• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 8:58 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2025

Nai-starstruck pa rin ‘pag nakikita ang aktres:MILES, pangarap na makasama sa isang project si JUDY ANN

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Si Judy Ann Santos ang pangarap ni Miles Ocampo na makasama sa isang proyekto.Sa kabila raw na bata pa lang, nakagisnan na niya ito noong child star pa siya sa ABS-CBN at ngayon ay nakakasama niya dahil kay Ryan Agoncillo na kasma niya sa ‘Eat… Bulaga! ‘, inamin ni Miles na nai-starstruck pa rin siya kapag nakikita niya ang actress.“Hindi ko pa talaga siya nakakasama sa kahit anong project. Pero nakakasama ko siya like minsan, tumatanbay kami sa bahay nila. Pero grabe, nai-starstruck pa rin ako.“Eh kasi, dream ko talaga siyang maka-trabaho.”Kung sakali, drama, iyakan daw ang gusto niyang pagsamahan nila. Na pwedeng-pwede naman talaga dahil pareho silang magaling sa drama at mabilis umiyak.Sa isang banda, masaya nga si Miles dahil first time raw na pumirma siya ng kontrata na may pa presscon pa.Wala na si Miles sa management ni Maja Salvador. Under na siya ng All Access to Artists Management at pumirma na nga siya ng kontrata with Triple A’s C.E.O & President, Mike Tuviera, Head of Operations, Jacqui Cara at Chief Operating Officer na si Jojo Oconer.Hindi na nag-detalye si Miles kung bakit siya umalis sa pangangalaga nina Maja at Mister nito na si Rambo Nuñez, altho nagpasalamat siya rito.Aniya, “Of course, I’m grateful with my previous management, ang Crown Artist Management because of all the opportunities that they gave me. At siyempre po, nagpapasalamat ako sa aking bagong pamilya with Triple A.”Sa pamamagitan ng video, winelcome nga si Maja ng mga kapatid niya sa bagong management na sina Maine Mendoza, Carla Abellana at Marian Rivera.

Creator Dean Deblois takes audiences for a ride back into the Isle of Berk in the new “How to Train Your Dragon” featurette

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Writer-director Dean Deblois is back at the helm in the live-action adaptation of How to Train Your Dragon, and for him it feels like coming back home. “These characters and this universe have stayed with me, and now we can bring them back with such authenticity and conviction that, when audiences enter this world, they’ll never want to leave,” he says.Watch the featurette: https://youtu.be/k9wR8dhE7QwYouTubeShare your videos with friends, family, and the worldyoutu.beHow to Train Your Dragon takes audiences to the Isle of Berk, where there’s been a generational feud between Vikings and dragons. Hiccup (Mason Thames) unexpectedly finds a friend in the Night Fury Toothless, breaking centuries of animosity, together they try to forge bonds strong enough to face a looming threat that endangers the isle.The original animated film How to Train Your Dragon was an adaptation of Cressida Cowell’s best-selling book series of the same. Having been the steward of the franchise for the animated trilogy, DeBlois recalls what drew him to the story of Hiccup and Toothless. “I’ve always been drawn to stories that weave meaning into moments of wonder,” DeBlois says. “How to Train Your Dragon is about finding the courage to see beyond fear and convention. Hiccup’s journey shows us the power of questioning what we’re taught and embracing the possibility of something greater. He’s mocked, ridiculed and misunderstood, but he stays true to his convictions—and that’s what makes his story so universal.”With live-action offering new avenues for creativity, the filmmakers felt that expanding Berk was a key goal for How to Train Your Dragon. “We wanted Berk to feel like a true crossroads of Viking culture,” Emmy-winning producer Adam Siegel says. “Through our research and Dean’s work on the animated franchise, we discovered that dragon myths exist in cultures all over the world. That gave us the chance to bring in influences from many traditions and make this world feel even more diverse and interconnected.”Deblois feels like this shift in perspective enriched the story of the film. ““We imagined the Vikings of Berk traveling far and wide, encountering warriors and mythologies from other lands,” DeBlois says. “By bringing these traditions together, we created a world where the threat of dragons unites people from vastly different backgrounds. It’s a story of finding common ground in the face of fear.”Berk awaits as “How to Train Your Dragon” opens in Philippine cinemas on June 11.(ROHN ROMULO)

Seryoso, tahimik pero marunong makisama:SANYA, kinabahan mapa-sexy pero hindi nahirapang kaeksena si DAVID

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-USAPAN at hinangaan ang mabibigat na pagganap ni Sanya Lopez sa heavy drama na ‘Pulang Araw’, naging mahirap ba para sa kanya ang pag-shift ng acting niya dito sa sexy at comedy role sa ‘Samahan Ng Mga Makasalanan’?“Sa totoo lang, nung time kasi ng Pulang Araw sobrang bigat niya e, so nung dumating sa akin itong Samahan ng mga Makasalanan, actually para akong alam mo yung… actually refreshing siya for me.“Parang iyon yung way para medyo bumitaw muna ako dun sa ano [Pulang Araw], kasi sobrang bigat niya, to the point na kailangan ko ng hingahan.“At itong Samahan Ng Mga Makasalanan siguro maganda rin kasi yung bonding naming mga cast doon, sobrang gaan lang din, so may… iba kasi yung bonding namin dun, so naka-help siya sa akin.“So hindi siya masyadong naging challenge for me kasi in-enjoy ko rin siya.”Sa naturang pelikula, “Ako dito si Mila, siyempre ang tawag ng bayan sa kanya ‘Tukso ng Bayan’, yun ang tawag sa kanya at isa rin ako sa talagang taga- Sto. Cristo na magdududa kay Rev. Sam tungkol sa gusto niyang gawing misyon,” kuwento pa ni Sanya.Lahad pa niya,”So ngayon dahil nga tukso ako ng bayan, malalaman natin dito kung ako ba yung tutulong sa misyon ni Rev. Sam o ako yung tutulong para maging miyembro si Reverend sa mga makasalanan.”Si Reverend Sam ay ang pangunahing karakter sa pelikula na ginagampanan ni David Licauco.May eksenang seksi si Sanya sa movie; kapag may offer na ganoong role sa kanya ay lagi ba siyang game or may hesitation pa din siya?“Actually, nung ginawa ko ‘to may hesitation na talaga ako e, lalo na kay… sobrang seryoso kasi talaga ni David e,” at tumawa si Sanya.“Hindi ano, siguro kaya ko lang naman tinanggap ‘to because number 1, maganda yung story, nakakatuwa siya sobra at may mapupulot talagang aral dito.“So nagbabase din talaga kami now dun sa…kapag may sexy na part, kung talagang maganda yung pelikula. So medyo pinipili lang po namin sa ngayon.”Na-challenge ba siya sa eksenang pang-aakit kay David?“Nung umpisa kasi nun… isa yun sa talagang kinabahan po ako, kung meron mang challenging sa part na ‘to, yung pang-aakit talaga kay David.“Tapos merong eksena na hindi pa niya nakikita kung ano yung suot ko, so pagbukas niya ng pinto, tumawa, nawala na yung ano, sabi ko sa kanya, ‘huy sandali ‘wag kang tatawa!’“Kasi nakalimutan niyang, ‘Ay pari pala ako, bawal pala yun!’“So masaya naman. In short, in fairness naman po kasi kay David, first time ko siyang nakatrabaho sa ganitong klaseng magaan na pelikula, masaya lang, and siya na seryosong tao, tahimik lang, very nonchalant, di ba?“Pero ang cute lang na marunong siyang makisama at hindi rin po ako nahirapang pakisamahan si David. “Though, before pa magkakilala na rin naman kami, so naging magaan na rin naman po para sa amin.”Palabas na sa mga sinehan ang ‘Samahan Ng Mga Makasalanan’. (ROMMEL L. GONZALES)

Sa pagpanaw ng Superstar at Natinal Artist… NORA, inalala ang mga achievements bilang aktres at singer

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA pagpanaw ng nag-iisang Superstar ng Pelikulang Pilipino na si Ms. Nora Aunor, inalala ng marami ang mga naging achievements nito bilang aktres at singer.Si Ate Guy lamang ang natatanging aktres na nakatanggap ng parangal para sa pelikula, telebisyon at entablado. Dahilan ito kung bakit deserve niya ang matawag na isang National Artist.Si Ate Guy din ang nakatanggap ng pinakamaraming international recognition mula sa iba’t ibang film festival abroad kaya nararapat lang na matawag siya na isang National Treasure. Ayon sa IMDB, nakatanggap ng 75 awards for best actress si Ate Guy. Sa local ay ilang beses siyang tumanggap mula sa FAMAS (5), Film Academy of the Philippines (4), Gawad Urian (6), Star Awards for Movies (7), Young Critics Circle (5), Metro Manila Film Festival (8). Si Nora rin ang natatanging Filipino actress na manalo ng international awards mula sa five different continents: 19th Cairo International Film Festival in 1995 (Africa); 1st East Asia Film and Television Award in 1997; Asian Film Awards in 2013 and 3rd Sakhalin International Film Festival (Asia); 31st Festival International du Film Indépendant de Bruxelles in 2004; Premio Della Critica Indipendiente in 2013 and St. Tropez International Film festival in 2015 (Europe); Asia Pacific Screen Award in 2013 (Australia) and the Green Planet Movie Award (North America).Sa entablado, pinarangalan siya ng Aliw Awards, PETA, at PUP Teatro Batangas para sa stage adaptation ng Minsa’y Isang Gamu-Gamo at DH.Bilang isang singer naman, tumanggap ng recognition si Ate Guy mula sa Awit Awards, Katha Awards, OPM, Phil. Recording Distribution Association at Star Awards for Music. Ang single niya na “Pearly Shells” noong 1971 ang isa sa best-selling singles ng bansa na umabot ng 1 million units. Ang iba pang parangal ay mula sa iba’t ibang academe at government and civic organizations. Samantala, ngayon araw (April 22) magaganap ang state funeral para kay Nora na na hinirang bilang National Artist for Film and Broadcast Arts at ihihimlay siya sa Libingan ng mga Bayani. ***DEDICATED sa kanyang Lola Basing ang pagpanalo ni Alexie Brooks bilang Miss Eco International 2025 sa Alexandria, Egypt.Pinost ng Ilongga beauty queen sa social media ang happy photo nila ng kanyang Lola Basing habang basa background ang TV kunsaan suot na niya ang korona.Lola! I made it, caption ni Alexie.Noong September 2024 pumanaw ang Lola Basing ni Alexie. Ito ang nag-alaga sa kanya noong magtrabaho sa Lebanon ang kanyang ina. Nag-birthday nga raw ito ng kaarawan last April 16.Nanalo rin si Alexie sa National Costume competition with her Philippine Eagle-inspired costume designed by Tata Pinuela.Si Alexie ang third Miss Eco International ng Pilipinas after nila Cynthia Thomalla in 2018 and Kathleen Paton in 2022.***NI-REVEAL ni Vogue Editor-in-Chief Anna Wintour ang theme of this year’s Met Gala na Superfine: Tailoring Black Style. Ang co-chair ni Wintour this year ay sina Colman Domingo, Lewis Hamilton, A$AP Rocky and Pharrell Williams. Si LeBron James ang napiling honorary chair.Ang host committee ay binubuo nila André 3000, Chimamanda Ngozi Adichie, Jordan Casteel, Dapper Dan, rapper Doechii, The Bear’s Ayo Edebiri, former editor-in-chief of British Vogue Edward Enninful, and playwrights Jeremy O. Harris and Branden Jacobs-Jenkins.Ginaganap ang Met Gala on May 5 saMetropolitan Museum of Art, Costume Institute. Isa ito sa star-studded event in New York na “invitation-only” sa mga A-list celebrities with a $75,000 price per seat. Para ito sa annual funding, department exhibitions, acquisitions, and capital improvements ng Met Costume Institute. (RUEL J. MENDOZA)

Mapapahiya lang kung biglang tatakbo: ALLEN, mag-aaral muna bago papasukin ang pulitika

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINDI sumubok si Allen Dizon na pasukin ang mundo ng pulitika.May paliwanag naman siya tungkol dito sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan.Inihayag ni Allen na para sa kanya, sa pakiramdam niya ay hindi pa siya handa na pasukin ang daigdig ng public service.Lahad niya, Parang kailangan ko mag-aral kung papasukin ko ‘yung politics.“Kailangan ko munang i-set aside ‘yung career ko and family ko to enter politics.Pag-aralan mo kung papasukin mo ito kasi hindi basta-basta, e.“Baka hindi ko magawa yung… baka iboto ako ng mga tao, hindi ko magawa yung role ko, hindi ko magawa ‘yung bilang isang public servant or maging ano ka.“Baka mapahiya lang ako, pahayag pa ni Allen. Bida si Allen sa pelikulang “Fatherland”, sa direksyon ni Joel Lamangan at palabas na ito sa mga sinehan (Black Saturday, April 19).Bukod kay Allen ay nasa “Fatherland” rin sina Cherry Pie Picache, Richard Yap, Mercedes Cabral, Kazel Kinouchi, Ara Davao, Jeric Gonzales, Rico Barrera, Abed Green, Angel Aquino, at Jim Pebanco.Ang “Fatherland” ay mula sa produksyon ng BenTria Productions ni Benjamin Austria at Heaven’s Best Entertainment at line producer na si Dennis Evangelista. (ROMMEL GONZALES)

Bumuhos ang pagbibigay-pugay at pakikiramay:JANINE, labis-labis ang pagdadalamhati sa pagpanaw ng dalawang lola na sina PILITA at NORA

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

LABIS-LABIS nga ang pagdadalamhati ni Janine Gutierrez sa pagpanaw ng kanyang lola na si Nora Aunor (April 16), ilang araw lang ang pagitan sa pagkamatay ng kanyang mamita na si Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales (April 12).Sa kanyang Instagram post, “With sorrowful hearts, we share the passing of our grandmother, Mama Guy. A treasure to our family but truly always more the people’s than ours.”Dagdag niya, “She had a life of giving her immeasurable love to everyone she touched whether on screen, through music, or in person.“We are deeply grateful for the outpouring of love and support. Please keep our family in your prayers, especially Mama, Uncle Ian, Ate Matet, Kuya Kiko, and Ken, as we say goodbye.“We find comfort in knowing she, the one and only Superstar, will be forever loved.” Samantala, ilang sa mga artistang nauna nang nagbigay-pugay at pakikiramay sina Dingdong Dantes, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Zsa Zsa Padilla at Judy Ann Santos, na hindi pa rin makapaniwala sa pagpanaw ng nag-iisang Superstar ng pelikulang Pilipino.Bumuhos din ang pakikiramay mula sa fans at netizens na damang-dama ang pinagdaraan ngayon ng dalawang pamilya, lalong-lalo na para kay Janine sa magkasunod na paglisan ng kanyang dalawang lola.Ang aming taus-pusong pakikiramay sa mga naulila. May you ‘rest in power’ Ate Guy! (ROHN ROMULO)

Winelcome siya nina Marian, Maine at Carla sa Triple A: MILES, goal na makapagsulat ng script para sa APT Entertainment

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SUPER taas ng energy at may aliw factor talaga itong multi-talented star na si Miles Ocampo.
Last Tuesday ay pumirma na ng exlusive contract sa Triple A o ALL ACCESS TO ARTISTS.
Yes tawang-tawa ang lahat sa mga pakikay ni Miles na may hirit pang feeling artista na siya at heto at may contract signing na siya sa Triple A with the big bosses of talent management headed by Direk Michael Tuviera, Ma’am Jacqui Cara and Sir Jojo Oconer.
At ang bongga, bukod sa Q & A with the invited entertainment press ay may one on one interview pa si Miles sa host ng kanyang intimate contract signing at mediacon na si DJ Jhaiho na kapansin-pansin na lalong gumaganda.
Maraming napag-usapan na may kaugnayan sa pinirmahang kontrata ni Miles sa Triple A. Actually hindi na bago si Miles sa Triple A dahil parte ito ng pinagbidahang “Padyak Princess” last year sa TV5.
Yes, ang APT Entertainment nina Direk Mike ang nag-produce ng comedy drama project ng comedianne actress.
Isa pala sa goal ni Miles ay gusto niyang makapagsulat ng script sa APT Entertainment. Nag-aral kasi siya ng scriptwriting kay National Artist Ricky Lee.
Sabi naman ni Ma’am Jacqui ay iko-consider nila ito.
Labis-labis ang pasasalamat ni Miles sa Triple A dahil suwerte raw niya na sa dinami-rami ng mga artista ay napili siya na papirmahin ng kontrata.
At promise niya ay gagawin niya ng maayos ang kanyang trabaho at magiging good girl siya.
By the way, mainit pa lang winelcome ng mga Reyna ng Triple A na sina Marian Rivera, Maine Mendoza at Carla Abellana at iba pang artists si Miles na kapamilya na nila.
Q(PETER S. LEDESMA)

Nag-iisa at walang makapapantay sa kasikatan ng Superstar: Pagpapakatotoo sa sarili, mahalagang natutunan ni JUDY ANN kay NORA 

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ISA sa mga mahalagang bagay na natutunan ni Judy Ann Santos sa yumaong Superstar na si Nora Aunor ay ang pagpapakatotoo sa sarili.
Bukod dito ay ang kahalagahan ng pagiging mapagpakumbaba kahit na gaano katayog ang maabot ng isang artista sa industriya ng pelikula at telebisyon.
Lahad ni Juday, “Ang sinabi lang naman niya, mahirap ang industriyang ito, pero hangga’t mabuti at mababa ang loob mo, wala kang magiging mali.
“O kung may pagkakamali ka man, aminin mo. Mamahalin ka ng tao hanggang dulo.
“Yun ang pinaka-naaalala ko kay Ate Guy. Kung totoo ka, walang magiging problema. Problema na ng ibang tao na hindi totoo sa iyo.”
Marami ang naniniwala na si Judy Ann, na kilala noon bilang Young Superstar at ngayon ay binansagang Prime Superstar, ang nag-iisang maaaring maging katulad ni Nora pagdating sa pagiging isang mahusay at multi-awarded actress here and internationally.
Pero para kay Judy Ann, isa lamang ang Superstar, walang iba kundi si Nora Aunor.
“Alam mo, lagi ko ngang sinasabi, walang iba na puwede pang maging Superstar.
“Siya lang, si Ate Guy lang talaga,” pahayag ni Judy Ann sa huling araw ng burol para sa namayapang National Artist.
“Of course, nakakataba ng puso, lagi namang ganun,” reaksyon ni Juday tungkol sa paghahalintulad sa kanya kay Ate Guy.
“But laging sinasabi ko na hindi puwede.
“Wala namang makakatapat sa kasikatan at sa lawak ng narating niya. Di naman ako magiging ipokrita at magsisinungaling na di siya nakakakilig.
“Pero ni wala sa kalingkingan ng narating ni Ate Guy ang narating ko. Malayo… malayung-malayo…
“I’m just honored, nagpapasalamat ako sa thought na naging parte siya ng karera ko.”
Nakasama ni Juday sa dalawang pelikula si Ate Guy; sa ‘Sana Mahalin Mo Ako’ (1988) at Babae’ (1997).
(ROMMEL L. GONZALES)

Papayag kung sakaling pababalikin: ASHLEY, no regret sa lahat ng ginawa at pinakita sa Bahay ni Kuya

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NANG dahil sa pagiging vocal ni Ashley Ortega at nakahiligan niya ang Luxe Slim Slimming juices habang nasa loob ng Pinoy Big Brother House, aba, heto’t pinapirma na siya ng brand’s CEO na si Anna Magkawas.
At isa na nga si Ashley sa mga celebrity endorser ng Luxe Slim. Very authentic ang nangyari dahil napanood ng lahat na nagustuhan niya, iniinom niya at wala sa hinagap niya na dahil dito, makaka-score siya ng endorsement paglabas.
Sa ngayon, marami raw naging realization si Ashley simula nang lumabas siya ng bahay ni Kuya. One of these ay yung mas naging open daw siya as compared before.
Wala rin daw siyang regret sa lahat ng mga ginawa at pinakita niya sa loob. At kung sakali man daw na pababalikin siya, papayag daw siya.
Yun lang, medyo marami ng schedules niya ang pwedeng maapektuhan, lalo na at bahagi na rin siya ng ‘Lolong.’
Siyempre, kung may isa man na magandang nangyari sa pagpasok niya sa PBB, ang muling pagbubukas ng communication at relasyon nilang mag-ina.
Though, hindi pa raw sila nagkikita, pero open na ang communication nila.
***
HUWAG naman sana.
Kasi, ilang araw lang ang nakalilipas, naaliw pa kami sa ipinost ni Sofia Andres sa Instagram niya kunsaan, sweet-sweetan sila ng partner na si Daniel Miranda.
Habang ang anak naman nila na si Zoe ay sinasaway sila.
Then heto ngayon, pareho silang naka-unfollow sa kanilang mga IG. Siyempre, mabilis na pinag-iisipang, hiwalay na rin ba sila?
Hmmm… sana nga hindi, or else, panahon ba ng break-up ngayon? Sana ay may isyu lang ang dalawa na katulad ng ibang couple, mabilis mapagdiskitahan ang kanilang mga socmed accounts at mag-unfollow.
Anyway, developing story pa lang ito kaya abangan natin ang mga susunod na mangyayari.
(ROSE GARCIA)

Ads April 25, 2025

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments