NAPAG-USAPAN namin ni Jeffrey Santos ang tungkol sa kanyang bunsong kapatid, walang iba kundi si Judy Ann SantosKapapanalo lamang ni Judy Ann bilang Best Actress sa Fantasporto International Film Festival sa Portugal para sa ‘Espantaho’ nitong Marso.“O di ba,” sabay-hampas ni Jeffrey ng kanyang mga kamay na tila pumapalakpak, “ilang beses, ‘no?“Ilang beses, oh my God!”Disyembre naman ng nakaraang taon ay nagwagi rin si Judy Ann bilang Best Actress, para rin sa ‘Espantaho’, sa 50th Metro Manila Film Festival.Nagugulat pa ba si Jeffrey kapag nananalo ng acting award si Judy Ann o sanay na siya?“I am thankful that finally she’s recognized with the talent that she’s been blessed with.”Banggit namin kay Jeffrey, noon pa man ay may international acting award na ang kapatid niya; noong 2019 ay tinanghal na Best Actress si Juday, para ‘Mindanao’, sa 41st Cairo International Film Festival sa Egypt.Sina Judy Ann at ang Superstar Nora Aunor (noong 1995 para sa ‘The Flor Contemplacion Story’) pa lamang ang mga Pilipinong artistang nagwagi sa Cairo International Film Festival.Bukod pa ito sa halos hindi na mabilang na acting awards ni Juday.“Oo pero iba, e iba yung feeling na… lumalawak yung mundo ng kapatid ko.“Di ba? Nare-recognize yung talent niya, and you know, and at the same time, whether she’s conscious about it or not, she’s opening doors!“She’s opening doors for local actors.“Kasi maiintriga, ‘Bakit siya magaling? Saang bansa ba galing iyan? Sumubok nga kayo ng artistang galing doon. Kung hindi siya available maghanap kayo ng iba.’“She’s opening doors. She’s… literally the floodgates are open right now for Filipino actors making it internationally because she’s one of the few actors who transcended into the international scene.“Nakaka-proud, both as a brother, pero I’m prouder as a Pinoy,” bulalas ni Jeffrey.“Di ba? Iba yung dala niya ng flag natin doon.”Samantala, gaganap na main kontrabida si Jeffrey sa upcoming film na “Beyond The Call Of Duty” ng PinoyFlix Films and Entertainment Production.Ang mga bumubuo ng cast ng pelikula, bukod kay Jeffrey, ay sina Sparkle actor Martin del Rosario, Mart Escudero, Paulo Gumabao, Maxine Trinidad, Bella Thompson, Lance Lucido, Devon Seron, at Christian Singson. Ilang beses nang nakatrabaho ang direktor ng pelikula na si direk Jose “JR” Olinares (na supervising producer rin ng pelikula) kaya naging magkaibigan na ang dalawa.“Binigyan naman niya ako ng enough leeway tinanong ko lang, ‘Ano ba’ng hinahabol natin sa MTRCB?’“Kasi para malaman ko kung hanggang saan ka-brutal ang puwede kong igalaw. Sabi niya naghahabol daw siya ng PG-13.“Sabi ko pag PG-13 bawal ka magmura, bawal ang dugo, alam ko I mean yung splatter-splatter okay lang pero yung brutal na pointblank bawal yun.“Yung galus-galos, nadapa, nasugatan okay lang yun, okay lang, pero pag talagang tututukan bawal iyan kung PG13 ang hinahabol mo.“Ngayon kung gusto mong magdisi-sais medyo may laban tayo.“Puwede nating gawing brutal ng konti pero accepted at may audience ka pa rin.”Ang “Beyond The Call Of Duty” ay pelikulang tungkol sa buhay ng mga pulis at bumbero dito sa ating bansa.Sina former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson at anak nitong si StephanieSingson ang mga executive producer ng pelikula (LCS Film Production), si Billy RayOyanib ang co-director at si Sam Faj Calaca naman ang tumatayong line producer.Katuwang nila sa pagbuo ng pelikula ang Philippine National Police PNP), Philippine Public Safey College (PPSC), Bureau of Fire Protection (BFP) at ang PNP Officers Ladies Club (OLC) Foundation, Inc.(ROMMEL L. GONZALES)
https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/c8605316-3fba-4e23-aa62-debb2522a741-1.jpg