• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 4:16 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2025

Lace Up, Explore, Empower: “Takbo Para sa Turismo 2025” Invites You to Run for the Philippines!

Posted on: April 15th, 2025 by people's balita No Comments

 

Manila, Philippines – Go out and enjoy the outdoors for a cause! The National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) has partnered with the Department of Tourism (DOT), for “Takbo Para sa Turismo” – a unique fun run which celebrates the Philippines’ beauty, while highlighting tourism’s important contribution to the company’s economy. To be held in Manila’s iconic Quirino Grandstand on April 26, 2025, “Takbo Para sa Turismo” isn’t your average race, it’s a call to action, inviting runners of all backgrounds to become tourism ambassadors by supporting the event.

Choose your challenge: 3K, 5K, and 10K, all three categories provide a rewarding test of endurance while showcasing the city’s iconic landmarks.

“Takbo Para sa Turismo is a vibrant movement, a testament to the power of tourism to uplift communities,” says Ms. Florence Rivera, National President of NAITAS. “Takbo Para sa Turismo is more than just a race; it’s a movement that highlights the importance of tourism in our country’s economy. By joining this event, runners will not only invest in their health but also contribute to the growth and sustainability of local tourism.”

A portion of the event’s proceeds will be channeled directly into local communities, fueling tourism projects that create opportunities and preserve the unique character of the country’s many destinations.

Ready to run and support local tourism?

Sign up now for “Takbo Para sa Turismo 2025” and:

  • Experience the thrill of the race.
  • Discover Manila’s iconic landmarks in a whole new way.
  • Join a community of passionate tourism advocates.
  • Directly support local communities and their tourism initiatives.

HOW TO REGISTER:

Interested participants can register online via: naitas.ph/takbo

 

             

Reyna at Konsorte ng 5oth Grand Santacruzan sa Libid, Binangonan, Rizal, ipinakilala sa press

Posted on: April 15th, 2025 by people's balita No Comments

Reyna at Konsorte ng 5oth Grand Santacruzan sa Libid, Binangonan, Rizal, ipinakilala sa press

TAONG 2019, nang magsimula ang patimpalak ng Reyna at Konsorte ng Santacruzan, isang makulay at bagong ideya na nagmula sa tagapamahala ng Brgy. Libid Grand Santacruzan mula pa noong 1975 sa pamumuno ni Mr. Gomer Celestial.
Bakit nga ba Reyna at Konsorte ng Santacruzan ang naging titulo? Maaari namang Mr. and Miss Libid o Ginoo at Binibining Libid? Ngunit natatangi ang sagala o Santacruzan ng Brgy. Libid sa buong bayan ng Binangonan. Ika nga nila ” Barangay Libid is the home of the Grand Santacruzan of Binangonan “. Kaya minabuting gamitin ang titulong Reyna at Konsorte ng Santacruzan upang ito ay mamukod- tangi sa mga patimpalak ng mga karatig barangay. Walang question and answer portion, bagkus ipapamalas lamang nila ang angking kagandahan at kaguwapuhan kasabay ng matatamis na ngiti sa kanilang paglilibot sa araw ng Santacruzan. Irarampa nila ang mga naggagandahang Filipiniana gowns at barong na gawa ng mga kilalang local designers na pawang mga taga- Binangonan . At higit sa lahat, ipagmamalaki nila ang kanilang pangalan at pinagmulan.
Ngayong 2025, ang ika – 50th anniversary ng Grand Santacruzan sa Libid bilang pagdiriwang at pagbibigay parangal sa Mahal na Krus.
Pinangunahan ni Punong Barangay Gil “AGA” Anore, kasama ang Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Barangay Libid, ang ang pag-oorganisa ng naturang event para matiyak ang isang makulay at matagumpay na selebrasyon.
Ang Meet the Press ay ginanap, Linggo Abril 13 sa Cafe de Lawa restaurant, Mahabang Parang, Binangonan Rizal na pagmamay-ari ni Mr. Ivan Sta. Ana na isa rin sa major sponsors ng naturang pagdiriwang. Ipineresenta sa press ang 16 na pares ng mga Reyna at Konsorte ng Santacruzan . Punong abala rin doon ang founder ng Pista ng Cruz Santacruzan na si Gomer Celestial at Direk Bobbit Patag. Ang Switch Fiber ay isa rin sa sponsor ng Santacruzan.
All out din ang suporta at present sa Meet The Press ng Santacruzan delegates ang tumatakbong Mayora ng Binangonan na si Ms. RHEA YNARES.
Higit 16 na pares ang rumampa at nagpakilala sa press. Lahat ay magaganda at guwapo. At para sa taong ito pangungunahan ng  GMA Sparkle Artist and rising actress Faith Da Silva ang pagiging Mayflower Queen sa Grand Santacruzan. Makakasama rin ni ‘Sang’gre: Encantadia Chronicles’ star ang fellow Sparke Artist na si Bryce Eusebio. Rarampa rin sa buong Libid ang  Reyna Elena  na si Khloe Zolenn Gabrielle Anore, Haring Konstantino Calum Izaak Aparato at nta Elena Rose Camille Opiniano.
Layunin din ng selebrasyong ito ang maipakilala ang mayaman at makulay na kultura tradisyon at turismo ng Barangay Libid at Bayan ng Binangonan Rizal. Kabilang na dito ang Kubol (Isang istraktura na arko na may Krus na gawa sa adobe kung saan ginagawa ang Lutrina (pabasa) isang tradisyon ng mga Katoliko na umaawit ng papuri para sa Mahal na Krus . Ang Kalbaryo naman ay isang lugar o burol sa Brgy. Libid kung saan dati ay may nakatayong Krus na gawa sa kahoy ngunit nasira noong tamaan ng kidlat dati. Sa kasalukuyan ay may nakatayong mataas na bakal na Krus doon na dinarayo ng mga mananampalataya lalo na tuwing Mahal na Araw at higit sa lahat ang simbahan ng Santa Ursula na idineklara noong Marso 2, 2025 bilang National Cultural Treasure. (MRAntazo)

Kap Aga Anore

The Press with Ms. Rhea Ynares who’s running as Mayor of Binangonan

 

 

Difflam Takes Out Top Honour at Healthcare Asia Pharma Awards 2025

Posted on: April 15th, 2025 by people's balita No Comments

APRIL 2025.  Kuala Lumpur, Malaysia. Leading consumer healthcare brand Difflam® is thrilled to win the Marketing & Communications Initiative of the Year – Philippines at the prestigious Healthcare Asia Pharma Awards 2025 in recognition of its Difflam® Lozenges (Benzydamine HCl + Cetylpyridinium Cl) Study with the ‘Push Your Best Self Forward’ campaign.

 

Speaking about the Award, Mr. Sacha Ernst, President AMENA iNova Pharmaceuticals commented, “We are honoured to be recognised today by the Healthcare Asia Pharma Awards.”

 

“At iNova, we strive to deliver innovative products and meaningful initiatives that help improve the health and wellbeing of Filipinos everyday. The successful delivery of the recent Difflam® Lozenge (Benzydamine HCl + Cetylpyridinium Cl) Study and ‘Push Your Best Self Forward’ campaign is a great example of the positive impact we can make in our community.”

The clinical study aimed to evaluate the effectiveness of Difflam® Lozenges, containing the active ingredients Benzydamine HCl + Cetylpyridinium Cl, in easing sore throats in COVID-19 patients. Results demonstrated that Difflam® Lozenges (Benzydamine HCl + Cetylpyridinium Cl) helped reduce throat pain and may even shorten the duration of COVID-19 infection due to its potential antimicrobial effects against SARS-CoV-2 through the Cetylpyridinium Cl component. This was supported by meaningful improvements in the median Visual Analogue Scale (VAS) pain scores. (Nailes JM, et al. Archives of Infect Diseases & Therapy ;2023;7(2):60-68)

Ms. Elena Lam, iNova Country Manager, Philippines commented, “iNova wanted to invest in practical, real-world evidence that would provide confidence to healthcare professionals in providing advice to patients on how and when to treat sore throat pain using Difflam® Lozenges (Benzydamine HCl + Cetylpyridinium Cl).”

 

“The publication of the clinical study was also supported by a robust national education series to ensure healthcare professionals were well informed about the study.”

 

“With the cut-through creative consumer marketing campaign ‘Push Your Best Self Forward’, we wanted to leverage the study results to encourage Filipinos to focus on improving their personal health and wellbeing underscoring the importance of maintaining good health practices and holistic wellbeing.”

“We are incredibly proud that together, the Difflam® Lozenges (Benzydamine HCl + Cetylpyridinium Cl) clinical study and our supporting communication and marketing initiatives, has supported Filipinos in their journey to better health.  Across Asia and in particular The Philippines, Difflam® continues to grow in a challenging and highly competitive market. ” said Ms. Lam.

This is an exciting time of growth for iNova as the company continues to invest in our business in The Philippines following the successful acquisition of the Mundipharma Consumer Health business, anchored by the iconic Betadine® brand in 2024.

 

 “As a leader in the consumer health industry, iNova is committed to investing in meaningful science to innovate and provide health solutions for Filipino healthcare professionals, patients and consumers across all of our leading brands. The continued expansion of our leading Difflam® range of throat and mouth care products is a great example of this,” concluded Mr. Ernst.

 

 

###

Ads April 15, 2025

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

First Family, magkakasama ngayong Holy week- Malakanyang

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAKAKASAMA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang pamilya ngayong Holy Week.nnTiniyak ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ‘family time’ ang kahaharapin ng Pangulo ngayong Semana Santa.nn nn”Naitanong po natin at siya po ay makakasama niya po ang kanyang pamilya, he will spend his time with his family,” ang sinabi ni Castro sabay sabing “Ang mga detalye ay hindi ko na po maibibigay, iyon lang po.”nn nnHindi naman aniya sinabi sa kanila kung saan magho-Holy Week ang First Family.nn nn”Opo, basta he will spend his time, during his holy week, most probably starting Thursday. Opo, pero iyon lang po, itong holy week na po ay bibigyan niya po naman ng oras ang kanyang pamilya para po sila’y magkasama-sama, dahil sa sobrang busy ng ating Pangulo, sa kanyang mga activities, so iyan po,” ang pahayag ni Castro.nn nnSa kabilang dako, bagama’t may iskedyul na ang First Family para sa kanilang bonding ay sinabi ni Castro na hanggang araw ng Miyerkules Santo ay may mga aktibidad pa rin ang Pangulo sa loob at labas ng Malakanyang.nn nn”Sa aking pagkakaalam, mayroon din pong magaganap dito sa Palasyo, pero mga meetings lang po. So, i-include po natin iyong mga meetings,” ang winika ni Castro. (Daris Jose)

Dagdag singil sa kuryente ng Meralco, kinondena ng Akbayan Partylist rep Perci Cendaña

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KINONDENA ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña ang Meralco sa panibago na naman nitong dagdag singgil sa kuryente.nnReaksyon ito ng mambabatas kaugnay sa naging pahayag ng Manila Electric Company (Meralco) nitong nakalipas na Biyernes na P0.7226 per kilowatt hour (kWh) hike sa singgil ng kuryente ngayong buwan ng Abril. Dala nito magiging P13.0127 per kWh ang singgil mula PHP12.2901 per kWh mula Marso.nnSinabi ng Meralco na ang higher generation charge, ay pangunahing dala ng surge sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) prices.nn”Hindi pa nga kayo nagre-refund sa consumers, naniningil na kayo nang mas mataas? Tila nakakakuryenteng balita sa mga consumers ang announcement ng Meralco na itataas nila ang April electricity rate ng 72 centavos. This is no small sum. It translates to Php 144 increase in the monthly bill for average households consuming 200 kWh of electricity. Hindi pa nga naibabalik ng Meralco ang kabuuang Php100 Billion na inovercharge nito mula 2011-2022 sa mga consumers pero nandito na naman ang Meralco sa kanilang taas singil,” pahayag ng mambabatas kasabay ng panawagang refund sa over collections.nnSuwestiyon nito, agad sertipikahan agad ang panukalang P200 wage hike upang magsilbing lifeline sa pamilyang Pilipino; pagtanggi ng ERC sa susunod na mga petisyon para sa rate increase mula sa Meralco; irefund ang P100B na na-over collected mula sa consumers mula 2011-2022 at pagrebyu sa EPIRA law upang masiguro na maasahan at abot kaya ang bayad sa kuryente. (Vina de Guzman)

Most wanted na magnanakaw sa QC, nasilo ng NPD sa Bulacan

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGWAKAS na ang mahigit dalawang taong pagtatago ng 42-anyos na Most Wanted Person na akusado sa kasong pagnanakaw sa Quezon City nang matunton ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa lalawigan ng Bulacan.nnInatasan ni NPD District Director P/BGEN. Josefino Ligan si P/Capt. Romel Caburog, hepe ng Intelligence Group (IG) na samahan ang mga tauhan ng Camarin Police Sub-Station-10 sa pagdakip sa akusado nang makatanggap sila ng impormasyon sa kinaroroonan nito.nnDakong alas-10:30 ng gabi nang pasukin ng mga tauhan ng NPD ang bahay ng akusado sa Expansion II, Heroes Ville 1, San Jose Del Monte, Bulacan, bitbit ang warrant of arrest na inilabas ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Evangeline C. Castillo Marigomen ng Branch 101 noon pang Abril 3, 2023 para sa kasong Robbery.nnBukod sa ginawang koordinasyon ng NPD sa lokal na kapulisan ng San Jose Del Monte at barangay, gumamit din ang mga pulis ng alternative recording device upang mai-rekord ang ginawa nilang pagdakip sa akusado.nnAyon kay BGEN. Ligan, naglaan ang hukuman ng P100,000 na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado, na nakapiit ngayon sa Camarin Police Sub-Station 10, habang hinihintay pa ang utos ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Quezon City Jail. (Richard Mesa)

Vendor, kulong sa boga, gun replica sa Caloocan

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINITBIT sa selda ang 31-anyos na vendor nang mabisto ang dalang baril habang nakikipagtalo sa isa pang lalaki sa Caloocan City.nnSa ulat ni Northern Police District (NPD) District Director P/BGEN. Josefino Ligan, nagpapatrulya ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 10 nang mapansin ang pagtatalo ng dalawang lalaki, dakong alas-11:50 ng gabi sa Pinagbuklod, Sto. Niño, Brgy. 178, habang armado ng baril ang isa.nnNang lumapit ang mga pulis upang umawat, nakatakbong palayo ang isa, habang nadakip naman ang vendor na may hawak na hindi lisensiyadong kalibre .38 revolver na may kargang isang bala.nnBukod sa nakumpiskang revolver, nakuha rin ng mga pulis sa suspek, na mahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Act at BP 881 o ang Comelec gun ban, ang isang replica ng kalibre .45 pistola.nn“This successful intervention highlights the vigilance of our personnel on the ground. Their proactive actions are crucial to ensuring the safety and security of our communities,” pahayag ni BGEN. Ligan. (Richard Mesa)

Malabon LGU, magtatayo ng mid-rise housing project

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ITATAYO ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang bagong mid-rise socialized housing project sa Barangay Potrero, kasunod ng isinagawang groundbreaking ceremony nito sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval.nnAng nasabing proyekto, na may dalawang magkatulad na mid-rise buildings (Building A at B), ay itatayo sa Guyabano Street, at magbibigay ng mas ligtas at marangal na tahanan para sa humigit-kumulang 200 pamilya.nn“Isang proyektong pabahay muli ang ating sisimulan upang makapagbigay ng maayos na bubong para sa mga pamilyang Malabueño. Ito po ay bahagi ng ating mga plano para sa kaligtasan at kapakanan ng mga Malabueño. Alam po natin na ang magkaroon ng sariling bahay pangarap ng ating mga kapwa mamamayan. Kaya atin pong sinisikap na makagawa ng mga proyekto para sa inyo. Sa Malabon, may katuparan ang mga pangarap, may pag-asa,” ani  Mayor Jeannie.nnSinabi ng City Housing and Urban Development Department (CHUDD) na ang pagbuo ng bagong proyekto sa pabahay ay pinasimulan sa ilalim ng City Ordinance No. 05-2025 or An Ordinance Declaring the Forfeited Lot Covered by Transfer Certificate of Title No. T-126388 to be under the Socialized Housing Program and Land-for-the-Landless Program of the City Government of Malabon and for other Purposes.nnAng target na mga benepisyaryo ng proyekto ay ang mga residente ng Malabon, partikular ang mga kabilang sa informal settler sector, llow-income families na nangangailangan ng mabibilis na pabahay, ang mga kasalukuyang nakatira sa danger zones, sa tabi ng mga daluyan ng tubig, o sa mga pampublikong lupain, gayundin ang mga nakakatugon sa pangangailangang pinansyal para sa socialized housing.nnIbinahagi ng City Engineering Department na ang bawat gusali ay magkakaroon ng 4,066.5 square meters na kabuuang kabuuang lawak ng palapag na may 10 silid bawat palapag (100 kuwarto bawat gusali, 24 sqm. bawat isa).nnAng ground floor ng gusali ay magtatampok ng 4 leasable area, reception lobby, administrative office, security room, Materials Recovery Facility (MRF), maintenance room, main electrical at telco room, transformer room, pump room, female common CR, male, common CR, PWD CR, at Shared/Common CR.nn“Ang mga proyektong ito ay hindi lamang magbibigay ng maayos at ligtas na mga bubong para sa ating mga kababayang Malabueño. Magkakaroon din sila ng access sa mga pasilidad na nakatuon sa kanilang mga pangangailangan,” pahayag ni City Administrator and CHUDD concurrent head Dr. Alexander Rosete.nn“Sa ating pagsasagawa ng mga plano para sa ikabubuti ng buhay ng bawat mamamayan, prayoridad po natin ang kanilang kaligtasan, kaginhawaan, at kapakanan. Kasabay ito ng ating layuning mas progresibo at mas magandang lungsod ng Malabon,” dagdag niya. (Richard Mesa)

Road tunnel at flood diversion channel sa ilalim ng EDSA

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ng isang mambabatas ang pagsasagawa ng feasibility study sa mga solusyon na makakatulong sa pagresolba sa trapiko at pagbaha na madalas na dinadanas ng Metro Manila.nnTinukoy ni Makati City Rep. Luis Campos Jr. ang dual-purpose road tunnel at flood control channel sa ilalim ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA).nnSa House Resolution No. 2130, nanawagan si Campos sa National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Public Works and Highways (DPWH), Metro Manila Development Authority (MMDA) at National Irrigation Administration (NIA), na magsagawa ng isang komprehensibong feasibility study para sa mga naturang project.nn“EDSA is overstretched and flood-prone. We need bold, long-term infrastructure solutions that address both traffic congestion and climate-driven flooding,” ani Campos.nnAng Edsa ay may habang 23.8 kilometers, na dinadaanan nang mahigit sa 400,000 sasakyan kada araw na lagpas sa designed capacity na 288,000.nnSinabi ni Campos na ang pagresolba sa problema ay hindi lamang paghahanap ng solusyon sa ngayon kundi para na rin sa hinaharap.nnInihalimbawa nito ang SMART Tunnel sa Kuala Lumpur, Malaysia na nagsisilbing daanan at stormwater diversion system. Ang tunnel ay otomatikong isinasara sa trapiko tuwing malakas ang ulan umang mabigyan daan ang tubig ulan o baha at mabuksan agad ang trapiko sa loob ng 48 oras. (Vina de Guzman)