• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:25 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2025

Pinas, pinapanatili ang One-China Policy sa gitna ng Taiwan travel shift

Posted on: April 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Nilinaw ng DFA na nananatiling nakatali ang Pilipinas sa One-China Policy kahit pinagaan ang travel ban ng ilang opisyal papuntang Taiwan. Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, layunin ng bagong panuntunan ang pagtataguyod ng trade at investment habang sumusunod sa umiiral na patakaran. Ang bagong circular ay nagtatakda ng limitasyon sa mga opisyal ng gobyerno sa kanilang mga biyahe, maliban na lamang kung may pahintulot mula sa DFA.

 

 

Roque, pinag-aaralan na magbitbit ng kaso sa European Court of Human Rights para kay Duterte

Posted on: April 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Plano ni dating presidential spokesperson Harry Roque na magsampa ng kaso sa European Court of Human Rights laban sa umano’y diskriminasyon sa pagkakakulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Giit ni Roque, may tradisyon sa Netherlands na hindi ikinukulong ang mga 80 taong gulang pataas. Naniniwala siyang dapat palayain si Duterte dahil sa age-based discrimination at lalabag ito sa European Convention on Human Rights.

 

 

56-anyos na dealer ng droga sa Valenzuela, huli sa buy bust

Posted on: April 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Nasamsam ang P231,200.00 halaga ng shabu mula sa isang 56-anyos na lalaki na nakilalang si alyas ‘Ron’ sa buy bust operation sa Valenzuela City. Ayon sa ulat, nahuli siya ng Station Drug Enforcement Unit sa Brgy. Coloong. Nakumpiska rin ang buy bust money, cellphone, at iba pang gamit. Kakaharapin niya ang kasong paglabag sa R.A. 9165.

 

 

Pagdalo ni PBBM sa libing ni Pope Francis hakbang ng malalim na paggalang mula sa mga Pilipino

Posted on: April 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang kanyang pagdalo sa libing ni Pope Francis sa Vatican ay isang kilos ng malalim na paggalang sa ngalan ng Pilipinas. Ayon sa kanya, nirepresenta niya ang bawat Pilipino na nais maipaabot ang kanilang pagdadalamhati. Kasama ng Pangulo ang 170 world leaders sa libing na dinaluhan ng tinatayang 400,000 katao. Pagkatapos ng libing, nakita si Marcos na nakipag-usap kay US President Donald Trump at dating US President Joe Biden.

 

 

Call center agent na courier sa bentahan ng baril sa social media, laglag sa selda

Posted on: April 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Isang call center agent na nagsisilbing courier ng baril sa social media ang inaresto sa Caloocan sa entrapment operation ng pulisya. Nakuha sa kanya ang M1 Garand rifle, anim na magazine, at buy bust money. Mahaharap siya sa kasong paglabag sa R.A. 10591 at Cybercrime Law.

 

 

4, arestado sa sinalakay na kompanyang nagbebenta ng mga imitasyong piyesa ng motor sa Caloocan

Posted on: April 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Apat na kawani ang arestado matapos salakayin ng pulisya ang isang kompanyang nagbebenta ng pekeng piyesa ng motorsiklo sa Caloocan. Nakumpiska ang 120 kahon ng imitasyong bearing na tinatayang nagkakahalaga ng P1.5M. Sasampahan ng kasong paglabag sa Intellectual Property Code ang mga nadakip.

 

 

Projection sa Pilipinas na magiging upper middle-income country pagdating ng 2026, ikinalugod ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez

Posted on: April 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Ikinatuwa ni Speaker Martin Romualdez ang projection ng NEDA na magiging upper middle-income country ang Pilipinas sa 2026. Binanggit niya ang mga batas at programang isinusulong ng Kamara para masiguro ang benepisyo ng paglago ng ekonomiya sa karaniwang Pilipino. Kabilang dito ang Trabaho Para sa Bayan Act, PPP Code, Internet Transactions Act, at suporta sa mga sektor gaya ng agrikultura at edukasyon.

 

 

Tumaas na kaso ng online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) sa Pilipinas, ikinabahala ng mambabatas

Posted on: April 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Ikinabahala ng mga mambabatas ang ulat ng CHR na pumalo sa 2.7M ang kaso ng OSAEC sa 2023 mula sa 426,000 noong 2019. Ayon kina Gabriela Rep. Arlene Brosas at dating Rep. Sarah Elago, ang problema ay nakaugat sa kahirapan. Nanawagan sila ng mas komprehensibong batas, child-sensitive approaches, at mas malaking pondo sa social services, trabaho, at edukasyon upang tugunan ang problema.

 

 

ABALOS, humiling ng dagdag na benepisyo para sa mga opisyal ng barangay at tanod matapos ang pagkasawi ng kagawad sa Iloilo

Posted on: April 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Nangako si senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. na isusulong ang panukalang batas para sa dagdag benepisyo ng mga opisyal ng barangay at tanod, lalo na kung sila ay masugatan o magbuwis ng buhay sa tungkulin. Ito ay matapos ang pagkamatay ng isang kagawad sa New Lucena, Iloilo. Layunin ng panukala ang sapat na pondo, agarang medikal na tulong, at insurance system para sa mga barangay workers. Binigyang-diin ni Abalos ang kakulangan ng LGUs sa pagbibigay ng benepisyo at ang pangangailangang gawing pantay-pantay ang access sa tulong.

 

 

Kasong treason isampa laban sa Makati firm na kinontrata ng China para sa troll farms

Posted on: April 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang Department of Justice (DOJ) na maghain ng kasong kriminal laban sa opisyal at miyembro ng board of directors ng isang kumpanya na kinontrata ng Tsina para sa usapin ng West Philippine Sea. Ang apela ay ginawa ng mambabatas makaraang ibinunyag ni Senador Francis Tolentino, chairman ng Senate special maritime committee, sa isinagawang public hearing nitong Huwebes na ang Makati-based Infinitus Marketing Solutions ay nagsilbi umanong “keyboard warriors” ng Tsina para pabanguhin ang Beijing sa isyu ng West Philippine Sea. “The DOJ and the National Bureau of Investigation should file charges for treason and other violations of the Revised Penal Code and the National Security Act against officers and directors of Infinitus Marketing Solutions. In general, these laws punish any Filipino who betrays or is disloyal to his country and who works against its national interest, sovereignty and territorial integrity,” ani Rodriguez. Idinagdag nito na dapat ding kasuhan ang Chinese embassy officers na nagpasok ng kontrata sa Infinitus bilang “principals by direct participation.” “These Chinese diplomats and embassy staff should likewise be immediately sanctioned by the Department of Foreign Affairs,” giit nito. Hinikayat din ni Rodriguez si Tolentino na ipatawag ang mga opisyal at miyembro ng board of directors ng Infinitus upang magpaliwanag sa kontrata nito sa China. “I am interested in knowing the social media personalities they have engaged and paid to work against our national interest and promote China’s false narratives on the West Philippine Sea,” dagdag nito. Sa ginanap na pagdinig ng senado ntitong Huwebes, inihayag ng isa pang resource person na si National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na may nakita silang “indicators” na pinoponodohan umano ng Cang ilang kandidato ngayong May 12 elections. (Vina de Guzman)