• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 8:44 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 24th, 2025

Departure honor, nararapat sa isang National Artist:NORA, maayos na naihatid sa kanyang huling hantungan

Posted on: April 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAAYOS na naihatid sa huling hantungan ang labi ng Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor sa Libingan ng Mga Bayani noong Martes, April 22.Nagkaroon muna ng madamdaming State funeral sa Metropolitan Theater o MET kung saan siya binigyan ng pagpupugay ng ilang personalidad na malapit sa kanya, bago siya inilibing.Sa Libingan ng mga Bayani ay nagkaroon ng departure honor para sa pumanaw na National Artist. Kasunod nito ang pagmamartsa mula sa gate patungo sa naka-assign na burial site, na katabi mismo ng isa pang National Artist na Ishmael Bernal, direktor ng ‘Himala’ na pinagbidahan ni Nora. Ginanap din ang final benediction ng assigned priest at ang final viewing ng pamilya, mga kaibigan, at tagasuporta ni Ate Guy. Hindi nga napigilan na maging emosyonal ang magkakapatid na Lotlot, Matet, Kiko, Kenneth at Ian de Leon, hanggang sa pagsasara ng kabaong ni Ate Guy na isinagawa ng anak na si Ian. Binigyan din ng military honor at 21-gun salute habang tuluyan nang inililibing ang yumaong aktres at national artist.Si Ian naman ang tumanggap ng watawat ng Pilipinas mula sa mga sundalo matapos ang isinagawang state funeral. Isa-isa namang nag-alay ng mga puting rosas ang naulilang pamilya ng nag-iisang Superstar.Nagpasalamat naman si Ian sa mga naglaan ng oras para samahan sila sa paghahatid sa kanilang butihing inacsa huling hantungan.“Magandang tanghali po sa ating lahat. Unang-una, on behalf sa aking pamilya, sa mga kapatid ko, sa mga anak namin, mga apo ni Mommy, hindi n’yo po alam kung gaano po namin kayo kamahal.“Dahil sa pagmamahal n’yo na ibinigay n’yo sa mommy namin, siya lang po ang nag-iisang Superstar dahil sa inyong lahat. Nagkaroon ng isang national artist dahil po sa inyong lahat,” madamdaming pahayag ni Ian.Matatandaan na ikinagulat ng lahat ang pagpanaw ni Ate Guy noong Miyerkules Santo, ika-16 ng Abril, na dahil sa acute respiratory failure.May you ‘rest in paradise’ Ate Guy? ***BILANG pagpupugay sa yumaong Superstar at National Artist muling ipalalabas ang dalawang pelikula ni Nora Aunor na mula sa direksyon ni Mario O’Hara.Ito ang ‘Tatlong Ina, Isang Anak’ at ‘Tatlong Taong Walong Diyos’ na ipalalabas sa Ayala Cinemas kapalit ng ‘Shake, Rattle & Roll’ at ‘Sa Init ng Apoy’.Ang regular tickets ay ₱180 at ₱160 para students.(ROHN ROMULO)

Ads April 24, 2025

Posted on: April 24th, 2025 by @peoplesbalita No Comments