• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 2:41 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2024

TIANGCO BROTHERS NAKATANGGAP NG OUTSTANDING PUBLIC SERVANTS AWARD MULA SA RPMD

Posted on: February 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TUMANGGAP ng recognition sina Navotas Mayor John Rey Tiangco at Representative Toby Tiangco bilang 2023 Outstanding Public Servants mula sa RP-Mission and Development Foundation, Inc. (RPMD).

 

 

Nabanggit ng RPMD na ang parangal ay magsisilbi bilang isang “direct reflection of the unwavering support and resounding endorsement from the constituents of Navotas City, who have voiced their approval and satisfaction with the Tiangco brothers’ service and dedication to their community.”

 

 

Ang Tiangco brothers ay parehong nangunguna sa mga independent survey ng RPMD na regular na isinasagawa upang pasiglahin ang pananagutan, transparency, at epektibong pamamahala sa bansa.

 

 

Kinilala naman ni Mayor Tiangco ang kontribusyon ng mga opisyal at empleyado ng lungsod sa paghahatid ng dekalidad na serbisyo publiko.

 

 

“This award inspires us to continue to devote effective, transparent, and accountable service that our constituents deserve. We need to constantly improve ourselves so we could also elevate the quality of our service to our fellow Navoteños,” pahayag niya.

 

 

Samantala, pinasalamatan ni naman ni Cong. Tiangco ang mga Navoteño sa kanilang matatag na pagtitiwala at suporta.

 

 

“Tagumpay po nating lahat ang mga parangal na ito. Rest assured that we will continue to push for projects, programs, and bills that promote your best interests and well-being,” sabi niya.

 

 

Sa kanyang pahayag, sinabi ni RPMD Executive Director Dr. Paul Martinez na ang pagtutulungan ng mga Tiangcos ay may mahalagang papel sa “transformation of the city into a model of urban development characterized by inclusive growth, enhanced public services, and a heightened sense of community welfare,” paglikha ng isang legacy of public service na tatatak sa darating na mga taon. (Richard Mesa)

NAKATANGGAP sina Navotas Mayor John Rey Tiangco at Representative Toby Tiangco ng recognition

Posted on: February 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP sina Navotas Mayor John Rey Tiangco at Representative Toby Tiangco ng recognition bilang 2023 Outstanding Public Servants mula sa RP-Mission and Development Foundation, Inc. (RPMD). Nagpasalamat naman ang Tiangco brothers sa kontribusyon ng mga opisyal at empleyado ng lungsod sa paghahatid ng dekalidad na serbisyo publiko at mga Navoteño sa kanilang matatag na pagtitiwala at suporta. (Richard Mesa)

CICC, hiniling sa Japanese govt na imbestigahan ang panlolokong bomb threats

Posted on: February 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa Japanese government na magsagawa ng masusing  imbestigasyon kaugnay sa panloloko lamang na bomb threats na natanggap ng ilang ahensiya ng pamahalaan sa Pilipinas.

 

 

“Efforts are now on the way to request the Japanese government to investigate thoroughly and identify the sender,”ayon sa kalatas ng CICC, ilang oras matapos na makatanggap ng bomb threat ang anim na ahensiya ng gobyerno at local government units (LGUs).

 

 

Kabilang sa mga ahensiya na nakatanggap ng bomb threats ay ang Department of Education (DepEd) division office sa Bataan, local na pamahalaan ng Iba sa Zambales province, at Department of Environment and Natural Resources (DENR) head office sa Quezon City.

 

 

Winika ng CICC na ang email na natanggap na tila naglalaman ng bomb threats ay nagmula sa Japan. Ito ay mayroong locally registered domain name na tumama rin sa ilang ahensiya ng pamahalaan sa Seoul, South Korea.

 

 

“There is no cause for alarm as this sender and email has been tagged as hoax,” ayon sa  CICC.

 

 

Idinagdag pa nito na kahalintulad ng bomb threats ang tumama naman sa ilang ahensiya ng pamahalaan noong nakaraang taon.

 

 

Gayunman, nilinaw ng CICC na ang mga apektadong  ahensiya ng pamahalaan ay pinayuhan na i-practice o gawin ang kani-kanilang emergency evacuation procedures bilang bahagi ng kanilang “preparedness efforts at emergency protocols.’ (Daris Jose)

Iniyakan na lang at ‘di sumagot sa bashing: GILLIAN, inaming nagka-trauma nang madawit sa hiwalayang KathNiel

Posted on: February 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANININDIGAN ang Kapamilya young actress at newest endorser ng Beautederm na si Gillian Vicencio, na wala siyang kinalaman sa paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

 

Kaya inamin niya na na-hurt talaga sa mga nam-bash sa kanya nang madawit sa pinag-uusapan pa ring breakup nina Kath at DJ.

 

Nababasa raw kasi niya ang ibang matitinding comments…

 

“Pero nung mga una po, ayun nakikita ko, tapos nag-detox po muna ako sa social media pero nagulat po ako na parang may mga ganong lumalabas,” pahayag ni Gillian ng makausap ng mga entertainment writers sa first anniversary celebration ng bonggang Beautederm Headquarters ni Ms. Rhea Tan sa Angeles, Pampanga, last Saturday, February 10 at kasabay na rin Chinese New Year.

 

Nagka-trauma ba siya dahil sa bashing…

 

“Meron naman, may ganun, kasi hindi naman talaga maiiwasan na makaramdam ng ganu’n, kasi yun ang nakikita mo online.

 

“Every time you open the social media, may makikita kang ganun,” sagot ni Gillian.

 

Pero hindi naman daw siya sumasagot sa mga nam-bash sa kanya. Hindi na rin niya matandaan ang pinakamasakit na komento na nabasa niya sa social media sa sobrang dami, kaya iniyakan na lang niya.

 

Dahil sa matindi niyang pinagdaanan, sa tingin niya, dapat ba may mag-sorry sa pagkakadawit niya sa hiwalayang KathNiel.

 

“Hindi naman natin mako-control ang mga tao. Kahit ano naman ang gawin mo, may masasabi at masasabi sila, so hayaan na na lang.

 

“Kahit anong sabihin mo, good or bad, paniniwalaan nila kung ano ang gusto nilang paniwalaan.

 

“And I can’t control that. Atleast, I know myself. I know my truth.”

 

 

Dagdag pa niya, “Hindi ko po alam, eh. Sila `yon, eh. Ayoko na lang mangialam pa. Basta ako magpo-focus na lang sa sarili ko. Sa mga ginagawa ko ngayon. Sa mga blessing na natatanggap ko.

 

 

“Sa family ko. Sa mga nagmamahal sa akin. Parang `yun nga, ayoko na lang pakialaman ang buhay ng ibang tao.”

 

 

Wala namang problema kay Gillian kung may offer na makasama uli niya sa teleserye o pelikula ang KathNiel. .

 

 

“Project kasi `yon, at kailangan ko ng pera! Ha-hahaha! Okay lang naman, wala naman kasi `yon!” say ni Gillian.

 

 

Kasama naman si Gillian sa upcoming romcom series ng ABS-CBN, ang Pinoy version ng hit Korean series na “What’s Wrong With Secretary Kim” starring Kim Chiu and Paulo Avelino.

 

 

May natapos na rin siyang movie na “Talahib” with Joem Bascon and iba pang magagaling na indie artists.

 

(ROHN ROMULO)

Marami siyang natutunan sa nakaraang taon: CARLA, optimistic and looking forward sa mangyayari ngayong 2024

Posted on: February 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NATANONG si Carla Abellana na bibida sa upcoming murder mystery series na Widows’ War, kung paano niya nakikita ang 2024 sa buhay niya?
Lahad ng Kapuso actress, “I’m optimistic.”
“Hindi ko man ma-envision ang mangyayari, but optiistic ako and I’m looking forward to what’s going to happen this year.”
Samantala, ang pagiging unpredictable ng buhay ang isa sa lessons learned niya sa 2023 na bitbit niya sa 2024.
“You can make plans but at the end of the day, si God pa rin ang in charge. And ‘yung sinasabi ko kanina, hindi assured ‘yung rest of your life,” sabi niya.
“Kumbaga, ang isa sa mga learnings ko from last year, hawakan mo ‘yung bawat opportunity na binibigay sa’yo and namnamin mo, you save each opportunity, each project, each moment because you don’t know what tomorrow brings.”
***
BATA pa lamang pala si Jo Berry ay nais na niyang maging… abogada.
“Mula bata pa ako, gusto ko na maging lawyer, nauna lang na naging role ko siya,” saad ni Jo.
Pero iba ang landas ng kapalaran ni Jo at ngayon ay isa siya sa mga popular na artista ng GMA.
Pero natupad kahit papaano ang pangarap niyang maging lawyer dahil sa upcoming serye niya na ‘Lilet Matias, Attorney-At-Law’ kung saan ang papel niya ay, ano pa ng aba, kundi bilang isang lawyer.
Kuwento ni Jo, “Nung bata ako, hanggang ngayon naman, nasa goal ko pa rin siya, ang original plan is mag-law, pangarap po namin yun ng Papa ko.
“Nung binigay nila sa akin yung role, kasi lagi akong tinatanong, ‘Ano bang dream role mo?’ So, wala akong masagot noon, pero nung binigay sa akin ‘yung role ni Atty. Lilet, naisip ko na, ‘Ay, oo nga, ito ‘yung dream role ko.’
“Literal kasi mula bata pa ako, gusto ko na maging lawyer, tapos ngayon, nauna lang na naging role ko siya.”
Dagdag pa niya, “Feeling ko nakapag-practice muna ako, sabi ni Lord, ‘O, sige, practice ka muna. Ito muna, role muna siya bago totoong buhay.’ Kasi nandoon pa rin, kasama pa rin sa goal ko sa buhay na ituloy ko ‘yung law.
“Pero sa ngayon konting patikim kung paano pala yun.”
Ito ang pinakaunang legalserye ng GMA.
“Since it’s a legal drama nga po, mas professional siya magsalita, unang-una po ‘yun kasi, siyempre, dapat tama talaga, very precise kasi yung mga ginagamit naming terms dito, ginagamit rin sa Pilipinas, so totoong nag-e-exist siya,” ani Jo.
Malapit nang mapanood ang Lilet Matias, Attorney-At-Law sa GMA Afternoon Prime.
(ROMMEL L. GONZALES)

PBBM, iginawad ang Special Financial Assistance sa 12 sugatang sundalo na na-neutralisado ang DAWLAH ISLAMIYAH-MAUTE GROUP MILITANTS

Posted on: February 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PERSONAL na ibinigay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang special financial assistance sa 12 sundalo na nagtamo ng mga pinsala sa pakikipaglaban sa militanteng Dawlah Islamiyah-Maute Group na sangkot sa pagbomba sa Mindanao State University-Marawi noong nakaraang buwan.

 

 

Ang 12 sundalo ay kasalukuyang naka-confine sa Army General Hospital (AGH).

 

 

Maliban sa pagbibigay ng financial support, pinangunahan din ng Pangulo ang pagbibigay ng parangal ng Gold Cross Medal, Military Merit Medal with Bronze Spearhead Device, at Wounded Personnel Medal sa apat na sundalo na wounded in action (WIA).

 

 

Sa kanyang naging pakikipag-usap sa tropa, kinilala ng Pangulo ang katapangan at hindi matatawarang dedikasyon ng mga ito para protektahan ang mga mamamayang Filipino at ipagtanggol ang bansa laban sa mga elemento na nagsisilbing banta sa seguridad ng bansa.

 

 

Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Pangulong Marcos sa mga ito ang patuloy na pagsisikap ng pamahalaan para ipatupad ang mga programa na makapagbibigay ng tulong sa mga nasawi sa bakbakan at i-promote ang kapakanan ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at kanilang pamilya.

 

 

Tiniyak din niya sa mga ito na ang kanyang tanggapan ay kumikilos sa mga request ng AGH at Camp Evangelista Station Hospital (CESH) para sa karagdagang equipment, pinahihintulutan ang mga ito na “better serve the troops.”

 

 

Samantala, kasama ni Pangulong Marcos sina Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. at Special Assistant to the President Antonio Lagdameo sa kanyang naging pagbisita sa mga sugatan sundalo kasama si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., at Philippine Army (PA) Commanding General, Lt.  Gen. Roy Galido, bukod sa iba pa. (Daris Jose)

Ads February 14, 2024

Posted on: February 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Matapos maglabas ng joint statement: BOY, mananahimik muna sa hiwalayang BEA at DOMINIC

Posted on: February 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KAUGNAY sa mga bagong na pahayag nina Bea Alonzo at Dominic Roque tungkol sa hiwalayan nilang dalawa ay may malamang pahayag din si King of Talk Boy Abunda.

 

“There’s a time to speak up and a time to shut up.” Walang kagatol-gatol na pahayag pa ng host ng “Fast Talk with Boy Abunda” ng GMA-7.

 

Banggit pa ni Kuya Boy sa ngayon daw ay manahimik muna siya pero hindi ganon ka tagal, huh!

 

“Right at this moment, I’m choosing to shut up but not too long,” dagdag pa ng premyadong TV host.

 

Kilala ng lahat si Kuya Boy sa pagiging prangka at hindi basta-basta na lang sumawsaw sa isyu.

 

Kaya nakagugulat ang mga nabanggit niyang pahayag na tila ba kasagutan sa ipinalabas na pahayag ni Bea na may mga tao raw na basta na lang naglabas ng isyu sa kanilang dalawa ni Dominic na wala munang kumpirmasyon sa kanila, huh!

 

Pinatutsadahan kasi ni Bea ang hindi rin naman binanggit na mga tao na kung saan kinumpirma ng mga ito ang kanilang paghihiwalay na hindi man lang daw muna sila kinausap o humingi ng pahintulot.

 

Ganun Bea?

 

May pasaring pa rin si Bea na kesyo may mga gumagawa raw ng kung anu-anong istorya sa buhay nila ni Dominic na walang katotohanan.

 

Ganun ulit Bea?

 

Incidentally, nag-renew ng kanyang kontrata sa GMA ang numero unong talk show host.

 

Congratulations Sir Boy Abunda!

 

***

 

KUNG may Vilma-Nora rivalry na hanggang ngayon ay mainit pa rin, meron din namang Snooky versus Maricel Soriano dati.

 

Hindi nga lang umabot sa level ng bangayan ng mga Vilmanians at Noranians, huh!

 

Kung may patutsadahan ang mga tagahanga ay pareho rin naging magkaibigan ang iniidolong sina Vilma at Nora at ganun din naman sina Maricel at Snooky.

 

Pero kahit magkaibigan sa tunay na buhay ay hindi rin naman maalis na pagdating sa proyekto ay nag-aagawan sina Snooky at Maria.

 

Kuwento pa ni Snooky na talagang naapektuhan din naman kahit papaano ang friendship nila ni Maricel.

 

“I don’t want to lie, siyempre kahit gaano kayo ka-close pero naapektuhan din talaga. Lalo na ako na nung bata pa kami pareho ni Maricel, eh napaka-impressionable ko.

 

“Kapag may bumulong lang sa akin na ‘Oh si Maricel ganito, may sinasabing ganun at ganyan, Hindi naman ako nagsinungaling na kahit papaano naapektuhan agad ako,” napatawa pang balik-tanaw ni Snooky.

 

Pero noon daw yun, ngayon daw ay medyo tahimik na lang daw siya pagdating sa mga isyung nakararating sa kanya at hindi na siya basta na lang nagko-comment.

 

Pero dahil daw naman sa pagiging walang kibo niya ay napagkamalang suplada ang magaling na aktres.

 

“Yun na nga eh, ang akala ng mga tao suplada talaga ako,” sey pa niya.

 

Sa mga nagdaang mga taon ay napanatili rin naman nina Snooky at Maricel ang kanilang friendship.

 

Huli silang magkasama sa isang proyekto ng ABS-CBN under Dreamscape na “Pira-pirasong Paraiso” na nagtapos sa ere kamakailan lamang.

(JIMI C. ESCALA)

PTFOMS, tinukoy ang 100% media violence resolution sa ilalim ni PBBM

Posted on: February 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYANG -DIIN ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na mayroong itong malakas at maaasahan na partnership sa mga makabuluhang ahensiya ng pamahalaan na may atas na i-promote at protektahan ang buhay, kalayaan at seguridad ng mga miyembro ng mga mamamahayag.

 

 

Tinukoy ang 100% na case resolution ng karahasan laban sa mga mamamahayag sa ilalim ng administrasyong Marcos.

 

 

“While we always recognize that there will always be room for improvement and the task ahead of us always proved challenging, it would be unfair to downgrade the current inter-agency effort to address violence against the media headed by the PTFoMS as lacking ‘institutional capacity, proper systems or a clear policy framework on the protection and safety and prevention of attacks on journalist,’ as mentioned in the preliminary observations by UNSR Irene Khan,” ayon kay PTFoMS Executive Director Usec. Paul M. Gutierrez.

 

 

Ang PTFoMS at Iba pang kaugnay na ahensiya ng pamahalaan ay mayroong kasunduan kay Khan sa naging pagbisita nito sa bansa mula Enero 22 hanggang Pebrero 2, 2024, natanggap ang kopya ng kanilang preliminary observations matapos ang kanilang departure.

 

 

Sa katunayan, sa apat na kaso ng media killings sa ilalim ng administrasyon na tinukoy ni Ms. Khan, ang mga ito ay ang Renato Blanco (September 18, 2022), Percival Mabasa (October 3, 2022), Cris Bundoquin (May 29, 2023) at Juan ‘DJ Johnny Walker’ Jumalon (November 5, 2023), sinasabing nabigyan ng maling impormasyon si Khan na tanging isang kaso lamang ang nausig at may isa pang nasa proseso ng imbestigasyon.

 

 

“This conclusion is erroneous as the facts of these incidents showed that all the suspects have already been identified, some of them already in detention and already undergoing trial, with the exception of the Jumalon case where the complaint for murder and theft against the 3 identified suspects are presently under evaluation by the provincial prosecutor of Misamis Occidental,” ayon kay Gutierrez.

 

 

“All these positive developments, needless to say, are products of the close coordination between the PTFoMS and our law enforcement agencies,” diing pahayag nito.

 

 

Pinasalamatan naman ni Gutierrez ang Commission on Human Rights (CHR) at si chair, Atty. Richard Palpal-latoc, para sa “strong partnership” ng kanilang ahensiya para pagtibayin ang press freedom at human rights, sinasabing ang CHR ay bahagi rin ng PTFoMS.

 

 

Aniya pa, nakatakdang lagdaan ng magkabilang panig ang memorandum of understanding para mas palakasin pa ang kanilang pakikipag-ugnayan at partnership.

 

 

“We always view our partnership with the CHR in a positive light as we are on the same page when it comes to the promotion and strengthening of human rights in general and the right to freedom of opinion and expression in particular. Thus, we welcome any suggestion or constructive criticism coming from it,” ayon pa rin kay Gutierrez.

 

 

Idinagdag pa nito na sa ngayon ay naghahanda na ang PTFoMS ng kanilang pormal na pagtugon sa preliminary observations ni Khan na inaasahang maghahain ng kanyang initial report sa High Commissioner for Human Rights ng United Nations sa kalagitnaan ng taon.

 

 

“Moving forward, we intend to clarify any wrong impression or conclusion that Ms. Khan formed during her visit while seriously studying her recommendations to further strengthen our effort towards creating a media environment that is safe and free from fear as directed by Pres. Ferdinand Marcos Jr.,” ayon kay Gutierrez. (Daris Jose)

Watch Timothée Chalamet as Paul Atreides become a true Fremen as he attempts to ride a sandworm in this “Dune: Part Two” sneak peek

Posted on: February 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

The scale becomes even more epic as Denis Villeneuve’s Dune: Part Two picks up where 2021’s Dune left off. New characters sweep into the vast world, as the adventure sets off with even more stunning visuals and thrilling action sequences.

 

 

 

Dune: Part Two continues the story of Paul Atreides (Timothée Chalamet), now away from his home and propelled by fate into an intergalactic power struggle. As he journeys with the Fremen people, he tries to gain their confidence with the support of Chani (Zendaya) and Stilgar (Javier Bardem). To prepare for their continuous revolt against the tyrannical Harkonnens, and to truly be a part of the Fremen, Paul takes one of their most dangerous trials.

 

 

 

Watch as Paul Atreides rides a sandworm for the first time: https://youtu.be/x5Jb5IKbafU

 

 

 

The Harkonnens carry on pillaging Arrakis for spice, which the Fremen have been violently opposing. As tensions escalate and the Harkonnens gather forces, the Baron (Stellan Skarsgård) lets one of his more vicious and bloodthirsty nephews, Feyd-Rautha (Austin Butler) take part in the war. Them and the other royal families serve the Emperor (Christopher Walken), previously unseen in 2021’s Dune. In Dune: Part Two we are taken to his realm, and that of his daughter, Princess Irulan (Florence Pugh).

 

 

 

The themes of the film are both timeless and timely, as love and loyalty, humanity versus nature, take center stage in Dune: Part Two. On one side are the Fremen who have adapted to their native land of the desert, surviving by being one with it and learning to live alongside its harsh nature. On the other lie the Harkonnens who’ve epitomized corruption and greed. Paul Atreides is at the center of the struggle, battling the people that eradicated his clan while fighting against the destiny that was handed to him.

 

 

 

Watch as the journey reaches greater heights as Dune: Part Two arrives in Philippine cinemas on February 28. Distributed in the Philippines by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company.

About “Dune: Part Two”

 

 

 

“Dune: Part Two” will explore the mythic journey of Paul Atreides as he unites with Chani and the Fremen while on a warpath of revenge against the conspirators who destroyed his family. Facing a choice between the love of his life and the fate of the known universe, he endeavors to prevent a terrible future only he can foresee.

 

 

 

Denis Villeneuve directed from a screenplay he co-wrote with Jon Spaihts based on Frank Herbert’s novel. The film is produced by Mary Parent, Cale Boyter, Villeneuve, Tanya Lapointe and Patrick McCormick. The executive producers are Josh Grode, Herbert W. Gains, Jon Spaihts, Thomas Tull, Brian Herbert, Byron Merritt, Kim Herbert, with Kevin J. Anderson serving as creative consultant. Oscar-winning composer Hans Zimmer is again on hand to create the score.

 

 

 

The film stars Timothée Chalamet, Zendaya, Rebecca Ferguson, Josh Brolin, Austin Butler, Florence Pugh, Dave Bautista, Christopher Walken, Stephen McKinley Henderson, Léa Seydoux, with Stellan Skarsgård, with Charlotte Rampling, and Javier Bardem.

 

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #DunePartTwo (Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”)

(ROHN ROMULO)