• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 3:03 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2024

San Miguel consortium nanalo sa bid ng rehab ng NAIA

Posted on: February 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na ang San Miguel-led consortium ang siyang nanalo sa bidding na ginawa para sa rehabilitation ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagkakahalaga ng P170 billion.

 

 

 

Ang San Miguel consortium ay may planong maging isang world-class airport ang NAIA. Ang consortium ay binubuo ng San Miguel Holdings, RMM Asian Logistics, RLW Aviation Development, at Incheon International Airport Corporation.

 

 

 

“We are committed to collaborating closely with the government and our various stakeholders, harnessing every resource available to us, to transform NAIA into a modern international gateway that Filipinos will be proud of,” wika ng San Miguel Consortium.

 

 

 

Ayon sa DOTr, ang San Miguel consortium ay nag offer ng pinakamataas ng share ng revenues sa pamahalaan na may 82.16 porsiento. Ito ang pinakamataas kumpara sa dalawang (2) bidders.

 

 

 

Ang GMR Airports Consortium ay nag offer ng 33.30 porsientong share sa revenue habang ang original na proponent ng NAIA na Manila International Airport Consortium ay nag offer naman ng 25.91 porsiento. Ito ay binubuo ng India’s GMR Airport International B.V., Cavitex Holdings Inc., at House of Investments Inc.

 

 

 

Samantalang ang Manila International Airport Consortium ay binubuo naman ng malalaking kumpanya sa Pilipinas tulad ng Aboitiz InfraCapital Inc., AC Infrastructure Holdings Corp., Alliance Global, Filinvest Development Corp., JG Summit Infrastructure Holdings, Asia’s Emerging Dragon Corp., at ang US-based partner na Global Infrastructure Partners (GIP).

 

 

 

Ang Asian Airport Consortium na sumali rin sa bidding subalit ang kanilang technical proposal ay nakitang hindi compliant o incomplete bago pa man sumailalim sa financial offer.

 

 

 

Sa isang pahayag sinabi ng San Miguel Consortium na sila ay honored na sila ang nanalo upang mabago ang NAIA at maging isang modern na international gateway.

 

 

 

“Our proposal is designed not only to elevate NAIA to world-class standards but also to ensure that the government benefits from the most advantageous revenue-sharing agreement,” saad ng consortium

 

 

 

Ayon naman sa DOTr na maraming grupo ang humamon sa bids ng ibang grupo kasama na ang San Miguel.

 

 

 

“Three out of 4 bidders filed or submitted challenges to the qualifications of the other bidders. One of them challenged three, the other challenged two, the other challenged one. All the challenges, all of the disputes that were submitted to BAC have been resolved,” ayon kay DOTr usec TJ Batan na siyang head ng Bids and Awards Committee.

 

 

 

Si DOTr Jaime Bautista naman ay confident na ang deal ay hindi na hahamonin ng mga natalong mga bidders.

 

 

 

“Before we made the award, we informed the two other bidders who qualified and they accepted the outcome of the bidding,” saad ni Bautista.

 

 

 

Ang concession agreement ay lalagdaan sa loob ng 30 araw at pagkatapos ay puwede ng magsimulang mag-operate ang San Miguel sa susunod na 3 hanggang 6 na buwan. LASACMAR

Pekeng DepEd scholarship kalat online

Posted on: February 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINALAAN  ng Department of Education (DepEd) ang publiko laban sa pekeng DepEd scholarship posts na kumakalat ngayon online.

 

 

Sa abiso ng DepEd, pinaalalahanan nito ang publiko na maging vigilante laban sa misinformation.

 

 

Sa naturang pekeng posts, nakasaad na ang DepEd ay may alok na scholarship ngayong taon.

 

 

Nakasaad din na lahat ng estudyante na nag-aaral ay dapat na mag-aplay dito gamit lamang ang kanilang school IDs.

 

 

Anito pa, sakaling makakuha ng DepEd scholarship, makakatanggap umano ng P5,000 ang mga elementary students, P7,000 ang mga high school students, habang tig-P10,000 naman ang makukuha ng mga college at vocational students.

 

 

Ang pekeng post ay may kasama pang larawan ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na nakasuot ng berdeng t-shirt at ang kanang kamay ay nakataas sa kanyang kaliwang dibdib.

 

 

Abiso naman ng DepEd, sinabi nito na, “The Department of Education (DepEd) warns the public about the FAKE DepEd scholarship posts circulating online. DepEd reminds everyone to stay vigilant against misinformation.”

 

 

Dagdag pa ng ahensiya, ang mga opisyal nilang anunsiyo at impormasyon ay maaaring makita sa kanilang Facebook page na fb.com/DeparmentOfEducation.PH, X account na twitter.com/DepEd_PH, Instagram account na instagram.com/depedphilippines, at website na www.deped.gov.ph.

 

 

Umapela rin ang DepEd sa publiko na kaagad na ireport ang anumang nalalaman nilang misleading at suspicious information hinggil sa basic education sa depedactioncenter@deped.gov.ph.

PINIRMAHAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Dr. Meliton Zurbano, Schools Division Superintendent

Posted on: February 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINIRMAHAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Dr. Meliton Zurbano, Schools Division Superintendent; Dr. Joel M. Chavez, Pangulo ng NPC; at Rey Sanglay, Supervising Labor and Employment Officer ng Department of Labor and Employment-CAMANAVA ang isang Memorandum of Agreement para sa pagtatag ng isang Public Employment Service Office (PESO) Help Desk sa Navotas Polytechnic College (NPC) at lahat ng senior high school sa Navotas. (Richard Mesa) 

Hawaiian Tropical Paradise ang tema ng debut: SOFIA, hands-on sa preparations para sa kanyang 18th birthday

Posted on: February 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA April na ang 18th birthday ng Sparkle teen star na si Sofia Pablo. Kaya ngayon pa lang ay pinaghahandaan na niya ang special day na ito. 

 

 

Hands-on si Sofia sa preparations mula sa isusuot, disenyo ng venue, at pati na rin sa ihahandang mga pagkain.

 

 

Isang Hawaiian Tropical Paradise ang tema ni Sofia para sa kanyang debut.  Gusto raw niya na kumportable ang kanyang mga iimbitahan at hindi rin siya ma-stress sa kanyang sariling party.

 

 

“Malapit po ang heart ko sa dagat. Hindi rin po ako fan ng ball gown. Gusto ko lang po talaga comfy even for the guests. Hindi rin ako magpe-perform. Mag-enjoy lang po talaga.

 

 

“Kung ano ‘yung shortest program na kaya para lahat makapag-enjoy na after,” sey ni Sofia na ang escort ay walang iba kundi ang ka-loveteam niya na si Allen Ansay.

 

 

**”

 

 

PINASAYA ng impersonator ni Taylor Swift na si Taylor Sheesh (Mac Coronel) ang mga Swifties na hindi nakabili ng ticket para sa The Eras Tour sa Melbourne, Australia.

 

 

Sa X (formerly Twitter), pinost ng Filipina Drag Artist ang video kunsaan dinumog ng maraming Aussie Swifties ang kanyang show sa labas ng isang mall at sinisigaw ang pangalan niya.

 

 

Bitbit pa ng ilan ang placards na nakalagay ang Taylor Sheesh. Sikat na sikat siya sa Australia dahil sa billboard niya roon.

 

 

Sa Tokyo, Japan nanood si Taylor Sheesh ng The Eras Tour in full Taylor Swift look. Ang ilang Filipino celebrities na nanood din sa Tokyo ay sina Andrea Brillantes, Angelika dela Cruz, Alexa Ilacad, Michelle Vito, Esnyr Ranollo, Criza Taa, Jen Barangan at ang Unang Hirit host na si Lyn Ching.

 

 

***

 

 

MAGSASAMPA ng demanda ang former Miss Universe president na si Paula Shugart sa Miss Universe owner at transgender businesswoman na si Anne Jakrajutatip.

 

 

Sa kanyang Instagram, sinabi ni Shugart na nanahimik na lang siya noong mag-step down siya as president noong November 2023.

 

 

Ngayon ay ‘di na raw niya palalagpasin ang mga paninirang-puri na kinakalat ni Anne tungkol sa kanyang pamumuno sa Miss Universe.

 

 

Heto ang kanyang post:

 

“Since announcing my resignation in November of 2023, I have sought to stay out of the spotlight, electing not to comment on any of the changes within the Miss Universe Organization, seeking only to quietly help the brand and its stakeholders, when requested, with my historical knowledge and guidance.

 

 

“However, recent false and outrageous comments made by Miss Universe owner Anne Jakrajutatip impugning my character have compelled me to break my silence.

 

 

“Normally, I would choose to ignore such assertions but, by suggesting that I am corrupt and took money “under the table” to secure placements in Miss Universe competitions, Jakrajutatip not only defames me, but she also discredits the women who have won the Miss Universe crown by implying their titles were “bought” and not earned by merit. I cannot abide by such dangerous and reckless assertions, which degrade the Miss Universe brand and its Titleholders.

 

 

“I am presently considering my legal options in Thailand and what actions I might take. However, given that my complaint will be just one of many legal actions currently facing the owner of JKN, it is imperative for the Miss Universe brand and its legacy that I immediately speak the truth and condemn these words before taking any action in Thai courts and I am reserving all rights to claim for damages.

 

 

“I have no intention or need to engage in drama on social media and I will not do so. Anyone who knows me knows the truth and what I stand for. I will let my years of work with some truly incredible women speak for itself.”

(RUEL J. MENDOZA) 

Aabangan naman kung kailan magaganap ang kasal: RIA at ZANJOE, kinumpirma na rin na engaged na sila

Posted on: February 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA na nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo kahapon, ika-20 ng Pebrero na engaged na sila.

 

 

Sa pamamagitan ng kanilang Instagram posts, in-announce ng dalawa ang kanilang engagement, kalakip ang mga larawan, kasama ang bonggang engagement ring ni Ria.

 

 

“Forever sounds good,” caption ni Ria, na may white heart at ring emoji.

Say naman ni Zanjoe, “And tastes even better. “
Matatandaan na noong January 2023 ni-reveal ni Zanjoe sa publiko na magkarelasyon na sila ni Ria, after ng ilang buwan nilang pagde-date.
Dumagsa naman ang mga pagbati mula sa kanilang celebrity friends and family at mga netizen.
Isa sa mga naunang bumati si Maine Mendoza at say niya, “Yaaaay love you guys!”
Comment naman ni Cong. Arjo Atayde, “love you two!”
Post naman ng kanilang younger sister na Gela Atayde, “No I’m gonna cry again.
lly both @ria @onlyzanjoemarudo.”
Say naman ng kapatid ni Zanjoe na si @ohitszaniemarudo,  “congrats my kuya @onlyzanjoemarudo and my future sis in law!!! Love you both @ria.”
Comment ni Gary Valenciano, “OMG!!!!! My heartfelt congratulations go out to the both of you!!!!! God bless you @ria @onlyzanjoemarudo.’
Tuwang-tuwa rin si Jolina Magdangal, Ri!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Super happy for you dear!!!!!”
Ganun din ang kagalakan ni Janine Gutierrez, “Ily both!!! congrats and best wishes z and riri!!!! XXXXX @onlyzanjoemarudo @ria”
Comment ni Chynna Ortaleza, “Whaaaa!!!! Saya naman!!! @ria @onlyzanjoemarudo congratulations!!!”
Ilang pa bumati sa engagement nina Ria and Z sina Joshua Garcia, Angelica Panganiban, Maris Racal, Darren Espanto, Eric Quizon, Zsazsa Padilla, Vhong Navarro, Iza Calzado, Ara Mina, Maja Salvador, Lovi Poe, Yassi Pressmam, Coleen Garcia, Enchong Dee, Carla Abellana, JC de Vera, Rodjun Cruz, Rayver Cruz, Rachel Peters, Yam Concepcion at marami pang iba.
Nang i-check namin ang IG account ng mommy ni Ria na si Sylvia Sanchez, wala pa itong post tungkol sa engagement.
For sure naman, isa siya sa tuwang-tuwa dahil sa huling interview namin sa aktres, sinabi nitong mahal na mahal nila si Zanjoe at part na ng kanilang lumalaking pamilya.
Ang tanong, sino kaya kina Maine at Ria ang unang magsasabi kina Sylvia at Papa Art Atayde na magkaka-apo na sila?
Well, abangan na lang natin, at ganun din kung kailan magaganap ang kasalang Zanjoe at Ria.
Congratulations to both of you!
(ROHN ROMULO) 

Ads February 20, 2024

Posted on: February 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Tax break sa e-motorcycles posible sa pagrepaso sa EV incentives

Posted on: February 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG repasuhin sa susunod na linggo ang executive order na nagbabago sa tariff rates para sa electric vehicles (EVs), kung saan posibleng maisama ang e-motorcycles sa listahan ng mga sasakyan na nakikinabang sa tax breaks.

 

 

Naunang sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balisacan na ang Executive Order No. 12, series of  2022 na nagbibigay ng tax breaks sa ilang uri ng EVs ay magkakaroon ng mandatory review ngayong buwan.

 

 

Ang EO12 ay na-upload sa Official Gazette noong January 19, 2023, at nagkabisa noong February 20, 2023. Isasailalim ito sa pagrepaso simula February 21, 2024.

 

 

Ang EO12 ay inilabas upang palakasin ang Electric Vehicle Industry Development Act (EVIDA), sa layuning maisulong ang EVs sa bansa para matulungan itong maitulak ang green transport at mabawasan ang carbon emissions.

 

 

Maliban sa e-motorcycles, na hindi kasama sa tariff suspension at pinapatawan pa rin ng 30% import charge, ang iba’t ibang uri ng electric vehicles at mga component nito ay nakakuha ng mas mababang taripa sa ilalim ng EO12 mula sa dating 5% hanggang 30% sa kasalukuyang 0% import duty.

 

 

Ang NEDA ang ahensiya na nagrekomenda sa pagpapatupad ng EO12 sa loob ng limang taon upang baguhin ang tariff rates para sa ilang EVs at mga parts at components nito.

 

 

Nagpahayag ng alalahanin ang EV industry stakeholders sa EO12 buhat nang simulan ito noong 2023, binigyang-diin na hindi makatarungan na i-etsa-puwera ang e-motorcycles sa mga tumatanggap ng tax breaks mula sa pamahalaan kahit na ang motorsiklo ang bumubuo sa karamihan sa mga motorista sa bansa, ayon sa datos mula sa Land Transportation Office (LTO).

 

 

Sa datos ng Statista Research Department, nasa 7.81 million private motorcycles at tricycles ang nakarehistro sa Pilipinas noong 2022.

 

 

Ito rin ang nagtulak kay Albay Rep. Joey Salceda na ihain ang House Bill 9573, na naglalayong rebisahin ang EO12, upang isama ang  e-motorcycles ss EVs na nabibigyan ng tax breaks. (Daris Jose)

Nag-react si Oyo sa photo na pinost: KRISTINE, buntis uli sa ika-anim na anak at parang laging first time

Posted on: February 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SA Instagram post ng aktres na si Kristine Hermosa-Sotto, in-announce nito na ipinagbubuntis niya ang ika-anim na baby nila ni Oyo Sotto.

Makikita sa post ang solo photo ni Oyo na kuha sa shooting na may hawak na baril at ang ultrasound image ng kanilang baby.

 

Kahit na pang-anim na niya itong pagbubuntis, pero parang first time pa rin daw ang nararamdaman ni Kristine.

 

“I have never doubted Gods power and faithfulness in my life — I may at times feel discouraged but I always have a strong sense of security that only God gives I know He’s got our backs all the time.

 

“To be honest, I was hopeful but never really expected He would bless us with children.. like.. lots of them and another one on the way..”

 

Pagpapatuloy pa ni Kristine, “funny as it may seem, but I still get those butterflies evertime I see double lines on the PT, kahit pa na ang dami na nila, parang laging 1st time.. ibat ibang level ng overwhelming emotions each stage of every pregnancy. ibang level din when you can already see and hear the heartbeat Iba lang talaga ang peace and joy pag galing kay God.

 

“One things for certain, we really cannot limit God’s power.. even how impossible it may seem — God’s plans will always come into completion whether we like or not. akala ko noon, last na si Isaac… ngayon, hindi ko na talaga alam kay God..

 

“I praise the Lord for whatever plan He has for me and my super growing family– after all He is my creator, my Lord and saviour, my provider, my peace & joy, my eternal hope & ultimately my heavenly Father…

 

“I am His. He definitely knows best and I know how much He loves me and you. Keep on believing!”

 

Natatawang komento naman ni Oyo, “Grabe naman yun picture ko dyan. ”

 

Na sinagot naman ng aktres ng, “@osotto alam mo na kung bakit ganyan! ”

 

Ang sister naman niyang si Kathleen Hermosa-Santos na ikinasal last year, ay nagkomento ng,  “AKO NA NEXT!!!LORD!!!”

 

Say naman si Kaye Abad-Castillo, “Isa pa???? Hahaha! Congrats!!!!”

 

Post naman ni Ara Mina, “Wow! Another blessing! Yes Kath sunod ka na kay Tin. Congrats Tin and @osotto.

 

Three hearts emoji naman ang comment ni Maine Mendoza-Atayde, na hinuhulaan nabubuntis this year.

 

Kaya comment ng netizen, “@mainemendoza at dahil sa pa [three red hearts] mo ikaw na susunod.?”

 

Comment pa ng isang netizen, “Grabe ang lahi ng mga sotto taon-taon may na dadagdag.”

 

Marami pang bumati na showbiz friends nina Oyo at Tin tulad nina Mariel Padilla, Joross Gamboa, Carla Abellana, Rodjun Cruz, Jason Abalos, Baron Geisler at marami pang iba.

 

Turning three na pala this year ang bunsong anak ng mag-asawa na si Vittorio Isaac. Ang apat pa nilang anak ay sina Kiel, 16, Ondrea Bliss, 13, Kaleb Hans, 10, at Marvic Valentin, 8.

 

Congrats Kristine and Oyo!

(ROHN ROMULO) 

Ginanap sa Coron kasama ang pamilya at piling kaibigan: LUIS, natupad ang plano na tahimik at solemn ang church wedding nila ni JESSY

Posted on: February 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SA first anniversary ng “Dear SV” sinorpresa ni Kapuso aktres Rhian Ramos si Cong. Sam Verzosa. 
Last February 6 ay isang memorable date yun kay Sam at siyempre ng programa niyang  “Dear SV” kung saan ipinagdiwang ng programa ang first year anniversary.
Nakuha agad ng programa ang puso ng mga manonood, na unang ipinalabas sa CNN, sa pamamagitan ng mga nakaka-inspire na kuwento ng kababayan nating salat sa buhay pero patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay.
“Iba po itong programa natin dahil tumutulong po tayo sa mga taong gustong tulungan ang kanilang sarili,” paliwanag ni Sam.
Ayon pa rin sa mambabatas ay gagawin daw nilang mas memorable ang episode ng anibersaryo, kung saan nagbigay-sorpresa si Rhian Ramos.
Si Rhian ang pinakamalapit na babae kay Sam at ang aktres ang  host ng episode. Kung kaya nakadagdag daw para panoorin ng mga televiewers ang “Dear SV”, huh!
Sa buong episode, ang mga indibidwal na natulungang mabago ang buhay ni SV ay nagbahagi ng kanilang taos-pusong papuri at pasasalamat sa pamamagitan ng mga nakaka touch na video messages.
Hindi napigilang tumulo ang luha ni SV habang nakatutok sa mga emosyonal na testimonial, na nagpapatibay sa positibong epekto na naidulot ng show sa ating mga kababayan sa loob ng isang taon.
Ang “Dear SV” ay magpapatuloy na tumulong at bumabo ng buhay ng mga kababayan natin, nananatiling tapat si Sam “SV” Verzosa sa paglikha ng programa na magbibigay inspirasyon at pagasa sa mga tao.
“Mas lalo pang lumalim ang dahilan ko para ipagpatuloy ang Dear SV. Magandang regalo sa akin ito hindi lang dahil nandito si Rhian kundi pati na din sa mga taong natulungan natin.
“Tunay na nakatataba ng puso na makita silang umaahon at patuloy na lumalaban sa buhay dahil lang sa munting tulong na naibigay ko,” mensahe pa niya.
Ang “Dear SV” ay mapapanood tuwing Sabado 11:30 pm sa GMA 7 at online.
***
NATUPAD ang plano ni Luis na gawing tahimik at solemn ang church wedding ng asawang si Jessy Mendiola.
Sa isang simbahan sa Coron, Palawan naganap ang kasalan nung Huwebes Feb. 15, 2024.
Bukod tanging saksi sa kasalang naganap ang malalapit na pamilya at ilang piling piling kaibigan sa loob at labas ng showbiz.
Kung hindi nakadalo sa kanilang garden wedding na ginanap sa San Benito Farm sa Batangas last Feb. 21, 2021 ay present this time sa kanilang church wedding ang pamilya ni Jessy, huh!
Siyempre kumpleto pa rin ang pamilya ni Luis sa pangunguna ng inang Star for All Seasons Vilma Santos, amang Edu Manzano, step father na si Sec. Ralph Recto ang kapatid na si Ryan Christian.
Kabilang naman sa principal sponsors sina ABS-CBN Chief Executive and President Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes at ang manager ni Luis na si June Rufino.
Sina Alex Gonzaga at Mikee Morada na nagsilbing secondary sponsors ng dalawa.
Congratulations Luis and Jessy!
(JIMI ESCALA) 

“DOING HORROR MOVIES IS A WAY OF TAKING CONTROL OF MY FEARS,” SAYS AMÉLIE HOEFERLE, WHO PLAYS ONE OF THE WALLER CHILDREN IN THE SUPERNATURAL THRILLER “NIGHT SWIM”

Posted on: February 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

“The children were great!” says Academy Award nominee Kerry Condon of Amélie Hoeferle and Gavin Warren, who play her character’s children in Night Swim, a new supernatural thriller opening in cinemas this week. 

In Night Swim, based on director McGuire’s acclaimed 2014 short film of the same name, Ray Waller (Wyatt Russell) is a former major league baseball player forced into early retirement by a degenerative illness. Secretly hoping, against the odds, to return to pro ball, Ray persuades his wife, Eve (Condon), that their new home’s shimmering backyard swimming pool will be fun for the kids (Hoeferle and Warren) and provide physical therapy for him. But a dark secret in the home’s past will unleash a malevolent force that will drag the family under, into the depths of inescapable terror.

Watch the trailer: https://youtu.be/hgnUYV330cA?si=I447yv_uA3Bt25du

To Hoeferle, who plays 15-year-old Izzy Waller in the film and who first captured Hollywood’s attention with an award-winning horror short, The Boogeywoman, horror vibes come easy. “It’s funny that I keep getting drawn into these scary stories, I find it amusing,” Hoeferle says. “I used to be an anxious child. I still am in some ways. I used to fear a lot of things. So doing horror movies is a way of taking back that fear and taking control of it.”

Despite her experience in the genre, reading the script for Night Swim proved to be a chilling experience. “When I first got the script, I was so scared reading it,” Hoeferle says. “It was night, the lights in my house were dim, and I remember reading it at my desk and feeling like someone was behind me. Just in general, the script captures that scary feeling that there’s something lurking in the shadows, hunting you, and more specific to the movie, it captures that dread you feel when you’re in the water, whether it’s the ocean or in a pool, and you let yourself wonder: Is there something underneath me? It’s such a potent, primal fear.”

The role of 12-year-old Elliot Waller was the toughest to cast, according to director Bryce McGuire. Luckily, they found Warren, who is “an absolute fish, an amazing swimmer who loved the water,” says McGuire.

But the water work wasn’t always easy for Warren, especially if the scenes involved interacting with the pool’s ghoulish entities. “Whenever Elliot goes into the pool, things get creepy,” Warren says. “He seems to be able to see the weird, monstrous things that haunt the pool that no one else can. But for me, seeing these monsters was rather scary, because the make-up on them was so good. I did not want to get in the water with them.” But Warren’s experience in the post-apocalyptic world of Fear the Walking Dead served him well. “I had an awesome time making this movie,” Warren says. “I love scary movies and TV shows, and I love doing them, whether it’s doing scenes with monsters or getting dragged around by them. I love doing my own stunts, when they let me.”

Dare to take a dive when Night Swim, distributed by Universal Pictures International, opens in cinemas February 21. #NightSwimMoviePh

Follow Universal Pictures PH (FB)UniversalPicturesPH (IG) and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates on Night Swim.

(ROUND ROMULO)