• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 12:09 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2024

Isang taon na ‘di nag-usap bago naibalik ang friendship: RITA, pinaghandaan ang pagsasabi ng nararamdaman niya para kay KEN

Posted on: February 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINASOK na rin ni Glaiza de Castro ang pag-produce ng pelikula at ang unang venture niya ay co-producer niya si Ken Chan sa mystery-thriller film na ‘Slay Zone’.

 

 

 

Kakaibang Valentine movie raw ang ‘Slay Zone’ dahil panggulat daw ito sa mga magde-date sa Araw ng mga Puso. Kasama rito ni Glaiza ay sina Pokwang at Abed Green.

 

 

 

“Okey naman ang pag-produce namin ni Ken at wala namang naging problema sa ngayon. Hopefully maging maayos din sa mga susunod naming gagawin pa.

 

 

 

“Bilib ako kay Ken kasi kahit sobrang busy siya, nakakabisita pa siya sa location namin sa Bulacan. Kaya dun pa lang alam kong seryoso siya sa ginagawa namin,” sey ni Glaiza.

 

 

 

Kasalukuyang tinatapos ni Glaiza ang ilang araw na lang na taping sa South Korea ng ‘Running Man Philippines’.

 

 

 

***

 

 

 

NAGKABATI na ulit ang dating magka-loveteam na sina Ken Chan at Rita Daniela.

 

 

 

Kinuwento nila kung paano naganap ang aminan ng feelings sa isa’t isa, ang kanilang hindi pagkakaunawaan, at pagbabalik ng maganda nilang samahan bilang magkaibigan.

 

 

 

Ayon kay Rita, pinaghandaan niya ang pagsabi ng nararamdaman niya para kay Ken.

 

 

 

“Gumastos ako. Nagpa-reserve lang naman ako ng isang cottage tapos kami lang naka-reserve that day so sa amin ‘yung buong bundok. Para kaming nasa pelikula tapos may naka-set up na picnic,” sey ni Rita.

 

 

 

Sey naman ni Ken: “Through letters, tapos ‘yung sulat sobrang liliit, tapos binasa niya sa harap ko while she’s crying.”

 

 

 

Inamin ng dalawa na mahal nila ang isa’t isa pero pinili raw ni Ken na hindi mapunta sa relasyon ang kanilang samahan.

 

 

 

“Ang sabi ko, thank you. But I’m sorry. I was not ready. I was starting my businesses. Sabi ko sa kanya, hindi pa ako handa. Kasi kung magsisinungaling, sige let’s do this, and I am not ready, mas lalo ko siyang masasaktan.”

 

 

 

Sey ni Rita: “May part na kahit trinay lang ng kaunti, hanggang saan aabot. At least nagawa kaysa marami kang what ifs.”

 

 

Pag-amin ng dalawa, may isang taon silang hindi nag-usap bago mabalik ang kanilang friendship.

 

 

“It really took us time bago kami maging ganito ulit na nakakapag-usap kami, na puwede kami magtabi,” sey ni Rita.

 

 

 

Sumikat ang tambalang BoBrey at RitKen dahil sa teleserye nila Ken at Rita na ‘My Special Tatay’ noong 2018. Nasundan ito ng mga teleseryeng ‘One Of The Baes’ (2019) at ‘Ang Dalawang Ikaw’ (2021).

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Patuloy na lalaban kahit mas lumala pa ang sakit: KRIS, gusto pang mabuhay para kina BIMBY at JOSH

Posted on: February 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KATULAD ng ipinangako ni Boy Abunda noong February 13, for the first time, magla-live si Queen of All Media Kris Aquino mula sa Amerika, sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’, sa mismong araw ng kanyang birthday, February 14.

 

Ini-reveal nga ni Kris ang makadurog-pusong detalye tungkol sa kanyang medical conditions na gusto niyang ipaalam lahat.

 

Nabanggit nga niya sa bandang huli ng interview na, “I refuse to die.

 

“Talagang pipilitin ko, because my next chapter is to become a stage mother.”

 

Matapos siyang sabihan ng kapatid na si Viel, na mag-ayos ng bihis, dahil ayaw nitong kaawaan ng tao at matakot na parang ililibing na siya.

 

“Happy Valentine’s day and I’m 53 now, I want to still be here when I’m 63,” positibong pananaw pa ng aktres.

 

Ikinuwento ni Kris ang nagkapatong-patong na sakit, na ngayon ay pati ang kanyang puso sa may problema, dahil namamaga na raw.

 

Kinumpirma ni Kris na meron na siyang limang autoimmune disease kaya lalong lumalala ang kanyang kalagayan. Ang ikalima raw ang pinakakontrabida sa lahat sa buhay niya, ang Churg-Strauss syndrome na kilala rin na EGPA(Eosinophilic granulomatosis with polyangiitis).

 

 

Matapos magkaroon ng comorbidity at magpositibo sa COVID-19, may tama na rin daw ang kanyang lungs.

 

 

Puwede rin daw siyang ma-stroke anytime, at side daw ng daddy niya ay matindi ang pagkakaroon ng cardiovascular disease.

 

“I would have been okay, kung hindi ako nagkaroon ng autoimmune disease.

 

“I was treated for this in San Francisco, December 2016. So, I was fine noong panahon na ‘yun. It was only nagka-problema na naman after ng COVID.”

 

Sabi ni Kuya Boy, ang susunod na anim na buwan ay magiging crucial sa kalagayan ni Kris, kaya tanong niya, ano ang magiging susunod na hakbang sa kanyang pagpapagamot.

 

“On Monday (Feb. 19) papasok ako sa ospital at may susubukan kaming biological na gamot,” mahinahong sagot ni Kris.

 

“This is my chance, but to save my heart. Because kung hindi ito tumalab Boy, I have a very strong chance of having cardiac arrest.

 

“As in puwedeng in my sleep. Kung ano man ang ginagawa ko, puwedeng tumigil na lang ang pagtibok ng puso.

 

“May gamot na susubukan, pero there is a big risk with this medicine. Dahil hindi binibigay ang gamot na ‘to, na hindi muna binibigyan ng steriods.

 

“Kaya on Monday, magbi-baby dose muna ako. Titingnan nila kung kakayanin ko, saka ko bibigyan ng pangalawang dose.”

 

Very honest naman si Kris sa pagsasabi sa maaaring mangyari sa kanya sa darating na buwan.

 

“I am very very upfronted honest at hinarap ko na ito. Because alam ko, na bawat araw, especially now birthday ko pa, pahiram na lang ito ng Diyos.

 

“Binigyan Niya ako ng bonus. Kaya kung ano man ang natitira, it’s a blessing.

 

“But I really want to stay alive. I mean, sino ba naman ang magsasabi na, handa na akong mamatay.

 

“Bimby is only 16, I made a promise to him na, until he becomes an adult, I will do everything, lahat gagawin ko.

 

“Ang kuya niya falls under autism spectrum. Ako lang ang nagpalaki sa kanila, kaya kailangan pa nila ako.

 

“But on the flipside of that, after Monday, wala akong immunity. Puwede na akong dapuan ng kahit na anong sakit at wala akong panlaban doon.”

 

Tanong tuloy ng mga netizen, bakit daw ang hirap gumaling ni Kris sa kanyang mga sakit.

 

“Ang daming hindi puwede gamitin sa akin. Kumbaga, papasok ka sa giyera, ang mga kalaban mo lahat naka-armalite, lahat sila may assault rifle, ikaw, binigyan ka ng butter knife or tinidor.

 

“Pero buhay ako ngayon, at alam ko, dahil tiwala ako sa dasal na kakayanin pa ‘to.

 

“Ito lang ang sinabi ko sa Ate ko, ‘Ate if something happens to me, it will show people na prayers, hindi pinapakinggan ng Diyos ang napakaraming dasal ng mga tao.”

 

 

Huling tanong ni Kuya Boy, ang dasal ngayon ni Kris?

 

“I just wanna thank God. Gusto kong magpasalamat, because people that I don’t know, people that I never met. Yung hindi ko kakilala, everywhere.

 

“Wala akong na-encounter na hindi nagsabi sa mga anak ko, mga kapatid ko at mga kaibigan, ‘na ipinagdarasal nila at sinasabi nilang kailangan siyang gumaling. Kasi meron pa kaming hinihintay na galing sa kanya. Gusto pa namin siyang mapanood’.

 

“But, I cannot promise you that. Kasi ang dami ko nang hindi kayang gawin.

 

“Pero ito po ang pangako ko sa inyo, hindi ko kayo bibiguin dahil sumuko ako. Wala sa pananaw ko sa buhay na puwedeng sumuko, kailangang lumaban.

 

“Hindi ko ipapahiya ang sarili ko sa inyo dahil binigyan n’yo ako ng pinakamagandang regalo. ‘Yung pagmamahal ninyo, pagsuporta at pagdarasal ninyo.

 

“Kasi, wala naman akong nagawa para sa inyo. Pero kayo sobra ang binibigay n’yo sa akin na lakas. I know that you’re praying for me and that’s the biggest gift that anyone can give.”

 

Dagdag pahayag pa ni Kris para kanyang mga kapatid.

 

“I missed them so much! I loved them so much and it’s so hard.”

 

Nagpasalamat din si Kris sa mga kaibigan niya, lalo na yung nag-effort na puntahan siya sa Los Angeles, dahil nalaman niya kung sino talaga ang totoong kaibigan.

 

Panghuli niyang pasasalamat kay Boy at sa GMA, “I want to say thank you also to you for making this happened.

 

“Thank you to Mr. Duavit, Ms. Annette and everybody in GMA dahil kayo ang nagbigay sa akin ng venue para mag-explain sa mga tao kung ano ang nangyayari sa akin.

 

“And also to our friend, Ms. Jessica Soho, kasi Boy, alam mo naman na kanya nakapangako ang interview na ‘to. Pero noong nalaman niya sa ‘yo ko binigay, wala talaga siyang pag-aalinlangan.

 

“Dahil alam niya you are like a brother to me.”

 

May God bless you Kris, patuloy kaming magdarasal na malampasan mo ang pagsubok na ito.

(ROHN ROMULO)

Ads February 15, 2024

Posted on: February 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Malinta pumping station, 2 school buildings binuksan sa Valenzuela

Posted on: February 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ALINSUNOD sa pagdiriwang ng 26th Charter Day ng Valenzuela City, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang pagpapasinaya at pagbabasbas sa bagong gawang Malinta Pumping Station, at dalawang bagong gusali ng Pinalagad Elementary School sa Barangay Malinta.

 

 

Ang bagong gawang pumphouse ay matatagpuan sa Barangay Malinta na isang mahalagang proyekto ng Lungsod bilang solusyon para maiwasan ang mga pagbaha sa panahon ng tag-ulan sa mababang lugar ng Malinta at mga karatig barangay ng Lungsod ng Malabon.

 

 

Sa kasalukuyan, may kabuuang bilang na 24 pumping station ang lungsod kabilang itong bagong bukas na pumphouse na may tatlong unit ng 270-horsepower water pump na may kapasidad na 2 cubic meters para sa bawat pump at isang 500 KW electric generator para sa backup.

 

 

Bukod dito, pinangunahan din ni Mayor WES ang pagbubukas ng dalawang bagong 4-storey school building sa Pinalagad, Barangay Malinta na nakatayo sa 300-square-meter na lote na donasyon ng pamilya Gan kung saan mayroon itong 24 na silid-aralan, isang activity center, isang cafeteria, at isang administrative at faculty office.

 

 

Ang bagong Pinalagad Elementary School na ito ay maaaring tumanggap ng humigit-kumulang 1,000 mag-aaral bawat araw at tumutugon sa pangangailangang magtayo ng bagong paaralan sa loob ng komunidad ng Pinalagad.

 

 

Sa kanyang maikling pahayag, ibinahagi ni Mayor WES ang kanyang inspirasyon kung paano siya nakabuo ng mga makabuluhang proyekto para sa Pamilyang Valenzuelano sa Sitio Pinalagad.

 

 

“Sa totoo lang, hindi ko po nakikita ang vision noong panahon, dahil alam kong napakasikip ng lugar natin. Nagsisikipan ang mga bahay dito, nagsisiksikan ang mga tao dito, dahil wala po tayong lupa. Pero pwede palang mangyari ang isang bagay na akala natin ay imposible. Dito sa Pinalagad ay nagtayo po tayo ng gusali na maaaring magbigay ng classroom sa mahigit isang libong estudyante,” aniya.

 

 

Nagpahayag din ng pasasalamat si Mayor WES kay Mr. Kelvin Gan at sa kanyang pamilya sa pagbibigay ng lote kung saan matatagpuan ang bagong pampublikong paaralan. (Richard Mesa)

Kahit dedma na ang dating karelasyon: DANIEL, sobra pa rin ang pasasalamat kay KATHRYN kahit hiwalay na

Posted on: February 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT hiwalay na, sobra pa rin ang ibinigay na pasasalamat ng Kapamilyang aktor Daniel Padilla sa ex niyang si Kathryn Bernardo. Sa kanyang muling pagpirma ng kontrata sa Kapamilya channel ay hindi nakalimutang banggitin ni Daniel ang pangalan ni Kathryn. Kung si Kathryn ay hindi binanggit si DJ sa mga pinasalamatan niya ay hindi naman ito nakaligtaan ng aktor. Few days ago ay nag-renew ng kanyang kontrata si Kathryn sa ABS-CBN kahit may mga tempting offers sa kanya ang kakaibang networks.

 

Ginanap ang contract signing ni Daniel sa ABS-CBN na present siyempre ang mga bosing ng network. Banggit pa ng aktor na 15 years na siya as talent ng Dos at manatili raw siyang Kapamilya.

 

 

Present siyempre sa contract signing sina Sir Carlo Katigbak (president and CEO), Ms. Cory Vidanes (COO), Sir Rick Tan, at ang Star Magic head si Direk Laurenti Dyogi. Kasama rin ang ina niya na si Karla Estrada with his manager na si Luz Bagalacsa. Before sa pasasalamat ni Daniel kay Kath ay binanggit muna niya sa mga pinasalamatan ang mga nabanggit na mga bosing ng network.

 

Para raw sa tiwala sa pagbibigay sa kanya ng trabaho at sa totoong pagmamahal na ibinigay ng mga ito sa kanya. So, may mga pekeng nagbibigay sa kanya ng atensiyon, huh! Tanggap din ni DJ ang mga natatanggap n puna at mga negatibong komento mula sa mga tagahanga at kasama pa rin sa mga pinasalamatan niya, huh! “Kailangan nating tanggapin na may mga pangyayari na hindi man sangayon sa atin o hindi man natin gusto pero it was bound to happen, ganun talaga,” banggit pa ng super sikat pa ring aktor. Para pa rin sa anak ni Karla ang lahat daw ng kaganapan sa buhay ay nasa plano ng Diyos kung kaya ibinalik ni Daniel ang pasasalamat at papuri sa Poong Maylikha.

 

 

***

 

 

ISA ang Kapamilyang aktres na si Julia Barretto sa sinasabing calendar girl ng Tanduay family para sa 170th anniversary ng naturang wine company. Siyempre dahil Tanduay Girl ay sexy and daring ang mga kuha kay Julia. Sey pa ni Julia na kaya raw niya tinanggap na maging Tanduay girl na kahit may kaba raw siyang naramdaman but still very proud daw siya at excited. “I was nervous but at the same time excited because for me it is an honor to be chosen to represent the brand for 2024,” sey pa ng aktres. Samantala, hindi naman tutol ang boyfriend ni Julia na si Gerald Anderson, pero may bilin lang ang aktor Kay Julia, huh! “I think ang pinaka-request niya lang is, yung sana tastefully, gracefully pa rin siya na gagawin ko,” lahad pa ng magandang aktres.

(JIMI C. ESCALA)

Metro Manila malapit ng magkaroon ng 6 police districts

Posted on: February 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MALAPIT ng magkaroon ng anim na police district ang National Capital Region (NCR) kasunod ng panukalang Caloocan City Police District (CCPD) na nangangailangan lamang ng green light mula sa National Police Commission (Napolcom).

 

 

Ayon kay City Police Station chief Col. Ruben Lacuesta na ang panukala ay matagal nang isinumite ng mga nakatataas sa Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame at National Capital Region Police Office (NCRPO) bago sa Napolcom.

 

 

“Naghihintay na lamang ang PNP ng paborableng tugon mula sa Napolcom na nangangasiwa at kumokontrol sa una,” ani Lacuesta.

 

 

“Kung mangyayari iyon, malapit na tayong magkaroon ng Caloocan City Police District na hiwalay sa NPD na may hurisdiksyon din sa iba pang mga kalapit na lungsod ng Valenzuela, Malabon at Navotas,” dagdag niya.

 

 

Sinabi ni Lacuesta na ang mga nauna sa kanya ang nagtulak sa Caloocan na magkaroon ng sariling police district at ipinaliwanag din niya na ang lungsod ay lubos na kuwalipikado dahil sa lawak ng lugar at populasyon nito, bukod sa iba pa.

 

 

Sa katunayan, sinabi niya na ang mag-amang sina Caloocan District 1 Rep. Oscar ‘Oca’ Malapitan at Mayor Dale Gonzalo ‘Along’ Malapitan ay nagtulungan para sa pagtatayo ng modernong apat na palapag na gusali at isa pang tatlong palapag na istraktura para sa punong-tanggapan ng pulisya at bumbero.

 

 

“Siguro sa susunod na buwan, ang kasalukuyan at lumang mga gusali ng pulis at bumbero na magkatabi ay ganap nang gibain para bigyang daan ang bago at modernong headquarters,” ani Lacuesta na ang pamunuan ay tumanggap ng iba’t ibang pagkilala at parangal para sa “Best Police Station” sa NCR at pinakamataas na ranggo sa may pinakamaraming bilang ng mga naarestong drug personalities at nakumpiskang milyun-milyong pisong halaga ng iligal na droga.

 

 

Nagpahayag naman siya ng pasasalamat sa mga Malapitan sa pagtupad sa kanilang pangako na tumulong sa pagtatayo ng modernong police headquarters dahil luma na ang kasalukuyang gusali habang kalahati nito ay wala nang tao matapos ang naganap na sunog ilang taon na ang nakakaraan.

 

 

Binanggit ni Lacuesta ang mga bentahe ng lungsod na magkaroon ng sariling distrito ng pulisya ay tulad ng pagbibigay ng mas maraming pulis o higit sa 3,000 tauhan upang tumugma sa bilang ng mga residente at pagtatayo ng mas maraming unit at police substation

 

 

Sa kasalukuyan, mayroong limang distrito ng pulisya, na nasa ilalim ng direktang pangangasiwa ng NCRPO, ito ay, Manila Police District, Quezon City Police District, Southern Police District (SPD), Eastern Police District (EPD) at NPD. (Richard Mesa)

Pag-ban sa POGO, aprub na sa House panel

Posted on: February 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
DAHILAN sa pagkakasangkot sa samut-saring krimen tulad ng human trafficking, prostitusyon, forcible abduction, murder, investment scam, swindling at iba pa, pinagtibay na ng House Committee on Games and Amusement ang panukalang batas na nagbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na mag-operate sa Pilipinas.
Ang House Bill (HB) 5802 na dinidinig ng komite ay iniakda ni Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr. na noong una pa man ay tutol sa operasyon ng mga POGOs sa ilang commercial at urban areas sa bansa.
Ipinunto ni Abante na ang pagtaas ng kriminalidad na may kaugnayan sa operasyon ng mga POGO ang hudyat para ipagbawal na ang operasyon ng mga ito.
Ayon sa PNP, nasa 4,039 ang mga biktima ng mga krimeng may kinalaman sa POGO sa unang bahagi pa lamang ng 2023.
Sa panig ni PAGCOR Chief Al Tengco, sinabi nito na umaabot na sa 2,000 mga banyaga ang kanilang naipa-deport sa bansa dahilan sa pagkakasangkot sa krimen.
Ayon kay Tengco, may mga sapat silang hakbangin para mapigilan ang mga krimen na iniuugnay sa operasyon ng POGO.
Sa katunayan, ayon pa sa opisyal mula sa 300 noong 2019 ay nasa 75 na lamang ang mga POGO na nago-operate sa bansa.

Gawang lokal na sasakyan bibigyan ng prioridad sa PUVMP

Posted on: February 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SISIGURADUHIN ni Speaker Martin Romualdez na ang mga lokal na sasakyan ang bibigyan ng prioridad sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.
Ito ang sinabi ni Romualdez sa isang ginawang dialogue sa pagitan ng mga lokal jeepney manufacturers kasama ang mga House leaders na ginawa sa Makati City kamakailan lamang.
“Prioritizing locally-made vehicles in the PUVMP would increase the potential for job creation ang other advantages of supporting domestic manufacturing. Our priority is our own Philippine-made jeepneys as this will bring out Philippine jobs and all other benefits,” wika ni Romuladez.
Ayon sa kanya na susuportuhan din ni President Ferdinand Marcos ang kanyang panukala tungkol sa initiative na ito sapagkat katulad ng kanyang ama na suportado rin ang anumang Philippine-made na produkto.
Binigyan diin niya ang kahalagahan ng pagbibigay ng suporta sa mga home-grown talent sapagkat ang mga ganitong innovation at expertise na pinakikita ng mga lokal na gumagawa ay kailangan pahalagahan.
“Local jeepney manufacturers play a crucial role in reshaping the nation’s public transport to meet modern standards,” dagdag ni Romuladez.
Kasama sa pagpupulong ang sektor ng manufacturing sa pangunguna nila Elmer Francisco at Ed Sarao ng eFrancisco Motor Corporation at Sarao Motors, respectively. Dumalo rin sila Deputy Speaker David Suarez at House Committee on Appropriations Chairman Elizaldy Co.
Nagbigay ng isang mungkahi si Francisco upang maging mabilis ang pagpapatupad ng PUVMP. Ayon sa kanya ay baka maaaring gamitin ang Maharlika Investment Fund upang makakuha ng USD 200 million o P11 billion mula sa nasabing pondo matapos ang isang consultation meeting kay MIC CEO Joel Consing.
Ayon naman kay Suarez na ang Mababang Kapulungan ay gumagawa ng isang unified approach upang makahanap ng isang balanseng sistema na magsusulong sa modernization ng public transport system at accommodating ng mga requirements upang sumunod sa consolidation standards.
Kamailan lamang ay binigyan ni Marcos ng extension ang deadline para sa consolidation hanggang April 30 na dapat sana ay Dec. 31, 2023 dahil na rin sa rekomendasyon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may 145,721 units o 76 porsiento ng PUVs at utility vehicles express ang may consolidation na. Sa ilalim ng PUV Modernization Program, ang mga operators at drivers ay kailangan magkaron ng operasyon bilang isang kooperatiba o korporasyon upang masiguro ang isang epektibong operasyon na may upgraded fleet na low-emission, safe, at efficient na mga units.
Sinigurado naman ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz na susunod ang board sa utos ni Marcos na pahabain pa ang deadline ng consolidation ng PUVs hanggang April 30.
“Operators and drivers are encouraged to take advantage of this opportunity provided by the President,” saad ni Guadiz.
Ang House Committee on Transportation naman ay pinagtibay ang isang resolusyon na hinihikayat si President Marcos na magkaron ng reconsideration sa lapsed na Dec. 31 na consolidation deadline.  LASACMAR

PBBM, inaprubahan at in-adopt ang 10-YEAR MARITIME INDUSTRY DEVELOPMENT PLAN 2028

Posted on: February 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at in-adopt ang 10-year Maritime Industry Development Plan 2028 (MIDP), magsisilbi bilang whole of nation roadmap ng bansa para sa integrated development at strategic direction ng maritime industry.

 

 

Sa apat na pahinang Executive Order No. 55 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin noong Pebrero 8, tinukoy ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na aprubahan at i-dopt ang MIDP upang mapagtanto at mauunawaan ang potensiyal ng Pilipinas bilang maritime nation.

 

 

“To fully realize our potential as a maritime nation, the country requires a clearly defined and coordinated roadmap that shall accelerate the integrated development of the Philippine Maritime Industry,” ayon sa Pangulo.

 

 

Sinabi ng Pangulo na “the MIDP envisions a strong and reliable Philippine Merchant Fleet, which addresses sea transport requirements in support of national development, consistent with the country’s “AmBisyon Natin 2024” of a strongly rooted, comfortable and secure life for all Filipinos.”

 

 

Sinabi pa rin nito na dapat na mag-adopt ang MARINA Board ng sistema para sa epektibong implementasyon, monitoring at pagrerebisa ng MIDP, at component programs, kabilang dito ang modernisasyon at pagpapalawak ng

 

 

domestic shipping at promosyon at pagpapalawak ng overseas shipping industry.

 

 

“The modernization, expansion and promotion of shipbuilding and ship repair industry; promotion of highly-skilled and competitive maritime workforce; enhancement of maritime transport safety and security; and promotion of environmentally sustainable maritime industry are also part of the component programs,” ayon sa EO.

 

 

Kabilang naman sa component programs ang implementasyon ng “maritime innovation, transformation, digitalization at knowledge center” at adopsyon ng epektibo at episyenteng maritime administration governance system.

 

 

Ang lahat naman ng ahensiya ng pamahalaan at instrumentalities ay dapat na nakahanay at naaayon ang kanilang mga polisiya at ‘courses of action’ upang matiyak ang epektibong implementasyon habang ang MIDP Technical Board (TB) ay nilikha para tumulong sa board sa pagpapatupad, pagmo-monitor, updating at pagrerebisa ng programa.

 

 

Ang MIDP TB ay bubuuin ng mga kinatawan mula sa MARINA Board na may ranggo na hindi mas mababa sa Assistant Secretary, o katumbas nito habang maaaring namang mag-imbita ang board o humikayat ng mga kalahok mula sa ibang kaugnay na ahensiya o instrumentalities bilang karagdagang miyembro, kung kinakailangan sa pagganap at tungkulin ng MIDP TB.

 

 

Samantala, maaaring makakuha ng buong kopya ng EO 55 sa Official Gazette kung saan nakasaad ang mga tungkulin ng MIDP TB. (Daris Jose)

Task Force El Niño, paiigtingin at muling magpupulong para talakayin ang collective action

Posted on: February 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINALAKAY ng mga miyembro ng Task Force El Nino, araw ng Lunes ang updates ng interbensyon para sa mga pangunahing sektor at karagdagang aksyon na kakailanganin para paigtingin ang pagsisikap laban sa epekto ng phenomenon at tiyakin ang kahandaan ng bansa lalo na sa mga lalawigan na kasalukuyang apektado ng El Nino.

 

 

Base sa pinakabagong assessment ng  Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Service Administration (PAGASA), may kabuuang 41 lalawigan ang kasalukuyang apektado ng El Nino.

 

 

Ang mga lalawigan na nasa ilalim ng dry condition ay ang  Batangas, Laguna, Masbate, Oriental Mindoro, Antique, Biliran, Capiz, Cebu, Eastern Samar, Guimaras, Iloilo, Leyte, Negros Oriental, Samar Lanao del Norte, Sulu, Tawi-Tawi.

 

 

Ang mga lalawigan naman na nasa ilalim ng dry spell ay ang  Abra, Aurora, Bataan, Isabela, Metropolitan Manila, Occidental Mindoro, Quirino, Rizal, Zambales, and Negros Occidental habang ang nasa ilalim naman ng drought condition ay Apayao, Benguet, Cagayan, Cavite, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, La Union, Mountain Province, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Palawan, at Pangasinan.

 

 

Sinabi ng PAGASA  ang pagkabawas sa bilang ng mga lalawigan na apektado ng El Nino. Mula sa kabuuang 50 na apektadong lugar base noong Enero 21, 2024 assessment sa 41 apektadong lalawigan.

 

 

Gayunman, sa kabila ng pagkabawas, muling inulit ng task force na may pangangailangan na palakasin ang paghahanda dahil sa malakas at mature na El Niño na inaasahan na magpapatuloy hanggang February 2024 at mananatili hanggang March-April-May 2024 season.

 

 

Samantala, ang mga pangunahing ahensiya gaya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of the Interior and Local Government (DILG),  Department of Energy (DOE), Department of Health (DOH), at  Department of Agriculture (DA) ay nag-presenta ng situation updates at interbensyon sa water sector, public safety, energy sector, health sector, at food security.

 

 

Sa kabilang dako, iniulat naman ng DENR ukol sa  water security na ang dam supply ay nananatiling sapat hanggang Mayo.  Sa kabila ng projection na ito, ang publiko ay pinapayuhan na magtipid sa paggamit ng tubig.

 

 

Patuloy naming mino-monitor ng departamento ang water supply sources at tinatrabaho ang pagtatatatag ng alternatibong water sources para mapigilan ang kakapusan sa suplay ng tubig.

 

 

Ang DILG, sa kabilang dako ay  patuloy na ipinatutupad ang mga programa at aktibidad ukol sa environmental protection sa  community level, law and order, at  fire safety.

 

 

Hinggil naman sa energy security, sinabi ng  DOE na ang interbensyon para tiyakin na sapat ang suplay ng enerhiya ay isinasagawa na.

 

 

Kabilang dito ang implementasyon ng transmission projects, siguraduhin ang integridad at maaasahan na power grid, at panawagan sa electric power industryna aktibong makibahagi sa El Nino mitigation efforts.

 

 

Samantala, iniulat naman ng DOH na walang disease outbreak sanhi ng  El Nino. Winika pa rin ng departamento na patuloy na tinitiyak nito ang kahandaan ng mga health facilities.

 

 

Para naman sa food security, ipinresenta ng DA ang priority interventions nito kabilang na ang water management, social protection para sa mga magsasaka at mangingisda,  kabilang na ang livelihood support at financial assistance, at price monitoring.

 

 

Binigyang-diin naman ni Task Force Chair at Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa miting ang kahalagahan ng ‘collective effort’ ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para tugunan ang epekto ng El Nino.

 

 

Nanawagan si Secretary Teodoro sa mga miyembro ng task force na makipag-ugnayan at tiyakin ang ‘coordinated efforts’ hindi lamang para sa El Nino kundi maging sa iba pang emergency at disaster concerns.

 

 

Ukol naman sa El Nino Platform, magtutulungan naman ang Department of Science and Technology (DOST) at  Department of Information and Communications Technology (DICT) para tiyakin ang epektibong paggamit ng platform.

 

 

Mayroon din aniya na pangangailangan na palakasin ang public information para hikayatin ang mga tao sa preparedness measures.

 

 

Ang Task Force El Niño ay muling binuhay at muling binuo sa ilalim ng Executive Order No. 53 na epektibo sa  darating na Enero 19, 2024.