• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 2:18 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 26th, 2025

Pakakasalan si Rhian kahit ano ang maging resulta ng halalan: SAM, inaming may ‘death, threats’ kaya palaging pinag-iingat ng ina

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NALALAPIT na sa Mayo 12, ang eleksyon ngayong taong 2025.
At bilang kandidato sa pagka-alkalde ng Maynila, gaano na kahanda si Sam Verzosa?
Lahad niya, “Buong buhay na yata e, buong buhay ko yata ni-ready ako ni God, e. Alam mo, lahat ng nangyari sa buhay ko sa tingin ko, hinanda Niya ako para dito. Sa araw na ito, sa laban na ito, sa kakayanan ko ngayon, prinepare ako ng Panginoon.
“Sa tingin ko ito yung tadhana ko para sa mga kababayan.”
Ano so far ang realization niya tungkol sa pulitika, sa pagtakbo, sa paglapit sa mga tao?
“Mas napalapit ako sa kanila,” bulalas ni Sam, “mas napamahal ako sa kanila.
“Iba kasi pag lagi mo silang nakakasama e. “Parang pag-ibig lang e, pag lagi mo nakakasama, nagiging close kayo, napapalapit ka, nagiging close ka at ngayon, mas tumindi yung pagmamahal ko sa kanila.
Mas lalo kong gustong ialay yung sarili ko, resources ko, lahat ng mayroon ako, actually, binibigay ko na, e.
“Kasi wala naman katapusan ang paghingi ng tulong, kakalabas mo lang dito, humihingi na naman ng panlibing, ng pang-hospital, ng pangkain. Wala ng katapusan ang hingi.
“Sabi ko, kung walang tumutulong sa kanila, ako na lang. Tutal, sobra-sobra na ho yung naging blessing sa akin e.
“Sabi ko nga, baka ito na yung tinadhana sa akin, ito talaga yung gusto ng Panginoon sa akin kasi I came from nothing.
Walang-wala ako pero binless ako ng sobra-sobra, more than I imagined, hindi yan para solohin ko pero para i-share yan sa mga kababayan ko at ngayon may pagkakataon akong i-share ‘yan sa Maynila.
Hindi lang ho resources ha, kasama diyan yung talinong binigay sa akin ng Diyos, tsaka yung puso kasi hindi ka naman puwedeng bigay ng bigay na hindi nag-iisip.
“So isa sa mga gagawin natin ay solusyonan yung mga problema nila. Tayo po ay isang problem solver, civil engineer ako, negosyante ako, napakadami ko ng problemang nilagpasan sa buhay, napakadami ko ng binagong buhay, marami na akong natulungan, marami na akong pina-asenso.
“Kung ano man ang ginawa ko sa buhay ko at ibang tao at mga kumpanya ko, puwede kong gawin sa Maynila para matulungan kong umasenso.
Hindi lang yung siyudad ng Maynila, pati na po yung mga kababayan ko.”
May tsismis na ubos na raw ang pera ni Sam sa katutulong sa mga tao, wala na raw siyang pera.
“Hindi naman… nabawasan. Siyempre naman ang daming humihingi ng tulong, talagang mababawasan.
“Kaya kailangan kong kumayod, kailangan kong magnegosyo. Kaya nga kaka-re-launch lang namin e.
“Nag-launch ako ng mga bagong products at ngayon sobrang lakas ng benta, ganun yun e. “Alam mo, you think of ways paano mong masu-sustain yung ginagawa mo, e di mag-isip ka ulit, ang maganda doon, nagawa ko na dati, hindi na siya bago sa akin e.
“Alam mo, pag natikman mo ang success, madali lang i-repeat yan. You know what it takes e, discipline, focus, creativity, consistency, hard work, lahat yan normal na sa akin.
“Hindi iyan yung tipong pinakaaralan ko pa. So kung ano man ang ginawa ko dati, uulitin ko lang para mas kumita ako, mas makatulong pa ako sa mas maraming tao.”
May mga death threats ba si Sam?
“May threats tayo,” pakli ni Sam.
“Kaya minsan yung mama ko nag-aalala, lagi niyang sinasabi, ‘Mag-ingat ka, ilapit mo yung mga security mo sa iyo.’
“Pero ako naman, laking kalye naman ako. Nabuhay ako diyan, dati kami yung nagte-threat, kami yung mga bully,” at tumawa si Sam.
Pero ngayon, hindi na natin kinatatakutan yan kasi alam natin karakas ng mga yun e, galing din tayo dun.”
Isa sa mga isinusulong ni Sam sa kanyang kampanya ay ang 3K; Kalusugan, Kaalaman at Kabuhayan.
Banggit namin kay Sam, pagkatapos ba ng eleksyon, sa Hunyo ba ay magaganap naman ang ikaapat na K at ito ay ang kasal nila ng kasintahan niyang si Rhian Ramos?
Kasal,” ang tumatawang bulalas ni Sam, “ang ganda nun, ha!”
June bride ba si Rhian?
“Alam mo, kahit anuman ang maging resulta ng halalan na ito, ako, ito yung tadhana ko at siya na po yung pinili ko sa buhay ko. Kaya sana yan na nga ang pang-apat na K,” ang nakangiting winika pa ni Sam o SV.
(ROMMEL L. GONZALES)

ACMs maidedeliver bago ang katapusan ng buwan

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Ayon sa Comelec, inaasahang makukumpleto ang delivery ng balota at ACMs sa Abril 30 at Mayo 1 para sa final testing at sealing bago ang halalan sa Mayo. Babantayan ang mga ito ng PNP at AFP.

Panawagan ng mambabatas kay PBBM na maglaan ng dagdag pondo sa Mindanao

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Hinimok ni CDO Rep. Rufus Rodriguez si PBBM at ang Kongreso na maglaan ng mas malaking pondo sa Mindanao para makahabol sa pag-unlad. Lumabas sa PSA na ang BARMM at Zamboanga Peninsula ay may pinakamababang growth rates.

Alegasyong vote buying, mariing itinanggi ni Deputy Speaker at Las Pinas Rep. Camille Villar

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Mariing itinanggi ni Rep. Camille Villar ang alegasyon ng vote buying. Aniya, ang nasabing event ay hindi saklaw ng campaign period at wala siyang nilabag na batas. Kumpiyansa siyang malilinis ang kanyang pangalan.

Chinese National, arestado sa online gambling

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Naaresto ng BI sa NAIA si Anrui Wang, isang Chinese national na wanted sa Interpol dahil sa online gambling. Siya ay overstaying at nahaharap sa kasong may kaugnayan sa paglabag sa batas ng China.

https://images.app.goo.gl/RTbA4XKkLCnDQysx7

2 arestado sa pagdukot sa isang Chinese national na babae

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Arestado ang dalawang suspek, kabilang ang isang Taiwanese, kaugnay ng pagdukot sa isang Chinese national sa Maynila. Sinampahan na sila ng kaso sa Office of the City Prosecutor.

Bulacan, nakibahagi sa pagdiriwang ng Philippines’ Earth Day

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa Earth Day sa pamamagitan ng clean-up drives, education sessions, at pagtatanggal ng hazardous waste. Layunin nito ang mas sustenable at malinis na kapaligiran.

https://images.app.goo.gl/qw9hWbUXJfEVkNjH6

MRT 3 dinagdagan ng bagon sa peak hours

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Dinagdagan ng four-car train sets ang operasyon ng MRT 3 simula Lunes upang mapabuti ang serbisyo sa mga pasahero tuwing peak hours. Kasama sa plano ang libreng Wi-Fi at cashless payments. Pinahaba rin ang operasyon ng tren tuwing weekdays.

https://images.app.goo.gl/pNc8F53Wr2yHdGrt7

‘Days of Mourning’ dahil sa pagpanaw ni Pope Francis idineklara ni Pres. Marcos

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang ilang araw na pagluluksa mula Abril 23 hanggang 26 dahil sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon sa PCO, ilalagay sa half-mast ang watawat ng bansa sa lahat ng gusali ng gobyerno. Dadalo rin si Pangulong Marcos at First Lady Liza Marcos sa libing ng Santo Papa.

https://images.app.goo.gl/ggyUTpaHKcotmhiy7

Malakanyang, niresbakan si VP Sara matapos batikusin ang P20/kilo bigas sa Visayas

Posted on: April 26th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Niresbakan ng Malakanyang si VP Sara Duterte matapos nitong batikusin ang programang P20 kada kilo ng bigas. Ayon kay Claire Castro, dapat suportahan ng mga lider ang programa ng Pangulo at huwag pairalin ang crab mentality. Sinabi rin niya na ang bigas ay hindi ‘panghayop’ at ito ay galing sa mga lokal na magsasaka. (Daris Jose)

https://cdn.balita.net.ph/balita/uploads/images/2025/04/24/11671.png