• November 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: November 22, 2025
    Current time: November 22, 2025 11:57 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 27th, 2024

Manibela may libreng sakay sa araw ng Pasko at Bagong Taon

Posted on: December 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

May libreng sakay para sa publiko ang transport group na Manibela sa araw ng Pasko at Bagong Taon.

 

 

 

Sinabi ni Manibela President Mar Valbuena, na isa itong pasasalamat sa mananakay dahil sa pagsuporta sa kanilang ipinaglalaban.

 

 

 

Magsisimula ang libreng sakay mula alas-5 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at mula alas-4 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

 

 

 

May nakapaskil na libreng sakay sa mga pampasaherong jeep na maaaring parahin ng ng mga mananakay.

 

 

 

Magugunitang patuloy na ipinaglalaban ng grupo ang Transport modernization program ng gobyerno. ( Gene Adsuara)

Ex-Pres. Duterte handang maging abogado para kay VP Sara Duterte

Posted on: December 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na nagboluntaryong bilang maging abogado ang kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

 

Sinabi ng bise presidente, na handang maging isa sa mga abogado niya ang dating pangulo sa mga kasong kinakaharap kabilang na ang impeachment case.

 

 

Nahaharap kasi sa tatlong impeachment complaints ang bise president na isinampa ng ilang Katolikang pari, religious group at mga abogado.

 

 

Dagdag pa ng bise presidente , nababahala ang ama sa impeachment case nito.

 

 

Naniniwala ang bise presidente na wala itong nilabag na batas. (Daris Jose)

Karapatan ng mga sea passenger, ipinaalala ng DOTr kasabay ng holiday rush

Posted on: December 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Ipinaalala ng Department of Transportation (DOTr) – Maritime Sector ang karapatan ng mga pasahero sa mga sasakyang pandagat kasabay ng tuloy-tuloy na pagdagsaan ng mga ito sa mga pantalan.

 

 

 

Pangunahin dito ang karapatan ng mga pasahero sa mga pagkakataong nakansela, na-delay, o hindi nakumpleto ang kanilang biyahe sa pamamagitan ng mga sasakyang pandagat.

 

 

Sa ilalim ng Maritime Industry Authority (MARINA) Circular 2018-07, ang mga mga pasaherong nakaranas nito ay may karapatang malaman ang dahilan ng aberya, karapatang mabigyan ng akmang refund, at ma-revalidate ang kanilang mga ticket.

 

 

Kung pinili ng mga pasahero na i-revalidate ang kanilang mga ticket, maaari rin silang mag-avail ng iba pang amenities tulad ng mga pagkain at libreng accommodation kung kinakailangan, habang hinihintay na ma-reschedule ang kanilang mga trip.

 

 

Pero paalala ng DOTr Maritime Sector, ang karapatan ng mga pasahero na ma-refund ang kanilang mga pamasahe ay maaari lamang magamit o walang libreng accommodation na maibigay ang shipping operator.

 

 

Sa mga pasahero namang makakaranas ng ‘uncompleted voyage’, hawak nila ang karapatan para sa libreng amenities, karapatan para sa tamang compensation, at karapatang makapagbiyahe rin sa kanilang pupuntahan. (Daris Jose)

Dasal ni JUDY ANN na kumita ang ‘Espantaho’, nagkakatotoo na

Posted on: December 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NADISKUBRE ni Judy Ann Santos na hindi pala basta-basta ang pag-produce ng isang pelikula. 

 

 

Ito ang natutunan niya sa pag-produce niya ng 2024 Metro Manila Film Festival official entry na ‘Espantaho.’

 

 

“Malaking bagay yung nagkausap kami ni Atty. Joji Alonso (producer ng Quantum Films). Alam kasi niya ang pasikut-sikot sa pagiging producer at nag-share siya sa akin ng ilang bagay na kailangan ko malaman bilang producer.”

 

 

Natuto raw na huwag basta maglabas ng pera si Juday hanggang hindi niya nalalaman kunsaan ito gagastusin. Nalaman din niya na kapag nagpa-pack-up siya ng shooting, malaki ang perang mawawala sa kanya.

 

 

“As much as possible, iniiwasan namin ang mag-pack-up. Naaawa kasi ako sa production staff lalo na nung sunud-sunod yung mga bagyo. Pero payo sa akin ay maging firm ako sa mga desisyon ko para walang ibang masisisi.”

 

 

Dasal ni Juday na kumita ang ‘Espantaho’ para mas maenganyo siyang mag-produce pa ng marami pang pelikula at makapagbigay ng trabaho sa maraming movie workers.

 

 

Ang ‘Espantaho’ ay ang ika-12th MMFF movie ni Juday. Ang iba ay Babae (1997), Nasaan Ang Puso? (1997), Kasal-Kasalan Sakalan (1998), Esperanza The Movie (1999), Mano Po 2: My Home (2003), Aishite Imasu 1941: MahalKita (2004), Kasal Kasali Kasalo (2006), Sakal Sakali Saklolo (2007), My Househusband: Ikaw Na! (2011), Si Agimat, Si Enteng At Si Ako (2012), and Mindanao (2019).

 

 

Juday has won two MMFF Best Actress trophies for Kasal, Kasali, Kasalo in 2006 and Mindanao in 2019.

 

 

At noong araw ng Pasko, isa nga ang ‘Espantaho’ sa nangunguna sa takilya.

 

 

***

 

 

30 years na pala since lumabas ang hit Christmas song ni Mariah Carey na “All I Want for Christmas Is You.”

 

 

Kinita na ni Mariah sa 1994 holiday hit niya ay higit na sa $60 million in royalties ayon sa Forbes.

 

 

Last Dec. 13, “All I Want for Christmas Is You” became the first holiday song to reach 2 billion streams on Spotify.

 

 

Ginawaran din ang song ng RIAA (Recording Industry Association of America) Diamond Award in 2021 for making 10 million sales and streams.

 

 

In 2023, the song was inducted into the Library of Congress’ National Recording Registry.

(RUEL J. MENDOZA)