• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 12:11 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2024

Meet the Forgers! Big-hit anime film “Spy x Family: Code White” opens at No. 1 in Japan

Posted on: February 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Japan goes waku-waku~ as Spy x Family: Code White opened at No. 1 in Japan during the 2023 December holiday weekend, and continued its No. 1 streak for three weeks, earning 4.41 billion yen. Get to know the undercover family before the hit movie makes its way to Philippine theaters on March 13.

 

 

 

Watch the trailer here: https://www.youtube.com/watch?v=sfkFrZATkiw

 

 

 

Spy x Family: Code White follows the Forgers, a family created by two undercover spies, Loid and Yor, who lead double lives that they keep from each other, and from their adopted daughter Anya. However, oblivious to her telepathic powers, Anya knows both their secret lives. As Loid progresses on his mission, Operation Strix, he takes his family on a mission with him under the guise of a fun winter holiday. Anya mistakenly entangles herself in a dangerous series of events that threaten world peace.

 

 

Loid Forger, codename Agent Twilight, is an undercover agent who works for the organization WISE. He’s a master of disguise who can blend into any situation with ease. Yor and Anya know him as a kind and caring father who dotes on them, cooking meals for the family. Working during the day as a psychiatrist in Berlint General Hospital, he has the trust of his colleagues and patients due to his excellent work ethic.

 

 

Yor Forger is a dangerously skilled assassin, whose method of killing earned her the codename Thorn Princess. Orphaned young, she trained in the art of being an assassin to help provide for herself and her younger brother Yuri. In a stroke of luck, her search to have an alias ended up with an alliance and marriage with Loid. As a wife and mother, Yor is mild-mannered and still learning the skills that it takes to raise a family. Like Loid, she also has a cover job during the day, working as a civil servant at the Berlint City Hall.

 

 

Anya Forger is an orphan who was subject to an experiment which gave her telepathic powers. Loid ends up adopting her when he was building his undercover family. She loves her new family, and her secret power ends up helping the spy and the assassin on their missions from time to time. Completing the Forger family is their dog Bond, who was also subject to military experimentation, giving him the power to see the future.

 

The unlikely family end up in dangerous hilarious situations as they work together in their latest mission in Spy x Family: Code White.

 

Follow Encore Films Ph FB and @encorefilmsph IG for the latest updates.

(ROHN ROMULO)

Asawang si Vickie papayagan pa ring sumali sa ‘MUP’: JASON, inalala ang kabaitan sa kanya ni BOY noong nagsisimula pa lang sa showbiz

Posted on: February 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG kilalang aktor at ngayon ay Board Member ng 2nd District ng Nuvea Ecija, nagsimula ang showbiz career ni Jason Abalos noon maging contestant ito sa ‘Star Circle National Teen Quest’ na talent search competition ng ABS-CBN noong 2004.

 

Fast forward to February 21, 2024, naging guest si Jason at Jo Berry sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ in line sa upcoming GMA serye nila na ‘Lilet Matias: Attorney-At-Law’.

 

At sa kanyang guesting, ipinaalala ni Jason ang kabutihan sa kanya ni Boy Abunda.

 

Isa si Kuya Boy sa mga judge ng Star Circle noong kasali si Jason.

 

“Ikukuwento ko lang po,” lahad ni Jason, “kailangang malaman ng buong tao kung gaano kabait si Tito Boy.

 

“Na-out ako sa isang show, nagbigay siya ng isang tseke sa akin.

 

“Sabi niya, ‘Anak, ibigay mo sa nanay mo kapag umuwi ka sa inyo para meron kang pasalubong.’

 

“Ganoon po kabait si Tito Boy,” kuwento pa ni Jason.

 

Kahit hiyang-hiya ay halata namang touched si Kuya Boy sa kuwento ni Jason na siya man mismo ay hindi na maalala na nangyari.

 

Samantala, isa rin sa naitanong kay Jason ay kung papayagan ba niyang muling sumali ang misis na si Vickie Rushton sa Miss Universe Philippines, lalo ngayon na puwede na ang may asawa, anak, at wala na ring age restriction dito.

 

“Oo naman,” ang mabilis na bulalas ni Jason.

 

“Lagi naman ganoon, laging kung ano ‘yung gusto mong gawin, gawin mo.

 

“Kasi hindi naman laging tayo magkasama. May trabaho ako so minsan maiinip ka rin sa buhay,” pahayag pa ni Jason.

 

Twice sumali si Vickie sa Binibining Pilipinas, noong 2018 kung saan 1st runner-up siya at nitong 2019 kung saan hindi siya nakapuwesto.

 

***

 

LUMABAS ang pagka-komedyana ni Thea Tolentino sa pelikulang ‘Take Me To Banaue’ na kahit siya ay nagulat.

 

“Sobrang nagulat din ako kasi off-cam tumatawa din yung mga… yung mga nasa taping tumatawa din sila. Kaya ko palang maging funny kahit papaano,” ang nanatawang pagbabahagi ni Thea.

 

Mapapanood ang ‘Take Me To Banaue’ via streaming sa www.takemetobanauefilm.com na nagkaroon na rin ng mga special premieres at screenings sa iba-ibang bansa tulad ng Amerika.

 

Ang iba nga rito ay dinaluhan pa ni Thea, na first time makapunta sa Amerika.

 

“Yes, parang may ten screenings dun tapos dun sa ten, tatlo lang yung napuntahan ko.

 

“Sobrang saya kasi first time ko ding mag-US and iba, iba yung pagtanggap ng mga kababayan natin dun, kasi nami-miss nila ang Pilipinas.

 

“Tuwang-tuwa sila na napapanood nila sa big screen ang Pilipinas, kung gaano kaganda ‘to.”

 

At nito ngang Pebrero 10 ay unang beses na napanood ang pelikula dito mismo sa Pilipinas.

 

“Sobrang happy ako na finally napanood niyo ‘to, napanood ng family and friends ko, it’s something new for me because I always do antagonist roles, very serious characters, pero sa Take Me to Banaue nakita niyo yung puwede pala akong maging funny kahit papaano, and puwede ding malandi,” at muling tumawa si Thea na gumaganap bilang si Jinky sa movie.

 

Ang ‘Take Me To Banaue’ ay sinulat nina Jason Rogers at Danny Aguilar (na siya ring direktor ng pelikula) at line-produced naman ni Monch Bravante, mula sa Carpe Diem Pictures.

 

Bida rin sa pelikula sina Brandon Melo (bilang si Hank) at Maureen Wroblewitz (bilang si Grace) kasama sina MJ Lastimosa, Dylan Rogers at Boobay.

(ROMMEL L. GONZALES)

Puring-puri ng netizens ang pagiging mother-in-law: SYLVIA, nag-uumapaw ang saya sa engagement nina ZANJOE at RIA

Posted on: February 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAG-POST na rin sa kanyang Instagram account ang premyadong aktres at Face ng Beautederm na si Sylvia Sanchez, tungkol sa engagement ng anak na si Ria Atayde at boyfriend na si Zanjoe Marudo na kanilang in-announce last February 20.

 

 

Nagpahayag nga si Sylvia nang labis na kaligayahan para sa kanyang anak.

 

 

“Happy ako sobra para sa iyo Potpot @ria [red heart emoji],” caption niya kasama ang video ni Ria na naka-black one piece swimsuit na umaahon sa isang beach.

 

 

Dagdag mensahe pa niya sa anak, “Deserve mo yan dahil napakabuti mong anak [red heart emoji]”

 

 

Sa next IG post naman ni Ibyang, ibinahagi niya ang photo na magkasama ang celebrity couple. Makikita rin ang photos na nag-video call sila ni Ria kasama si Zanjoe, na makikitang happy sila lahat sa magandang balita na engaged na ang magkasintahan.

 

 

Sa caption ng mahusay na aktres, damang-dama ang nag-uumapaw na kasiyahan, “My heart is overflowing with Joy [red heart emoji]

 

 

“Perfectly Matched [three ring emojis].”

 

 

Matatandaan na nag-comment ang sister ni Ria na si Gela Atayde matapos ang proposal ni Zanjoe ng, “No I’m gonna cry again. Ily both.”

 

 

At sa kanyang Instagram Story, nagbilin si Gela sa brother-in-law to be na alagaang mabuti ang kanyang kapatid.

 

 

“Please take care of her, kuya @onlyzanjoemarudo [white heart emoji],” sey ni Gela.

 

 

Sa naging interview namin kay Sylvia sa 1st anniversary ng Beautederm Headquarte sa Angeles, Pampanga, isa sa naitanong namin ay kung handa na ba ang pamilya Atayde sa isa pang bonggang kasalan.

 

 

“Hindi ko alam kay Zanjoe, kay Zanjoe yan,” sambit niya.

 

 

“Nasa kanya yun, wala sa akin. Hindi ko para pangunahan si Zanjoe, maghihintay ako, kung ano ang gusto nilang dalawa. Sila yan eh, bilang nanay o magiging mother-in-law, ayaw kong makialam, ayokong pasukin ang relasyon nila, bahala sila.

 

 

“Basta ito ang sasabihin sa inyong lahat, mahal ko Maine (Mendoza) at mahal si Zanjoe, napakabait nilang dalawa.”

 

 

At kapag naging lola na raw, sa anak man nina Ria o Arjo, ang gusto niyang itawag sa kanya ng magiging apo ay ‘Mommy La’.

 

 

Marami pa ring celebrity friends at netizens ang bumati sa engagement nina Ria at Zanjoe.

 

 

Pinuri rin ng netizens si Sylvia dahil nakikita nila ang pagiging mabait na mother-in-law.

 

 

“Kung ganito lahat ng mother-in-law, this world will be a better place [three red heart emojis].”

 

 

“Ms. Sylvia, Zanjoe is so lucky you are such a good and loving mother-in-law, congratulations.”

 

 

“Inantay ko talaga un post mo mam, you are such a loving and sweet mom to your kids.”

 

 

“Pag kagaya ni Ma’am Sylvia magiging biyenan mo napaka-suwerte mo na [heart eyes emoji] Congratulations to the newly engaged couple.”

 

 

“Congrats… Swerte ng mga anak ni madam Sylvia ang bait nyo po.”

 

 

“Parang napakasarap maging mother-in-law ni Ms. Sylvia.”

 

 

“Sana all ganito ang mother-in-law.”

 

(ROHN ROMULO)

Pwedeng maging responsableng gamer sa DigiPlus

Posted on: February 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAIIGTING ng DigiPlus Interactive Corp. (DigiPlus), operator ng mga nangungunang digital platform gaya ng BingoPlus, ArenaPlus, at PeryaGame, ang tawag para sa responsableng mga gawi sa gaming, sa gitna ng pag-iimbita nito sa mga costumer na sumali sa kapana-panabik nitong mga handog.

 

 

Bilang pinakamabilis na grupo ng digital entertainment sa bansa, hatid ng DigiPlus ang walang humpay na saya at laro, subalit kung may kasamang pera, alam nitong kailangan ng lebel ng kontrol sa sarili upang makamit ang pinakapositibong karanasan sa paglalaro.

 

 

Ayon sa Association of Certified Gaming Compliance Specialists (ACGCS), “Responsible gaming is the practice of gambling in a way that minimizes the potential negative effects that it can have on individuals and society.” Sang-ayon dito si Andy Tsui, Presidente ng DigiPlus, at ayon sa kaniya, isa sa mga pundasyon ng kanilang negosyo ang responsableng paglalaro.

 

 

“DigiPlus works to ensure that the necessary and vital regulations PAGCOR sets for gaming companies in the Philippines are strictly observed.” Gayunpaman, hangad ni Tsui na marunong din ang mga customer ng DigiPlus pagdating sa pagiging responsable sa kanilang paglalaro, sa paraang dama pa rin ang ang aliw at saya sa kanilang mga nilalaro.

 

 

May ilang mga paraan para mapanatili ang malusog at positibong relasyon sa paglalaro. Narito ang ilang mga tip na hango sa mga payong bigay ng Responsible Gaming Council (RGC):

 

 

 

Magtakda ng limitasyon. Kung naglalaro, magtakda ng limitasyon sa dalawang bagay: budget at oras. Bago maglaro, magsimula na mayroong istriktong budget.

 

 

Huwag itaya ang perang hindi mo kayang mawala sa iyo, at huwag ding mangutang para lamang sa paglalaro. Kasabay nito, ang pagdedesisyon ng malinaw na oras at iskedyul para sa mga sesyon ng paglalaro ay makatutulong upang maiwasan ang sobra-sobrang paglaan ng panahon dito.

 

 

Maglaro ayon sa iyong makakaya upang hindi nito punan ang malaking espasyo ng iyong buhay. Maglaro lamang nang may malinaw na isip. Bantayan ang iyong mental at pisikal na estado bago magsimula sa paglalaro. Huwag sumugal kung malungkot o may nararamdamang stress dahil maaapektuhan nito ang iyong pagdedesisyon.

 

 

Limitahan din ang pag-inom ng alak kapag naglalaro. Panatilihing kalmado at malinaw ang isip sa lahat ng pagkakataon. Nakatutulong din ang pagpapahinga. Lumayo sa gaming table o phone kung minsan, at gumalaw-galaw bago bumalik sa paglalaro.

 

 

 

Huwag ‘habulin’ ang iyong mga pagkatalo. Palaging lumahok sa mga laro na handang mawala sa iyo ang pera na itataya. Ang mga laro sa mga DigiPlus at sa BingoPlus, ArenaPlus, at PeryaGames apps ay nakataya sa tsansa, kaya walang garantiya na maibabalik ang iyong mga bayad. Iwasan ang tinatawag na “sunken cost syndrome” kung saan hindi tumitigil sa pagsubok na makakuha ng positibong resulta, lalo’t dulot lamang nito ang paglalabas ng maraming pag-aari sa iisang layunin.

 

 

Maging disiplinado sa iyong budget at handa na tanggapin ang mga natalo at nawala. Umaasa si Andy Tsui na kung seseryosohin ng mga customer ng DigiPlus ang mga gabay na ito, magiging positibo ang kanilang karanasan sa paglalaro. “DigiPlus endeavors to strictly implement PAGCOR-approved regulations and guidelines as customers use our gaming facilities. This way we are confident that we can create safe spaces for them to have fun and enjoyment at all times.” (Rohn Romulo)

Kaya iwas na mag-comment tungkol kay Atong Ang: SUNSHINE, ‘di na comfortable na pinag-uusapan ang lovelife

Posted on: February 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HANGGANG ngayon at kahit anong pamimilit ay iniiwasang magbigay ng anumang komento o pahayag ni Sunshine Cruz hinggil sa isyu sa kanilang dalawa ng businessman na si Atong Ang.

 

“Kuya Jimi sorry late reply. Nasabi ko sa mga past interviews na hindi ako comfortable na pinag-uusapan pa ang lovelife ko.

 

“After Macky nangako ako sa sarili ko na hindi na dapat pa nalalaman ng iba ang personal ko,“ padalang mensahe ng magaling na aktres sa amin. May mga nakarating pang balita sa amin na super tiyaga raw sa panliligaw si Atong Ang kay Shine.

 

Ang sabi pa nga ng mga netizen na huwag na raw sana siyang maging choosy at kung ibang aktres pa raw yan ay malamang sinunggaban na raw ng mga ito ang mayamang negosyante. Pero may mga malalapit naman kay Sunshine ang nagbanggit sa amin na ayaw ding magbigay ng anumang pahayag tungkol sa naturang isyu.

 

Hindi raw sila naniniwala na ang nilipatang bagong bahay ngayon ni Sunshine at mga anak niya ay bigay ni Atong Ang.

 

Sa sipag nga naman ni Sunshine at sa walang tigil na buhos ng mga biyayang ibinigay sa kanya ay walang dudang kayang-kaya ng premyadong aktres na makapagpagawa ng isang mansion, huh! At sa totoo lang din naman ay mas maliit sa una nilang bahay ang nilipatan ni Shine at ng tatlo niyang equally beautiful girls.

 

And take note, wala sa isang mamahaling subdivision ang bahay ni Sunshine ngayon na taliwas sa sinasabing kung si Atong ang magre regalo ay tiyak nasa isang kilala at mamahaling subdivision yun, huh!

 

***

 

STILL on Sunshine Cruz, siya ang ginawaran bilang Remarkable Woman of Inspiration and TV Actress of the Year ng Global Trends business leaders awards na ginanap sa Okada hotel nung Martes pero hindi siya nakarating.

 

May prior appointment na raw si Sunshine at hindi naman kaagad siya sinabihan at huli na raw niyang natanggap ang invites. “Hi Kuya Jimi, sorry kahapon lang nagsabi sakin ang management ko. May commitment na ako na natanguan tonight.”

 

Gustong-gusto raw talaga na pumunta ni Sunshine at makapagpasalamat ng personal sa mga taong namamahala ng awards, pero hindi na nagawan ng paraan. “So sorry talaga. It wasn’t sent to ALV management earlier. Sana po napuntahan at nakapag-prepare ako,” sey pa niya. “Please tell them sobrang salamat po. Too bad late na po ako nasabihan.

 

 

May prior commitment po kasi ‘di na ma-cancel,” karagdagang paliwanag pa ni Sunshine.

(JIMI C. ESCALA)

Pinas, masusing nakasubaybay sa US presidential race — Amb. Romualdez

Posted on: February 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
MAHIGPIT na nakasubaybay ang Pilipinas sa US presidential para kagyat na makita ang anumang pagbabago sa liderato bilang oportunidad na baguhin ang pagpapalakas ng alyansa sa pagitan ng dalawang bansa.
Pinaigting naman ang security engagements sa pagitan ng defense treaty allies sa ilalim ni US President Joe Biden at sa counterpart nito na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama ang ibang lider na masigasig na kontrahin ang nakikita nitong agresibong aksyon ng Tsina sa South China Sea at kalapit na Taiwan.
Ang Pilipinas, dating US colony, ay itinuturing na closest ally ng Washington sa Southeast Asia at ang proximity nito sa Taiwan ay mahalaga sa pagsisikap ng Estados Unidos na kontrahin ang pananalakay ng Tsina sa democratic island na sa tingin nito ay kanilang sariling teritoryo.
“The only challenge that we face, especially for us in the embassy in Washington DC, is what happens in November. It’s a concern for every country who would be the next president … everybody is preparing for that,” ayon kay Ambassador Jose Manuel Romualdez.
Sinasabing maaaring harapin ni Biden si Donald Trump, Republican frontrunner para maging presidential candidate ng partido, sa isang rematch sa presidential election sa Nobyembre.
“Any change is always something that we welcome,” dagdag na pahayag ni Romualdez.
“It gives us an opportunity to renew what we’ve already been saying, that our relationship with the United States is an important one, we value it, and we really hope that this is the same feeling that they have for us,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Ads February 24, 2024

Posted on: February 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Inaming magkapangalan sana sila ng Megastar: JANICE, hiyang-hiya kay SHARON nang mag-apologize dahil kay GABBY

Posted on: February 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA latest YouTube vlog ni Snooky Serna, binalikan nga ni Janice de Belen ang paghingi ng tawad sa kanya noon ni Sharon Cuneta sa national television at ang pagso-sorry ni Gabby Concepcion nang muli silang magkatambal sa pelikula.

 

 

Ayon kay Janice, hinding-hindi raw niya makalilimutan ang paghingi ng paumanhin sa kanya noon si Sharon dahil kay Gabby.

 

 

Parehong ngang naging bahagi ng buhay nina Sharon at Janice si Gabby.

 

 

Aminado naman ang premyadong aktres na ‘first love’ niya si Gabby na noong 1984 ay naging asawa naman ni Sharon, nagkaroon ng anak na si KC Concepcion at alam naman ng lahat na maghiwalay din makalipas ang ilang taon.

 

 

Sa “Pick A Name” game ang unang pangalan na nabunot ni Janice ay si Sharon.

 

 

Kinuwento niya na dapat daw ang original name niya noong ipinagbubuntis pa lang siya ng mommy niya, Sharon dapat ang ipapangalan sa kanya.

 

 

“Can you imagine kung nangyari yun,” natatawang sambit niya.

 

 

“Hindi ko alam kung bakit last minute, napalitan.”

 

 

At dito na nga niya naikuwento na nagkaroon din sila ng isyu dahil kay Gabby.

 

 

“Siyempre, nagkaroon kami ng konting issue because of Gabby. Nu’ng natapos na rin kami ni Gabby, parang tapos na rin yon.

 

 

“Pero okay naman kami. I mean, we see each other, we’re fine, we’re okay, we have no problems.

 

 

“And I remember, si Sharon actually apologized on TV, na nahiya ako kasi parang feeling ko, sobrang liit na bagay para mag-apologize siya.

 

 

“But she did apologize. Na-appreciate ko yon. Pero nahiya ako doon kasi hindi ko alam kung bakit kailangan niyang mag-apologize, wala naman iyon.

 

 

“But, you know, we’re okay. We’re okay,” pagbabalik-tanaw pa ni Janice.

 

 

Hindi rin niya makalilimutan ang ginawa ni Sharon noong ipinagbubuntis niya si Luigi Muhlach, ang love child nila ni Aga Muhlach.

 

 

“When I was pregnant with Luigi, siguro dahil alam nga niya nung time na pregnant ako dun sa first ko, siyempre big deal yon.

 

 

“Laman ako ng lahat ng kuwentuhan ng mga Marites nung time na yon, pati nung church laman ako noon.

 

 

“She was very supportive. She sent me flowers and sent me a letter. So, na-appreciate ko yun,” kuwento pa niya.

 

 

Next niyang nabunot at si Maricel Soriano, at agad sinabi ni Janice na nasampal din siya ng bonggang-bongga sa movie nila na ‘Babaeng Hampaslupa’.

 

 

Pero pagbabahagi naman ni Snooky, mas malala ang sampal na inabot niya kay Marya sa ‘Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin’ at gumulong-gulong pa sila isang sementeryo.

 

 

After Sharon and Maricel, si Gabby ang nabunot ni Janice.

 

 

Nilinaw niya na maayos ang paghihiwalay nila at friends pa rin sila until now.

 

 

“Alam na natin yan. E, yan naman ang first love ko, di ba? It’s just nice because after all those years, Gabby and I are friends,” say ng aktres.

 

 

“Minsan pagkukuwentuhan namin ‘yung past, lolokohin ko pa siya, and, you know, game na game siya.

 

 

“So, wala akong galit whatsoever kay Gabby because we’re friends. Okay kami, yung walang drama. May closure and we’re really okay.”

 

 

Dagdag pa niya, “And you know, after what happened to us when we were doing ‘Rosenda’, he apologized to me. Sabi niya sa akin, ‘Whatever hurt I caused you, I wanted to say I’m sorry.’”

 

 

Proud na proud naman si Janice sa anak nila ni John Estrada na si Kaila Estrada, na pinupuri na rin bilang baguhang aktres, lalo na sa kanyang pagganap sa ‘Linlang’.

 

 

“I remember, minsan napanood ko siya, sabi ko sa kanya, ‘magaling ka pala anak?'”

 

 

Kuya Mayor naman ang tawag niya kay Herbert Bautista, pero hindi raw niya naramdaman na niligawan siya ni Bistek, dahil kapatid nga ang turing niya.

 

 

Marami pang napag-usapan sina Snooky at Janice na malapit nang mapanood sa ‘What’s Wrong with Secretary Kim’ starring Paulo Avelino and Kim Chiu.

 

(ROHN ROMULO)

NABIGAY ng ayuda sa mga mangingisdang Navoteño ang tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez at Tingog Party List

Posted on: February 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NABIGAY ng ayuda sa mga mangingisdang Navoteño ang tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez at Tingog Party List sa pangunguna ni Rep. Yedda Romualdez at Rep. Jude Avorque Acidre. Nasa 1000 benepisyaryo ang nabigyan ng tig-P5000 sa ilalim ng AICS habang 50 naman ang nabigyan ng 22-footer na bangka na mayroong 16hp engine, lambat, at underwater fittings. Nagpasalamat naman kay House Speaker Romualdez at sa Tingog Party List sina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco sa pagbibigay nila ng tulong sa mga mangingisdang Navoteño. (Richard Mesa)

Aminadong gumaan ang pakiramdam: POKWANG, masaya na lilisanin na ng dating asawa na si LEE ang ‘Pinas

Posted on: February 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments
MASAYANG ikinuwento ng Kapuso aktres at komedyanang si Pokwang na tuloy na tuloy na raw na lilisanin na ng dating asawang si Lee 0’ Brian. 
Sey pa ni Ms. P. na sa wakas daw ay lalayasin na ng ama ng anak niya ang bansang Pilipinas.
“Well, at least gumaan ang loob ko at I’m so happy na rin kasi aalis na sIya sa susunod na buwan,” napatawang kuwento pa niya
Napatawa pang dagdag ni Pokwang na kung hindi pa raw aalis ng Pilipinas si Lee ay nakaabang na raw si Senator Tulfo at ang Violence against Women and Children (VAWC).
Kumbaga dahil sa reklamo ni Pokwang sa dating asawa ay maaari siyang damputin at ikulong ng nasabing ahensiya ng ating gobiyerno.
At kung hindi aalis si Lee ay hihimasin niya ang rehas na bakal ng kulungan.
Sa panayam kay Pokwang ay nakarating daw sa kanya na naghahanda nang umalis sa Pilipinas ang dating asawa
**”
MAGKAKAROON ng film festival sa Maynila sa taong Ito.
Ito pahayag ni Mayor Honey Lacuna sa kanyang ‘Usapang Maynila’.
Ayon kay Mayora Honey ay tatawagin itong “The Manila Film Festival 2024”.
Kasabay na ring pinanawagan ng alkalde ang lahat ng student film makers na nasa edad ng 18 years old paraan na magsumite na lumahok sa TMFF 2024.
Dagdag pang pahayag ng kasalukuyang ina ng Maynila na ang TMFF 2024 ay parte ng programa ng city government thru the Deo of Tourism Culture and the Arts (DTCAM) na kung saan pinamumunuan ni Sir Charlie Dungo na isa rin sa rin sa tumutulong sa yearly events ng Archdiocesan Shrine of Santo Niño sa Tondo.
Kay Mr. Dungo na rin iniasa ng alkalde ang muling maging aktibo at buhayin muli ang Maynila bilang isang “lively at creative hub” para sa cinema.
Inihayag pa rin ni Mayora Honey na magkaroon din ng awarding ng “Gawad Maynila” film grant para sa mapipillng promising Filipino independent filmmakers.
Para sa interesado ay i-submit agad ang kanilang short film entries hanggang Feb. 29, 2024 ang itinakdang deadline ng short films para sa TMFF.
Maaring bisitahin ang www.themanilafilmfestival.cơm .
Dagdag pahayag pa rin ni Sir Charlie ay bukas ang festival para sa mga bonafide students mula sa pribado at pampublikong state universities ng buong bansa.
Ang theme ng TMFF 2024 ay ipagdiwang ang siyudad bilang “City of Infinite Possibilities and a Thousand Tales”.
Speaking of Manila, from a source na malapit kay Sen. Imee Marcos na malamang daw iinumpirma nito sa smin ang pagtakbo bilang alkalde ng siyudad sa darating na election.
Kahit may mga pag+uusap daw sa pamamagitan ng kampo ng nakaupong city mayor at ng mga staff ni Sen. Imee ay itutuloy pa rin daw ng huli ang matagal na rin palang balak ng senadora na maupong Ina ng Maynila, huh!
Well, lalaban pa rin kaya si Isko Moreno na halos lahat ng mga nakausap namin mga taga-Maynila ay umaasang si Yorme uli na ang susunod na mayor?
(JIMI C. ESCALA)