• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 5:41 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 17th, 2025

Tulak, nalambat sa Navotas drug bust

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SHOOT sa selda ang isang lalaki na sangkot umano sa pagbebenta ng illegal na droga matapos kumagat sa ikinasang anti-drug operation ng pulisya sa Navotas City. Sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA, nang magpositibo ang natanggap na impormasyon ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa illegal drug activities ng 39-anyos na si alyas “Tulak”. Kaagad dinamba ng mga operatiba ng SDEU ang suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer, kapalit ng isang sachet ng shabu sa J. Alonzo St., Brgy. Daanghari, dakong alas-12:30 ng hating gabi. Nasamsam sa suspek na listed bilang street-level individual (SLI) ang 10.99 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P74,732 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at apat na P1,000 boodle money. Ayon kay Col. Cortes, kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng kanyang mga tauhan sa laban sa suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office. Pinuri naman ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng Northern Police District, ang mga operatiba ng Navotas CPS sa kanilang mabilis at epektibong pagtugon. “The Northern Police District will remain relentless in our campaign against illegal drugs. We continue to work closely with other law enforcement agencies and the community to secure a safer and drug-free environment for all,” ani Gen. Ligan. (Richard Mesa)

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/ChatGPT-Image-Apr-17-2025-04_41_18-PM.png

Smooth Operations sa NAIA 3, iniulat ng Malakanyang

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IBINALITA ng Malakanyang na habang ang nagsimula na ang Semana Santa, maayos naman ang operasyon ng immigration counters sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Ito’y dahil wala ng makikitang mahabang pila ng mga naghihintay na biyahero. “Wala nang pila sa Immigration counters sa NAIA Terminal 3. Kahit sa oras ng rush hour, mas madali na para sa mga departing passengers ito,” ang sinabi ni travelers, Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang. Ani Castro, alinsunod ito sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin na komportable at episyente ang byahe ng mga pasahero. Samantala, sanib-puwersa naman ang Bureau of Immigration (BI), Manila International Airport Authority (MIAA), New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC), at ang Department of Transportation (DOTr) para mabawasan ang pagsisikip sa immigration counters. Tinatayang, 44 immigration counters sa NAIA Terminal 3 ang nakabukas upang gawing mabilis ang immigration processes para sa departing passengers. “Ang sabi ng Pangulo, gawin nating convenient at safe ang travel experience ng ating mga pasahero at ito ang mabilis na sagot ng mga concerned agencies upang mapagaan at mapabilis ang Immigration processing sa ating paliparan,” ang sinabi ni Castro. Ayon sa BI, inaasahan na may 50,000 biyahero kada araw sa panahon ng peak season. (Daris Jose)

 

Mga matatanda, bata at masakiting tao, ‘prone’ sa heat-linked illnesses

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINALAAN ng Department of Health (DOH) ang mga Filipino laban sa health conditions na dala ng mainit na panahon at mataas na heat index. Sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa sa press briefing sa Malakanyang na ang heat-related illnesses gaya ng dehydration, heat cramps, heat exhaustion at heat stroke ay maaaring makaapekto sa kahit na sinuman, may ilan aniya sa populasyon ang mas madaling kapitan ng heat-related illnesses. Kabilang naman aniya sa mga sintomas ay pagkahilo, lagnat, pamamanhid, panghihina, mainit at mapula-pula ang balat. “Prone ang matatanda, ‘yung mga bata at may mga illnesses. So, make sure that these people do not stay in [a] hot environment,” aniya pa rin. Sa kabilang dako, sinabi naman ng United States Centers for Disease Control and Prevention, ang katawan ng mga matatandang tyao ay ‘less efficient at regulating temperature’ kung saan kabilang dito ang pagpapawis at pagdaloy ng dugo sa balat. Idagdag pa rito, ang kanilang mga katawan ay tumatagal ng mas maraming oras upang mag-adjust sa mga biglaang pagbabago sa temperatura. Sa kabilang dako, ang mga bata na may mas mataas na metabolism, nagpo-produce ng mas init at mabilis mawala ang init. dahilan para mas maging prone sila sa dehydration. Ang mga sakit na diabetes, heart disease, at obesity ay makakaapekto sa kakayahan ng isang tao na i-regulate ang body temperature o tumugon sa init. Bukod dito, may ilang gamot ang maaaring humalo sa body temperature regulation at sweat production. “It [heat-related illness] starts with either thirst, severe thirst, you can have a lot of cold sweats. Eventually, if you’re unable to correct that, you will collapse,” ang sinabi ni Herbosa. “If you’re thirsty, drink water. If you feel weak, fatigue is the next step after thirst, heat fatigue or heat weakness, mag-shade ka na or mag-aircon ka na,” ang winika pa ng Kalihim. Habang ang heat-related illnesses ay maaaring mauwi sa isang emergency, sinabi ni Herbosa na ang mayorya ng mga pasyente na madaling maka-recover ay maagap at umiinom ng tamang paggamot. Samantala, pinapayuhan naman ang publiko na manatili sa loob ng bahay mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon, uminom ng maraming tubig, magsuot ng light clothing, at gumamit ng sunscreen, mga sumbrero, payong at pamaypay upang maiwasan ang heat-related illnesses. (Daris Jose)

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/ChatGPT-Image-Apr-17-2025-04_38_29-PM.png

West Philippine Sea nasa Google Maps na

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NASA Google Maps na ngayon ang kanlurang bahagi ng South China Sea na tinatawag na West Philippine Sea. Kinilala ng Google Maps ang West Philippine Sea sa kanilang mapa na nasa lokasyon ng Scarborough o Panatag Shoal, pangisdaan na bahagi ng 200-nautical mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Ang tawag na West Philippine Sea ay unang ginamit noong 2012 ni dating Pangulong Benigno Aquino III na tumutukoy sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas na nasa loob ng South China Sea sa pamamagitan ng Administrative Order No. 29. Kabilang sa WPS ang bahagi ng Luzon Sea, karagatan sa Kalayaan Island Group, at Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal). Sa kabila ng ruling ng “Permanent Court of Arbitration” noong 2016 na pumabor sa Pilipinas sa kasong inihain laban sa China, patuloy pa ring iginigiit ng China na sa kanila ang bahagi ng WPS kahit pa nasa loob ito ng EEZ ng Pilipinas. (Daris Jose)

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/West-Philippine-sea-google-16April2025.jpg.avif

May pagbaba sa mga krimen sa bansa…n‘OUR STREETS ARE SAFE’ – PNP

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Philippine National Police (PNP) na “our streets are safe” matapos na igiit nito na may pagbaba sa mga krimen sa bansa. Sa press briefing sa Malakanyang, tinugunan ni P/Maj. Gen. Roderick Augustus B. Alba, PNP Director for Police Community Relations, ang mga pananaw o persepsyon at mga alalahanin ukol sa mataas na crime rate sa bansa. Winika ni Alba na ang ebalwasyon ng PNP ay base sa beripikadong crime statistics, at hindi sa public perception o political messaging. Iniulat din nito na mula Enero hanggang Abril 2025, ang mga insidente ng krimen ay bumaba ng 26% kumpara sa kaparehong panahon noong nakarang taon. Ang naging tugon ni Alba na “our streets are safe,” ay sagot sa tanong kung nananatiling ligtas na bumiyahe sa gitna ng report ng tumataas na crime incidents. “Definitely. Of course, from time to time, mayroon tayong mga crimes na naging highly sensationalized na hindi kaagad masolve. But these are acted upon immediately and for us (they do) not represent the entire situation of our country,” ani Alba. “Sa amin po sa PNP, tuloy-tuloy lang po ang aming kampanya against all forms of lawlessness,” aniya pa rin. “We stick with the reality—what we have now—iyong aming data,” ang tinuran ni Alba. “We respect the perception of our communities. But we speak of our duties na dapat naming pinapatupad. We shouldn’t be affected by negativities kung mayroon man,” ang sinabi pa rin ni Alba. (Daris Jose)

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/ChatGPT-Image-Apr-17-2025-04_33_26-PM.jpg

Puwede ko bang murahin: PBBM, tinawag na sira-ulo ang inarestong Russian vlogger

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TINAWAG na “sira-ulo” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang inarestong Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy matapos na mapanood ng una kung paano pagtawanan ng huli ang mga Filipino sa kanyang video. “Sira ulo rin. Hindi naman Pilipino, puwede ko bang murahin?” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang clip na naka-upload bilang teaser sa kanyang social media page. Si Vitaly Zdorovetskiy na nahaharap sa multiple criminal complaints. Sa pangunguna ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, sinabi ng pulisya ng Taguig na nagsampa na sila ng reklamo laban kay Zdorovetskiy sa Taguig City Prosecutor’s Office na inireklamo ng harassment at pagkuha ng bagay na hindi niya pagmamay-ari, habang nagla-livestream sa kalsada ng Bonifacio Global City (BGC) kamakailan. Nakapangalap na umano ang mga pulis ng mga ebidensya, kopya ng CCTV footage, at testimonya ng mga saksi at biktima para sa reklamo sa nabanggit na dayuhan. Nakipag-ugnayan din ang pulisya sa Bureau of Immigration (BI) upang alamin kung may nilabag bang immigration laws ang nabanggit na dayuhan. Sinasabing, nasakote ng mga personnel ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dayuhan sa isang hotel sa Pasay City noong Abril 2. (Daris Jose)

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/1000066748-1200×675-1.jpg

4 kulong sa sugal, patalim at baril sa Caloocan

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAGBABAKASYON sa loob ng kulungan ang apat katao matapos maaktuhang naglalaro ng ilegal na sugal na cara y cruz kung saan nakuhanan pa ng baril at patalim ang dalawa sa kanila sa Caloocan City. Sa ulat, habang nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga tauhan ng West Grace Park Police Sub-Station 3 sa Abbey Road 1, Brgy. 73, nang maaktuhan nila ang apat na kalalakihan na naglalaro ng ilegal na sugal na cara y cruz dakong alas-5:20 ng madaling araw. Inaresto ng mga pulis ang apat at nakumpiska sa kanila ang tatlong peso coins na gamit bilang pangara at bet money na abot sa P650. Bukod dito, nasamsam din sa 25-anyos na freelance video editor ang isang improvised firearm “pen gun” na kargado ng isang bala ng caliber .38, habang patalim naman ang nakuha sa 43-anyos na vendor. Ang dalawa pang arestadong suspek ay edad 37, ng Malabon at 32-anyos na physical therapist. Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), BP 6 (Illegal Possession of Deadly Weapons), BP 881 (Omnibus Election Code), at P.D. 1602 (Illegal Gambling) sa piskalya ng Lungsod ng Caloocan. Pinuri ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng Northern Police District (NPD) ang dedikasyon at propesyonalismo ng Caloocan Police sa mabilis nilang aksyon. “This successful intervention highlights the vigilance of our personnel on the ground. Their proactive actions are crucial to ensuring the safety and security of our communities,” aniya. (Richard Mesa)

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/BARIL-1.jpg

Armadong kelot na gumagala sa Caloocan, timbog

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Sa loob ng rehas na bakal magbabakasyon ang isang lalaki matapos maaktuhan ng mga pulis na may bitbit na baril habang gumagala sa Caloocan City. Sinampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa Section 28 ng R.A 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at Omnibus Election Code ang 39-anyos na suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. Sa tinanggap na ulat ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng Northern Police District (NPD), nagsasagawa ng regular anti-criminality operations ang mga tauhan ng Bagong Silang Police Sub-Station 13 sa Barangay 176B, Bagong Silang. Dito, natiyempuhan ng mga pulis ang suspek na gumagala sa lugar at may bitbit umanong baril dakong alas-2:00 ng madaling araw kaya agad nila itong nilapitan sabay nagpakilalang mga pulis bago kinumpiska ang hawak na armas. Nang hanapan siya ng kaukulang mga dokumento hinggil sa legalidad ng nakuha sa kanya na isang kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala ay walang naipakita ang suspek, dahilan upang bitbitin siya ng mga pulis sa selda. Ani Gen. Ligan, ang NPD ay nananatiling matatag sa pangako nitong panatilihing ligtas ang mga komunidad sa pamamagitan ng aktibong pagpapatrolya at agarang pagtugon ng pulisya. “Binibigyang-diin ng insidenteng ito ang pagbabantay at kahandaan ng mga tauhan ng NPD sa pagpigil sa mga posibleng banta sa kaligtasan ng publiko,” dagdag niya. (Richard Mesa)

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/KULONG-REMATE-2-1.jpg

PNP-HPG nagpakalat ng 840 pulis para sa ligtas na Holy Week

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorist, biyahero at bakasyunista ngayong Holy Week, nagpakalat na ng 840 mga pulis ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (HPG) sa mga pangunahing kalye sa Metro Manila. Ayon kay PNP-HPG spokesperson Lt. Dame Malang, ang mga pulis ay ikakalat din sa mga matataong lugar kabilang ang mga terminals at tourist spots dahil sa inaasahang dagsa ng mga biyahero, bakasyunista at turista. Napag-alaman na 117 pulis ang itatalaga sa 79 commercial areas, 226 sa 108 transportation hubs at terminals, 61 sa 53 simbahan, 105 sa 54 convergence areas, 252 personnel sa 91 pangunahing lansangan. Paalala ni Malang, tiyaking nasa maayos na kondisyon ang mga sasakyan upang maiwasan ang anumang aksidente. Binigyan diin naman ni PNP-HPG Director PBGen. Eleazar Pepito Matta, layon nilang maging ligtas sa lahat ang paggunita sa Semana Santa. “Our mission this Holy Week is clear — to provide maximum police visibility and immediate assistance to ensure a peaceful and safe observance for all. The HPG stands ready to guide, protect, and serve the public as they travel to their destinations,” ani Matta. Mananatiling bantay sa mga lansangan ang PNP-HPG para sa kaligtasan ng lahat.

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/motorista-pnp-hpg.webp

Training ng Tropang 5G, Gin Kings sinimulan na

Posted on: April 17th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Kapwa bubuksan ng TNT Tropang 5G at Barangay Ginebra ang kanilang mga kampanya sa Season 49 PBA Philippine Cup sa Abril 23. Makakatapat ng Tropang 5G sa kanilang hangad na PBA Grand Slam ang sister team na NLEX Road Warriors sa alas-5 ng hapon, habang lalabanan ng Gin Kings ang Terrafirma Dyip sa alas-7:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum. Nagmula ang TNT sa paghahari sa nakaraang PBA Commissioner’s Cup kung saan nila tinalo ang Ginebra sa best-of-seven championship series. Nauna nang pinadapa ng Tropang 5G ang Gin Kings sa nakaraang PBA Governors’ Cup Finals. Bilang preparasyon sa Philippine Cup na pinagharian ng Meralco Bolts kontra sa San Miguel Beermen ay pumasok ang Tropang 5G sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna. “We’re going to be there for four days and practice through Holy Week,” sabi ni TNT team manager Jojo Lastimosa sa tropa ni coach Chot Reyes. Sinimulan naman ng Ginebra ni mentor Tim Cone ang kanilang ensayo kahapon para sa layunin na muling makalaro sa PBA Finals. Samantala, pinatawan ng PBA si Phoenix big man Larry Muyang ng isang indefinite ban dahil sa paglalaro nito sa Pampanga Giant Lanterns sa MPBL.

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/1_2025-04-14_22-36-35.jpg