• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 8:52 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 23rd, 2025

Aabot sa 70,000 na pelikula at TV materials: MTRCB, nagbigay ng angkop na klasipikasyon sa 1st Quarter ng 2025

Posted on: April 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

AABOT sa halos 70,000 pelikula, telebisyon at publicity materials ang nabigyan ng angkop na klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) mula Enero hanggang Marso 2025.

Mas malaki ito kumpara sa 59,095 na materyal na binigyan ng angkop na klasipikasyon ng Ahensya sa parehong panahon noong 2024.

Batay sa datos, ang 68,953 ay mula sa TV programs, plugs at trailers; 159 ay mga pelikula (lokal, independent at internasyonal), habang 118 naman ang trailers. Nirebyu din ng Board ang aabot sa 413 na publicity at optical media materials.

Sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa mga alituntunin at proseso ng pagrerebyu, ang MTRCB, sa pangunguna ni Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio, ay nananatili ang dedikasyon na maisulong ang responsableng panonood.

“Parte ito ng pagsisikap ng Board ma matiyak na ang lahat ng pelikula at programa sa telebisyon ay mabibigyan ng angkop na klasipikasyon batay sa Presidential Decree (PD) No. 1986, ang batas na basehan sa pagrerebyu ng mga materyal,” sabi ni  Sotto-Antonio.

“Ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa dedikasyon ng 31 Board Members para masiguro na ang lahat ng materyal ang may angkop na klasipikasyon,” dagdag niya.

Sa patuloy na paglago ng media sa bansa, patuloy din ang pagpapa-igting ng MTRCB sa kampanya nito tungo sa “Responsableng Panonood” sa pamamagitan ng pagsasagawa ng konsultasyon sa mga stakeholders, aktibidad at iba’t ibang inisyatiba.

“Atin pong tinitiyak na ang Board ay mananatiling dedikado sa pagtitiyak na ang bawat pamilyang Pilipino ay ligtas mula sa mapanganib na palabas at magkaroon ng komportableng panonood,” sabi ni Sotto-Antonio

Idiniin din niya ang prayoridad ng MTRCB na protektahan ang kabataang Pilipino mula sa mapanganib na content na posibleng makaapekto sa kanilang pag-iisip.  (ROHN ROMULO)

Bilang pagbibigay-pugay sa nag-iisang Superstar:ALFRED, ipalalabas ang ‘Pieta’ nila ni NORA sa mga sinehan na walang bayad

Posted on: April 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA Instagram post ng aktor at pulitiko na Alfred Vargas nagbigay-pugay siya sa nag-iisang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor. Pinost niya ng kanilang eksena ni Ate Guy sa ‘Pieta.’This scene was taken from one of Ate Guy’s last ever films, PIETA. I played, Isaac, her long lost son.When Isaac finally returned home he was greeted by a mother who couldn’t remember anything anymore, panimula ni Alfred. Instead of surprising his mother, he ended up the one being surprised… for the wrong reasons. Pieta is a story about love, family, truth, mistakes and forgiveness.This was a painful but loving scene at the same time.*Painful because Rebecca, Nora Aunor’s character, the mother of Isaac, couldn’t recognize her son at all.Loving because she still showed how much she cared for and loved her son despite the incomprehensible situation.Dagdag pagpupugay pa niya, Ate Guy, working with you has been one of the greatest honors of my life. As an actor and as a human being you have touched my heart. You have taught me so much without saying anything and you have inspired me tremendously by mentoring me through our scenes together. PIETA will always be one of the most special and favorite films l’ve done my entire life because of you.The most important lesson I learned from you is that:TRUE STARS SHINE BECAUSE OF THEIR HUMILITY AND GENEROSITY IN EVERYTHING THEY DO AND WHOEVER THEY MEET. Sayo ko naramdaman ito nang sobra, Ate Guy.Maraming salamat dahil tinanggap mo ako sa puso mo at nagkaroon ako ng chance to work at makilala ang ONE AND ONLY SUPERSTAR that we will ever have!Rest in peace, Ate Guy Mahal na mahal kita.” #restinpeacenoraaunorPahabol pa ni Alfred na, “As a tribute to our one and only SUPERSTAR, I’m planning to show PIETA in selected SM Cinemas nationwide, for free, later this year. Para mapanood ng Noranians ang isa sa mga pinakahuling obra ni Ms Nora Aunor!(ROHN ROMULO)

Ads April 23, 2025

Posted on: April 23rd, 2025 by @peoplesbalita No Comments