• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 1:25 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 25th, 2025

PBBM, pinasinayaan ang P430.3-M BALINGOAN PORT EXPANSION PROJECT

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inagurasyon ng Port Operations Building (POB) sa ilalim ng P430.3-million Balingoan Port Expansion Project sa Balingoan, Misamis Oriental.nnThe Balingoan Port Expansion Project ay nakatuon tungo sa pagpapalakas ng ‘economic at tourism activities’ sa rehiyon.nnSa pagsasalita sa nasabing paglulunsad na isinagawa sa newly completed terminal, sinabi ni Pangulong Marcos na sa ilalim ng Build Better More program, layon ng gobyerno sa pagtatayo ng mga imprastraktura ay paghusayin ang ‘public convenience, comfort, security, at general progress.’nn“Sa pagsasaayos natin sa pasilidad na ito, asahan natin na lalakas ang turismo, bubuhos ang negosyo, lalago ang ekonomiya, at higit sa lahat, mas gaganda ang kabuhayan ng mga taga Misamis Oriental,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.nn“Isa lamang po ito sa aming mga proyekto at sa aming mga ginagawa upang gawing makabago ang mga pantalan sa ating kapuluan,” aniya pa rin.nnSakop ng newly-inaugurated Port Operations Building ang 3,082.50 square meters at nagtatampok ng single-level, high-ceiling design na maaaring mag-accommodate ng hanggang 500 seated passengers. Ito ay 233% na pagtaaas mula 150-passenger capacity ng lumang terminal.nnKabilang sa modern features ng terminal ay ang passenger lounge areas, gender-inclusive restrooms, childcare at play areas, food concession spaces, at prayer rooms, pinaganda at pinalaki naman ang ‘convenience at comfort’ ng mga biyahero.nnSa ilalim ng expansion project, ang back-up area, karagdagang roll-on/roll-off ramp, at pinalawig na cargo handling capabilities ay itinayo rin at pinalawak.nn”With the improvements, the port now has the capacity to berth up to five to six RoRo (roll-on/roll-off vessels) simultaneously, significantly reducing congestion and long queues of cargo and passenger vehicles,” ayon sa ulat.nnAng Balingoan port ay matatagpuan sa 84 kilometers mula sa Cagayan de Oro City, nagsisilbi ito bilang mahalagang transportasyon at economic hub na nagdudugtong sa Northern Mindanao sa Camiguin at Bohol.nnAng development ng Port of Balingoan ay maaari ring magpalakas sa tourism landscape ng Northern Mindanao, nag-aalok sa mga biyahero ng ‘greater access’ sa ilang itinuturing na ‘Misamis Oriental’s lesser-known yet captivating destinations.’nnSamantala, noong nakaraang taon, nakapagtala ang port ng mahigit sa 6,102 ship calls, nahigitan ang pre-pandemic figures, na may RoRo traffic na lampas sa 109,000 at passenger traffic na umabot sa mahigit na 671,000.

Heat inagaw ang No. 8 spot sa playoffs

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BUMANAT si Tyler Herro ng 30 points para tulungan ang Miami Heat sa 123-114 overtime win sa Hawks sa Play-In Tournament at kunin ang No. 8 berth sa Eastern Conference first-round playoffs.nnNagdagdag si Davion Mitchell ng 16 markers tampok ang tatlong krusyal na three-point shots sa extra period sa pagharap ng Miami sa No. 1 Cleveland Cavaliers sa first-round playoffs.nn“I know how badly our group wanted to get into this thing,” sabi ni Fil-American Heat coach Erik Spoelstra na nakahugot kay Andrew Wiggins ng 20 points. “I could see it in their eyes and feel it in their heart.”nnAng Miami ang naging unang No. 10 seed na nakasampa sa playoffs simula nang ilunsad ang play-in format noong 2020-21 season.nnSila rin ang unang play-in team na umabante sa first-round playoffs na may dalawang road wins.nnPinamunuan ni Trae Young ang Atlanta sa kanyang 29 points at 11 assists.nnSa Memphis, kumamada si Ja Morant ng 22 points at 9 assists sa 120-106 pagsibak ng Grizzlies sa Dallas Mavericks sa Play-In Tournament papasok sa NBA Playoffs.nnUmiskor si Jaren Jackson Jr. ng 24 points at may 22 markers si Desmond Bane para sa Memphis na tatayong No. 8 seed sa Western Conference katapat ang top-seeded Oklahoma City Thunder sa isang best-of-seven series.nnHangad nilang maging pang-pitong tropa sa NBA history na tumalo sa No. 1 team sa first round bilang No. 8 seed.nnHuli itong nangyari noong 2022-23 season nang gulatin ng No. 8 Miami Heat ang No. 1 Milwaukee Bucks, 4-1.

WBC interim lightweight champ Ryan Garcia, target na makasagupa si Boots Ennis

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ni Ryan Garcia, ang WBC interim lightweight champ, na labanan si IBF welterweight champ Jaron ‘Boots’ Ennis matapos talunin ni Ennis si Eimantas Stanionis noong Abril 12, 2025.nnInilarawan ni Garcia na madaling manalo si Ennis sa 147 lbs dahil mahihina umano ang mga kampeon sa kategoryang ito.nnBagamat matibay si Ennis, sinabi ni Garcia na madalas itong tamaan ng suntok na nagiging sanhi ng kahinaan para ma-knockdown.nnAyon WBC interim lightweight champ, mas mabagsik siya kumpara kay Stanionis at handa siyang gumawa ng mega-fight laban kay Ennis.nnBinanggit ni Garcia na kailangang harapin ng IBF welterweight champ ang mga mahihirap na kalaban upang makapasok sa pound-for-pound list.nnHindi pa tumutugon si Ennis sa hamon ngunit seryoso si Garcia sa laban basta’t maayos ang premyo.

Machine operator, kulong sa statutory rape sa Valenzuela

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 21-anyos na machine operator na akusado sa statutory rape matapos matimbog sa manhunt operation.nnAng akusado ay kabilang sa Top 3 Most Wanted Person sa Valenzuela City at nahuli sa bisa ng warrant of arrest para sa dalawang bilang ng Statutory Rape.nnWalang piyansang inirekomenda ang korte. Pinuri ni P/BGen. Ligan ang Valenzuela Police sa dedikasyon sa paghuli ng mga kriminal.

2 tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa parak sa Valenzuela

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak na itinuturing bilang High Value Individuals (HVI) matapos matiklo ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City.nnNakumpiska sa mga suspek ang nasa 51 grams ng hinihinalang shabu, buy bust money, coin purse at recovered cash. Kinilala sila na sina alyas “Michael” at “David”, parehong taga-Brgy. 171, Caloocan City.nnKinasuhan sila ng paglabag sa R.A. 9165. Pinuri naman ni P/BGen. Josefino Ligan ang Valenzuela Police sa kanilang patuloy na kampanya laban sa iligal na droga.

LTO-NCR ikinasa ang ‘Oplan Isnabero’ vs taxi drivers

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SISIMULAN nang ipatupad ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) ang “Oplan Isnabero” ngayong linggo, April 20 laban sa mga pasaway na taxi drivers na tatangging maihatid sa kanilang destinasyon ang mga pasaherong babalik sa Maynila makaraan ang mahabang bakasyon.nnPartikular na nakakalat ang LTO operatives sa pangunahing transport terminals sa Metro Manila upang matiyak ang maayos na pagbabalik ng mga pasahero.nnPinayuhan ni LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa III ang mga taxi drivers na tupdin ang kanilang responsibilidad at huwag mang-isnab ng mga commuters.nnSa ilalim ng Joint Administrative Order No. 2014-01, ang pagtanggi sa pagsasakay ng pasahero ay may multang mula PHP 5,000 hanggang PHP 15,000 at maaaring mapawalang bisa ang Certificate of Public Conveyance (CPC) ng taxi.

31 porsyentong Pinoy gumanda buhay sa nagdaang 12 buwan – SWS

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMAABOT sa 31 percent ng mga Pinoy ang nagsabing gumanda ang kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan, habang 30% ang nagsabing lumubha ang kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan.nnBatay sa latest SWS survey na ginawa mula Marso 15-20, nasa 38% naman ang nagsabing hindi nagbago ang kanilang pamumuhay.nnAng survey ay nagpapakita ng net gainers score na +1 na ayon sa SWS, ay mataas kahit na bumaba ng 5 points mula sa score na +6 noong Pebrero. Ang net gainers scores +1 hanggang +9 ay kinokonsiderang “high” ng SWS.nnAng mga respondents ay tinanong na “Kung ikukumpara ang uri ng inyong kasalukuyang pamumuhay sa nakaraang 12 buwan, masasabi ba ninyo na ang uri ng inyong pamumuhay ay mas mabuti kaysa noon, kapareho ng dati o mas masama kaysa noon”.nnAng non-commissioned survey ay ginawa ng face-to-face sa 1,800 registered voters na may edad 18 taon pataas, 300 sa Metro Manila, 900 sa Balance Luzon, 300 sa Visayas at 300 sa Min­danao.