• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 9:08 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 17th, 2025

‘SiPons’ hahataw sa 2025 SEAG beach volley

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Muling mabubuo ang ‘SiPons’ beach volleyball tandem sa 2025 Southeast Asian Games sa Disyembre sa Thailand. Ito ay dahil sa pagbabalik nina Sisi Rondina ng Choco Mucho at Bernadeth Pons ng Creamline sa beach volleyball matapos ang dalawang taong paglalaro ng indoor sa Premier Volleyball League (PVL). Gusto kasing mabigyan ulit nina Rondina at Pons ng medalya ang Pilipinas matapos mabigong makapasok sa semifinal round ng 2023 Cambodia SEA Games. “We promised and I promised na nu’ng 2023, kailangan natin maka-podium ulit. Promise ko ‘yun, so ifu-fulfill lang namin talaga,” wika ng 5-foot-6 at 28-anyos na si Rondina. Ito rin ang hangad ng 28-anyos na si Pons. “Parang doon pa lang talaga, gusto na namin talaga na bumawi sa darating na SEA Games, so iyon iyong bakit gusto pa namin ulit maglaro,” sabi ng reigning Reinforced Conference MVP. Bukod sa back-to-back bronze medals noong 2019 at 2021 (idinaos noong 2022) SEA Games ay humataw din ng gold ang tambalang ‘SiPons’ sa 2022 Volleyball World Beach Pro Tour Subic Bay Future leg. “After this conference (PVL All-Filipino) mag-start na rin kami ng training sa beach kasi marami rin kasing mga tournament na gusto ng coach namin na masalihan namin bago ‘yung SEA Games.” dagdag ng 28-anyos na si Pons.

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/a_2025-04-13_23-45-41127_tn.jpg

Taxi driver na wanted tangkang pagpatay sa Valenzuela, timbog

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HIMAS-REHAS ang isang taxi driver na wanted sa kasong tangkang pagpatay matapos makorner ng pulisya sa manhunt operation sa Valenzuela City. Ipinag-utos ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban sa kanyang mga tauhan ang pagtugis sa akusado na si alyas “Arman”, 47, ng Quezon City na kabilang sa Top 10 Most Wanted Person ng lungsod. Sa ikinasang operation ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS), nasukol nila si alyas Arman sa Tadeo Compound, Brgy. Karuhatan. Ani Col. Cayaban, hindi naman pumalag ang akusado nang bitbitin siya sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Attempted Murder na inisyu ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 283, noong July 9, 2024, na may inirekomendang piyansa na P120,000.00. Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. Pinuri naman ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng Northern Police District, ang mga tauhan ng Valenzuela Police sa kanilang hindi natitinag na pangako sa pagpapatupad ng batas kung saan muli niyang pinagtibay ang dedikasyon ng NPD sa walang tigil na operasyon laban sa mga wanted kriminal. (Richard Mesa)

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/849530757f2fef34e49a8b3df03c10fb35b6d011f5cbfad318f0e03ff7e9bec4.avif

DSWD, pinag-aralan na taasan ang monthly food credits para sa WGP beneficiaries

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-AARALAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na taasan ang P3,000 monthly food credits na ipinagkakaloob sa mga benepisaryo ng Walang Gutom Program (WGP) bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng departamento na labanan ang pagkagutom at food insecurity sa bansa. Sa press briefing ng Presidential Communications Office (PCO) sa Malakanyang, sinabi ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, tagapagsalita rin ng departamento na kasalukuyang ina- assess ng DSWD ang implementasyon ng WGP para madetermina kung ang halaga at dalas ng food credit top-ups ay nananatiling sapat para sa mga benepisaryong pamilya. “Mayroon po tayong partners na nagsasagawa hinggil doon sa amount na tinatanggap ng beneficiaries and the frequency of availment ng food credits na tinatanggap nila. Isa yun sa tinitingnan kung akma pa ba yung halaga na tinatanggap nila para ma-address yung gap sa pamilya,” ang sinabi ni Dumlao. Ang WGP, nagsisilbi bilang flagship ng anti-hunger program ng gobyerno ay kasalulukuyang pinakikinabangan ng 300,000 food-poor households sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ani Asst. Secretary Dumlao, target ng departamento na tulungan ang 750,000 food-poor families sa 2027, naka-angkla sa pananaw ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr na makamit ang hunger-free Philippines bago matapos ang kanyang termino sa 2028. “Sa Walang Gutom, we started kasi in 2023 na nasa mahigit 1,000 yung mga beneficiaries. The following year, nag-expand tayo to 150,000 and ngayon, nasa 300,000 household beneficiaries na yung ating nase-serve. So ibig sabihin po, talagang malaki na yung nai-aambang ng atin pong ahensiya sa paglutas po ng problema ng kagutuman and malnutrition,” ang sinabi ni Dumlao. Tinitingnan din ng DSWD ang pagpapalawak sa Walang Gutom Kitchen, ang pinakabagong inobasyon sa ilalim ng liderato ni Secretary Gatchalian na karagdagan sa WGP at iba pang anti-hunger initiatives ng gobyerno. “We are expecting na ma-finalize po iyan itong buwan ng Abril, kung ano pa ‘yong karagdagang mga rekomendasyon yung ating ikokonsider sa scale up ng Walang Gutom Kitchen,” ang pahayag ni Dumlao. Sa pagpapatuloy ng assessment, muling pinagtibay ni Dumlao ang commitment ng DSWD na palakasin ang social protection programs at tiyakin ang kapakanan at kagalingan ng mga ‘vulnerable family’ sa iba’t ibang panig ng bansa. (Daris Jose)

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/YANA10.jpg

DEDICATED OFW WING sa NAIA TERMINAL 3, bukas na

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) na ang inilaan na Overseas Filipino Workers (OFWs) wing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ay bukas na para makapagbigay ng mas mabilis at mas episyenteng immigration processing para sa mga paparating at papaalis na OFWs. Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na “binuksan na ng Bureau of Immigration ang bagong OFW Wing sa NAIA Terminal 3.” “Ang nasabing wing ay para lang sa mga OFW para matiyak ang mabilis at mas epektibong Immigration processing,” ayon kay Castro. Ang OFW wing ay nakaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagandahin at gawing modernisado ang mga serbisyo para sa lahat ng OFWs. Aniya pa, ang bagong inilunsad na pasilidad, kung saan nagsimulang maglingkod sa OFWs noong Abril 9, ay “a tangible demonstration of the government’s continued recognition of OFWs’ significant contributions to the Philippine economy.” “Bahagi rin ito ng pagkakilala sa kontribusyon ng OFWs sa ekonomiya ng ating bansa,” ang winika ni Castro. Base sa rekord ng BI, ang average ay higit pa sa 3,400 OFWs ang umaalis mula sa NAIA sa araw-araw, kaya naman, may pangangailangan para sa special lanes. (Daris Jose)

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/images.jpg

Makalipas ang labing-dalawang taon: Overspending cases ni dating Laguna Gov. ER, binasura na

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

AFTER twelve years, dinismis na sa wakas ng Commission on Elections (COMELEC) en banc ang kasong overspending ni dating Laguna Governor Emilio Ramon Pelayo Ejercito, III (aka JEORGE ESTREGAN) na naging sanhi ng pagbaba niya sa puwesto noong May 30, 2014. Batay sa 20-page ruling na isinapubliko nitong Martes April 8, 2025 dinismis ng COMELEC ang 370 overspending cases kabilang ang kay Gob. ER Ejercito. “The Commission, after due deliberation RESOLVED, as it hereby RESOLVES, to adopt the recommendation of the Law Department to DISMISS the herein listed cases in violation of Section 100 as amended, in relation to Section 262 of the Omnibus Election Code (Overspending). Let the Law Department implement the Resolution. SO ORDERED,” nakasaad sa Minute Resolution (M.R.) No. 24-0899, na pirmado ni Comelec Chairman George Erwin M. Garcia at anim na mga commissioners, ito ay na-promulgate noong November 5, 2024 at inisyu (N.R.) noon pang January 7, 2025.Sa 370 na overspending cases, tanging si Ejercito lamang ang nasuspinde at bumaba sa posisyon (Selective Injustice).Matatandaang 12 taon na ang nakalilipas nang sampahan ng election overspending case ni Edgar Egay S. San Luis at ng fall guy nito na si Rene A. Catarino laban kay Gob. Ejercito na tumalo sa kanya ng may MALAKING LAMANG noong 2013 gubernatorial race sa Laguna. Gumamit umano ng falsified (fake)TV advertising documents mula sa ABS CBN bilang ebidensya na dinesenyo at isinumite ng abogado ni San Luis na si Attorney Rodel Paderayon. Sa kabila ng pagkakaroon ng matinding standoff sa Kapitolyo ng Laguna sa Sta. Cruz, kinumbinse ni dating Pangulong Joseph “ERAP” Ejercito Estrada ang kanyang pamangkin na si Ejercito na bumaba na para maiwasan ang bloodshed. My uncle, former Philippine President Joseph “ERAP” Ejercito Estrada had to fly into the Capitol grounds via a chopper to convince me to step down to avoid bloodshed and also gave me advice to just fight my legal battle at the Supreme Court. I was then forced to leave the Laguna Provincial Capitol on May 30, 2014 by then President Benigno “Noynoy” Aquino, III following an intense standoff between law enforcement officials and thousands of my supporters at the Provincial Capitol of Laguna in Santa Cruz, pahayag ni Ejercito sa diyaryong ito.Si Ejercito, na nanilbihan bilang Mayor ng Pagsanjan sa loob ng tatlong termino mula 2001 hanggang 2010 at dalawang beses na nanalo bilang Gobernador ng Laguna (2010 hanggang 2014) ay may intensyon na bumalik sa political arena. I have filed my COC and I am now aggressively campaigning once again for the Mayorship of Pagsanjan for the upcoming May 12, 2025 elections, aiming for a return to local administration and governance. The recent resolution marks a significant chapter in my political career, as I seek to re-establish myself within the Laguna political landscape. Political Analysts and Observers will be watching closely as the elections approach, given my colorful political history and the implications of this dismissal on my political career, dagdag pa ni Ejercito.Samantala, tiniyak naman ng Comelec na mareresolba nila ang lahat ng kaso laban sa mga kandidato bago magsimula ang botohan sa May 12.Ito ay para matiyak na walang pagdududa sa mga kandidato at sa mga botante.Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia na sa ngayon ay nasa 84% na ang disposal rate ng COMELEC o mga kasong hawak ng komisyon na nabigyan na ng desisyon. (ROHN ROMULO)

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/image-8.jpg

Burado na ang posts ng vlogger at humingi ng tawad:ANDRE, binuweltahan ang nagpakalat ng mga paninira kay KOBE

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINUWELTAHAN ni Andre Paras ang isang content creator na nagpakalat ng mga maling akusasyon laban sa kapatid na si Kobe Paras at tila pinalalabas na bad person.Sa Facebook page niya, isang mahabang post ni Andre ang mababasa na kung saan sinamahan niya ito ng mga screenshot ng profile ng content creator.Makikita rin ang screenshots ng mga paninira nito sa kanyang nakababatang kapatid.Nakasulat sa caption vlogger, “So ito ang gusto mo sa buhay mo Kobe walwal lang nang walwal? With these guys at sino naman yang babae na Yan?” At may mga hashtag na “#KobeParas #Kobe #partyboy”.Ang Reel kung saan naka-foreground ang face nito na may naka-superimpose na katagang, “Lifestyle na gusto niya.”Mababasa rin ang caption nito na, “Life style niya parang nakawala sa hawla.”“Kobe is with his friends and he’s having fun. They are doing it in the right place and time. They are in a club. It’s legal to have fun and make noise there right?“Magtaka po kayo kapag nag club ang isang tao tapos nagbabasa lang sila ng libro doon o kaya pumunta doon para lang matulog,” ayon sa post ni Andre. Ayon pa sa kuya ni Kobe, may karapatan siyang ipagtanggol ito sa mga taong sumisira sa pagkatao nito.“I’m his kuya and I have the right to stand up for him against people like you who only care about making him look bad,” ayon pa kay Andre.At kung totoong concern ito sa “KyBe” (pinagsamang Kyline at Kobe) bakit kailangan maglabas ng mapanirang vlog…“If you really cared about kybe then you will not be doing this at all this. I know what you’re trying to do“You’re trying to make my brother look like a bad person,” pahayag ng aktor.Dugtong pa ni Andre, “Since magaling kayo mag stalk eh di dapat alam niyo yung mga kasama na babae dyan ay ang mga girlfriend ng mga friends ni kobe?“Pero of course di mo sasabihin sa followers mo yan dahil gusto mo gumawa ng issue.“Issue = views.“Views = monetary gains.“I understand how addicting it is to get views and comments on a social media post.“But doing it this way? Nako po. Using others name and private life for clicks and views?“If you’re monetizing this then it will say a lot about what you’re trying to do maam.” Tila pagbabanta pa sa vlogger, “Don’t even try deleting the videos you’ve made or even blocking me. You’ll just be tampering with evidence.”At dahil mukhang nahimasmasan na ito at binura na rin ang mga post, humingi rin ito ng patawad kay Andre, “Hello po Andre, I’m sorry po sa mga na post, nasobrahan lang po akong affected I’m really sorry po.”***Angkop na klasipikasyon para sa mga pelikula ngayong Holy Week, inilabas na ng MTRCBSA darating na Sabado Gloria, limang pelikula ang swak para sa pamilyang Pilipino matapos silang mabigyan ng PG (Parental Guidance) rating mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).Ayon kay MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio, “Pinapayagan ang mga batang edad 12 at pababa na makapanood ng mga pelikulang PG basta’t may kasamang magulang o nakatatanda.”Ang mga pelikulang may PG rating:- “The King of Kings,” isang animated Christian film batay sa pambatang libro na “The Life of our Lord;”- “Sneaks,” tungkol sa pakikipagsapalaran ni Ty, isang sapatos na hindi alam ang buhay sa labas ng kanyang magarang kahon;- “Colorful Stage! The Movie: A Miku Who Can’t Sing,” isang animated musical drama batay sa larong “Hatsume Miku: Colorful Stage;”- “Zerobaseone: The First Tour (Timeless World),” isang K-pop concert film mula sa unang world tour ng grupong “Zerobaseone;” at,- “Fatherland,” tungkol sa binatang mula Amerika na bumiyahe pauwi ng Pilipinas para hanapin ang kanyang nawawalang ama.Samantala, ang gawang Pinoy na “Samahan ng mga Makasalanan” na pinagbibidahan nina “Pambansang Ginoo” David Licuaco at Sanya Lopez ay rated R-13, angkop para sa edad 13 pataas.Ito ay tungkol sa isang pari sa parokya ng Sto. Cristo at sa mga naging karanasan nito sa isang lugar na kung tawagin ay “Kalye Makasalanan.”R-16, o para sa edad 16 pataas, ang mga pelikulang “Sinner” at “Warfare” dahil sa tema, lenggwahe at karahasan na di angkop sa mga batang manonood.Hinihikayat ng Board ang publiko na patuloy nitong suportahan ang mga pelikulang nabigyan ng angkop na klasipikasyon.(ROHN ROMULO)

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/image-7.jpg

Sa inilabas na official statement ng legal counsel: RABIYA, nilinaw na endorser lang at ‘di part-owner ng jewelry company

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS ng official statement ang former Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo tungkol sa affiliation niya sa jewelry company na LVNA by Drake Dustin Jewelry.Nasasangkot diumano ang naturang jewelry company sa pagbenta ng fake diamonds at binigyang linaw ni Rabiya na kinuha siya bilang endorser lamang at hindi siya shareholder, part-owner o may kinalaman sa operasyon ng kumpanya.Heto ang kabuuang statement mula sa legal counsel ni Rabiya: To clarify any potential confusion, Ms. Mateo is not, and has never been, a shareholder, owner, director, or in any other manner a part-owner or participant in the management, operations, or control of LVNA, the statement signed by her legal team Geco Law Officers read.“Further, Rabiya’s involvement with LVNA is solely confined to her status as its previous product endorser and current investor.Ms. Mateo’s endorsement engagements with LVNA are exclusively for its jewelry products and do not, in any way, include the solicitation of investments or securities in LVNA.As current investor, Ms. Mateo was not issued any shares, stocks, or ownership interests in LVNA – her investment being restricted solely to the receipt of guaranteed interest returns for a specified period. In fact, LVNA has been failing to comply with its obligations to pay Ms. Mateo the purported ‘guaranteed’ interest returns.”Nagiging maingat na ang mga celebrity sa pag-endorse ng mga produkto dahil baka magaya sila sa mga kinasuhang celebs tulad nila Ricardo Cepeda, Neri Naig at Rufa Mae Quinto na dinamay sa lawsuit.***HINDI maipagkakaila na dalawa sa mga pinakaguwapong celebrity dads ngayon ang Fatherland actors na sina Richard Yap at Allen Dizon. Kaya naman hindi na rin nakakapagtaka na nakatanggap sila noon ng indecent proposals.Sa Fast Talk with Boy Abunda last April 10, ibinahagi ni Richard na college student pa lang siya noon nang unang makatanggap ng naturang proposal. Kuwento ng aktor, naglalakad siya noon sa kahabaan ng Buendia nang may tumabi sa kaniyang kotse.“Sinabayan ako, ‘tapos binuksan niya ‘yung bintana. Sabi niya, parang he was offering me na bibigyan niya ako ng allowance and all that,” pagbabahagi ni Richard.Ngunit ang sagot umano ng actor ay “Sorry, I’m not into that.”Dagdag pa ni Richard ay hindi lang isang beses nangyari ang ganu’n noong estudyante pa lang siya.Nakatanggap din umano ng offers noon si Allen.“May nag-offer na magkano ‘yung TF mo sa ganiyan, para sumama ka, para mag-escort.”Bukod sa kanilang good looks, hinahangaan din kina Richard at Allen ang kanilang magandang katawan kaya tinagurian silang ilan sa mga “hottest dads” ngayon. Ngunit paano nga ba nila napapanatili ang kanilang katawan?“Ako, siguro ‘yung stress-free, ‘tapos I do IF (intermittent fasting), diet, and siguro ‘yung I love nature, e. Madalas akong mag-camping, madalas akong mag-off roading, ganiyan,” sabi ni Allen.Sa kabilang banda, paggi-gym naman ang pinagkakaabalahan noon ni Richard, na may sarili gym sa bahay para mapanatili ang kaniyang magandang katawan. Kung hindi man siya makapag-gym, nagwo-walking o treadmill na lang siya.***KAHIT on her break si Taylor Swift, pinasaya pa rin niya ang kanyang Swifties dahil sa paglabas ng limited-edition Fearless: Taylor’s Version cardigan para sa fourth anniversary ng album niya na Fearless: Taylor’s Version. Ilalabas din on Record Store Day 2025 ang remix ng single niyang Fortnight na galing sa 11th studio album niya na The Tortured Poets Department, ang may hawak ng record na “fastest-selling vinyl record of the decade” with 66,400 units sold in just under 12 months.Hawak na rin ni Taylor ang 15th No. 1 album on Billboard’s best-selling album chart at kinabog na niya si Jay-Z na may hawak ng previous record.(RUEL J. MENDOZA)

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/image-6.jpg

“‘SINNERS’ HAS SO MANY LAYERS TO IT,” SAYS MICHAEL B. JORDAN OF HIS NEW FILM WITH RYAN COOGLER, 99% FRESH ON ROTTEN TOMATOES

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DIRECTOR Ryan Coogler’s earliest memories of movies were “while sitting in a darkened room, full of strangers, and being absolutely terrified by something that was happening on the screen,” shares the critically acclaimed writer-director of films including “Creed” and “Black Panther.”“That feeling of being with others, the unison, the horror and delight made me feel like home. That’s where it began for me…”With his new film “Sinners,” Coogler hopes that movie audiences will have that same unforgettable experience. Starring Michael B. Jordan in his fifth collaboration with Coogler, “Sinners” tells the story of twin brothers Smoke and Stack, who return to their hometown to start again after having lived troubled lives, only to discover that an even greater evil is waiting to welcome them back.Watch the trailer: https://youtu.be/KNQCsQoyjsE?si=hrGsEAs77xtDjuV_ “‘Sinners’ is so many things,” says Jordan about his longtime collaborator and friend’s latest project. “It has so many layers to it. I want people to take away everything that we intended to shoot and make and create. It’s a fun experience.“I want them to have fun, but I also want them to think as well. On the ride home, or in the shower, or at home with their family, I want them to still be thinking about the movie and the characters, and spark conversations. That’s what I love about movies – they just make people think differently and get to know things, spaces and places that they might not have been in contact with before. But also, to have fun being a little scared. I really want them to enjoy the music… I want people to feel the musical element in their bones.”Ahead of its opening in cinemas, “Sinners” has impressed critics and currently has a 99% Fresh rating on Rotten Tomatoes. In their review, The Hollywood Reporter writes that “Sinners” is “smart horror, even poetic at times, with much to say about race and spiritual freedom… It’s also an exactingly crafted movie that demands to be seen on the biggest possible screen, with the loudest sound system.“Ryan Coogler’s best movie so far is a bloody, bluesy, and throbbingly fun vampire saga,” raves IndieWire. Deadline Hollywood also praised the movie, saying, “‘Sinners’ marks another strong reason why Coogler is at the top of his generation of filmmakers, and Jordan continues to show why he is a real-deal movie star.“‘Sinners’ is my love letter to all of the things that I love about going to the movies, as a cinephile, especially watching films with an audience,” says Coogler. “It’s the communal experience – and this movie was made to be seen with a crowd of people you don’t know.”“Sinners” opens only in cinemas Saturday, April 19. #SinnersMovie(Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”) (ROHN ROMULO)

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/image-5.jpg

Binalikan ang kinasangkutang aksidente: DAVID, aminadong sinisisi ang sarili dahil nasawi ang kaibigan

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINDI lahat ay alam ang tungkol sa kinasangkutang aksidente ni David Licauco noong 2013 habang pauwi galing sa Tagaytay.Pinalad na makaligtas si David, pero nasawi ang kanyang kasamang kaibigan.Hindi siya ang nagmamaneho ng kanilang sasakyan na nahati o nabiyak sa lakas ng impact ng pagbangga nila sa isang truck na nangyari sa SLEX.Kumalahati yung kotse. Nasa harapan po ako. I had a seatbelt injury. I couldn’t breathe, kuwento ni David.He got into a coma and eventually passed away, pagtukoy ni David sa kasama niyang kaibigang pumanaw.Nakaligtas si David dahil sa nakasuot siya ng seatbelt na kanyang ipinagpasalamat sa isang parking boy attendant na nagsabi sa kaniya na mag-seatbelt.Kapag bata ka po, ayaw niyo mag-seatbelt kasi parang hassle, e. And then may parking boy. For some reason, nandun siya sa side ko.“And then, sabi niya sa akin, ‘Sir, seatbelt po, a. Ingat lang po kayo.’“That stuck in me.Nag-seatbelt po ako. And kung hindi po dahil sa parking boy e wala po tayong interview ngayon, seryosong kuwento pa ni David.Aminado si David na may pagkakataon noon na sinisi niya ang sarili dahil siya ang nagyaya sa kaibigan niya na sumama sa kanya.Nagka-trauma rin siya noon na dumaan sa SLEX.Isa rin umano ang naturang aksidente sa mga dahilan kaya nabawasan ang paglalaro niya ng basketball.“Kasi yung best friend ko na nawala, he really pushes me to play basketball every day.Ang naturang trahedya ang nagturo kay David na mas bigyan ng pagpapahalaga ang pamilya at mga kaibigan.I think it’s just a matter of valuing your friends and family, your loved ones because you never know. Baka tomorrow may mawala po.I think it’s always nice to let your friends and family know that you love them and you care for them, saad pa ng binata.Samantala, palabas sa mga sinehan simula ngayong Black Saturday, April 19, ang pelikulang pinagbibidahan ni David, ang ‘Samahan Ng Mga Makasalanan.’Dito ay gaganap si David bilang isang pari.Nasa pelikula rin sina sina Sanya Lopez, Joel Torre, Chariz Solomon, Betong Sumaya, Buboy Villar, Chanty Videla, Jun Sabayton at Euwenn Mikaell at si Christian Singson.Sa direksyon ni Benedict Mique, mula ito sa GMA Pictures in collaboration kay dating Ilocos Sur Governor Luis ‘Chavit’ Singson.(ROMMEL L. GONZALES)

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/image-4.jpg

Kahit tahasan nang itinanggi ni Benjie: Maraming naniniwala na break na sina KOBE at KYLINE

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SILA pa nga ba o break na talaga sina Kobe Paras at Kyline Alcantara? Ang pinagmulan nito, ang hindi na nila pagiging visible sa social media na magkasama. May balita rin na bagong girl daw si Kobe na non-showbiz.Sa isyu o ispekulasyon na break na raw sina Kobe at Kyline, parehong tahimik ang dalawa. Si Kyline, may mga post na pwedeng isiping nag-e-emote-emote ito.Meron itong post na kino-congratulate ang sarili at just hang in there raw dahil may mga na-achieve na siya na dating pinapangarap niya lamang. Eh, kapansin-pansin na kung dati, silang dalawa ang pinaka-mabilis mag-like sa post ng isa’t-isa, this time, out of almost 100,000 likes, ni hindi ito na-like ni Kobe.Naghihintay rin ang mga fan nila ng pagla-like o comment ni Kobe sa usual post ni Kyline. Pero base sa nababasa naming mga comment, parang marami na rin ang naniniwalang break na sila at may mga galit kay Kobe.They still follow each other, pero wala ng interaction. Kung socmed nila ang pagbabasehan, pwedeng isipin na mukhang may something o break na nga.Pero, iba ang statement ni Benjie Paras, ama ni Kobe. May kaibigan kaming nakausap mismo si Benjie at tahasan itinanggi ni Benjie na break na ang anak at si Kyline.Either, diretsahan niyang tinanong ang anak o nakikita pa rin niyang magkasama ang dalawa na hindi na nakukuha ng radar ng mga netizen.Pero yun lang, madalas kasi ‘pag may ganyang mga ispekulasyon na, kung bakit nauuwi talaga sa totohanan.***SINAGOT ni Sharlene San Pedro ang mga natanggap na negative comment dahil sa hindi niya pagpayag na magpakuha ng larawan sa ilang fan na nag-aabang sa red carpet ng ABS-CBN Ball.Naikumpara rin si Sharlene sa ibang mas ‘di-hamak daw na sikat na artista pero game raw na pinagbibigyan ang gustong magpa-picture sa kanila.Sinabihan din si Sharlene na kung taagang gusto niyang makabalik, dapat ay magpakita siya ng magandang attitude. Napanood namin ang short video kunsaan, naka-smile pa si Sharlene nang sabihin nito na bawal silang magpa-picture.Sabi ni Sharlene, hindi raw siya apektado sa mga ibinabatong nega comment sa kanya. Katwiran niya, sumunod lang naman siya sa bilin sa kanilang wag magpapa-picture.Nakakuha naman ng kakampi o suporta si Sharlene sa BINI member na si Gwen. Sabi nito, “Pag di ka pumayag magpa-picture, matik attitude syempre.”Para kay Sharlene, okay lang din daw na masabihan siyang masungit dahil mas kilala raw niya ang sarili niya. At katwiran niya rin, hindi naman daw siya um-attend ng ball para makakuha ng attention, bilang Kapamilya star, um-attend lang daw siyang talaga.(ROSE GARCIA)

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/image-3.jpg