Nagpapatuloy ang Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2025” upang tiyakin ang kaligtasan ng mga biyahero.nnSa pagitan ng alas-12:00 ng madaling araw hanggang alas-6:00 ng umaga nitong Abril 19, 2025, naitala ang 8,870 pasaherong palabas at 6,963 pasaherong papasok sa lahat ng pantalan sa buong bansa.nnMay kabuuang 4,857 tauhan ang na-deploy sa 16 PCG Districts para magsagawa ng inspeksyon sa 103 barko at 38 na motorbanca.nnItinaas ng PCG ang heightened alert mula Abril 13 hanggang Abril 20, 2025.nnAng hakbang na ito ay naglalayong tugunan ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan.nnPananatiling ligtas at maayos ang layunin ng programa para sa lahat ng biyahero.