• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 4:31 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 25th, 2025

Bumuhos ang pagbibigay-pugay at pakikiramay:JANINE, labis-labis ang pagdadalamhati sa pagpanaw ng dalawang lola na sina PILITA at NORA

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

LABIS-LABIS nga ang pagdadalamhati ni Janine Gutierrez sa pagpanaw ng kanyang lola na si Nora Aunor (April 16), ilang araw lang ang pagitan sa pagkamatay ng kanyang mamita na si Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales (April 12).Sa kanyang Instagram post, “With sorrowful hearts, we share the passing of our grandmother, Mama Guy. A treasure to our family but truly always more the people’s than ours.”Dagdag niya, “She had a life of giving her immeasurable love to everyone she touched whether on screen, through music, or in person.“We are deeply grateful for the outpouring of love and support. Please keep our family in your prayers, especially Mama, Uncle Ian, Ate Matet, Kuya Kiko, and Ken, as we say goodbye.“We find comfort in knowing she, the one and only Superstar, will be forever loved.” Samantala, ilang sa mga artistang nauna nang nagbigay-pugay at pakikiramay sina Dingdong Dantes, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Zsa Zsa Padilla at Judy Ann Santos, na hindi pa rin makapaniwala sa pagpanaw ng nag-iisang Superstar ng pelikulang Pilipino.Bumuhos din ang pakikiramay mula sa fans at netizens na damang-dama ang pinagdaraan ngayon ng dalawang pamilya, lalong-lalo na para kay Janine sa magkasunod na paglisan ng kanyang dalawang lola.Ang aming taus-pusong pakikiramay sa mga naulila. May you ‘rest in power’ Ate Guy! (ROHN ROMULO)

Winelcome siya nina Marian, Maine at Carla sa Triple A: MILES, goal na makapagsulat ng script para sa APT Entertainment

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
SUPER taas ng energy at may aliw factor talaga itong multi-talented star na si Miles Ocampo.
Last Tuesday ay pumirma na ng exlusive contract sa Triple A o ALL ACCESS TO ARTISTS.
Yes tawang-tawa ang lahat sa mga pakikay ni Miles na may hirit pang feeling artista na siya at heto at may contract signing na siya sa Triple A with the big bosses of talent management headed by Direk Michael Tuviera, Ma’am Jacqui Cara and Sir Jojo Oconer.
At ang bongga, bukod sa Q & A with the invited entertainment press ay may one on one interview pa si Miles sa host ng kanyang intimate contract signing at mediacon na si DJ Jhaiho na kapansin-pansin na lalong gumaganda.
Maraming napag-usapan na may kaugnayan sa pinirmahang kontrata ni Miles sa Triple A. Actually hindi na bago si Miles sa Triple A dahil parte ito ng pinagbidahang “Padyak Princess” last year sa TV5.
Yes, ang APT Entertainment nina Direk Mike ang nag-produce ng comedy drama project ng comedianne actress.
Isa pala sa goal ni Miles ay gusto niyang makapagsulat ng script sa APT Entertainment. Nag-aral kasi siya ng scriptwriting kay National Artist Ricky Lee.
Sabi naman ni Ma’am Jacqui ay iko-consider nila ito.
Labis-labis ang pasasalamat ni Miles sa Triple A dahil suwerte raw niya na sa dinami-rami ng mga artista ay napili siya na papirmahin ng kontrata.
At promise niya ay gagawin niya ng maayos ang kanyang trabaho at magiging good girl siya.
By the way, mainit pa lang winelcome ng mga Reyna ng Triple A na sina Marian Rivera, Maine Mendoza at Carla Abellana at iba pang artists si Miles na kapamilya na nila.
Q(PETER S. LEDESMA)

Nag-iisa at walang makapapantay sa kasikatan ng Superstar: Pagpapakatotoo sa sarili, mahalagang natutunan ni JUDY ANN kay NORA 

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
ISA sa mga mahalagang bagay na natutunan ni Judy Ann Santos sa yumaong Superstar na si Nora Aunor ay ang pagpapakatotoo sa sarili.
Bukod dito ay ang kahalagahan ng pagiging mapagpakumbaba kahit na gaano katayog ang maabot ng isang artista sa industriya ng pelikula at telebisyon.
Lahad ni Juday, “Ang sinabi lang naman niya, mahirap ang industriyang ito, pero hangga’t mabuti at mababa ang loob mo, wala kang magiging mali.
“O kung may pagkakamali ka man, aminin mo. Mamahalin ka ng tao hanggang dulo.
“Yun ang pinaka-naaalala ko kay Ate Guy. Kung totoo ka, walang magiging problema. Problema na ng ibang tao na hindi totoo sa iyo.”
Marami ang naniniwala na si Judy Ann, na kilala noon bilang Young Superstar at ngayon ay binansagang Prime Superstar, ang nag-iisang maaaring maging katulad ni Nora pagdating sa pagiging isang mahusay at multi-awarded actress here and internationally.
Pero para kay Judy Ann, isa lamang ang Superstar, walang iba kundi si Nora Aunor.
“Alam mo, lagi ko ngang sinasabi, walang iba na puwede pang maging Superstar.
“Siya lang, si Ate Guy lang talaga,” pahayag ni Judy Ann sa huling araw ng burol para sa namayapang National Artist.
“Of course, nakakataba ng puso, lagi namang ganun,” reaksyon ni Juday tungkol sa paghahalintulad sa kanya kay Ate Guy.
“But laging sinasabi ko na hindi puwede.
“Wala namang makakatapat sa kasikatan at sa lawak ng narating niya. Di naman ako magiging ipokrita at magsisinungaling na di siya nakakakilig.
“Pero ni wala sa kalingkingan ng narating ni Ate Guy ang narating ko. Malayo… malayung-malayo…
“I’m just honored, nagpapasalamat ako sa thought na naging parte siya ng karera ko.”
Nakasama ni Juday sa dalawang pelikula si Ate Guy; sa ‘Sana Mahalin Mo Ako’ (1988) at Babae’ (1997).
(ROMMEL L. GONZALES)

Papayag kung sakaling pababalikin: ASHLEY, no regret sa lahat ng ginawa at pinakita sa Bahay ni Kuya

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments
NANG dahil sa pagiging vocal ni Ashley Ortega at nakahiligan niya ang Luxe Slim Slimming juices habang nasa loob ng Pinoy Big Brother House, aba, heto’t pinapirma na siya ng brand’s CEO na si Anna Magkawas.
At isa na nga si Ashley sa mga celebrity endorser ng Luxe Slim. Very authentic ang nangyari dahil napanood ng lahat na nagustuhan niya, iniinom niya at wala sa hinagap niya na dahil dito, makaka-score siya ng endorsement paglabas.
Sa ngayon, marami raw naging realization si Ashley simula nang lumabas siya ng bahay ni Kuya. One of these ay yung mas naging open daw siya as compared before.
Wala rin daw siyang regret sa lahat ng mga ginawa at pinakita niya sa loob. At kung sakali man daw na pababalikin siya, papayag daw siya.
Yun lang, medyo marami ng schedules niya ang pwedeng maapektuhan, lalo na at bahagi na rin siya ng ‘Lolong.’
Siyempre, kung may isa man na magandang nangyari sa pagpasok niya sa PBB, ang muling pagbubukas ng communication at relasyon nilang mag-ina.
Though, hindi pa raw sila nagkikita, pero open na ang communication nila.
***
HUWAG naman sana.
Kasi, ilang araw lang ang nakalilipas, naaliw pa kami sa ipinost ni Sofia Andres sa Instagram niya kunsaan, sweet-sweetan sila ng partner na si Daniel Miranda.
Habang ang anak naman nila na si Zoe ay sinasaway sila.
Then heto ngayon, pareho silang naka-unfollow sa kanilang mga IG. Siyempre, mabilis na pinag-iisipang, hiwalay na rin ba sila?
Hmmm… sana nga hindi, or else, panahon ba ng break-up ngayon? Sana ay may isyu lang ang dalawa na katulad ng ibang couple, mabilis mapagdiskitahan ang kanilang mga socmed accounts at mag-unfollow.
Anyway, developing story pa lang ito kaya abangan natin ang mga susunod na mangyayari.
(ROSE GARCIA)

Ads April 25, 2025

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NASA 500 PAMILYANG BAKWIT SA BASILAN, NANGANGAILANGAN NG TULONG

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT 500 pamilya sa Tipo-Tipo, Basilan ang lumikas dahil sa sagupaan sa pagitan ng militar at armadong grupo noong nakaraang linggo.nnAyon sa report ng lokal na pamahalaan, kasalukuyang nasa mga evacuation centers ang mga residenteng naapektuhan mula sa mga barangay ng Baguindan at Bohe Piyat.nnNangangailangan ng pagkain, tubig, gamot, at mga gamit sa pansamantalang tirahan ang mga bakwit.nnNagsimula na ang relief operations ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang lokal na pamahalaan at ilang non-government organizations.nnNanawagan naman si Basilan Governor Jim Salliman sa karagdagang suporta mula sa national government para matugunan ang pangmatagalang pangangailangan ng mga evacuee.nnPatuloy pa rin ang military operations sa lugar para matiyak ang seguridad ng mga mamamayan.

BARANGAY SA NORTH COTABATO, NIYANIG NG 5.3 NA LINDOL

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISANG lindol na may lakas na magnitude 5.3 ang yumanig sa bayan ng Tulunan, North Cotabato nitong Lunes ng umaga, ayon sa PHIVOLCS.nnNaitala ang sentro ng lindol sa layong 14 km timog ng Tulunan at may lalim na 10 km. Tectonic ang pinagmulan nito.nnNararamdaman ang pagyanig sa ilang bahagi ng Soccsksargen at mga karatig lalawigan.nnWala namang naiulat na nasaktan o nasirang estruktura, ngunit patuloy ang ginagawang assessment ng mga lokal na awtoridad.nnPinayuhan ng PHIVOLCS ang publiko na manatiling alerto sa posibleng aftershocks at sundin ang mga abiso mula sa disaster response agencies.

ALBAY, NAKAPAGTALA NG MAINIT NA 48°C HEAT INDEX

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAITALA sa Albay ang isa sa pinakamataas na heat index sa bansa ngayong taon, umabot ito sa 48°C nitong Linggo, Abril 21, ayon sa PAGASA.nnAng naturang antas ng init ay nasa ‘danger level’ na maaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at posibleng heat stroke kung hindi maagapan.nnAyon sa weather bureau, epekto ito ng El Niño phenomenon at ng patuloy na umiiral na mainit na panahon sa bansa.nnNagpaalala ang mga otoridad na iwasan ang direktang sikat ng araw mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon, magsuot ng magagaan at preskong damit, at uminom ng maraming tubig.nnPinapayuhan din ang publiko na iwasan ang strenuous activities sa kasagsagan ng init ng araw.nnSamantala, mahigit 30 lugar sa bansa ang nasa ilalim din ng mataas na heat index mula 42°C pataas, kabilang na ang Metro Manila na nakapagtala ng 44°C.

PBBM: TULOY ANG LABAN KONTRA KANSA!

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inagurasyon ng ika-39 Malasakit Center sa Central Luzon sa lungsod ng Balanga, Bataan bilang bahagi ng pagpapatuloy ng kanyang administrasyon sa laban kontra kanser.nnAng bagong bukas na Malasakit Center ay nasa loob ng Bataan General Hospital and Medical Center (BGHMC).nnAyon kay Pangulong Marcos, mahalaga ang proyektong ito para sa mga pasyenteng may kanser at sa kanilang mga pamilya na hirap sa gastusin para sa gamutan.nn”Hindi madali ang laban kontra kanser. Pero hindi kayo nag-iisa. Sa bawat ospital, bawat pasilidad, at bawat inisyatibo, tinitiyak nating hindi kayo kailanman mawawalan ng pag-asa,” ani Pangulong Marcos.nnAniya, hindi lamang ito pasilidad kundi simbolo ng malasakit at pagkakaisa upang bigyan ng dignidad ang bawat Pilipino na may karamdaman.nnIpinahayag din ng Pangulo na walang sinuman ang dapat mawalan ng pagkakataon sa lunas dahil lamang sa kakulangan ng pera.nnKabilang sa mga benepisyaryo ng center ay ang mga indigent patients na mangangailangan ng chemotherapy, laboratory tests, at iba pang medical services.nnTarget ng pamahalaan na palawigin pa ang mga Malasakit Center sa buong bansa.

PBBM KAY POPE FRANCIS: ‘THE BEST POPE IN MY LIFETIME’

Posted on: April 25th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG nang matinding kalungkutan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagpanaw ni Pope Francis, mas kilala ng mga Filipino bilang si “Lolo Kiko.”nn”Ibang klase si Pope Francis. That’s really sad. I love this Pope. The best Pope in my lifetime as far as I’m concerned,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa sidelines ng isang pagpupulong, araw ng Lunes.nnNauna rito, inanunsyo ng Vatican ngayong Lunes (oras sa Pilipinas) sa isang video statement na pumanaw na si Pope Francis, ang kauna-unahang Latin American leader ng Roman Catholic Church.nnNito lang nakaraang linggo, nakipagpakita si Pope Francis, 88-anyos, at pinasalamatan ang medical team na umasikaso at nagligtas sa kaniya sa limang linggo niyang pagkakaratay sa ospital dahil sa double pneumonia.nnMahina ang boses pero walang suot na oxygen ang Santo Papa nang pasalamatan niya ang medical team na binubuo ng nasa 70 doktor at mga staff mula sa Gemelli Hospital sa Rome.nn”Thank you for your service in hospital,” ang sinabi ni Pope Francis. “It is very good. Keep going like this.”nnNitong nakaraang Linggo ng Pagkabuhay, pumasok si Pope Francis sa St. Peter’s Square sakay ng open-air popemobile, na kauna-unahang niyang ginawa mula nang makalabas ng ospital.nnSinalubong siya ng libu-libong Katoliko na may bitbit na mga watawat ng kanilang mga bansa at sumisigaw ng “viva il papa!” (long live the pope!).nnIlang beses din na sandaling tumigil ang popemobile sa square, upang batiin at basbasan ang mga tao, may sanggol din na inilapit sa kanya.nnBinasa naman ng kanyang tauhan ang kanyang Easter message mula sa balkonahe ng St. Peter’s Basilica, kung saan binigyan-diin ng Santo Papa ang agarang tigil-putukan sa Gaza.nn”I express my closeness to the sufferings … of all the Israeli people and the Palestinian people,” saad niya sa mensahe.nn”I appeal to the warring parties: call a ceasefire, release the hostages and come to the aid of a starving people that aspires to a future of peace,” dagdag pa niya.nnNagawa rin ni Pope Francis na makausap nitong Linggo ng umaga sa Vatican sa US Vice President JD Vance.nnAyon sa Vatican, ilang minuto lang ang itinagal ng pag-uusap nina Pope Francis at Vance upang magpalitan ng Easter greetings.nnSamantala, sinabi ni Pangulong Marcos na laging tatandaan ng mga Pilipino si Pope Francis at ang panawagan nito sa mga mananampalatayang Filipino na muling pasiglahin araw-araw ang kanilang sigasig na kumonekta sa at abutin ang mga nasa gilid at sama-samang magtrabaho para protektahan ang kapaligiran.