• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 5:38 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2025

Binalikan ang kinasangkutang aksidente: DAVID, aminadong sinisisi ang sarili dahil nasawi ang kaibigan

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINDI lahat ay alam ang tungkol sa kinasangkutang aksidente ni David Licauco noong 2013 habang pauwi galing sa Tagaytay.Pinalad na makaligtas si David, pero nasawi ang kanyang kasamang kaibigan.Hindi siya ang nagmamaneho ng kanilang sasakyan na nahati o nabiyak sa lakas ng impact ng pagbangga nila sa isang truck na nangyari sa SLEX.Kumalahati yung kotse. Nasa harapan po ako. I had a seatbelt injury. I couldn’t breathe, kuwento ni David.He got into a coma and eventually passed away, pagtukoy ni David sa kasama niyang kaibigang pumanaw.Nakaligtas si David dahil sa nakasuot siya ng seatbelt na kanyang ipinagpasalamat sa isang parking boy attendant na nagsabi sa kaniya na mag-seatbelt.Kapag bata ka po, ayaw niyo mag-seatbelt kasi parang hassle, e. And then may parking boy. For some reason, nandun siya sa side ko.“And then, sabi niya sa akin, ‘Sir, seatbelt po, a. Ingat lang po kayo.’“That stuck in me.Nag-seatbelt po ako. And kung hindi po dahil sa parking boy e wala po tayong interview ngayon, seryosong kuwento pa ni David.Aminado si David na may pagkakataon noon na sinisi niya ang sarili dahil siya ang nagyaya sa kaibigan niya na sumama sa kanya.Nagka-trauma rin siya noon na dumaan sa SLEX.Isa rin umano ang naturang aksidente sa mga dahilan kaya nabawasan ang paglalaro niya ng basketball.“Kasi yung best friend ko na nawala, he really pushes me to play basketball every day.Ang naturang trahedya ang nagturo kay David na mas bigyan ng pagpapahalaga ang pamilya at mga kaibigan.I think it’s just a matter of valuing your friends and family, your loved ones because you never know. Baka tomorrow may mawala po.I think it’s always nice to let your friends and family know that you love them and you care for them, saad pa ng binata.Samantala, palabas sa mga sinehan simula ngayong Black Saturday, April 19, ang pelikulang pinagbibidahan ni David, ang ‘Samahan Ng Mga Makasalanan.’Dito ay gaganap si David bilang isang pari.Nasa pelikula rin sina sina Sanya Lopez, Joel Torre, Chariz Solomon, Betong Sumaya, Buboy Villar, Chanty Videla, Jun Sabayton at Euwenn Mikaell at si Christian Singson.Sa direksyon ni Benedict Mique, mula ito sa GMA Pictures in collaboration kay dating Ilocos Sur Governor Luis ‘Chavit’ Singson.(ROMMEL L. GONZALES)

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/image-4.jpg

Kahit tahasan nang itinanggi ni Benjie: Maraming naniniwala na break na sina KOBE at KYLINE

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SILA pa nga ba o break na talaga sina Kobe Paras at Kyline Alcantara? Ang pinagmulan nito, ang hindi na nila pagiging visible sa social media na magkasama. May balita rin na bagong girl daw si Kobe na non-showbiz.Sa isyu o ispekulasyon na break na raw sina Kobe at Kyline, parehong tahimik ang dalawa. Si Kyline, may mga post na pwedeng isiping nag-e-emote-emote ito.Meron itong post na kino-congratulate ang sarili at just hang in there raw dahil may mga na-achieve na siya na dating pinapangarap niya lamang. Eh, kapansin-pansin na kung dati, silang dalawa ang pinaka-mabilis mag-like sa post ng isa’t-isa, this time, out of almost 100,000 likes, ni hindi ito na-like ni Kobe.Naghihintay rin ang mga fan nila ng pagla-like o comment ni Kobe sa usual post ni Kyline. Pero base sa nababasa naming mga comment, parang marami na rin ang naniniwalang break na sila at may mga galit kay Kobe.They still follow each other, pero wala ng interaction. Kung socmed nila ang pagbabasehan, pwedeng isipin na mukhang may something o break na nga.Pero, iba ang statement ni Benjie Paras, ama ni Kobe. May kaibigan kaming nakausap mismo si Benjie at tahasan itinanggi ni Benjie na break na ang anak at si Kyline.Either, diretsahan niyang tinanong ang anak o nakikita pa rin niyang magkasama ang dalawa na hindi na nakukuha ng radar ng mga netizen.Pero yun lang, madalas kasi ‘pag may ganyang mga ispekulasyon na, kung bakit nauuwi talaga sa totohanan.***SINAGOT ni Sharlene San Pedro ang mga natanggap na negative comment dahil sa hindi niya pagpayag na magpakuha ng larawan sa ilang fan na nag-aabang sa red carpet ng ABS-CBN Ball.Naikumpara rin si Sharlene sa ibang mas ‘di-hamak daw na sikat na artista pero game raw na pinagbibigyan ang gustong magpa-picture sa kanila.Sinabihan din si Sharlene na kung taagang gusto niyang makabalik, dapat ay magpakita siya ng magandang attitude. Napanood namin ang short video kunsaan, naka-smile pa si Sharlene nang sabihin nito na bawal silang magpa-picture.Sabi ni Sharlene, hindi raw siya apektado sa mga ibinabatong nega comment sa kanya. Katwiran niya, sumunod lang naman siya sa bilin sa kanilang wag magpapa-picture.Nakakuha naman ng kakampi o suporta si Sharlene sa BINI member na si Gwen. Sabi nito, “Pag di ka pumayag magpa-picture, matik attitude syempre.”Para kay Sharlene, okay lang din daw na masabihan siyang masungit dahil mas kilala raw niya ang sarili niya. At katwiran niya rin, hindi naman daw siya um-attend ng ball para makakuha ng attention, bilang Kapamilya star, um-attend lang daw siyang talaga.(ROSE GARCIA)

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/image-3.jpg

Discover the enchanting world of The Legend of Ochi, arriving in Philippine cinemas

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PREPARE to be enchanted as A24’s latest fantasy adventure, The Legend of Ochi, arrives in Philippine cinemas on April 25, 2025. Brought to you by Creazion Studios, this captivating tale promises to whisk audiences away to a world brimming with wonder and heartfelt storytelling.​Set against the picturesque backdrop of the Carpathian Mountains, the film follows Yuri, a shy farm girl portrayed by Helena Zengel. Raised in a remote village where the elusive creatures known as Ochi are both feared and revered, Yuri’s life takes an unexpected turn when she stumbles upon a wounded baby Ochi. Determined to reunite the creature with its family, Yuri embarks on an adventure that will challenge her perceptions and courage. ​Helmed by director and writer Isaiah Saxon, The Legend of Ochi boasts a remarkable ensemble cast. Joining Zengel are Finn Wolfhard, Willem Dafoe, and Emily Watson, each bringing depth and nuance to this fantastical narrative. ​In an era dominated by CGI, the film takes a refreshing approach by utilizing animatronic puppetry to bring the Ochi creatures to life. This commitment to practical effects lends authenticity and charm to the viewing experience, reminiscent of beloved ’80s classics like The NeverEnding Story and The Dark Crystal. ​Premiering at the Sundance Film Festival, The Legend of Ochi has garnered positive reviews for its imaginative storytelling and visual artistry. Critics have praised its ability to evoke a sense of wonder, making it a must-watch for audiences of all ages. ​Mark your calendars for April 25, 2025, and get ready to experience a heartwarming journey that celebrates friendship, bravery, and the magic of discovery. The Legend of Ochi is set to be a cinematic highlight you won’t want to miss.​(ROHN ROMULO)

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/image-2.jpg

Muling nanalo ng international acting award: JEFFREY, sobrang proud sa kapatid na si JUDY ANN

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAPAG-USAPAN namin ni Jeffrey Santos ang tungkol sa kanyang bunsong kapatid, walang iba kundi si Judy Ann SantosKapapanalo lamang ni Judy Ann bilang Best Actress sa Fantasporto International Film Festival sa Portugal para sa ‘Espantaho’ nitong Marso.“O di ba,” sabay-hampas ni Jeffrey ng kanyang mga kamay na tila pumapalakpak, “ilang beses, ‘no?“Ilang beses, oh my God!”Disyembre naman ng nakaraang taon ay nagwagi rin si Judy Ann bilang Best Actress, para rin sa ‘Espantaho’, sa 50th Metro Manila Film Festival.Nagugulat pa ba si Jeffrey kapag nananalo ng acting award si Judy Ann o sanay na siya?“I am thankful that finally she’s recognized with the talent that she’s been blessed with.”Banggit namin kay Jeffrey, noon pa man ay may international acting award na ang kapatid niya; noong 2019 ay tinanghal na Best Actress si Juday, para ‘Mindanao’, sa 41st Cairo International Film Festival sa Egypt.Sina Judy Ann at ang Superstar Nora Aunor (noong 1995 para sa ‘The Flor Contemplacion Story’) pa lamang ang mga Pilipinong artistang nagwagi sa Cairo International Film Festival.Bukod pa ito sa halos hindi na mabilang na acting awards ni Juday.“Oo pero iba, e iba yung feeling na… lumalawak yung mundo ng kapatid ko.“Di ba? Nare-recognize yung talent niya, and you know, and at the same time, whether she’s conscious about it or not, she’s opening doors!“She’s opening doors for local actors.“Kasi maiintriga, ‘Bakit siya magaling? Saang bansa ba galing iyan? Sumubok nga kayo ng artistang galing doon. Kung hindi siya available maghanap kayo ng iba.’“She’s opening doors. She’s… literally the floodgates are open right now for Filipino actors making it internationally because she’s one of the few actors who transcended into the international scene.“Nakaka-proud, both as a brother, pero I’m prouder as a Pinoy,” bulalas ni Jeffrey.“Di ba? Iba yung dala niya ng flag natin doon.”Samantala, gaganap na main kontrabida si Jeffrey sa upcoming film na “Beyond The Call Of Duty” ng PinoyFlix Films and Entertainment Production.Ang mga bumubuo ng cast ng pelikula, bukod kay Jeffrey, ay sina Sparkle actor Martin del Rosario, Mart Escudero, Paulo Gumabao, Maxine Trinidad, Bella Thompson, Lance Lucido, Devon Seron, at Christian Singson. Ilang beses nang nakatrabaho ang direktor ng pelikula na si direk Jose “JR” Olinares (na supervising producer rin ng pelikula) kaya naging magkaibigan na ang dalawa.“Binigyan naman niya ako ng enough leeway tinanong ko lang, ‘Ano ba’ng hinahabol natin sa MTRCB?’“Kasi para malaman ko kung hanggang saan ka-brutal ang puwede kong igalaw. Sabi niya naghahabol daw siya ng PG-13.“Sabi ko pag PG-13 bawal ka magmura, bawal ang dugo, alam ko I mean yung splatter-splatter okay lang pero yung brutal na pointblank bawal yun.“Yung galus-galos, nadapa, nasugatan okay lang yun, okay lang, pero pag talagang tututukan bawal iyan kung PG13 ang hinahabol mo.“Ngayon kung gusto mong magdisi-sais medyo may laban tayo.“Puwede nating gawing brutal ng konti pero accepted at may audience ka pa rin.”Ang “Beyond The Call Of Duty” ay pelikulang tungkol sa buhay ng mga pulis at bumbero dito sa ating bansa.Sina former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson at anak nitong si StephanieSingson ang mga executive producer ng pelikula (LCS Film Production), si Billy RayOyanib ang co-director at si Sam Faj Calaca naman ang tumatayong line producer.Katuwang nila sa pagbuo ng pelikula ang Philippine National Police PNP), Philippine Public Safey College (PPSC), Bureau of Fire Protection (BFP) at ang PNP Officers Ladies Club (OLC) Foundation, Inc.(ROMMEL L. GONZALES)

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/c8605316-3fba-4e23-aa62-debb2522a741-1.jpg

Tanggapin sana ang hamon at ‘wag umatras: SAM, handang-handa na makipag-debate kay ISKO

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HANDANG-HANDA at hindi uurong si Manila mayoral candidate Sam Verzosa na makipag-debate sa kanyang mahigpit na katunggali na si Isko Moreno.Sagot ni SV nang matanong sa Pandesal Forum na na ginanap sa Kamuning Bakery na pag-aari ni Wilson Lee Flores, “kung magkakaroon man if ever ng debate, may mag-o-organize na mga grupo ay handa po tayong lumaban at sumagot.” Dagdag pa niya, “Sabi ko nga po, kailangan magkaroon ng forum o talakayan para malaman ng mga tao ang plano ng bawa’t isa. Importante yan na makilala ng mga tao ang mga kandidato at ang kanilang mga plano. Bukod doon sa salita, maramdaman nila kami. Marami kasi ang magagaling magsalita at matatamis ang dila. Sasabihin lang nila yung gusto ninyong marinig. Pero noong nabigyan naman sila ng pagkakataon, hindi naman nagawa.Kaya napaka-importanteng marinig at magkaroon ng debate para malaman ng tao kung sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo, ng tapat at naayon sa kanyang puso at may magandang plano sa mga Manilenyo. “Kaya sana po magkaroon ng debate. At gusto lang sabihin na hinding-hindi ko po aatras dyan. Anytime, anywhere, haharapin ko si Isko sa isang debate. Pahayag pa ng dating congressman, Sana po huwag kayong umatras sa isang matalinong pagde-debate. Hindi ito personalan. Ito po ay para sa kinabukasan ng mga Manilenyo para pag-usapan ang mga plano namin at ano ang kaya namin gawin. Ano ang kaibahan mo sa dati at masagot na lahat ng mga issue sa Maynila. Ang request ko lang po sa kanya, sana huwag kang umurong at harapin natin ang mga Manilenyo.“Para malaman kung sino po ang karapat-dapat at may kakayanan talaga na magdala ng pag-asa at pagbabago sa Maynila.Natutuwa naman si Sam na muling tumaas ang puntos niya sa latest surveys.Kaya say pa niya, Konting kembot na lang. Maraming salamat sa inyong tiwala. Gusto ko lang sabihin na iaalay ko ang lahat ng nasa akin para sa lahat ng Manilenyo. Wala akong plano bumawi once elected. Hindi ko kailangan ang yaman ng Maynila dahil hindi sa pagyayabang, lubos-lubos na po ang biyaya ko mula sa itaas. Gusto kong naman i-share kung ano ang meron ako sa mga taga Manilenyo at makapag-silbi ng buong puso.”Pinagdiinan din ni SV, na isang beses lang niyang gagawin ang pagtakbo bilang Mayor ng Maynila, at nakahanda sa magiging resulta ng eleksyon sa Mayo.“Alam n’yo naman ang mangyayari sa Manila pag sila ulit. Walang nangyari sa Maynila, lalong naghirap. Kaya sabi ko, paisa lang, bigyan n’yo ako ng pagkakataon, ipapakita ko na posible ang pagbabago sa Maynila.“Kung meron mang panahon kung puwedeng magbago sa Maynila, ito na po yung panahon.“Minsan ko lang iaalay ang sarili ko, hindi na po ito mauulit. Hindi ako tulad ng ibang pulitiko na pag natalo sila, tatakbo ulit. “Hindi po madali ang ginagawa ko at ngayon ko lang ibibigay lahat. Sana po, wag nating sayangin, para sa mga anak at apo ninyo. Ang boto n’yo po ay hindi para sa akin, para po ‘yun sa kinabukasan ng pamilya n’yo.”(ROHN ROMULO)

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/099707ac-806e-424a-ac17-c44118b12b78-1.jpg

Magkaka-collab na dahil sa pangyayari:MADONNA, pinatawad na si ELTON JOHN sa panlalait sa kanya

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING ni-reveal si Josh Ford tungkol sa sarili niya bilang housemate sa PBB Collab Edition.Kuwento ng 20-year old Fil-British Sparkle actor, may iniinda siyang problema sa kanyang pandinig matapos ang car accident na kinasangkutan niya noong 2023.I can’t go swimming. So, whenever I shower, I always wear an earpiece. Gusto kong ipagawa pero I don’t like asking my mom for money. I am sure my mom would help me naman. She just helped me with one. Ayokong mahihirapan yung mom ko, e. Ako, kaya ko pa naman hangga’t sa kaya ko.”Maling impression daw ng marami kay Josh na anak-mayaman siya porke’t lumaki siya sa United Kingdom. Ang hindi raw alam ng lahat na noong pumanaw ang kanyang British father noong 2017, kung anu-anong trabaho ang pinasok niya para lang kumita at makatulong sa kanyang ina. Kaya ayaw daw niyang ma-burden ang kanyang ina sa problema niya. Sobrang nami-miss na raw niya ang kanyang ina.“Sobrang lambing ko sa mom ko noong nandoon ako sa UK. Ayaw ko nang natutulog mag-isa, gusto ko katabi ko mom ko even though old na, sey pa ni Josh.***NASa bansa pala ulit si Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel at muli siyang namamasyal sa mga magagandang lugar sa probinsya.Sa latest travel vlog ng Fil-American beauty queen, nag-carabao ride ito sa may Mount Pinatubo sa Zambales. Naging guide niya rito ay kabilang sa Aeta community na si Kuya Ramil.“Think I just reached Philippines premium. I want a carabao,” caption ni R’Bonney.Since 2024, pabalik-balik si R’Bonney dito sa Pilipinas para sa ilang events at para rin mamasyal sa ilang probinsya na hindi pa niya napupuntahan. Noong 31st birthday niya noong March 20 ay sa La Union siya nag-celebrate at nag-hike sa Masungi Georeserve.Hindi rin nakakalimutan ni R’Bonney na bisitahin ang kanyang mga kamag-anak sa Malate, Manila kapag nasa Pilipinas siya.***TAPOS na ang war sa pagitan ng mga pop icons na sina Madonna at Elton John.Nagsimula ang feud nila in 2002 noong laitin ni Elton ang hit single ni na Die Another Day at tinawag niya itong worst Bond tune ever.”Inokray din ni Elton si Madonna noonb manalo ito sa Q Awards at noong mag-perform ito sa 2012 Super Bowl Halftime. Sa Instagram post ni Madonna: “We Finally Buried the Hatchet!!! I went to see Elton John perform on SNL this weekend!! WOW I remembered when I was in high school- I snuck out of the house one night to see Elton perform live in Detroit! It was an unforgettable performance that helped me understand the transformative power of music. Seeing him perform when I was in high school changed the course of my life. Over the decades it hurt me to know that someone I admired so much shared his dislike of me publicly as an artist. I didn’t understand it. I was told Elton John was the musical guest on SNL and I decided to go. I needed to go backstage and confront him. When I met him, the first thing out of his mouth was, ‘Forgive Me’ and the wall between us fell down. Forgiveness is a powerful tool. Within minutes. We were hugging.”Dahil sa nangyari, magkakaroon ng collab ang dalawa sa isang song na sinulat mismo ni Elton. (RUEL J. MENDOZA)

 

She’s back at it again: Watch first trailer for “M3GAN 2.0,” coming to PH cinemas

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

M3GAN is back and she’s getting a full upgrade in M3GAN 2.0, the sequel to the hit 2023 horror film M3GAN. In M3GAN 2.0, the original tech used to create the murderous doll. gets stolen and used to create an A.I. superweapon named Amelia (Ivanna Sakhno). Gemma (Allison Williams) has no choice but to resurrect her creation, M3GAN, and fully upgrade her to fight against Amelia to save humanity.Watch the trailer on Facebook: https://tinyurl.com/mrxrb2h6Also on TikTok: https://tinyurl.com/5s886bcdCheck out the poster:See M3GAN at her murderous best as “M3GAN 2.0” arrives in Philippine cinemas on June 25. Follow Universal Pictures PH (FB), UniversalPicturesPH (IG), and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates.About “M3GAN 2.0”The murderous doll who captivated pop culture in 2023 is back. And this time she’s not alone.The original creative team behind that phenomenon—led by horror titans James Wan for Atomic Monster, Jason Blum for Blumhouse and director Gerard Johnstone—reboot an all-new wild chapter in A.I. mayhem with M3GAN 2.0.Directed by acclaimed returning filmmaker Gerard Johnstone, the film co-stars returning cast members Brian Jordan Alvarez and Jen Van Epps as Gemma’s loyal tech teammates, Cole and Tess, and new characters played by Aristotle Athari (Saturday Night Live, Hacks), Timm Sharp (Apples Never Fall, Percy Jackson and the Olympians) and Grammy winner and 11-time Emmy nominee Jemaine Clement (Avatar: The Way of Water, What We Do in the Shadows).Produced by James Wan, Jason Blum and Allison Williams, the film is executive produced by Gerard Johnstone, Adam Hendricks, Greg Gilreath, Michael Clear, Judson Scott and Mark D. Katchur.(ROHN ROMULO)

 

Ads April 17, 2025

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Philippine youth squads sasalang sa Malaysia water polo tilt

Posted on: April 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISASABAK ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) ang 30 junior athletes sa 60th Malaysia International Age-Group Water Polo Championships sa Abril 18-20 sa National Aquatic Center sa Kuala Lumpur, Malaysia. Sinabi ni PAI Secretary-General Anthony Reyes na ang mga batang water polo athletes ay binubuo ng mga competitive age-group swimmers at sumailalim sa mahigpit na pagsasanay sa ilalim ni Serbian coach Filip Stojanovic sa nakalipas na walong buwan. “Ang mga batang manlalarong ito, na karamihan ay binubuo ng mga teenager, ay nagsimula kamakailan ng 10-taong developmental at training program ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sa pamumuno nina president Miko Vargas at Secretary General Batangas 1st District Congressman Eric Buhain sa suporta ng Philippine Sports Commission,” ani Reyes. Sasabak ang mga junior athletes sa 21-under (boys) at 24-under (girls) division. Kasama ng tropa patungong Malaysia sina head coach Roi Dela Cruz at Sherwin Dela Paz. Ang event ay bahagi ng paghahanda ng PAI dahil ang PSC ay todo suporta sa plano ng aquatics na magpadala ng women’s team sa 47th Sea Age-Group Championships sa Malaysia at sa 33rd SEA Games na naka-iskedyul ngayong Disyembre sa Thailand. Ang huling pagkakataon na nagpadala ang bansa ng women’s team sa prestihiyosong biennial event na ito ay noong 2019,” dagdag pa nito. Ang women’s team ay binubuo nina Sabee de Guzman, Monica Arlante, Julia Basa, Marga Morrison-lonie, Cyril Espongja, Sam Balagot, Raesher Dela Paz, Shinloah San Diego, Ashly Addison, Josie Addison, Mitzie Llegunas, Zoe Ferrer at Alex Picardal. Ang junior boys ay kinabibilangan nina Mitzie Llegunas, Zoe Ferrer at Alex Picardal. Ugaban, Matthew Romero, Caleb De Leon, Lance Adalin, Matthew Dasig, Niklas de Guzman, Hugo Lopez, Ted Tolentino, Dave Geda, Andre Establecida, Julian Malubag at Sebastien Castro. Samantala, nagpasalamat si Reyes sa artistic swimmer na si Zoe Lim sa pagkapanalo ng bronze medal (13-14) class sa katatapos na 2025 West Australian Artistic Swimming Cup sa Perth, Australia. “Congratulationsto Zoe. Consistent ang ating mga atleta sa artistics swimming since nagbuo tayo ng team sa Asian Age-Group Swimming Championship when the country hosting the event in February last year,” Ang kasamahan ni Lim na si Carmina Sanchez Tan, isang silver medalist sa 2024 SEA Age Group Swimming Championship, ay kasalukuyang sumasabak sa 2025 US National at Junior Artistic Swimming Championship sa Greensboro, North Carolina. Siya ay nakikipagkumpitensya sa Solo, Duet at Team Free routine bilang miyembro ng The Meraquas ng Irvine Artistic Swimming Team.

null

Larry Muyang, sinuspinde ng PBA dahil sa paglabag sa kontrata

Posted on: April 16th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SINUSPINDE ng Philippine Basketball Association (PBA) si Larry Muyang matapos itong lumabag sa kanyang kontrata sa Phoenix Fuel Masters. Ayon sa Phoenix, may bisa pa ang kontrata ni Muyang hanggang Mayo ngunit pinili nitong maglaro para sa Pampanga Giant Lanterns sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL). Kung saan nakapag-ambag si Muyang nang 35 points at 12 rebounds sa laban kontra Manila Batang Quiapo. Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nagsisisi na umano si Muyang sa kanyang ginawa, ngunit posible pa ring magsampa ng kaso ang Phoenix. Kung magkakaayos man ang magkabilang panig, kinakailangan pa ring humarap ni Muyang sa PBA Board of Governors upang muling makabalik sa liga.

https://contents.spin.ph/image/resize/image/2019/11/25/larry-muyang-ja-1574692562.webp