• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 2:57 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 19th, 2025

DOH sa mga deboto: ‘Di kailangan saktan ang sarili

Posted on: April 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAALALAHANAN ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa panganib na dulot sa kalusugan ng pagpepenitensiya o pananakit sa sarili ngayong Semana Santa.Ang babala ay ginawa ni DOH Assistant Secretary at Spokesperson Albert Domingo kasunod na rin ng nakaugaliang pagpepenitensiya ng ilang Katoliko ngayong Semana Santa, gaya ng ­paghagupit sa kanilang mga likod at pagpapapako sa krus, upang ipakita ang kanilang pagsisisi sa mga nagawang kasalanan.Ayon kay Domingo, ang mga naturang sugat sa katawan na dulot ng penitensiya ay tinatawag na ‘dirty wound’ na maaaring panggalingan ng mikrobyo at pagmulan ng impeksiyon sa ating katawan.Aniya pa, mismong ang Simbahang Katolika na rin naman ang nagsabi na hindi naman kailangang sugatan o saktan ang sarili upang ipakita ang pagbabalik-loob sa Panginoon.“Alinsunod na rin sa mga kaparian, hindi naman kinakailangan na sugatan o saktan ang ating katawan,” pahayag pa ni Domingo, sa panayam sa isang programa sa telebisyon.Kung talaga aniyang hindi naman mapipigilan ang mga mananampalataya sa kanilang nakaugaliang pagpepenitensiya, pinaalalahanan na lamang sila ni Domingo na tiyaking ang gagamitin nila sa pananakit sa sarili ay malinis at na-sanitized upang maiwasan ang impeksiyon.Payo pa niya, hugasang mabuti ng sabon at tubig ang magiging sugat ng mga ito at gamitan ng mga antiseptic o iodine, sa halip na tumalon sa ilot o dagat.“Tandaan po natin na ang mga sugat sa katawan ng penitensya ay mga tinatawag na ‘dirty wound.’ ‘Yung alikabok ng lupa, do’n sa mga lumilipad na alikabok sa paligid, saka ‘yung mga ginagamit nating instrumento, pwedeng panggalingan ng mikrobyo,” ani Domingo.Aniya pa, “Ang tanging lunas po niyan is ­maghugas ng malinis na tubig at sabon, at paggamit ng mga antiseptic tulad ng iodine na tinatawag natin. ‘Wag na hong tumalon sa ilog, sa dagat, ‘yung paniniwalang gano’n. Linisin na lang natin sa tamang paraan.” (Daris Jose)

LTO, nagtalaga ng 1,700 Enforcer para siguraduhin ang ligtas na biyahe ng Semana Santa

Posted on: April 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGTALAGA ang Land Transportation Office (LTO) ng humigit kumulang 1,700 enforcer sa buong bansa upang magbantay sa mga pangunahing lansangan at tiyaking maipapatupad ang batas laban sa mga pabayang motorista, kabilang na ang mga sangkot sa karerahan sa kalsada, sa inaasahang pagdagsa ng mga sasakyan ngayong Semana Santa. Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, nakipag-ugnayan na rin ang ahensya sa Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies upang agad na matugunan ang anumang sumbong o ulat kaugnay ng mga pasaway na motorista sa mga pangunahing kalsada. “Ang lahat ng ating enforcers ay nakapuwesto sa mga pangunahing lansangan upang magsilbing babala sa mga balak maging pasaway sa kalsada. Bahagi ito ng direktiba ni DOTr Secretary Vince B. Dizon, dahil ang presensya pa lamang ng unipormadong tauhan ng LTO ay nakakapigil na sa mga pasaway na driver,” ani Asec. Mendoza. “Pero para sa mga matitigas ang ulo, we will surely run after you. Matakasan mo man ang mga enforcers dahil mabilis kang magmaneho, our enforcers already know what to do on those kind of situations para matiyak na mapanagot ka sa pagiging kamote sa kalsada,” dagdag pa niya. Bagama’t pangunahing layunin ang pagtulong sa mga motorista para sa ligtas na biyahe, sinabi ni Asec. Mendoza na may espesyal na utos sa mga LTO enforcers na tutukan at i-dokumento ang mga pabayang driver sa kabuuan ng Semana Santa hanggang sa makabalik ang mga biyahero sa kanilang mga trabaho matapos ang mahabang weekend. Matatandaang nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa mga motorista na maging kalmado at isaalang-alang palagi ang kapakanan ng kanilang pamilya sa gitna ng presensya ng mga ‘kamote’ driver sa mga lansangan. Samantala, inatasan ni Secretary Dizon ang LTO at ang LTFRB na gumawa ng lahat ng hakbang upang pigilan ang reckless driving, at habulin ang mga susuway dito. Noong Martes, Abril 15, inihayag ni Asec. Mendoza na nagsimula na silang magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga rehistradong may-ari at driver ng dalawang pampasaherong bus isa ang nasangkot sa aksidente sa NLEX, habang ang isa naman ay makikita sa viral video na tuluy-tuloy sa pag-overspeeding kahit mariin nang nakikiusap ang mga pasahero na siya’y magmenor. Dagdag pa ni Asec. Mendoza, nakabuo na ang LTO ng mga mekanismo upang mapalakas ang pananagutan ng mga abusadong motorista, kasabay ng pagbibigay-diin sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang lisensyang pangmamaneho ay isang pribilehiyo at hindi isang karapatan. Binanggit din niyang mas mabilis na ang pagkilos ng LTO laban sa mga lumalabag: HIndi po puwede kay Secretary Dizon ang mabagal. Kaya talagang mabilis ang aksyon natin sa mga reckless drivers na ito without compromising their right to due process. “Hindi po tayo nagkulang sa pagpapa-alala about road safety at nasa upgrading na po tayo ng ating action plan laban sa mga abusadong driver at yun ay sa pamamagitan ng certainty na mahuhuli at mapaparusahan sila,” ani pa ni Asec. Mendoza. Hinimok din ni Asec. Mendoza ang publiko, lalo na ang mga netizens, na patuloy na manawagan at i-report ang mga pasaway na motorista, dahil may special team ang LTO na tutok sa social media para bantayan ang ganitong mga insidente. “Magtulungan po tayo dahil ang road safety ay responsibilidad ng bawat isa. Hinihikayat po namin ang publiko, lalo na ang mga netizens, na huwag mapagod sa pagiging mapagmatyag laban sa mga pabayang driver dahil baka sa inyong simpleng aksyon, mailigtas niyo ang isang kaibigan o kamag-anak,” ani Asec. Mendoza. May mga opisyal na social media accounts ang LTO at isang hotline na maaaring kontakin: “AksyON THE SPOT 09292920865.” (PAUL JOHN REYES)

Isko, babalik ng Maynila dahil sa utang na loob sa Manileño

Posted on: April 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TAHASANG sinabi ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na hindi niya tatalikdan at kakalimutan ang kanyang utang na loob kay da­ting Vice Mayor Danny Lacuna subalit kailangan din niyang tumanaw ng utang na loob sa Manileño kaya muli siyang tumatakbo sa pagka alkalde ng lungsod.Sa kanyang pagsasalita sa caucus, sinabi ni Isko na ang Manileño ang nagluklok sa kanya upang maging alkalde ng lungsod noong 2022 kaya marapat lamang na suklian niya ng serbisyo ang tiwalang ibinigay sa kanya ng mga ito.“Kung itinuloy lamang nila ang ating programa at pinagbuti ang serbisyo, wala silang dapat ipangamba”, ani IskoAng pahayag ni Isko ay tugon sa ipinupukol umanong isyu sa kanya ng kampo ni Manila Ma­yor Honey Lacuna wala umano siyang utang na loob. Subalit ayon kay Isko sa kanyang ‘utang na loob’ kay Vice Ma­yor Danny, ‘inayos’ niya ang mga anak nito sa Manila City kung saan naipuwesto si Councilor Philip Lacuna, Councilor Lei Lacuna, Planning and Zoning chief Dennis Lacuna.Iba pa ang pagpuwesto ni Susan Lacuna na nagsilbing chief of staff ni Mayor Honey at asawa ng alkalde na si Poks Pangan bilang Manila City Health chief dahil ito ang itinuturong utak ng online registration upang makapagpatingin sa mga doctor sa mga pampublikong ospital sa Maynila. Ani Isko ito ang una niyang tatanggalin sa puwesto dahil umano sa pagpapahirap sa mga nais na magpagamot.Matatandaang namamayagpag pa si Isko sa mga kandidato sa pagka-alkalde sa anim na distrito ng Maynila na may 67% voters’ pre­ference ayon sa resulta ng OCTA Research na isinagawa noong Marso 2 hanggang 6 na sinundan nina Sam Versoza (SV) na may 16% at incumbent Mayor Honey Lacuna na may 15%.Maraming Manileño ang nais bumalik si Isko dahil sa kaniyang mga programa sa edukasyon, kalusugan at pag-aalaga sa mga lolo at lola.Ka-tandem ni Isko si Chie Atienza na nagbigay ng katiyakan na suportado ang lahat ng proyekto ng nagbabalik na alkalde ng Maynila. (Gene Adsuara)

Out-going President at CEO ng Radio Veritas, pinuri ng Papal Nuncio to the Philippines

Posted on: April 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang media arm ng Archdiocese of Manila sa patuloy na paglilingkod sa kabila ng mga hamong kinakaharap.Ito ang mensahe ng Papal Nuncio sa 56th anniversary ng Radio Veritas sa April 20 sa pagdiriwang ng Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus.Batid ni Archbishop Brown sa kasaysayan ang papel na ginampanan ng himpilan lalo noong tinaguriang bloodless EDSA People Power Revolution.For more than a half-century, since the station was formally inaugurated, Radio Veritas has been faithful to its mission of proclaiming the truth even in the most difficult and challenging times, pahayag ni Archbishop Brown sa Radio Veritas.Kinilala rin ng arsobispo ang pagsusumikap ng himpilan na palawakin ang gawaing ebanghelisasyon gamit ang iba’t ibang uri ng media kung saan bukod sa Pilipinas ay naaabot din ang ibang panig ng mundo.Kasabay ng pagdiriwang sa halos anim na dekada ng himpilan ay ang pagretiro naman ni Fr. Anton Pascual bilang President at Chief Executive Officer makalipas ang 20-taong paninilbihan sa media arm ng arkidiyosesis.Simula sa Mayo 2025 magiging President, CEO ng Radio Veritas si Fr. Roy Bellen na kasalukuyang Vice President ng himpilan at director ng Office of Communication ng arkidiyosesis.Patuloy naman na pamumunuan ni Father Pascual ang Caritas Manila, ang social arm ng Archdiocese of Manila bilang executive director at lalong pauunlarin ang grass root economy sa pamamagitan ng Ministry on Cooperatives and Social Enterprise Development(MCSED).Pinuri at pinasalamat ni Archbishop Brown si Fr. Pascual sa kanyang masigasig na pangangasiwa sa media ministry ng simbahan gayundin ang kanyang mga panalangin para kay Fr. Bellen na magsisimula sa bagong tungkulin. Pinaalalahanan ng nuncio ang mga kawani ng himpilan na patuloy pagsumikapang maisabuhay ang misyon sa simbahan na ipalaganap ang Mabuting Balita sa pamayanan. Let us thank God on this anniversary day for the gift of Radio Veritas and pray that it will always be faithful to its mission of transmitting the truth, the truth which is Veritas, in all time, dagdag ng nuncio. Ika-20 ng Abril 2025, ipagdiriwang ng Radio Veritas ang ika-56 taong anibersaryo ng pagkakatatag sa Pamantasan Lungsod ng Maynila.Tampok sa pagdiriwang ang “family day” para sa mga KAPANALIG member ng himpilan,mga kawani at pagkilala sa mga donor, benefactors, advertisers at mga block time programs na malaki ang naging bahagi sa patuloy na pagsasahihimpawid at pagbabahagi ng katotohanan at mabuting balita ng Radio Veritas 846, ang Radyo ng Simbahan. Magugunitang 1958 nang magtipon ang mga delegado ng Conventus Episcopaum, Asiae-Autro-Orientalis sa seminaryo ng University of Santo Tomas at tinalakay ang pagtayo ng istasyon ng radio sa pamamahala ng Simbahang Katolika bilang pamamaraan ng pagpapalaganap ng Mabuting Balita at katuruan ng Simbahan sa Silangang bahagi ng Asya at Oceania. Abril 11, 1969 nang pormal na binuksan ang studio ng Radio Veritas sa Fairview Quezon City sa pangunguna ni His Eminence Antonio Cardinal Samore ang kinatawan ng Vatican katuwang ang noo’y Arsobispo ng Maynila na si Cardinal Rufino Santos. Binisita naman ng Kan’yang Kabanalan Paul VI ang Radio Veritas noong ika – 29 ng Nobyembre 1970 kung saan binasbasan ang gusali at mga namamahala sa himpilan.

NHA, mas pinaigting ang pagpapatayo ng mga dormitoryong pang-katutubo

Posted on: April 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAS pinalawig pa ng National Housing Authority (NHA) ang programa nito na makapagpatayo ng mas maraming dormitoryo para sa ating mga kababayang kabilang sa Indigenous Cultural Communities / Indigenous People (ICC/IPs) sa pamamagitan ng pag-apruba at paglabas nito ng NHA Memorandum Circular No. 2025-065. Isinabisa ito ng NHA Memorandum Circular No. 2025-065, na nag-amendya sa ilang bahagi ng NHA MC. 2021-062 na naglayon na makapagpatayo ng mga bahay-pahingahaan o dormitoryo para sa mga IP students malapit sa kanilang paaralan. Inaasahan na hindi na lamang ang mga katutubong estudyanteng mula sa state university and colleges (SUCs) ang makikinabang sa mga proyektong ito ng NHA, makakasama na rin ang mga IP na nagtatrabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan. Kinatigan ito ni NHA General Manager Joeben Tai na naniniwala sa pantay na pagtingin sa lahat ng nangangailangan, lalo sa usaping pabahay at kaligtasan. “Bilang isa sa mga key shelter agencies (KSAs) ng bansa, trabaho po ng NHA ang makapaghandog ng mga pabahay o bahay-pahingahan na ligtas, maayos, at disente, lalo’t higit po para sa ating mga kababayang kasama sa marginalized sectors katulad ng mga indigenous groups, na kung titignan ay isa mga mas may kailangan ng tulong at paglingap,” pahayag ni GM Tai. Kabilang din sa probisyon ng nilabas ang pagtataas ng ilalang pondo mula sa dating P20 milyon patungo sa P37 milyon, na nangangaluhugang mas maraming IP dormitory projects ang maaring mapatayo sa mga darating na panahon. Sa paglabas ng nasabing memo, nakalinya nang ipatayo ng NHA ang mga IP dormitories sa loob ng Philippine National Police (PNP) Western Mindanao Regional Command, at sa Western Mindanao State University, sa Zamboanga. Ilan lamang sa mga matatagumpay na dormitory projects ng NHA ay ang Bambang at Bayombong IP Students Dormitory para sa mga IP na nag-aaral sa Nueva Vizcaya State University; at IP Student Dormitory na initayo sa loob ng Mariano Marcos State University sa Batac, Ilocos Norte. “Tuloy-tuloy po ang aming mga pagpaplano, pagbabalangkas, at pagpapalaganap ng aming adbokasiya na tumulong sa lahat ng ating kapwa-Pilipino, sa abot ng aming makakaya. Ang aming dedikasyon ay hindi hihinto tungo sa Bagong Pilipinas,” dagdag ni GM Tai. (PAUL JOHN REYES)

Crackdown laban sa mga ‘kamote’ driver, larga na – LTFRB

Posted on: April 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) spokesperson Atty. Ariel Inton, na naka-alerto na sila at iba pang miyembro ng inter agency task force laban sa mga ‘kamote’ driver at kolorum.Ayon kay Inton, kasama rin ang Land Transportation Office (LTO), Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Transportation (DOTr) sa pagbabantay ng kaayusan ng mga lansangan, mga bus terminal at kalagayan ng mga pasahero kasabay ng paggunita sa Semana Santa.Nanawagan si Inton sa publiko na iwasang sumakay sa mga kolorum dahil na rin sa kawalan ng insurance ng mga pasahero oras na masangkot sa aksidente.Hinikayat din ni Inton ang mga bus terminal na bigyan ng sapat at maayos na accomodations ang mga pasahero tulad ng libreng paggamit ng CR, malinis na waiting area at upuan at pagkakaroon ng first aid station.Nasa 1, 018 permits anya ang naipagkaloob ng LTFRB para sa mga bus na binibigyan ng pahintulot na makapasok sa ibang ruta. Ito anya ay dagdag na unit na laan para sa dadagsang pasahero.Sinabi ni Colyn Calbasa ng PITX na aabutin nang hanggang 170, 000 hanggang 200,000 ang daily passenger na uuwi ngayong Holy Week sa mga probinsiya.