• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 9:08 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2024

PBBM sa ‘BAGONG PILIPINO’ : ipagdiwang ang pagmamahal sa sarili sa Araw ng mga Puso

Posted on: February 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPAGDIWANG ang pagmamahal sa sarili ang “friendly reminder” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga “Bagong Pilipino” ngayong nalalapit na ang Araw ng mga Puso.

 

 

Sa short video message ng Chief Executive sa kanyang  official Instagram account, sinabi ni Pangulong Marcos na alam ng mga “Bagong Pilipino”  kung paano pangangalagaan ang kanilang sarili.

 

 

“Kaya’t ngayong Buwan ng mga Puso, ipagdiwang natin ang pagmamahal sa ating mga sarili,” ang sinabi ni Pangulong  Marcos habang nasa treadmill.

 

 

“Alagaan natin ang ating mga puso dahil walang ibang mag-aalaga diyan kung hindi ikaw lang, lalo na kung single ka,” ang paalala ng Punong Ehekutibo.

 

 

Samantala, ang Valentine’s Day sa Pebrero 14 ay hindi lamang pinagdiriwang ang Araw ng mga Puso kundi ito rin ay hudyat ng pag-sisimula ng pag-aayuno, pagsasakripisyo’t pinetensya.

 

 

Ang Ash Wednesday o may opisyal na pangalang Day of Ashes ay araw ng pag-aayuno at unang araw ng Lenten Season sa mga debotong katoliko at ilang relihiyon na naniniwala dito.

 

 

Ang abo ay ginagamit noong sinaunang panahon bilang tanda ng pighati. Kaya naman bilang tanda ng pagsisisi at pag-amin sa mga kasalanang nagawa. Ipinagpatuloy ng mga kristiyanong katoliko ang paggamit sa abo bilang palatandaan sa noo at minsan ay inilalagay sa ulo na umpisa na ng Miyerkules ng Abo. (Daris Jose)

Sobrang happy sa tagumpay ni Rhea at ng Beautederm: SYLVIA, matagal nang nagpaparinig kina RIA at MAINE na gusto ng magka-apo

Posted on: February 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGING matagumpay ang Chinese New Year (CNY) party ng negosyanteng si Rhea Anicoche-Tan kasama ang celebrity endorsers na pinangungunahan nina Ms. Sylvia Sanchez, Carlo Aquino at Sam Milby sa Beautéderm Headquarters sa Angeles City.

 

Sumuporta at nakisaya rin sa event sina Anne Feo, Ynez Veneracion, Councilor Ervic Vijandre, Jhaiho, Kimson Tan, Gillian Vicencio, Sunshine Garcia, Patricia Tumulak, Darla Sauler, DJ Chacha at si Alma Concepcion na nakatanggap ng bonggang regalo mula kay Ms. Rei.

 

Kasabay ng CNY celebration, nagbigay din ng tips for success si Tan habang ipinagdiriwang ang first anniversary ng 7-storey building na kung saan matatapuan ang mga negosyong tinatag ni Ms. Tan, ang Beautéderm, BlancPro, BeautéHaus, Beauté Beanery, at A-List Avenue.

 

Pahayag ni Rhea, “Do the things you love with strength. And when success comes, make an impact. That’s our mission — to boost consumer confidence and give back to the community.”

 

Dagdag ng sikat nang business magnate, “Be consistent. Hindi madali ang magtayo ng negosyo but you have to show up and be consistent. Always listen to your gut and people that genuinely love and support you. Huwag magmadali. It takes time.”

 

Sa tanong na ano ang kahulugan ng ‘success’ para sa kanya, sagot niya sa media, “When you see that the community you’re supporting thrives, I count that as personal success.”

 

Nagkaroon ng building tour kasama ang guests at celebrities. Ipinakita ng Beautéderm boss ang Beauté Beanery kung saan nag-o-offer ng premium coffee, drinks, at food items; ang BeautéHaus naman ay kilalang skin clinic kung saan nagpo-provide ng

 

beauty services and treatments; at ang A-List Avenue ay nagbebenta ng authentic high-end brands at designer labels.

 

Patuloy naman ang pamamayagpag ng Beautéderm at BlancPro sa market at plano pa nilang magdagdag ng products na safe at effective.

 

At sa 15th anniversary nito, kaabang-abang kung sinu-sino pang A-listers ang madadagdag sa kanilang endorsers.

 

Nominado rin ang nasabing beauty business sa 5th VP Choice Awards for Beauty Cosmetic Brand of the Year. Voting will start on March 5 to April 5.

 

Para sa iba pang detalye, bisitahin ang social media pages ng Beautéderm, BlancPro, BeautéHaus, Beauté Beanery, at A-List Avenue.

 

Available rin ang skincare products sa Shopee, Lazada, at TikTok.

 

***

 

SI Sylvia Sanchez nga ang kilalang face of Beautederm na nananatiling loyal sa company na kung saan magsi-celebrate na ito ng 15 years.

 

“Sobrang happy ako kay Rei, dahil matagal na kaming nagkasama. Sa kanya, pinapanood at tinitingnan ko lang siya.

 

“Pag may nakikita naman ako, sinasabi ko sa kanya na diretso at nag-uusap kami ng seryoso.

 

“Ngayon, haping-happy ako sa kanya. Tapos sabi ko sa kanya, ‘ang payat-payat mo na’. Nagpapa-sexy kasi siya, maganda na siya, kaya ‘wag na siyang magpapayat, tama na ‘yun.

 

“Ako dapat ang magpapayat, tapos si Rei Rei na ang endorser.

 

“Ganun ang naging relasyon namin at naging matibay ang samahan namin.”

 

Samantala, muling natanong si Ibyang tungkol sa pagkakaroon ng apo, na aminadong gustung-gusto na niya.

 

“Matagal na ‘yun, 52 na kasi ako,” say ng premyadong aktres.

 

“Pero wala namang lumalapit sa akin at sabihing, ‘mama magkaka-apo ka na’.

 

“Pero hindi naman ko naman sila pini-pressure, buhay kasi nila ‘yun. Kaya gusto ko mag-enjoy sila.

 

“Gusto ko kasi na magka-apo ako, na ready na silang magka-anak at hindi na sila magtrabaho. Yung relax na sila at aalagaan na lang anak nila.”

 

Matagal na raw siyang nagpaparinig kina Maine Mendoza at Ria Atayde.

 

“Ay oo, silang dalawa. Tine-text ko nga si Maine. Tapos sabi ni Ria, ‘chill lang mama’.”

 

Kitang-kita at ramdam na ramdam ni Sylvia kung gaano kasaya sina Congressman Arjo Atayde at Maine, ganun din si Ria sa piling ni Zanjoe Marudo.

 

Darating naman sa tamang panahon ang inaasam at ipinagdarasal na apo.

(ROHN ROMULO)

Ads February 13, 2024

Posted on: February 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Renewal of vows isasabay sa birthday niya: HEART, handa nang magkaroon ng sariling anak

Posted on: February 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA halip na isang bonggang birthday bash pala ay isang renewal of vows ang magiging selebrasyon ni Heart Evangelista sa Pebrero 14.

 

 

Sa sosyal na Balesin Island gaganapin ang double celebration na isang intimate na ganap at piling family members at friends lamang ang imbitado.

 

 

Lahad ni Heart, “This time around my heart is definitely complete. I was 30 when I got married. But it’s different now, I know what marriage is now, so it’s very meaningful for me.

 

 

Naging emosyonal si Heart Evangelista nang mapag-usapan ang pagiging ina niya sa kambal ng anak ng kanyang mister na si Senator Chiz Escudero na sina Chesi at Quino.

 

 

“I didn’t give them the gift of life but they gave me, you know, the feeling of really what love is and they really accepted me,” pahayag ni Heart.

 

 

Sinabi rin ng Kapuso actress na nais niyang magkaroon ng sariling mga anak at handa na siya.

 

 

“It’s so hard when you question yourself of all these things but when I look back at my life, you know, with the people, and the experiences I had, all the hardships of being alone, it makes sense now.

 

 

“And I feel like if there’s any moment that I should be blessed with a baby, it should be now because I feel like I’m ready as a person and I would be able to give more.”

 

 

***

 

 

MAY mga nilalang talaga na dapat tanggalan ng wi-fi o internet connection.

 

 

Tulad na lamang ng mga walang magawa kundi magkalat ng fake news at mambiktima ng mga artista.

 

 

Latest victim si Marian Rivera kung saan may isang inimbentong social media post na may kinalaman sa kanyang biyenan.

 

 

Pinost ito ng GMA Primetime Queen sa kaniyang Facebook page, ang screenshot ng nabanggit na pekeng social media post na may mukha at pangalan niya.

 

 

Edited diumano ang nakalagay na mga salita lalo pa nga at walang X account, na dating Twitter, si Mrs. Dantes.

 

 

“Hindi ko ‘to sinasabi bakit ba may mga taong hilig mag edit!!!  nakakarami na po kayo. tama na!,” as is na reaksyon ni Marian sabay pakiusap na tigilan na ang mga peke o manipulated posts.

 

 

As usual, matapos makapanggulo ng kung sino mang may gawa noon ay deleted na ang nasabing pekeng post.

(ROMMEL L. GONZALES) 

Ads February 10, 2024

Posted on: February 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Matapos hangaan at manalo sa ‘Firefly’: EUWENN, bibida naman sa teleseryeng ‘Forever Young’

Posted on: February 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BIDA na sa kanyang sariling teleserye ang 2023 MMFF Best Child Performer na si Euwenn Mikaell na ang titulo ay ‘Forever Young’.

 

 

Noong Lunes (February 5), nagkita-kita na ang cast ng ‘Forever Young” sa naganap nitong story conference at script reading. Kabilang sa cast sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, Lucho Ayala, at Anjo Damiles.

 

 

Kuwento ito ng isang 25-year old na lalake na si Rambo na na-trap sa katawan ng isang 10-year old na bata na may rare medical condition na panhypopituitarism.

 

 

Ang sakit na ito ay kapag ang “pituitary gland stops making most or all hormones that help control the way many parts of the body work. Kabilang dito ay growth problems sa mga bata.

 

 

“Excited na excited ako kasi binigyan ako ng ganito kalaking project ng GMA kaya nagpapasalamat ako sa kanila,” sey ni Euwenn na hinangaan ng marami sa dahil sa pelikulang ‘Firefly’.

 

 

***

 

 

MAY personal ka bang karanasan o alam na nakakakilabot na kuwento ng kababaghan na sa tingin mo ay papasa at puwedeng isama sa upcoming “KMJS: Gabi ng Lagim: The Movie”?

 

 

Nakatakdang gawin ng GMA Pictures at GMA Public Affairs ang naturang pelikula, at tatlong kuwento ang puwedeng isama at mananalo ng tig-P20,000.00 kapag napili.

 

 

Kung may larawan o video na nakunan ng nakakakilabot na pangyayari, maaari itong ipadala sa www.gmanetwork.com/kmjsGabiNgLagimTheMovie.

 

 

Tatlong kuwento ang pipiliin ng mga opisyal mula sa GMA Pictures at GMA Public Affairs para maisama sa pelikula.

 

 

Ang pagpili batay sa sumusunod:

TOTOO BANG NAKAKATAKOT? 50%

Totoong kuwento, supernatural man o kuwentong bayan, na talaga namang nakakakilabot. Handang magpa-interview ang mga tauhan sa kuwento para patunayan ang makapanindig-balahibo nilang karanasan.

PAMPELIKULA BA? 30%

May nabubuong tensiyon at kaba. May potensiyal ang mga pangyayari na maikuwento sa pamamagitan ng dramatization. Mayroon ba itong akwal na video at larawan?

KAKAIBA BA? 20%

 

 

Unique at hindi pangkaraniwan ang kuwento ng katatakutan.

 

 

Ang deadline sa pagsusumite ng entries ay sa February 29, pagsapit ng 11:59 p.m.

 

 

Ang gagawing pelikula at pa-contest ay bahagi ng selebrasyon ng ika-20 taong anibersaryo ng multi-awarded docuseries.

 

 

Ang Gabi ng Lagim ay Halloween special ng KMJS na ginagawa taon-taon.

 

 

***

 

 

KINUMPIRMA ng Buckingham Palace na na-diagnose with cancer si King Charles III as sumasailalim na ito ng treatment.

 

 

One year and six months pa lang since umupo si King Charles III sa trono bilang kapalit ng yumaong so Queen Elizabeth II.

 

 

Nadiskubre ang cancer ng 75-year old sovereign noong dumaan ito sa isang procedure para ma-treat ang kanyang enlarged prostate sa isang London hospital.

 

 

Heto ang official statement ng palasyo:

“During the king’s recent hospital procedure for benign prostate enlargement, a separate issue of concern was noted.

 

 

“Subsequent diagnostic tests have identified a form of cancer. His Majesty has today commenced a schedule of regular treatments, during which time he has been advised by doctors to postpone public-facing duties. The king remains wholly positive about his treatment.”

(RUEL J. MENDOZA) 

Marami pang tinutulungan hanggang ngayon: KATHRYN, nakapagpatapos sa kasama noon sa ‘Goin’ Bulilit’

Posted on: February 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IILAN lang ang nakakaalam sa pagiging matulungin ng Kapamilyang aktres na si Kathryn Bernardo. 

 

Ayon pa sa tsika sa amin ng isang taga-ABS-CBN na malapit din kay Kathryn ay may mga natulungan siya na mga kasamahan niya dati sa “Goin Bulilit”

 

“Sa totoo lang, ayaw mang ipagsabi , eh, ikinuwento sa amin ng isang sa isang dating mainstay ng ‘Goin Bulilit’ na kaya raw siya nakapagtapos ng pag-aral niya dahil sa financial na tulong ni Kath,” sey pa ng source namin.

 

Dagdag pa rin nito na marami pa raw sa mga dating kasama ng nabanggit na TV show ang hanggang ngayon ay tinulungan ng ex ni Daniel Padilla.

 

Malaking dahilan daw ang ina ni Kath na si Min Bernardo kung kaya nagawa ng aktres na bahagian ng perang kinita niya sa pag-artista ang mga humingi ng tulong sa kanila lalo na pagdating sa edukasyon.

 

***

 

NAKA-RELATE kami kay IC Mendoza na na-scam ng worth P30k thru online transactions.

 

Sa programang ‘TV Patrol’ay iniulat ang nasabing pangyayari sa anak ni Dolly Anne.

 

Sa kuwento pa ni IC ay nag-chat daw sa kanya ang isang kakilala at nanghiram ng 30k.

 

Walang kaabog-abog ay agad naman niyang pinadalhan ang nangutang sa kanya.

 

Sobrang nadala raw si IC sa naging mensahe sa kanya na nanghiram at anak pa ang tawag sa kanya.

 

Kaya tinanong agad ni IC kung magkano ang hihiramin ng nangutang.

 

“I transferred 30k agad from my e-wallet to hers,” sey pa ni IC.

 

Kamamadali raw niya at sa awa niya rin sa taong nanghiram kung kaya nagpadala agad siya without confirming.

 

Hindi pa rin daw nakuntento yung nangutang at nagpadala pa agad ng mensahe para humiram pa ulit ng 40k, huh!

 

Doon daw kinabahan si IC kung Kaya tinawagan niya ang isang malapit sa kanya pero doon niya nalaman na na hack ang Facebook niya.

 

Agad naman daw tinawagan ang hacker/scammer at nakiusap na kahit kalahati lang ay maibalik sa kanya.

 

As usual nalaman na lang ni IC na naka-block na siya.

 

Kasalukuyang iniimbestigahan na ng NBI ang reklamo ng actor at TV host. Incidentally, nangyari rin sa amin ang naranasan ni IC.

 

Nalagasan kami ng total of 48k sa dalawang magkasunod na transaksiyon three months ago.

 

Ang nakaloka pa Hindi ko pera yun, huh!

 

***

 

MULING nagbabalik ang search for “Miss Mandaluyong” after ng tatlong pamamahinga dahil sa pandemya.

 

 

Last 2020 huling ginanap ang Patiño. Alam na ito para sa mga dalawang nasasakupan ng siyudad ng Mandaluyong.

 

Last Tuesday night at kagaya ng mga dating pa search ay may kanya kanyang representative ang bawat barangay.

 

Ang nanalong Miss Mandaluyong 2024 ay si Allina Queenie Habana mula sa Brgy. Buayang Bato.

 

Ang first runner up ay ang early favorite na si Tammy Tamara Rose Francine Caballero.

 

Win naman si Tammy na representative ng Brgy Hagdan Bato Itaas ng mga major awards kagaya ng Best in Swimsuit. Best in Casual Wear at iba pang special awards.

 

 

Congrats to all the winners and also to the city officials ng Mandaluyong na nagdiwabg ng kanilang anibersaryo

(JIMI C. ESCALA) 

SHE DANCES. SHE FLIES. SHE KILLS. WATCH THE TERRIFYING TRAILER FOR HORROR MOVIE “ABIGAIL”

Posted on: February 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Children can be monsters – literally.  

From Matt Bettinelli-Olpin and Tyler Gillett, the directing team behind the terrifying modern horror hits Ready or Not, 2022’s Scream and last year’s Scream VI – comes a brash, blood-thirsty new vision of the vampire flick.

In Abigail, after a group of would-be criminals kidnap the 12-year-old ballerina daughter of a powerful underworld figure, all they have to do to collect a $50 million ransom is watch the girl overnight. In an isolated mansion, the captors start to dwindle, one by one, and they discover, to their mounting horror, that they’re locked inside with no normal little girl.

Abigail stars Melissa Barrera (Scream franchise, In the Heights), Dan Stevens (Gaslit, Legion), Kathryn Newton (Ant-Man and the Wasp: Quantumania, Lisa Frankenstein), William Catlett (Black Lightning, True Story), Kevin Durand (Resident Evil: Retribution, X-Men Origins: Wolverine) and Angus Cloud (Euphoria, North Hollywood) as the kidnappers and Alisha Weir (Roald Dahl’s Matilda the Musical, Darklands) as Abigail. The film also stars Giancarlo Esposito (Breaking Bad/Better Call Saul, The Mandalorian).

Watch Abigail terrorize her captors when the film, distributed by Universal Pictures International, opens exclusively in cinemas April 17. #AbigailMoviePH

Follow Universal Pictures PH (FB)UniversalPicturesPH (IG) and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates on Abigail.

 

(ROHN ROMULO)

Ads February 9, 2024

Posted on: February 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PBBM, ginarantiya ang trabaho para sa lahat

Posted on: February 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa publiko na lahat ay magkakaroon ng trabaho sa ilalim ng ‘Bagong Pilipinas” na kanyang pinro-promote.

 

 

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay matapos niyang i-welcome ang ulat na ang labor force participation ng bansa ay umakyat sa 66.6% noong Disyembre 2023, habang ang employment rate ay tumaas din ng 96.9%.

 

 

Sa post ng Pangulo sa kanyang X account, sa Bagong Pilipinas aniya, ang pag-unlad at kasaganaan ay dapat lamang na ihatid sa bawat tahanan, sapagkat tiyak aniya na may magandang trabahong naghihintay para sa bawat Pilipino.

 

 

Sinabi ng Punong Ehekutibo na masayang siyang makita ang mahalagang progreso at katatagan ng labor market ng bansa.

 

 

Pinuri naman nito ang pagbaba sa 3.1% ng unemployment rate habang ang underemployment rate ay nabawasan ng 11.9%.

 

 

Ayon naman sa Pangulo, ang mga kaganapang ito ay nagpapahiwatig ng improvement sa “job quality at stability” at ngayon ay maraming oportunidad para sa mga manggagawa.

 

 

“This positive momentum is attributed to robust growth across all major industry groups, with construction, agriculture, and services leading the way,” ang tinuran pa ng Pangulo.

 

 

Dahil dito, nangako ang Pangulo na committed ang gobyerno na “to fostering a conducive and enabling environment for employment growth.”

 

 

“We will continue to implement both demand- and supply-side interventions, including pro-investment reforms and strategic partnerships, to attract more investments,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

 

“The enactment of initiatives such as the Public-Private Partnership Code and the 4PH Housing Program will further stimulate economic activity and create more job opportunities,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, itutulak din ng pamahalaan ang “up-skilling at re-skilling initiatives” at i-promote ang pagbabago para ihanda ang mga manggagawa sa kinakailangan kasanayan at kakayahan na angkop para umunlad sa maraming high-quality employment opportunities. (Daris Jose)