• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 7:41 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 26th, 2025

BI muling nagbabala sa bagong modus ng Human Trafficking 

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa bagong modus ng human trafficking kung saan ginagamit ang mga Filipino bilang online scammers para lokohin ang mga Japanese nationals. Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, isang 26-anyos na biktima ang umuwi matapos i-recruit ng dayuhan at ilabas ng bansa gamit ang backdoor patungong Malaysia, at dinala sa Myanmar at Cambodia. Inihayag ni Viado na ginagawang kasangkapan ng mga sindikato ang mga biktima. Pinaalalahanan ang publiko na umiwas sa mga alok na masyadong maganda para maging totoo. Iniimbestigahan na ang recruitment network.

 

 

Solo parents, libre sa MRT-3 at LRT-2 sa Abril 26

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAY libreng sakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa mga solo parents sa bansa Sabado, Abril 26. Ito’y bilang pakikiisa ng mga naturang rail lines sa pagdiriwang ng National Solo Parents Week at bunsod na rin ng kahilingan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Maaaring ma-avail ng mga solo parents ang free ride mula alas-7 hanggang 9 ng umaga at mula alas-5 hanggang 7 ng gabi. Kinakailangan lamang iprisinta ang solo parent ID sa mga istasyon para makasakay ng libre. Magkakaroon din ng one-stop shop caravan para sa registration at renewal ng solo parent cards.