MAS pinalawig pa ng National Housing Authority (NHA) ang programa nito na makapagpatayo ng mas maraming dormitoryo para sa ating mga kababayang kabilang sa Indigenous Cultural Communities / Indigenous People (ICC/IPs) sa pamamagitan ng pag-apruba at paglabas nito ng NHA Memorandum Circular No. 2025-065. Isinabisa ito ng NHA Memorandum Circular No. 2025-065, na nag-amendya sa ilang bahagi ng NHA MC. 2021-062 na naglayon na makapagpatayo ng mga bahay-pahingahaan o dormitoryo para sa mga IP students malapit sa kanilang paaralan. Inaasahan na hindi na lamang ang mga katutubong estudyanteng mula sa state university and colleges (SUCs) ang makikinabang sa mga proyektong ito ng NHA, makakasama na rin ang mga IP na nagtatrabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan. Kinatigan ito ni NHA General Manager Joeben Tai na naniniwala sa pantay na pagtingin sa lahat ng nangangailangan, lalo sa usaping pabahay at kaligtasan. “Bilang isa sa mga key shelter agencies (KSAs) ng bansa, trabaho po ng NHA ang makapaghandog ng mga pabahay o bahay-pahingahan na ligtas, maayos, at disente, lalo’t higit po para sa ating mga kababayang kasama sa marginalized sectors katulad ng mga indigenous groups, na kung titignan ay isa mga mas may kailangan ng tulong at paglingap,” pahayag ni GM Tai. Kabilang din sa probisyon ng nilabas ang pagtataas ng ilalang pondo mula sa dating P20 milyon patungo sa P37 milyon, na nangangaluhugang mas maraming IP dormitory projects ang maaring mapatayo sa mga darating na panahon. Sa paglabas ng nasabing memo, nakalinya nang ipatayo ng NHA ang mga IP dormitories sa loob ng Philippine National Police (PNP) Western Mindanao Regional Command, at sa Western Mindanao State University, sa Zamboanga. Ilan lamang sa mga matatagumpay na dormitory projects ng NHA ay ang Bambang at Bayombong IP Students Dormitory para sa mga IP na nag-aaral sa Nueva Vizcaya State University; at IP Student Dormitory na initayo sa loob ng Mariano Marcos State University sa Batac, Ilocos Norte. “Tuloy-tuloy po ang aming mga pagpaplano, pagbabalangkas, at pagpapalaganap ng aming adbokasiya na tumulong sa lahat ng ating kapwa-Pilipino, sa abot ng aming makakaya. Ang aming dedikasyon ay hindi hihinto tungo sa Bagong Pilipinas,” dagdag ni GM Tai. (PAUL JOHN REYES)