• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 10:45 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 15th, 2025

Dagdag singil sa kuryente ng Meralco, kinondena ng Akbayan Partylist rep Perci Cendaña

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KINONDENA ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña ang Meralco sa panibago na naman nitong dagdag singgil sa kuryente.nnReaksyon ito ng mambabatas kaugnay sa naging pahayag ng Manila Electric Company (Meralco) nitong nakalipas na Biyernes na P0.7226 per kilowatt hour (kWh) hike sa singgil ng kuryente ngayong buwan ng Abril. Dala nito magiging P13.0127 per kWh ang singgil mula PHP12.2901 per kWh mula Marso.nnSinabi ng Meralco na ang higher generation charge, ay pangunahing dala ng surge sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) prices.nn”Hindi pa nga kayo nagre-refund sa consumers, naniningil na kayo nang mas mataas? Tila nakakakuryenteng balita sa mga consumers ang announcement ng Meralco na itataas nila ang April electricity rate ng 72 centavos. This is no small sum. It translates to Php 144 increase in the monthly bill for average households consuming 200 kWh of electricity. Hindi pa nga naibabalik ng Meralco ang kabuuang Php100 Billion na inovercharge nito mula 2011-2022 sa mga consumers pero nandito na naman ang Meralco sa kanilang taas singil,” pahayag ng mambabatas kasabay ng panawagang refund sa over collections.nnSuwestiyon nito, agad sertipikahan agad ang panukalang P200 wage hike upang magsilbing lifeline sa pamilyang Pilipino; pagtanggi ng ERC sa susunod na mga petisyon para sa rate increase mula sa Meralco; irefund ang P100B na na-over collected mula sa consumers mula 2011-2022 at pagrebyu sa EPIRA law upang masiguro na maasahan at abot kaya ang bayad sa kuryente. (Vina de Guzman)

Most wanted na magnanakaw sa QC, nasilo ng NPD sa Bulacan

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGWAKAS na ang mahigit dalawang taong pagtatago ng 42-anyos na Most Wanted Person na akusado sa kasong pagnanakaw sa Quezon City nang matunton ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa lalawigan ng Bulacan.nnInatasan ni NPD District Director P/BGEN. Josefino Ligan si P/Capt. Romel Caburog, hepe ng Intelligence Group (IG) na samahan ang mga tauhan ng Camarin Police Sub-Station-10 sa pagdakip sa akusado nang makatanggap sila ng impormasyon sa kinaroroonan nito.nnDakong alas-10:30 ng gabi nang pasukin ng mga tauhan ng NPD ang bahay ng akusado sa Expansion II, Heroes Ville 1, San Jose Del Monte, Bulacan, bitbit ang warrant of arrest na inilabas ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Evangeline C. Castillo Marigomen ng Branch 101 noon pang Abril 3, 2023 para sa kasong Robbery.nnBukod sa ginawang koordinasyon ng NPD sa lokal na kapulisan ng San Jose Del Monte at barangay, gumamit din ang mga pulis ng alternative recording device upang mai-rekord ang ginawa nilang pagdakip sa akusado.nnAyon kay BGEN. Ligan, naglaan ang hukuman ng P100,000 na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado, na nakapiit ngayon sa Camarin Police Sub-Station 10, habang hinihintay pa ang utos ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Quezon City Jail. (Richard Mesa)

Vendor, kulong sa boga, gun replica sa Caloocan

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINITBIT sa selda ang 31-anyos na vendor nang mabisto ang dalang baril habang nakikipagtalo sa isa pang lalaki sa Caloocan City.nnSa ulat ni Northern Police District (NPD) District Director P/BGEN. Josefino Ligan, nagpapatrulya ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 10 nang mapansin ang pagtatalo ng dalawang lalaki, dakong alas-11:50 ng gabi sa Pinagbuklod, Sto. Niño, Brgy. 178, habang armado ng baril ang isa.nnNang lumapit ang mga pulis upang umawat, nakatakbong palayo ang isa, habang nadakip naman ang vendor na may hawak na hindi lisensiyadong kalibre .38 revolver na may kargang isang bala.nnBukod sa nakumpiskang revolver, nakuha rin ng mga pulis sa suspek, na mahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Act at BP 881 o ang Comelec gun ban, ang isang replica ng kalibre .45 pistola.nn“This successful intervention highlights the vigilance of our personnel on the ground. Their proactive actions are crucial to ensuring the safety and security of our communities,” pahayag ni BGEN. Ligan. (Richard Mesa)

Malabon LGU, magtatayo ng mid-rise housing project

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ITATAYO ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang bagong mid-rise socialized housing project sa Barangay Potrero, kasunod ng isinagawang groundbreaking ceremony nito sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval.nnAng nasabing proyekto, na may dalawang magkatulad na mid-rise buildings (Building A at B), ay itatayo sa Guyabano Street, at magbibigay ng mas ligtas at marangal na tahanan para sa humigit-kumulang 200 pamilya.nn“Isang proyektong pabahay muli ang ating sisimulan upang makapagbigay ng maayos na bubong para sa mga pamilyang Malabueño. Ito po ay bahagi ng ating mga plano para sa kaligtasan at kapakanan ng mga Malabueño. Alam po natin na ang magkaroon ng sariling bahay pangarap ng ating mga kapwa mamamayan. Kaya atin pong sinisikap na makagawa ng mga proyekto para sa inyo. Sa Malabon, may katuparan ang mga pangarap, may pag-asa,” ani  Mayor Jeannie.nnSinabi ng City Housing and Urban Development Department (CHUDD) na ang pagbuo ng bagong proyekto sa pabahay ay pinasimulan sa ilalim ng City Ordinance No. 05-2025 or An Ordinance Declaring the Forfeited Lot Covered by Transfer Certificate of Title No. T-126388 to be under the Socialized Housing Program and Land-for-the-Landless Program of the City Government of Malabon and for other Purposes.nnAng target na mga benepisyaryo ng proyekto ay ang mga residente ng Malabon, partikular ang mga kabilang sa informal settler sector, llow-income families na nangangailangan ng mabibilis na pabahay, ang mga kasalukuyang nakatira sa danger zones, sa tabi ng mga daluyan ng tubig, o sa mga pampublikong lupain, gayundin ang mga nakakatugon sa pangangailangang pinansyal para sa socialized housing.nnIbinahagi ng City Engineering Department na ang bawat gusali ay magkakaroon ng 4,066.5 square meters na kabuuang kabuuang lawak ng palapag na may 10 silid bawat palapag (100 kuwarto bawat gusali, 24 sqm. bawat isa).nnAng ground floor ng gusali ay magtatampok ng 4 leasable area, reception lobby, administrative office, security room, Materials Recovery Facility (MRF), maintenance room, main electrical at telco room, transformer room, pump room, female common CR, male, common CR, PWD CR, at Shared/Common CR.nn“Ang mga proyektong ito ay hindi lamang magbibigay ng maayos at ligtas na mga bubong para sa ating mga kababayang Malabueño. Magkakaroon din sila ng access sa mga pasilidad na nakatuon sa kanilang mga pangangailangan,” pahayag ni City Administrator and CHUDD concurrent head Dr. Alexander Rosete.nn“Sa ating pagsasagawa ng mga plano para sa ikabubuti ng buhay ng bawat mamamayan, prayoridad po natin ang kanilang kaligtasan, kaginhawaan, at kapakanan. Kasabay ito ng ating layuning mas progresibo at mas magandang lungsod ng Malabon,” dagdag niya. (Richard Mesa)

Road tunnel at flood diversion channel sa ilalim ng EDSA

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ng isang mambabatas ang pagsasagawa ng feasibility study sa mga solusyon na makakatulong sa pagresolba sa trapiko at pagbaha na madalas na dinadanas ng Metro Manila.nnTinukoy ni Makati City Rep. Luis Campos Jr. ang dual-purpose road tunnel at flood control channel sa ilalim ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA).nnSa House Resolution No. 2130, nanawagan si Campos sa National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Public Works and Highways (DPWH), Metro Manila Development Authority (MMDA) at National Irrigation Administration (NIA), na magsagawa ng isang komprehensibong feasibility study para sa mga naturang project.nn“EDSA is overstretched and flood-prone. We need bold, long-term infrastructure solutions that address both traffic congestion and climate-driven flooding,” ani Campos.nnAng Edsa ay may habang 23.8 kilometers, na dinadaanan nang mahigit sa 400,000 sasakyan kada araw na lagpas sa designed capacity na 288,000.nnSinabi ni Campos na ang pagresolba sa problema ay hindi lamang paghahanap ng solusyon sa ngayon kundi para na rin sa hinaharap.nnInihalimbawa nito ang SMART Tunnel sa Kuala Lumpur, Malaysia na nagsisilbing daanan at stormwater diversion system. Ang tunnel ay otomatikong isinasara sa trapiko tuwing malakas ang ulan umang mabigyan daan ang tubig ulan o baha at mabuksan agad ang trapiko sa loob ng 48 oras. (Vina de Guzman)

Karagdagang BI Personnel, ipapakalat ngayong Holy Week

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAKALAT ng karagdagang tauhan ang Bureau of Immigration (BI) para sa kanilang serbisyo ngayong mahabang bakasyon dahil sa paggunita ng Holy Week. nnSinabi ni  BI Commissioner Joel Anthony Viado na mahigit 40 karagdagang Immigration officers at  acting immigration officers ang ipakakalat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para mabigyan serbisyo ang maraming dayuhang pasahero.nn “We have fielded a total of 48 immigration frontliners at NAIA alone to ensure that all immigration counters are fully manned during peak arrival and departure hours,” ayon kay  Viado.nn“This is part of our commitment to deliver swift and seamless service to the traveling public.”  nnDagdag pa ang BI Chief na ang mga Immigration personnel  sa iba’t-ibang tanggapan sa  Metro Manila ay inutusan na tumulong sa airport operations sa panahon ng mahabang bakasyon. nn“Our frontliners are under strict orders to provide efficient, courteous, and professional service at all times,” ayon sa BI Chief. “This operational surge is aligned with the President’s call for improved government services, especially in high-traffic areas such as our airports.”  nnPinaalalahanan ni Viado ang mga biyahero na maagang dumating sa airport dahil sa inaasahan volume ng mga paasahero.nn “We urge the public to be at the airport at least three hours before their scheduled flight to allow ample time for immigration and security checks,” ayon sa BI Chief.nnInaasahan na mahigit sa 50,000 na mga pasahero kada araw ngayong holiday season. (Gene Adsuara)

DOH, naka-’Code White Alert’ ngayong Semana Santa

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ITINAAS ng Department of Health (DOH) ang Code White Alert sa bansa, bunsod na rin nang paggunita sa Semana Santa.nnIto’y bilang bahagi ng paghahanda sa anumang health-related incidents na maaaring maganap dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga Pinoy sa mga lalawigan, mga simbahan at mga tourist destinations.nnAyon sa DOH, iiral ang Code White Alert mula kahapon, Abril 13, Palm Sunday, at magtatagal hanggang sa Abril 20, Easter Sunday.nnHinikayat naman ni Health Secretary Ted Herbosa ang publiko na manatiling vigilante at magsagawa ng kaukulang pag-iingat upang matiyak ang isang ligtas na paggunita ng Mahal na Araw.nn“Maging alerto po tayo sa mga kalsada ngayong karamihan ay magbibiyahe. At dahil din po sa matin­ding init, mag-iingat din po tayo sa epekto nito sa katawan. Maiiwasan ang heat stroke kung hindi masyado magbababad sa init at kung laging umiinom ng tubig,” ani Herbosa sa isang pahayag.nn“We encourage everyone to observe the Holy Week responsibly. Magpunta po sa mga DOH hospitals na tuluy-tuloy na naka-antabay at magbibigay ng healthcare services sa mangangailangan nito ngayong darating na Semana Santa,” dagdag pa ng kalihim.nnKaraniwan nang itinataas ng DOH ang Code White Alert sa bansa, sa panahon ng national events, holidays, o mga pagdiriwang na maaaring magresulta sa mass casualty incidents o emergencies upang matiyak ang kahandaan ng mga health facilities at personnel, partikular na ang emergency room.

Nikola Djokic muling nakapagtala ng recor sa kasaysayan ng NBA

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULING nakagawa ng record sa kasaysayan ng NBA si Denver Nuggets center Nikola Djokic.

Siya lamang kasi sa kasaysayan ng NBA na isang center player na mayroong triple-double sa buong season.

Tanging dalawang manlalaro lamang sa NBA ang mayroong center na nag-average ng 10 points at 10 rebounds at anim na assists kada laro ito ay sina Wilt Chamberlain at Domantas Sabonis.

Itinuturing na si Jokic ay best outside shooter sa triple-double club kung saan siya lamang ang nakapag-shoot ng mahigit 40 percent sa 3-point range sa kaniyang triple-double season.

Dahil dito, maraming mga NBA fans ang umaasang makukuha niya ang ika-apat niyang Most Valuable Player award.

Tennis star Alex Eala, umangat pa ang rank sa No. 72 – WTA

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMANI muli ng mga pagbati ang Pinay tennis sensation na si Alex Eala, kahit wala pa itong hinaharap na bagong laban.

Patuloy kasi ang pag-angat ng Filipina tennis star sa Women’s Tennis Association (WTA) rankings.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng WTA sa kanilang official site, umakyat si Eala sa rank No. 72, ang pinakamataas na ranggo sa kasaysayan ng kanyang professional career.

Ang 19-anyos na Pinay ay una nang naging usap-usapan dahil sa kaniyang kahanga-hangang semifinal run sa Miami Open.

Doon ay tinalo niya ang tatlong Grand Slam champions, kabilang sina Madison Keys at Iga Swiatek.

Si Eala ay nagsasanay sa Rafa Nadal Academy sa Espanya at nakapagwagi na ng limang ITF singles titles at dalawang doubles crowns.

Ang kaniyang pag-angat sa ranggo ay patunay ng kanyang dedikasyon at husay, na nagbigay sa kanya ng titulo bilang pinakamataas na ranggo na Filipina player sa kasaysayan ng WTA.

VP Sara, hinikayat ang mga Katoliko na magturo, magpalaganap ng pagmamahal ni Hesus ngayong Semana Santa

Posted on: April 15th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Vice-President Sara Duterte sa mananampalatayang Katoliko na sundin ang halimbawa ni Kristo at gamitin itong kasangkapan para tulungan ang mga komunidad.

Si Duterte, sa isang video message, ipinalabas araw ng Lunes, nagpahayag na ang Mahal na Araw o Semana Santa ay isang mahalagang oportunidad […] “Habang dumaranas ang bayan ng matinding pagsubok at lalong lumalalim ang pagkawatak-watak, ang Kuwaresma ay paanyaya para sa panahon ng paghilom, pagbabalik-loob, at pagbabalik-tanaw […]” (Daris Jose)