• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 12:15 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 19th, 2025

Nagluluksa ang mga Pinoy sa pagpanaw ng Superstar at National Artist:NORA, nakatakdang gawaran ng ’State necrological services and funeral’

Posted on: April 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGLUKSA ng mga Pinoy ang pagpanaw ng nag-iisang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor noong Miyerkoles Santo, ika-16 ng Abril, sa edad na 71.Ipinanganak si Ate Guy na ang buong pangolin ay Nora Cabaltera Villamayor sa Iriga City noong May 21, 1953.Ikinagulat nga ng lahat nang kumpirmahin ito ng anak ng Superstar at aktor na si Ian de LeonKinabukasan, Huwebes Santo, April 17, nagsimula ang funeral rites para sa yumaong aktres at mang-aawit. Ginaganap ang burol sa Chapel 9 ng The Heritage Memorial Park sa Taguig City. Ang viewing ay para lang sa pamilya na susundan ng misa.Nauna na ngang dumalaw si Star for All Seasons Vilma Santos na lungkot na lungkot sa pagpanaw ng kanyang kamare. Kitang-kita rin ang pag-iyak niya, habang papaalis ng chapel.Biyernes Santo, April 18, ay nagdagsaan na ang mga kapamilya at mga kaibigan ni Ate Guy para makiramay.At simula sa araw na ito Sabado, April 19 at Linggo, April 20, 10 a.m. to 4 p.m. ay naglaan ng public viewing para sa kanyang mga tagahanga,At sa Lunes, April 21, mga kapamilya at mga kaibigan uli ang pwedeng bumisita at makiramay.Sa April 22, Martes, itinakda naman ang ‘state necrological services funeral’ para Ate Guy, na kung saan ihahatid ang kanyang mga labi sa Libingan ng mga Bayani.Magbibigay pa ng mga detalye ang pamilya ng Superstar at National Artist tungkol dito. (ROHN ROMULO)

Ads April 19, 2025

Posted on: April 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

From the twisted minds behind ‘Talk to Me’ comes ‘Bring Her Back’, a chilling possession horror film

Posted on: April 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

WHAT if meeting an angel meant opening the door to something much darker? The trailer for Bring Her Back and it’s every bit as haunting as you’d expect from Danny and Michael Philippou, the visionary directors behind the critically acclaimed Talk to Me.Bring Her Back follows a brother and sister—played by rising stars Billy Barratt and Sora Wong—as they arrive at the eerie, isolated home of their new foster mother. What begins as a hopeful new beginning spirals into terror when they uncover an ancient ritual and a malevolent force that claims to be something divine.Also starring Jonah Wren Phillips and Oscar-nominee Sally Hawkins, this chilling tale promises raw emotion, atmospheric dread, and psychological twists that will haunt you long after the credits roll.Known for pushing the boundaries of supernatural horror, the Philippou brothers have made a name for themselves by exploring the emotional weight behind terror. Bring Her Back is no exception—delving into themes of grief, trauma, and the desperate desire to believe in something beyond death.With their unique storytelling flair and signature visual style, the filmmakers aim to redefine possession horror once again.Distributed by Columbia Pictures, the local office of Sony Pictures Releasing International, Bring Her Back is set to haunt Philippine theaters soon. Stay tuned for announcements and prepare to question what really lies beyond the veil. (Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”)(ROHN ROMULO)

Alex Eala naghahanda na para sa Madrid Open

Posted on: April 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

AGAD na magsasanay ngayon si Pinay tennis star Alex Eala matapos ang bigong kampanya niya sa 2025 Oeiras Ladies Open.nnSa nasabing torneo na ginanap sa Portugal ay tinalo siya ni Panna Udvardy ng Hungary.nnSinabi ni Eala na normal lamang ang matalo lalo na at hindi niya kabisado ang paglalaro sa clay court.nnTiniyak naman nito sa mga fans na agad siyang babawi.nnAgad siyang magsasanay para maayos ang adjustment sa clay court para sa pagsabak niya sa WTA 1000 Mutua Madrid Open sa Spain na gaganapin mula Abril 22 hanggang Mayo 4.

IM Michael Concio Jr., kampeon sa blitz event ng Bangkok Chess Club Open

Posted on: April 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

WAGI ang undefeated International Master (IM) na si Michael Concio Jr. matapos makalikom ng 14 points mula sa 15 blitz section ng Bangkok Chess Club Open noong Huwebes ng gabi, Abril 17.nnAng 19-anyos na Filipino chess prodigy ay nagtala ng 13 panalo at dalawang tabla para maagaw ang posisyon sa kabila ng presensya ng mas mataas na titulo gaya ng Grandmasters. Tinalo niya sa puntos sina Ukrainian GM Vitaly Bernardskiy (13.5) at IM Dmytro Danylenko (11).nnTumanggap si Concio ng tropeo at 18,000 baht o tinatayang P30,000.nnNasa ika-apat na puwesto si Filipino FIDE Master Christian Gian Karlo Arca na may 10 puntos.nnSa standard division, natalo si Arca kay Macedonian GM Evgeny Romanov sa ikalimang round. Pareho silang may 4 puntos kasama si Concio, na nagtala ng tabla kontra Czech GM Tomas Kraus. Nanguna si Romanov at IM Pau Bersamina (4.5 pts), na tinalo ang Chinese player na si Wei Yuyang.nnSa ikaanim na round, si Bersamina ay makakaharap si Indian GM Babu Lalit, si Concio naman ay lalaban kay German GM Jan Gustafsson, at si Arca ay makakaharap si Thai IM Prin Laohawwirapap.

LTO maglalabas ng dagdag na SCO; nagbabala sa mga motorista na panatilihin ang disiplina sa pagbabalik mula sa bakasyon

Posted on: April 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANDA ang LTO sa karagdagang SCOs sa mga pasaway na motorista matapos ang Semana Santa. Ayon kay LTO Chief Asec. Vigor Mendoza II, mahigpit na paalala ito sa mga motorista. Ilan sa mga pinatawag ay sangkot sa mga viral aksidente gaya ng sa Antipolo, Marilaque Road, Commonwealth at NLEX. Pinaigting din ang cyber-patrolling ng LTO sa tulong ng 1,700 enforcers. Hinimok din ang publiko na ipagpatuloy ang pagsumbong sa LTO hotline. (Paul John Reyes)

Trust, approval ratings ni PBBM, lagpak nitong Marso; VP Sara, nag-improve

Posted on: April 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

LUMAGPAK ang trust at approval ratings ni Pangulong Marcos Jr. nitong Marso ayon sa Pulse Asia. Approval rating bumaba sa 25% mula 42%, disapproval umakyat sa 53%. Trust rating bumaba rin sa 25%. Samantala, si VP Sara Duterte ay tumaas ang approval sa 59% at trust rating sa 61%. Ang survey ay isinagawa noong Marso 23-29 sa 2,400 adults. (Daris Jose)

Pinas, atrasado sa paggamit ng modernong teknolohiya- DTI

Posted on: April 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ng DTI na atrasado ang bansa sa paggamit ng modernong teknolohiya. Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, kailangang itulak ang paggamit ng AI sa negosyo lalo na sa MSMEs. Hindi layon nitong palitan ang tao kundi itaas ang productivity. Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, ang AI ay makakatulong sa decision-making, at sa pagsasaayos ng overcrowded schools. Inilahad rin ang hamon sa pagbibigay ng computer access sa guro. Layunin ng DepEd at DTI na ituro ang AI sa murang edad. (Daris Jose)

Gobyerno magha-hire nang mahigit sa 1.2K healthcare workers para sa PGH

Posted on: April 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG mag-hire ang gobyerno ng mahigit 1,224 healthcare workers para sa PGH sa susunod na tatlong taon. Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, layon nitong palakasin ang healthcare services. Ang pag-hire ay isasagawa sa apat na tranches mula 2025 hanggang 2027. Ayon kay Claire Castro ng PCO, layon ng hakbang na tiyakin ang mabilis na serbisyo sa mga pasyente. Dagdag pa niya, mahalagang papel ng PGH sa pagbibigay ng accessible healthcare. (Daris Jose)

Marcos admin triniple suplay ng P29/kilo ng bigas sa Kadiwa

Posted on: April 19th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TATLONG beses na dinoble ng pamahalaan ang suplay ng bigas na P29 kada kilo para sa mahihirap at vulnerable na mga pamilya sa mga Kadiwa stores. Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, inatasan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pagtaas ng alokasyon mula 10 kilo tungo sa 30 kilo kada buwan. Pinalawak din ng DA ang saklaw sa pamamagitan ng mas maraming tindahang Kadiwa. Noong nakaraang taon, inilunsad ang trial program para sa 6.9 million vulnerable households. Mula sa Metro Manila at Bulacan, pinalawak ito sa iba pang outlets. Ang P29/kilo na bigas ay mula sa hindi bagong stock ng NFA at ibinibenta sa kwalipikadong benepisyaryo tulad ng 4Ps, solo parent, senior citizen, PWDs, at katutubo. Kasabay nito, sinimulan na rin ang pagbebenta ng P33/kilo na bigas sa mga resettlement sites. (Daris Jose)