• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 9:10 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2024

PBBM pinagtibay na ang 2 mahalagang batas ang Tatak Pinoy Act at Expanded Centenarian Act

Posted on: February 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAGTIBAY na ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang dalawang mahalagang batas ang Tatak Pinoy Act at ang Expanded Centenarian Act na layong bigyan ng dagdag benepisyo ang mga senior citizen.

 

 

Ito’y matapos lagdaan kaninang umaga ng Punong Ehekutibo ang dalawang panukala.

 

 

Kabilang sa nilagdaan ng Pang. Marcos ang Republic Act 11982 o Grantin Benefits to Filipino Octogenarians and Nonagenarians.

 

 

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, layon ng nasabing batas na iparamdam sa mga senior citizens ang suporta ng gobyerno sa kanilang sektor sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansiyal habang sila ay nabubuhay sa edad na 80 anyos, 85, 90 at 95-anyos.

 

 

Nasa P10,000 ang cash assistance na matatanggap ng mga seniors batay sa mga nabanggit na edad.

 

 

Ganap na ring batas ang Tatak Pinoy Act o ang RA 11981 na layong magpapalakas sa industrialization ng bansa.

 

 

Sinabi ng Pang. Marcos sa ilalim ng nasabing batas, higit pa sa branding exercises ang itataguyod kundi ang pagpapalakas sa pamumuhunan sa mga produktong Filipino na talagang maipagmalaki na gawang Pinoy o trademark ng Pilipinas.

 

 

Samantala, hindi natuloy ang paglagda sa isa pang panukala ang Magna carta para sa Seafarers Act.

 

 

Ayon kay Sec Garafil patuloy pa na nirerebyu ng Pangulo ang nasabing panukala. (Daris Jose)

JAMES WAN AND JASON BLUM, POWERHOUSE TEAM-UP BEHIND “M3GAN,” ARE BACK WITH SUPERNATURAL THRILLER “NIGHT SWIM,” NOW SHOWING IN CINEMAS

Posted on: February 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

In 2014, director Bryce McGuire made Night Swim, an acclaimed five-minute short shot in the backyard of Grammy-winning musician Michelle Branch and featuring actress Megalyn Echikunwoke (Fox’s Almost Family) as a young woman who goes missing in her own pool when an evening swim leads to a close encounter with something creepy. 

 

 

 

The short made a splash on YouTube and among its many fans was Judson Scott, executive vice president at Atomic Monster, who then recommended the short to Atomic Monster founder and horror master James Wan. “It was abundantly clear from watching the short that Bryce was a gifted filmmaker with a command of craft and tone,” Wan, co-producer for Night Swim the movie, says. “The story it told was so mysterious and evocative, and Bryce had a compelling vision for how it could be turned into something bigger, stranger and scarier while also being emotionally resonant.”

 

 

 

Says Jason Blum, whose fan favorite Blumhouse Productions produced the film, “What I liked about Bryce’s script was how it fleshed out the premise of a ‘spooky swimming pool’ in a credible, relatable, emotional way that felt contemporary and relatable yet classical at the same time.” Blum co-produced the film with Wan, a similar team-up they did for the blockbuster smash M3GAN (2022).

 

 

 

Night Swim takes the most banal pleasure of suburban life and transforms it into a wellspring of demonic evil in a movie that combines the style, impishness and wicked world-building that audiences have come to expect from horror film powerhouses Jason Blum and James Wan, with the eerie vibes and emotional resonance of classic eighties-era chillers like Poltergeist and Pet Sematary.

 

 

 

Watch the trailer: https://youtu.be/hgnUYV330cA?si=I447yv_uA3Bt25du

 

 

 

Why the pool?

 

“The pool represents status, diversion, fun,” director McGuire says. “It’s sexy; it’s seductive,

and that’s what makes it deadly. The colors are rich and vibrant; the cool glowing turquoise

water invites us like a siren call. But in the water, when the lights go out, it feels big. I also

loved the idea of tapping into the universal memories we all have with the pool from our

childhoods – reaching into the drain flap, skimming out dead bugs from the surface, getting

your leg caught in the pool cleaner tube, playing Marco Polo – and turning these memories

into unique scares. I would always say on set, ‘I want to smell the chlorine.’ I hope people

smell the chlorine when they watch this movie on a big screen.”

 

 

 

Night Swim, produced by horror powerhouses James Wan and Jason Blum and distributed by Universal Pictures International, is now showing in cinemas. #NightSwimMovie

 

 

 

Follow Universal Pictures PH (FB)UniversalPicturesPH (IG) and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates on Night Swim.

(ROHN ROMULO)

Kampanya laban sa terorismo paiigtingin pa ng gobyerno – PBBM

Posted on: February 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na lalo pang palalakasin ng gobyerno ang kampanya nito laban sa teroristang grupo na patuloy na naghahasik ng karahasan.Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos binigyang pugay ang anim na sundalo na nasawi sa enkwentro laban sa teroristang Dawla Islamiyah sa Lanao del Norte.

 

 

Sinabi ng Pangulo kailanman hindi makakalimutan ang ipinakitang katapangan,kadakilaan at kabayanihan ng anim na sundalo na inalay ang kanilang buhay sa ngalan ng kapayapaan.

 

 

Siniguro ng Presidente na hindi masasayang ang ipinaglaban ng mga nasawing sundalo dahil ipagpapatuloy ng gobyerno ang kanilang laban at sisiguraduhin na mananagot ang mga kalabang ito sa batas.

 

 

Pangako ng Pangulo na makakatanggap ng karampatang tulong mula sa gobyerno ang mga naulilang pamilya ng mga nasawing sundalo.

 

 

Inatasan din nito ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na paigtingin pa ang kampanya laban sa terorismo.

 

 

Kasalukuyang nagpapatuloy ang manhunt operation ng 1st Infantry Division ng Philippine Army. (Daris Jose)

Nananatiling nirerebisa pa: Magna Carta of Seafarers, hindi nilagdaan ni PBBM

Posted on: February 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAUDLOT ang paglagda sana sa panulakang Magna Carta of Filipino Seafarers, araw ng Lunes dahil sinabi ng Malakanyang na kailangan pa itong rebisahing mabuti.

 

 

Hangad ng Magna Carta of Filipino Seafarers na ayusin ang karapatan at responsibilidad ng mga seafarers o madaragat at magtatag ng mekanismo para sa proteksyon ng karapatan ng mga seafarer at paano sila hihingi ng tulong at lunas mula sa mga ahensiya ng pamahalaan.

 

 

Nauna rito, sa isang liham mula sa Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) para sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, nakasaad dito na nakatakdang lagdaan ng Pangulo ang Magna Carta of Filipino Seafarers sa isang ceremonial signing sa Palasyo ng Malakanyang, ngayong araw ng Lunes, Pebrero 26.

 

 

Tanging ang Republic Act 11981, o Tatak Pinoy Act, at Republic Act 11982, nagkakaloob ng benepisyo sa mga Octogenarians and Nonagenarians ang dalawang batas na nilagdaan ng Pangulo.

 

 

“Under further review,” ang sinabi naman ni PCO Secretary Cheloy Garafil nang tanungin kung bakit hindi nakasama ang Magna Carta of Filipino Seafarers sa mga nilagdaang batas ng Pangulo.

 

 

Matatandaang sinertipikahan ng Pangulo ang batas na ito bilang urgent noong Setyembre ng nakaraang taon, naglalayon ito na tiyakin na ang mga Filipino seafarers ay patuloy na magkakaroon ng kalamangan mula sa kanilang foreign counterparts sa pamamagitan ng pagsasanay at akreditasyon.

 

 

Sakop nito ang mga Filipino seafarers “who are employed or engaged or work in any capacity onboard foreign-registered ships and Philippine-registered ships operating internationally.”

 

 

Hangad ng batas na tugunan ang kakulangan sa domestic laws vis-a-vis sa pagsunod ng bansa sa international maritime standards at rights and welfare ng mga seafarers.

 

 

“This is to address recurring deficiencies in the domestic laws pertaining to the training and accreditation of thousands of Filipino seafarers, which endanger their employment in the European market in particular, and the global maritime arena, in general,” ayon sa PCO. (Daris Jose)

Ads February 27, 2024

Posted on: February 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Planong gumawa ng sariling YouTube channel para madetalye: DIEGO, naging open sa mga pinagdaanan nang magpa-rehab

Posted on: February 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DOBLE ang pagdiriwang nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva dahil bukod sa kaarawan ng aktres, ibinalita rin sa kanila na extended ang pinagbibidahan nilang GMA Afternoon Prime series na ‘Makiling’.

 

 

 

Ipinagdiwang nina Derrick at Elle ang kaarawan ng dalaga sa Batangas.

 

 

 

“This time kasama ko si Derrick pati si mommy, pumunta kami ng Anilao, nag-freediving kami roon. Sobrang na-enjoy namin,” sey ni Elle.

 

 

 

“‘Yun talaga kasi ‘yung gusto ni Elle dito ‘pag birthday niya, or kahit na gusto lang niyang mag-relax, gusto talaga niya ng beach,” sabi naman ni Derrick.

 

 

 

Nagsilbing birthday gift para kay Elle ang extension ng ‘Makiling’.

 

 

 

“Kahit kami nabibitin kami. Gusto pa namin ng more story, more character arch. Gusto pa naming ituloy ‘yung show, magbigay ng mas malalim na storya pa,” sey ni Elle.

 

 

 

Dahil dito, handa na sina Derrick at Elle sa mas matinding dramahan, gantihan at aksyon ngayong extended ang kanilang series.

 

 

 

“Sinabi sa akin palalagyan nila talaga ako ng mas marami pang maaakysong scene kasi, bagay naman daw sa akin, hindi naman awkward. Wow, thank you po for the compliment.

 

 

 

“Yung magkaroon kami ng eksenang action na dalawa ni Derrick, maglalaban kami,” natatawang biro naman ni Elle sa mga inaasahan niyang eksena,” sey ni Derrick.

 

 

 

***

 

 

 

NAGING open na si Diego Loyzaga sa kanyang naging experience noong sumailalim siya sa rehabilitation.

 

 

 

Ito raw ang nakapagbago sa kanya after ng kanyang pagtangkang mag-suicide.

 

 

 

“I did go to rehab. I was very, very, depressed. I was in the brink of suicidal. I will not deny that substances had a part to play with my mental state. They don’t help eh, hindi siya nakakatulong.

 

 

 

“If you’re already a person with a problem, meron kang pinagdadaanan and there’s other substances, other factors that are pulling you down, it’s a hard bit to crawl out of,” sey ni Diego.

 

 

 

Para hindi raw mag-relapse, ginagawa niyang kausapin ang kanyang counselors lalo na kapag nagkakaroon siya ng urge na balikan ang dating bisyo.

 

 

 

“Every single day I still talk to my counselors, I’m still in touch with my kuyas and ates from rehabilitation, and they are still monitoring me. All the time I’m still very open with them,” sey ni Diego na walong buwan na nasa loob ng rehab facility at hindi raw nakita ang kanyang pamilya hanggang naging handa siya physically and mentally.

 

 

 

Isa sa mga plano ni Diego ang gumawa ng kanyang sariling YouTube channel para madetalye niya ang kanyang mga pinagdaanan at paano siya nabago ng rehabilitation bilang tao.

 

 

 

***

 

 

 

ANG pelikulang ‘Oppenheimer’ at and TV shows na ‘Succession’ and ‘The Bear’ ang big winner sa 30th annual Screen Actors Guild Awards aired live on Netflix.

 

 

 

Samantala, ang legendary singer-actress-director and producer na si Barbra Streisand ang ginawaran ng SAG Life Achievement Award.

 

 

 

Here are the winners…

 

Outstanding Performance by a Cast in a Motion Picture: Oppenheimer

 

Outstanding Performance by a Male Actor in a Leading Role: Cillian Murphy (Oppenheimer)

 

Outstanding Performance by a Female Actor in a Leading Role: Lily Gladstone (Killers of the Flower Moon)

 

Outstanding Performance by a Male Actor in a Supporting Role: Robert Downey Jr. (Oppenheimer)

 

Outstanding Performance by a Female Actor in a Supporting Role: Da’Vine Joy Randolph (The Holdovers)

 

Outstanding Performance by an Ensemble in a Drama Series: Succession

 

Outstanding Performance by an Ensemble in a Comedy Series: The Bear

 

Outstanding Performance by a Male Actor in a Television Movie or Limited Series: Steven Yeun (Beef)

 

Outstanding Performance by a Female Actor in a Television Movie or Limited Series: Ali Wong (Beef)

 

Outstanding Performance by a Male Actor in a Drama Series: Pedro Pascal (The Last of Us)

 

Outstanding Performance by a Female Actor in a Drama Series: Elizabeth Debicki, The Crown)

 

Outstanding Performance by a Male Actor in a Comedy Series: Jeremy Allen White (The Bear)

 

Outstanding Performance by a Female Actor in a Comedy Series: Ayo Edebiri (The Bear)

 

Outstanding Action Performance by a Stunt Ensemble in a Motion Picture: Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One

 

Outstanding Action Performance by a Stunt Ensemble in a Television Series: The Last of Us

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

NAVOTAS hospital magdadagdag ng libreng dialysis sessions

Posted on: February 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAS pinalakas pa ng Navotas City Hospital (NCH) ang kapasidad nitong magbigay ng libreng dialysis treatment, kasunod ng basbas ng walong bagong hemodialysis machine.

 

 

Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Vice Mayor Tito Sanchez at ang mga konsehal ng lungsod ang pagbabasbas ng mga dialysis unit sa NCH.

 

 

Mula sa 15, ang city hospital ay maaari na ngayong tumanggap ng 21 session bawat araw para sa mga non-infectious na pasyente. Ang isang makina o tatlong sesyon ay inilaan para sa mga may mga nakakahawang sakit.

 

 

“We seek to provide the best possible medical services that’s why we also strive to keep our equipment and facilities in top shape,” ani Mayor Tiangco.

 

 

“However, more than giving them these services, we want Navoteños to take good care of their health to avoid contracting lifestyle diseases and undergoing treatments,” dagdag niya.

 

 

Ang mga miyembro ng Philhealth ay maaaring maka-avail ng hanggang 156 na libreng hemodialysis session bawat taon. Bago maabot ang limitasyong ito, ang mga pasyenteng Navoteño ay nakatala sa pambansa at lokal na mga programa sa tulong medikal upang makatulong na mabayaran ang P2,600 na halaga bawat sesyon.

 

 

Ang mga pasyente ay gumagamit ng dalawa hanggang tatlong dialysis treatment kada linggo.

 

 

Upang maisama sa listahan ng mga benepisyaryo, ang mga pasyente ay dapat masuri ng isang nephrologist o internal medicine na doktor na naka-duty at bigyan ng kaalaman tungkol sa dialysis treatment protocols, policies, treatment schedules, at iba pa.

 

 

Unang binuksan sa publiko ang hemodialysis unit ng NCH noong 2017. (Richard Mesa)

Kahit nag-‘yes’ ay hahayaan pa rin na rumampang mag-isa: BEAVER, kinikiligan ang super effort na promposal kay MUTYA

Posted on: February 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAGHANDAAN talaga ni Beaver Magtalas ang kanyang second ‘promposal’ kay Mutya Orquia, na leading lady niya sa pelikulang “When Magic Hurts” na malapit nang ipalabas sa mga sinehan.

 

 

Nakita naming nakalagay sa program na may ‘special announcement’ na magaganap at pagkatapos ng mediacon ng movie, may mangyayari nga.

 

 

Nag-duet muna sina Beaver at Mutya ng ‘Got To Believe In Magic’, na kumpirmadong gagamitin bilang movie theme song.

 

 

Kasunod nito ang paandar ni Beaver, na kung saan nagmistulang Cinderella si Mutya at Prince Charming naman siya, dala-dala ang kumikislap na sapatos, para isuot kay Mutya.

 

 

Kasunod nga ang paghingi ng permiso kung puwede siyang maging ka-date sa upcoming Star Magical Prom.

 

 

Nagtampo pala si Mutya kay Beaver, dahil nagsabi na ito sa binata na gusto niyang rumampang mag-isa sa Star Magical Prom.

 

 

Kaya laging gulat niya nagplano pa rin si Beaver ng promposal na tinaon talaga niya sa presscon ng movie nila.

 

 

Nag-‘yes’ naman si Mutya, matapos na isukat ang bonggang shoes na dala ng kanyang ‘pre’ na gustung-gusto talaga siyang maka-date.

 

 

“I came here to asked the same question for the second time, Miss Mutya Orquia will you go at the Star Magic Ball with me?,” sambit ni Beaver.

 

 

Sabay pagpapalipad ng mga butterfly at pagtugtog ng ‘Paru-paro’ nanaq@g mag-yes si Mutya at paliwanag niya, “sa totoo lang, hindi ko alam,” sabay iyak niya.

 

 

“Sabi ko, malapit na akong magtampo, alam kasi niya, na ayaw ko eh (ng may ka-date). Pero in-explain niya, hindi ko naman siya matiis.

 

 

“Beaver is a good friend of mine. Pero ayon, sige, game! Thank you.”

 

 

Sagot naman ng baguhang aktor, “if i’ll make a request during the prom, I would also like to, if puwede po sana, if you would allowed to walk by yourself on a red carpet.

 

 

“But I will be there sa likod mo, of course. That would be my number one request and wish right now.”

 

 

Kaya naman napayakap si Mutya sa sobrang tuwa, dahil matutupad pa rin ang gusto niyang maglakad ng solo.

 

 

Dinenay naman ni Beaver na nililigawan na niya si Mutya, baka naman hihintayin pa niyang mag-18 ito sa May 3, saka niya ito gawin.

 

 

Kinilig naman si Mutya kahit paano sa super effort ni Beaver, pero kung ang proposal ay maging girlfriend, automatic daw na big ‘no’ ang isasagot niya.

 

 

Paliwanag niya, “may mga gusto pa akong gawin. Ayoko pa munang ma-distract at ayoko rin na hindi ko mabibigay ang time ko sa magiging boyfriend ko.

 

 

“For me kasi pag magbo-boyfriend ka o in a relationship ka, dapat ready ka na.”

 

 

Pareho pala sila ni Beaver na hindi pa sila nagkakaroon ng relasyon, and if ever, first time nila pareho ito.

 

 

Samantala, bukod sa lead stars na sina Beaver at Mutya, makakasama rin sa ‘When Magic Hurts’ sina Claudine Barretto, Soliman Cruz, Dennis Padilla, Angelica Jones, Julian Roxas, Aileen Papin, Cassie Kim, Maxine Trinidad at marami pang iba.

 

 

Produced ito ng Rems Films Productions, mula sa panulat at direksyon ni Gabby Ramos.

 

(ROHN ROMULO)

Iran, bukas na palayain ang natitirang ST Nikolas crew sa oras na mapalitan-DFA

Posted on: February 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
PAHIHINTULUTAN ng Iran na palayain ang lahat ng crew members ng kinumpiskang ST Nikolas sa oras na dumating na ang kanilang kapalit na magbabantay sa barko.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may 17 mula sa 19 na orihinal na crew members ang nananatiling sakay ng ST Nikolas matapos palayain ang isang Filipino cadet nito lamang unang bahagi ng buwan at Greek cadet naman noong Enero.
Winika ni DFA Undersecretary Eduardo Jose de Vega na bagama’t nakadaong lang ang barko ay dapat na mayroon pa ring nakaistasyon na tripulante.
“Ito’y legal seizure according to the Iranian authorities ayon sa isang Iranian court order. In other words, ang trato sa kanila ay hindi hostages parang empleyado pa rin ng agency,” ayon kay de Vega.
Giit pa rin nito na legal na pagkumpiska ang ginawa ayon sa mga awtoridad ng Iran base na rin sa court order ng naturang bansa kayat ang trato sa mga crew ay hindi mga bihag kundi parang empleyado pa rin ng agency.
Para naman sa sahod ng crew na nagbabantay sa naturang barko, dinoble ng concerned manning agency ang kanilang mga sahod.
Hindi naman tinanggap ng Filipino cadet na pinalaya ang alok na double pay.
Sinabi naman ni De Vega na tinatayang 10 ang inaasahan na magbabalik sa oras na mapaso na ang kanilang kontrata sa halos isang buwan.
“Kapag tapos na ang contract puwede na umuwi at tinitiyak natin na mayroon silang substitute, sinasabi natin sa agency na huwag Filipino,”aniya pa rin.
“Papayagan naman ng Iranian authorities na umalis lahat kung may replacement sa barko,” dagdag na wika ni De Vega.
“ST Nikolas will remain in Iran’s custody until its court decides what it will do with it,” aniya pa rin. (Daris Jose)

TOP TEN CITIES SA NCR KINILALA NG ISANG NGO

Posted on: February 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
BINIGYANG pagkilala ng isang non governmental organization ang top ten cities sa National Capital Region pagdating sa usapin ng masinop na pananalapi.
Ayon kay Jose Esgaña, tagapangulo ng grupong CPAS-LEADGROUP Inc., napili ang sampung nangungunang lungsod batay sa pagsusuri na nakabase naman sa mga datos na nakalathala sa website ng Commission on Audit.
Nangunguna ang Quezon City na sinundan ng mga lungsod ng Valenzuela, Manila, Pasay, Marikina, Muntinlupa, Mandaluyong, Las Piñas, Navotas at Parañaque.
Paliwanag pa ng dating alkalde ng bayan ng Sta. Fe sa lalawigan ng Cebu, napili ang sampung lungsod batay sa criteria na Fund Utilazation base sa cash in balance, excess from revenue & expenses at presumptive spending to capital outlay o iba pang mga gastusin.
Paliwanag pa ni Esgaña, ang kanilang grupo ay naglalayon na ipabatid sa publiko ang kahusayan ng mga local government unit sa paghawak ng pondo ng bayan at sa tamang utilization o paggamit nito para sa mga basic services at development project.
Sa huli, sinabi ni Esgaña na ito ay panimula pa lamang dahil sa mga susunod na panahon ay kanila namang itataas ang antas ng pagkilala sa provincial level. (PAUL JOHN REYES)