Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kinauukulang ahensiya ng gobyerno na magbigay ng agarang tulong sa pamilya na hindi maabot ng relief assistance sa Sta. Ines, Tanay bunsod ng hindi madaanang lansangan.
Sa situation briefing sa San Mateo, Rizal ukol sa epekto ng bagyong Carina at Habagat sa lalawigan, sinabi ni Tanay Mayor Lito Tanjuatco na may 3,000 pamilya sa Sta. Ines ang ‘isolated’ at hanggang sa ngayon ay hindi pa nakatatangap ng tulong.
Ani Tanjuatco, ang lansangan patungo sa Sta. Ines ay hindi madaanan dahil sa landslides, dahilan para maging problema ang ‘relief operations’ para sa mga lokal na opisyal at kapakanan ng ahensiya.
“All of the things that we always bring. Medicines, tubig… malinis na tubig. Basta all of those things and then medicines,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“There’s no way to do it except to find a way to para maging passable kahit na alam mo na hindi naman umuulan pa, kahit na ano muna. Parang — kahit hindi na muna sementuhin, ‘di ba.
Madaanan lang. Pero huwag nating iiwanan ganun. Kailangan at some point mabalikan namin para ayusin talaga,” ang sinabi ng Pangulo kasabay ng pagbibigay atas kina Public Works and Highways Secretary Manny Bonoan at Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr.
Ang suhestiyon naman ng mga lokal na opisyal ng Rizal ay magsagawa ng relief airdrop operations bilang pansamantalang solusyon hanggang sa madaanan na ang lansangan. Sinabi pa ng mga ito na habang tumatagal para madaanan ang lansangan, mas malaking bilang ng goods ang dapat na dalhin.
Sinabi ng Pangulo na dapat na magtulungan sina Bonoan at Abalos kasama ang Office of Civil Defense para dalhin ang relief goods, medisina at iba pang kailangan para sa mga pamilya sa Sta. Ines sa lalong madaling panahon.
Winika naman ni Rizal Gov. Nina Ynares na mula sa 14 na bayan, tatlo sa lalawigan ang matinding hinagupit ng weather disturbances, ito’y ang San Mateo na may 3,031 pamilyang bakwit, Montalban, 3,170; at Cainta, 2,213.
Ang San Mateo at Montalban, malapit sa Marikina River, ay dumanas din ng pagbaha.
Nakapagtala naman ang lalawigan ng dalawang kataong nasawi, 8 sugatan at isang nawawala sa panahon ng pananalasa ng bagyo. (Daris Jose)
ISINAILALIM ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang lungsod sa state of calamity dahil sa matinding pagbaha dulot ng habagat at bagyong Carina.
Ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ang Resolusyong Panglungsod Blg. 2024-67, na binabanggit na sa ilalim ng state of calamity, magagamit ng pamahalaang lungsod ang kanilang calamity fund at mapabilis ang relief at recovery efforts para sa mga apektado.
Muling iginiit ni Mayor John Rey Tiangco ang dedikasyon ng lungsod sa pagsuporta sa lahat ng apektadong pamilya.
“The safety and well-being of our residents are our top priorities. We are fully committed to providing immediate relief and supporting our fellow Navoteños in their swift return to normalcy,” aniya.
May 299 na pamilya ang sumilong sa mga evacuation center sa buong lungsod dahil sa patuloy na pag-ulan at pagtaas ng tubig na nagdulot ng pagbaha sa kanilang mga barangay.
Ang Bagyong Carina, internasyonal na pangalang Gaemi, ay nagdala ng malakas na pag-ulan, malakas na hangin, at malawakang pagbaha, na nagresulta sa malalaking epekto sa imprastraktura, serbisyo, at ari-arian.
Ang masamang pangyayari sa panahon ay nag-iwan ng maraming bahay na nasira, mga kalsadang hindi madaanan, at mga kapitbahayan na lumubog, na nakaapekto sa libu-libo sa Metro Manila.
(Richard Mesa)
NGAYON pa lamang ay ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa national at local governments na paghandaan na ang susunod na pagbaha habang ang bansa ay nahaharap sa La Niña phenomenon.
“Let’s prepare for the next flood. This is the first typhoon sa La Niña. Mahaba pa ‘to. So, we have to prepare for that. Let’s think about preparing for that,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ito ang naging pahayag ni Pangulong Marcos sa situation briefing sa Mauban, Quezon, araw ng Biyernes.
Makikita sa report ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ang munisipalidad ng Agdangan sa Quezon ay matinding tinamaan ng mga bagyong Aghon, Carina at ng southwest monsoon (habagat).
Sa kabilang dako, tinatayang 986 pamilya o 4,324 indibiduwal ang apektado ng Carina. May kabuuang 968 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa mga kamag-anak o kaibigan. Ang bagyo rin ang dahilan ng paghinto ng operasyon sa seaports sa Real, Infanta, Polilio, Patnanungan, Jomalig, at Burdeos.
Nais din ng Pangulo na i-assess ang mga mahahalagang pagbabago sa flooding patterns sa lalawigan.
“We’re trying to assess what are the significant changes because all our flood control projects are projects that are in response to the – ‘yung mga flooding noon,” ayon kay Pangulong Marcos.
Samantala, matapos bisitahin ang Quezon province, binisita naman ng Pangulo ang mga residenteng apektado ng bagyong Carina sa Rizal.
(Daris Jose)
KINUMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hangga’t maaari tuloy ang pagbubukas ng klase ngayong Lunes, July 29,2024 sa mga lugar na kaya naman.
Ayon sa Presidente kanya ring ipinauubaya sa pamunuan ng mga eskwelahan ang desisyon kung ituloy ang pagbubukas ng klase o hindi lalo at may mga school buildings ang binaha at nasira ang mga kagamitan.
Pero doon aniya sa mga hindi naapektuhan ng baha ay dapat tuloy ang pagbubukas ng klase.
Direktiba ni Pangulong Marcos kay Department of Education Secretary Sonny Angara na gawin ang lahat para tuloy ang pagbubukas ng klase.
Aminado naman ang Presidente na may mga lugar din na talaga hindi pwede dahil apektado ang mga paaralan.
” As much as possible. Hangga’t maari. If the school buildings are in a condition to take classes, they will do it. Pero meron pa talaga na kakaunti na lang yung may tubig pero marami naiwan na putik, hindi magamit. Tapos may nasira na gamit, We’d have to replace them. So yes, as much as possible, it will be up to the school to decide what they.. Kung kaya o hindi. Siguro yung iba mapipilitan, they will conduct classes outside of the school building, makapag klase lang. Tingnan natin. They will… Ganyan naman. Nasanay na tayo sa pandemic, hahanapan natin ng paraan para magkaroon pa rin ng klase,” pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Samantala, maaantala ang pagbubukas ng klase ng 738 public schools sa apat na rehiyon sa bansa na itinakda sa Hulyo 29 (Lunes) bunsod ng mga pinsalang idinulot ng Habagat at bagyong Carina, ayon sa Department of Education (DepEd).
Inihayag na rin ni DepEd Secretary Sonny Angara na hindi niya pipilitin na magbukas ng klase ang mga nasalantang paaralan.
Sa kanyang post sa X nitong Biyernes, binanggit niya ang datos mula sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) na nagpapakita na ang mga mag-aaral ay na-miss ang tinatayang 53 araw ng pagtuturo mula sa 180-araw na school year noong nakaraang school year, dahil na rin sa weather-related events.
Sa datos mula sa disaster risk reduction and management service ng DepEd na ibinahagi noong Biyernes, nasa 246 paaralan ang binaha sa pananalasa ng bagyo at ng habagat, habang hindi bababa sa 64 na paaralan ang kasalukuyang ginagamit bilang mga evacuation center.
(Daris Jose)
When an American family is invited by a charming British family they befriended on vacation to a weekend in their idyllic country estate, a dream holiday is planned.
Soon it warps into a psychological nightmare as not everything is what it seems. An intense suspense thriller from Blumhouse, “Speak No Evil” stars James McAvoy, Mackenzie Davis, and Scoot McNairy.
Watch the trailer here: https://youtu.be/InvnbXX0VV8?si=jByoNRTk_JF_x0se
Watch the trailer on Facebook: https://t.ly/tdt5t
Follow Universal Pictures PH (FB), UniversalPicturesPH (IG) and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates on “Speak No Evil.”
Connect with the hashtag #SpeakNoEvilPH.
Speak No Evil haunts Philippine cinemas on September 11, from Universal Pictures International.
(ROHN ROMULO)
NAG-VIRAL ang performances nina Celine Dion at Lady Gaga sa opening ceremony ng Paris 2024 Olympics.
Si Lady Gaga ang nagbukas ng ceremony with a rendition of Zizi Jeanmaire’s “Mon Truc En Plumes” habang nasa stairs ng Seine River. Surrounded by pink feathers, Lady Gaga kicked on a chorus line and played on a piano.
Si Celine naman ang nag-close ng opening ceremony performing “L’Hymne à l’amour” by the French singer Édith Piaf, from a stage at the base of the Eiffel Tower.
Nag-perform din sa opening ceremony ang French-Malian pop star Aya Nakamura.
Kabilang ang 22 athletes mula sa Pilipinas na pumarada sa sarili nilang yacht along the Seine River. Sinuportahan sila ng maraming Pinoy na naka-base sa France at iba pang bansa sa Europe.
***
SUMAMA ang ilang Sparkle artists sa ‘Operation Bayanihan’ na isinagawa ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF) para sa mga kababayang apektado ng matinding pagbaha dulot ng habagat at Super Typhoon Carina noong Huwebes, July 25.
Kabilang sina Rocco Nacino, Lexi Gonzales, Ysabel Ortega, Shuvee Etrata, Kim Perez, Elijah Alejo, Ashley Ortega, Mariane Osabel, Faith Da Silva, Jayson Gainza at Olive May sa Sparkle artists na nag-volunteer sa Tandang Sora warehouse.
Nag-volunteer naman sa Unang Hirit Studio, na isa sa relief drive locations ng Kapuso Network, sina Angel Leighton, AZ Martinez, Kaloy Tingcungco, at Saviour Ramos. Kasama naman ni Shaira Diaz ang kanyang co-host sa Unang Hirit na si Suzie Entrata-Abrera na namahagi ng relief goods para sa mga pamilyang pansamantalang lumikas sa evacuation center sa Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
Inanunsyo rin ng Sparkle GMA Artist Center sa kanilang social media accounts na ang proceeds at donations galing sa GMA Gala ay mapupunta sa mga nasalanta ng Super Typhoon Carina in coordination with GMA Kapuso Foundation.
Sa mga gusto pang magpadala ng tulong, maaaring mag-deposit sa official bank accounts ng GMA Kapuso Foundation o magpadala sa Cebuana Lhuillier. Pwede ring online via GCash, Shopee, Lazada, at Metrobank Credit Cards. Para sa kumpletong detalye, bisitahin ang www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate.
***
HINDI makapaniwala ang Sparkle hunk na si Raheel Bhyria na ang unang movie niya na ‘Balota’ ay official entry sa 2024 Cinemalaya.
“Every time na naiisip ko ‘yun na parang… sobrang blessed ko lang na napasama ako sa Balota kasi si Direk Kip Oebanda, napakagaling, working with Ms. Marian Rivera, ang dami ko pong natutunan. So ayun, just blessed,” sey ni Raheel na unang pinakilala bilang isa sa Sparkada ng Sparkle GMA Artists Center noong 2022.
Lumabas na ang 22-year old Fil-Pakistani sa mga Kapuso shows na Luv Is: Caught In His Arms, Abot-Kamay Na Pangarap, Zero Kilometers Away, Magpakailanman at Daig Kayo Ng Lola Ko.
(RUEL J. MENDOZA)
KINAKILIGAN ng netizens ang naging komento ni Jericho Rosales sa IG post ni Janine Gutierrez tungkol sa latest movie na ipalalabas sa Venice Film Festival.
Ayon sa The 6th EDDYS Best Actress, “Super dream come true – our film, Lav Diaz’s Phantosmia, will premiere at this year’s La Biennale di Venezia. Sooooo grateful and happy and honored to be part of this film!!!
“Venice has always been a dream and I’m just, again, so grateful to the Lavteam and to everyone else who’s trusted me enough to cast me in their films and series.”
Pagpapatuloy pa ni Janine, “All I’ve ever wanted is to make good projects and I’m just so thankful that all the work has led me here, part of another story that showcases our Filipino filmmaking to the world. Thank you thank you thank you.”
Makikita sa post ang black and white still photo at iba pang inpormasyon sa pagpapalabas ng pelikulang dinirek ni Lav Diaz.
At ang naging comment ni Jericho ay, “I am over the moon for you! Ihanda na ang bangka at sagwan!
“Congratulations!!! Mabuhay kayo at ang Lavteam!”
Three red heart emoji naman ang sagot ng aktres, na kinakiligan nga ng netizens.
Ilan sa komentong nabasa namin…
“@jerichorosalesofficial hoping samahan si Janine sa Venice hehe.”
“@janinegutierrez kinikilig aq sa inyo ni Echo.”
“Ayyy, may papuso. Ok lang sa amin basta happy ka, happy rin kami for you. Yun ang gusto namin na lagi kang happy.”
“Sana all, bagay kayo kau idol. Ligawan mo na, single naman c Janine. Parehas kau single.”
Naku, may katotohanan kaya na may nabubuo na raw na magandang relasyon sa dalawa?
Anyway, maraming mga artistang bumati kay Janine at isa na rito si Ms. Charo Santos-Concio at comment pa niya, “Savor the moment!”
Congrats and goodluck Janine!
***
NGAYONG hapon (Hulyo 29), mapapanood na on-air at online ang first digital documentary program mula sa award-winning group ng GMA Public Affairs – ang “Kara Docs,” kasama ang beterano at premyadong dokumentarista na si Kara David.
Bibigyang-mukha ng “Kara Docs” ang mga makabuluhang istatistika ukol sa mga isyung panlipunan sa pamamagitan ng mismong pakikisalamuha ni Kara sa mga tao at komunidad na sangkot sa usapin.
Ito ay koleksyon ng mga maiikling dokumentaryo, na naglalayong magbigay-liwanag sa mga napapanahong isyu ngayon. Ipapasilip ang ilang tagpo dito sa Unang Hirit habang ang buong episode nito ay ia-upload sa YouTube channel ng GMA Public Affairs sa ganap na ika-5 p.m.
Kilala si Kara sa kanyang mga dokumentaryong nakakaapekto at nakapagpapabago ng buhay. Para sa unang pagtatanghal ng “Kara Docs”, magtutungo si Kara sa Sitio Iligan kung saan ang mga residente rito, wala pa ring kuryente.
Sa kabila ng makabagong teknolohiya, may ilang lugar pa rin sa bansa na kailangan pang maglakad sa mabato at maputik na bundok at sumakay ng bangka para lang makapag-charge ng kanilang mga cellphone.
Si July na isang katutubong Dumagat ang madalas maatasang mangolekta ng mga cellphone sa kanilang komunidad sa Sitio Iligan para maki-charge sa ibaba ng bundok.
Kahit maputik ang daan pababa at kakailanganin pang sumakay ng bangka at motorsiklo, sinisikap ni July na magampanan ang kanyang tungkulin sa kanilang sitio. Nakiki-charge sila sa isang bahay sa kabilang barangay na ang kuryente ay binabayaran ng gobyerno.
Ang bagong panganak namang si Anne, hindi rin hinahayaang ma-lowbatt ang kanyang cellphone at powerbank. Ito raw kasi ang nagsisilbi niyang ilaw sa mga gabing siya ay nagbabantay sa kanyang anak. Nakaabang din siya sa mahahagip na signal at sa tawag ng kanyang asawang nagtatrabaho sa malayong lugar.
Bakit nga ba wala pa ring kuryente sa Sitio Iligan?
Iyan ang tatalakayin ni Kara David sa “Sitio Lowbatt,” ang unang pagtatanghal ng “Kara Docs”.
Mapapanood ang ilang tagpo nito sa “Unang Hirit” habang ang full episode nito ay mapapanood sa hapon, 5PM, sa GMA Public Affairs Youtube Channel (https://www.youtube.com/gmapublicaffairs).
(ROHN ROMULO)
TINAMAAN pala si Alden Richards sa love advice ni Barbie Forteza nang minsang mag-guest ito sa ‘Fast Talk With Boy Abunda.’
Kinunan ang Kapuso actress ni Kuya Boy Abunda ng mga payo para sa kaniyang mga kaibigang celebrity bilang karakter niyang si Mila na hango sa pelikulang ‘That Kind Of Love’.
“Make time for yourself. Be more social outside of work, and just have fun.”
Iyan ang advise ni Barbie kay Alden.
“Natuwa po ako, napangiti ako while watching,” reaksyon ni Alden nang siya naman ang guest ni Kuya Boy.
“I’m a very private person kasi Tito Boy. I’m not always out in public, I don’t share too much,” lahad ni Alden.
Kinumusta ni Kuya Boy ang lovelife ni Alden, “sa ngayon, Tito Boy, in all honesty naman, I’m enjoying my time.”
“Pero if ever man po… ganito na lang. Just to settle this question, kung magpapa-presscon ako, Tito Boy, kukunin kitang host pag mag-a-announce na po ako officially kung sino ang aking makaka-partner,” seryosong tugon ni Alden.
Sa Fast Talk segment, sinabi ni Alden na ang ideal age niya para magpakasal ay edad 35; 32 na ngayon si Alden.
Abangan ang tatlong taon, girls!
Mapapanood sina Alden at Barbie sa inaabangang serye na ‘Pulang Araw’ ng GMA.
***
UNANG kita pa lamang namin kay Itan Rosales sa Viva Café, iba na kaagad ang naramdaman namin.
May malaking potenyal ang binata na sumikat ng husto dahil guwapo, maganda ang katawan, may height at marunong umarte.
Kaya hindi nagkamali si Len Carillo ng 3:16 Media Network na tutukan na mabuti ang showbiz career ni Itan.
May mga nagsasabi nga na si Itan ang susunod sa mga yapak ni Jay Manalo, ibig sabihin ay Totoy Mola rin ang datingan ni Itan.
Si Itan na nga ang bagong Prinsipe ng Vivamax dahil sunud-sunod ang proyekto niya para sa sikat na online streaming.
Siya si Rommel sa ‘Hiraya’ kasama si Rica Gonzales na prodyus ng 3:16 Media Network at idinirehe ni Sidney Pascua; sa ‘Kaskasero’ naman ay kasama ni Itan sina Christine Bermas at Angela Morena, sa direksyon ni Ludwig Peralta.
Nasa pelikulang ‘Uhaw’ kasama ni Itan ang VMX Queen na sina Angeli Khang at VMX Princess na si Ataska na mula naman sa direksyon ni Bobby Bonifacio Jr.
Bukod sa pagiging hunk actor, si Itan ay miyembro rin ng all-male sing and dance group na VMX V, na madalas mag-perform sa Viva Cafe sa Cubao, Quezon City. Kasama ni Itan sa grupo sina Karl Aquino, Marco Gomez, Calvin Reyes, at ang bagong member nitong si Dio de Jesus.
Si Itan ay naging member din ng Clique V, pero dahil sa pandemic ay hindi siya nakapag-perform sa grupo.
Thankful si Itan sa mga blessing na dumarating sa kanya, sunod-sunod kasi at hindi nababakante si Itan sa mga proyekto.
Lahad ni Itan, “Siyempre una sa lahat, sobrang thankful ako at nagpapasalamat sa Panginoon na binigyan ako ng ganitong opportunity.
“Thankful din po ako, specially sa aking manager na si Tita Len dahil kung hindi dahil sa kanya, wala po ako rito. So, thank you so much Tita Len, I love you.’
“Ang movie ko po, now streaming na po ngayon yung Hiraya, and upcoming movies ko ay Kaskasero po at Uhaw.”
Aminado si Itan na stepping stone lamang niya ang pagiging Vivamax actor at gusto rin niyang makatawid sa main stream.
Ini-idolo naman niya sina Piolo Pascual at Gerald Anderson dahil sa husay ng dalawa bilang aktor.
(ROMMEL L. GONZALES)