong sa panunutok ng baril sa nakaalitan sa Caloocan

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Arestado si alyas ‘Juan’ matapos tutukan ng baril ang isang nakaalitan sa Caloocan City. Nakumpiska sa kanya ang isang .38 revolver na walang lisensya. Nahaharap siya sa mga kasong Grave Threat at paglabag sa RA 10591. (Richard Mesa)

 

Pang-apat na business one-stop shop ng Caloocan, inilunsad

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Inilunsad ng Caloocan LGU sa pangunguna ni Mayor Along Malapitan ang ikaapat na business one-stop shop (BOSS) sa SM Sangandaan upang pabilisin ang pagproseso ng permits para sa mga negosyante. Layunin ng proyekto na gawing accessible ang serbisyo para sa mga Batang Kankaloos. (Richard Mesa)

 

2 tulak, timbog sa buy bust sa Navotas

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Dalawang drug suspects ang naaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City, kung saan nasamsam ang mahigit P.1 milyon halaga ng shabu. Nahuli ang mga suspek sa Brgy. San Roque at Brgy. Daanghari at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165. (Richard Mesa)

 

Para pag-usapan ang regional, global issues: PBBM, Japan PM magpupulong sa April 29

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Makikipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba sa Palasyo ng Malakanyang sa April 29 para talakayin ang regional at global issues. Layon din ang pagpupulong na palalimin ang kooperasyon sa ekonomiya, depensa, at intelligence sharing, kabilang ang GSOMIA. (Daris Jose)

 

Para dumalo sa libing ni Pope Francis: First Couple, biyaheng Vatican City

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

LUMIPAD na kagabi ang First Couple na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos para dumalo sa libing ni Pope Francis sa Vatican City. Ayon kay Claire Castro ng Malakanyang, mamayang gabi ang alis. Wala pang detalye kung sino ang magiging caretaker ng bansa habang wala ang First Couple. Ang libing ay gaganapin sa Sabado sa St. Peter’s Basilica, sa pangunguna ni Cardinal Kevin Farrell. (Daris Jose)

 

P20 kada kilo ng bigas, ibebenta sa Visayas —DA

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MABIBILI na ng P20 kada kilo ang bigas na sisimulan ang implementasyon sa Visayas.nnIto ang inanunsyo ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. matapos ang closed-door meeting kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang 12 Visayas governors sa Cebu Provincial Capitol.nnSinabi ni Tiu Laurel na nais ni Pangulong Marcos na ang programang ito na ipatutupad sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay magiging pangmatagalan.nn’The President has actually given the directive, initially itong programa ng DA was supposed to last until December, pwede pa stretch ‘yan until February. But our President has given the directive to the Department of Agriculture to formulate this to be sustainable and ituloy-tuloy hanggang 2028,’ ang sinabi ni Tiu Laurel sa press conference.nn“So ito may dalawang template, isang 5 kilos per week per family and another one is 10 kilos per week. So kanina sa ngayon parang napagkasunduan in essence is 10 kilos per week, so 40 kilos per month,” ayon kay Tiu Laurel.nnPinag-usapan sa pulong ang inisyal na implementasyon ng kaniyang pangako noong 2022 elections na maibaba sa bente pesos ang presyo ng bigas.nnSinasabing matagal nang umaasa si Pangulong Marcos na matutupad nito ang kanyang campaign promise na bawasan ang presyo ng bigas ng hanggang P20 kada kilo. (Daris Jose)

 

Ads April 26, 2025

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments