• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 2:55 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2024

“MADAME WEB” SWINGS TO TOP OF PH BOX OFFICE – P10.4M GROSS BIGGEST FIRST DAY TAKE FOR 2024

Posted on: February 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Filipinos love Madame Web! 

 

 

 

Madame Web, the first superhero movie with a female lead in Sony’s Spider-Man Universe, is the #1 movie in the Philippines this week, scoring a record-breaking PHP 10,402,829 on its first day. With a Valentine’s Day debut in 326 screens nationwide, the film holds the biggest opening day gross so far for 2024.

 

 

 

“There was an opportunity with this movie to reinvent a Marvel world where, first of all, it’s led by women, and it’s made by women,” says Dakota Johnson, who plays Cassandra Web / Madame Web in the film. “And because of that, the characters are real, and they are messy, and they are complicated, and they are extremely powerful.”

 

 

 

Watch the trailer: https://youtu.be/9PtNR_Oukdg

 

 

Comicbook.com raves that “Madame Web is a modern-day throwback to the superhero adaptations of yesteryear” and praises Johnson for her “enigmatic performance” as the titular character.

 

 

 

Roger Ebert’s Christy Lemire describes Madame Web as “blissfully breezy” and commends Johnson for bringing “a refreshing, grounded quality to her superhero vibe.”

 

 

 

Fox TV Houston gives kudos to the creative team behind the film, led by director SJ Clarkson, for creating “a visually stunning thrill ride” and “a thriller that must be seen on the biggest screen possible!”

 

 

“This is a fantasy noir about psychics and sisterhood,” says SlashFilm. “The future is Spider-Female, and Madame Web knows it.”

 

 

 

Madame Web, also starring Sydney Sweeney, Isabela Merced, Celeste O’Connor and Tahar Rahim, is now showing only in cinemas. It is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #MadameWeb

 

 

 

About Madame Web

 

 

 

In a switch from the typical genre, Madame Web tells the standalone origin story of one of Marvel publishing’s most enigmatic heroines. The suspense-driven thriller stars Dakota Johnson as Cassandra Webb, a paramedic in Manhattan who develops the power to see the future… and realizes she can use that insight to change it. Forced to confront revelations about her past, she forges a relationship with three young women bound for powerful destinies… if they can all survive a deadly present.

 

 

 

Directed by SJ Clarkson, with screenplay by Claire Parker & Clarkson, story by Kerem Sanga, based on the Marvel Comics. Produced by Lorenzo di Bonaventura.

 

 

 

Starring Dakota Johnson, Sydney Sweeney, Celeste O’Connor, Isabela Merced, Tahar Rahim, Mike Epps, Emma Roberts, Adam Scott.

 

 

 

Now showing only in cinemas, Madame Web is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #MadameWeb

(ROHN ROMULO)

Sobrang down-to-earth ang Korean superstar: PARK HYUNG SIK, pinakilig nang husto ang Pinoy ‘SIKcret agents’

Posted on: February 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SULIT at super enjoy kami sa panonood for the first time ng fan meet ng isang Korean superstar na si Park Hyung Sik, ang lead actor ng K-drama na Doctor Slump na napapanood ngayon sa Netflix Philippines.

 

Sa naturang rom-com series kasama niya ang Korean actress na si Park Shin-hye.

 

Ang matagumpay na ‘2024 Asia Tour Fan Meeting: SIKcret Time in Manila’ ay ginanap noong Sabado, February 17 sa Smart Araneta Coliseum, na in-organize ng MQ Live at PublicityAsia.

 

For sure, kilala ng mga Pinoy fans ang Korean actor-singer na lumabas na sa mga seryeng The Heirs (2013), High Society (2015), Hwarang: The Poet Warrior Youth (2016-2017), Strong Girl Bong-soon (2017), Suits (2018), Happiness (2021), at Our Blooming Youth (2023).

 

Dumagsa at masayang nagsama-sama ang “SIKcret agents”, tawag sa mga fans ni Hyung Sik.

 

Kapansin-pansin na kahit super sikat nga ang Hallyu star, litaw na litaw ang pagiging down-to-earth nito at likas ang kaibaitan.

 

Ramdam na ramdam namin at kitang-kita kung paano siya nagpakita ng appreciation sa Pinoy fans na nag-ipon at nag-effort para makapanood ng naturang fan meeting, na pinag-isipan talaga ang concept, para lubusang ma-enjoy ng mga fans ni Hyung Sik.

 

Maayos ang flow ng fan meeting na puno ng kwentuhan, hanggang sa hi-and-bye portion niya pagkatapos ng show.

 

Aliw na aliw rin kami sa host ng show na si Janeena Chan, na maraming naiturong Tagalog words kay Hyung Sik, na mabilis naman nitong nakukuha.

 

Tuwang-tuwa rin kami sa mala-Pinoy Henyo na game, na kung saan ang Tagalog word at huhulaan ng Korean actor-singer ang kahulugan nito sa Korean sa tulong ng masuwerteng napiling Pinoy fans.

 

Ilang nga sa pinahulaan ay buwaya, mahal kita, masarap, labi, sapatos at gwapo.

 

Game na game din siyang sumagot sa Q&A na sinulat at hinulog sa box ng fans. Na kung saan sa isang tanong, ay biglang kumanta si Hyung Sik ng song ng kanyang favorite Korean singer na Park Hyo Sin.

 

Isa nga sa katangian ng isang Korean superstar, na bukod sa gwapo at marunong umarte ay mahusay din silang kumanta.

 

Dagdag kilig nga yung sa Pinoy fans, dahil para silang hinaharana ni Hyung Sik sa kanyang pag-awit ng “Off My Face” ni Justin Bieber, ang OST ng ‘Strong Woman Do Bong Soon’ na “Because of You,” at “Every Moment of You” na mula naman sa ‘My Love From the Star’.

 

Second time na ito ng Korean superstar na mag-fan meet sa Maynila, at nangako siya na muli siyang babalik, na siguradong may bago na niyang projects.

 

Ayon pa sa Hallyu star, hinding-hindi niya makalilimutan ang matinding pagmamahal na natanggap niya mula sa kanyang mga Pinoy fans sa fan meet na tumagal ng dalawang oras, na kung saan mas nakilala siya ng kanyang ‘SIKcret agents.’

 

Tinapos ni Hyung Sik ang fan meeting sa pamamagitan ng isang mensahe para sa kanyang mga tagahanga, na nagpapasalamat sa kanila sa kanilang walang humpay na suporta para sa kanyang mga proyekto.

 

“After four years, ngayon lang ako nakabalik. Thank you so much for all your passionate love.

 

 

“You know, I believe that you all have a great response when you see ‘Strong Woman Do Bong Soon.’ I can see that you really love that drama here in the Philippines, thank you so much.

 

 

“And also for my current show, ‘Doctor Slump,’ thank you so much for your love.

 

 

“Now I go back to Korea, I’ll come back with a lot more better project sana magiging excited kayo sa susunod. And siyempre, I want to make more opportunities in the future to meet all of you more. Thank you very much,” pahayag ni Hyung Siķ sa mga fans niya in Korean.

 

 

Nagulat naman siya sa pagbulaga sa big screen ng mga mensahe sa kanya ng mga fans. Nagpa-selfie rin siya crowd na may hawak ng banner, na ikinatuwa niya.

 

 

Kung pwede nga lang na next year ay bumalik uli siya sa ‘Pinas dahil nag-enjoy siya sa kanyang fan meet, at gusto niyang mag-scuba diving, pati na ang masasarap na pagkaing Pinoy.

 

 

Pahabol pa na mensahe pa ni Hyung Sik, “I’m not gonna forget all this energy that you gave me and remember that until my next proiect, I can do it better as well. Thank you!”

 

 

Ang fan meet niya sa Manila ay bahagi ng kanyang “SIKcret Time” Asia Tour, na nagsimula sa Hong Kong noong nakaraang taon at nagpatuloy sa South Korea, Japan, at Indonesia.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

PBBM, ipinag-utos sa PNP na paghusayin ang kakayahan sa komunikasyon, interoperability sa panahon ng operasyon

Posted on: February 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine National Police (PNP) na mas maging madiskarte sa pagkuha ng communications equipment para mas mapahusay pa ang interoperability nito lalo na sa panahon ng emergency at crisis situations.

 

 

Sa isinagawang unang PNP Command Conference na idinaos sa Quezon City, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na magtatag ng magandang sistema ng komunikasyon sa loob ng PNP.

 

 

“We have to be able to communicate to each other, lalung-lalo na dito sa mga disaster response. Kailangan alam natin kung ano ‘yung situation on the ground. Kailangan ‘yung nandoon na pulis, makapag-report kaagad na may nangyari, ganito yung situation, ito yung kailangan namin,” ayon sa Pangulo.

 

 

Sinabi rin ni Pangulong Marcos kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na tiyakin na may plano para sa pagpapahusay ng kakayahan sa komunikasyon nito, binanggit ng Punong Ehekutibo ang kanyang alalahanin ukol sa napaulat na low equipment capacity ng national police.

 

 

“We really need to come up with a plan to improve the communications capability of PNP. You cannot do your job without being able to communicate because mag-aantay kayo ng instructions, magre-report kayo sa central office, et cetera,” aniya pa rin.

 

 

“So that’s something that, I think, we need to look into very well, kasi ‘yung fill-up mababa masyado. Even digital radio, tactical—hindi tayo umabot ng 40 percent in any of the categories,” dagdag na wika nito.

 

 

“As of February 14″, malayo pa rin ang PNP para punan ang kahit pa papa ano ay kalahati ng requirement nito para sa communications equipment.

 

 

Nakapagtala ito ng 32.05% fill-up para sa digital radio, 33.98% para sa tactical radio at 2.48% para sa satellite phones.

 

 

Ang pagkuha ng mga equipment na ito nakaprograma sa ilalim ng PNP Capability Enhancement Program (CEP).

 

 

Sa ngayon ay hindi pa rin nakokompleto ng PNP ang pagbili sa 18 units ng conventional repeaters na nagkakahalaga ng P54 million at 80 units ng satellite phones na nagkakahalaga ng P6.5 million sa ilalim ng CEP 2023.

 

 

Para naman sa CEP 2024, nagpaplano ang PNP na kumuha ng 2,039 units body worn cameras, isang unit ng digital trunked radio system, karagdagang 18 units ng conventional repeaters, at 420 units ng VHF low band handheld radio, nagkakahalaga ng P585 million.

 

 

Ayon sa PNP, ang pagkuha sa ilalim ng CEP 2024 ay naantala bunsod ng mga usapin kaugnay sa Terms of Reference. Gayunman, tiniyak ng PNP na tinutugunan na ito.

 

 

Target ng PNP na makompleto ang procurement para sa CEP 2023 at 2024 sa loob ng 2024, makakapagpapataas sa fill-up rate nito na 32.07% para sa digital radio, 39.17% para sa tactical radio, at 6.03% para sa satellite radio.

 

 

Winika rin ng Pangulo sa mga opisyal ng PNP na pag-aralan ang paggamit ng iba pang communications equipment na maaaring nababagay sa lokal na situwasyon, sinabi pa ang teknolohiya sa ngayon ay nagiging mas mura at maayos.

 

 

“The advantage that we have is that technology is getting cheaper. Satellite phones are getting cheaper. All kind of communications equipment are getting and better,” ayon sa Chief Executive.

 

 

“So, tingnan ng mabuti what it is that we can do so we can provide our people with the best possible communications equipment,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Binanggit din ng Punong Ehekutibo na ang equipment na ginagamit ng ibang police forces sa ibang bansa, inatasan ang kapulisan na tingnan kung ano pa ang maaaring I-adapt sa PIlipinas.

 

 

Pinaalalahanan naman ng Pangulo ang mga dumalo ng opisyal na tiyakin na ang lahat ng equipment para sa komunikasyon ay standardized para masiguro ang interoperability sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

 

“Napag-usapan namin ni General Acorda yan in our sectoral meeting that our procurement must be all standardized so that the interoperability is clear,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Kahit ‘yung pulis malipat sa ibang lugar, pareho pa rin ang gamit, pareho pa rin ang procedure, pareho pa rin ang sistema. So, I think that’s very important thing: there has to be consistency,” lahad nito.  (Daris Jose)

DBM, nagpalabas ng ₱2.5 Billion para sa Free Public Internet Access Program (FPIAP)

Posted on: February 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Mina F. Pangandaman ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng P2.5 billion, at Notice of Cash Allocation (NCA) para sa first quarter na nagkakahalaga ng P356.2M para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng Department of Information and Communications Technology—Office of the Secretary (DICT-OSEC).

 

 

Saklaw ng disbursement ang implementasyon ng locally-funded projects kabilang na ang Free Public Internet Access Program (FPIAP).

 

 

“This funding is crucial because the internet is central to our emerging new age— the digital era. It is the backbone of our modern world. It connects us and makes everything more convenient, powering education, economy, health care, public safety, and even government services,” ayon kay Sec. Pangandaman.

 

 

Sa ilalim ng FPIAP ay ang pagtatayo ng Information Communication Technology (ICT) facilities gaya ng high-capacity networks, Middle Mile, at Last Mile ICT infrastructures, at maging ang mga tower, data centers, assets, at Iba pang service buildings.

 

 

Mula sa budget, mahigit sa ₱2.4 billion ang ilalaan sa free internet wifi connectivity sa mga pampublikong lugar.

 

 

Ang natitirang ₱50 million ay mapupunta sa connectivity concerns para sa State Universities and Colleges (SUC).

 

 

“President Ferdinand R. Marcos Jr.’s administration strives to make network connectivity more available for everyone, especially for our public servants and students. Sa Bagong Pilipinas, we are united as Filipino people both physically and online,” ang paliwanag ng Kalihim.

 

 

Layon ng FPIAP na makapagbigay ng zero-cost internet access sa public spaces sa buong bansa.

 

 

Ang mga public areas na ito ay ang national at government offices, public basic education institutions, SUCs, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) institutions, at maging ang mga pampublikong ospital, medical care facilities, mga plaza, at transport terminals.

 

 

Samantala, tinintahan ni Sec. Mina ang pagpapalabas ng pondo, huhugutin mula sa Free Public Internet Access Fund—Special Accounts in the General Fund (FPIAF-SAGF) sa ilalim ng fiscal year 2024 Automatic Appropriations, Pebrero 5, 2024. (Daris Jose)

Pinag-usapan ang success bilang isang theatre actress: LEA, na-feature sa isang article sa The Guardian UK

Posted on: February 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NA-FEATURE si Lea Salonga sa isang article ng The Guardian kunsaan pinag-usapan ang success niya bilang isang theatre actress sa London’s West End na nagsimula 35 years ago sa pinagbidahan niyang musical na ‘Miss Saigon’ in 1989.

 

 

 

Bumalik ang Tony Award-winning Filipino star sa pag-perform sa West End para sa musical tribute na ‘Stephen Sondheim’s Old Friends’ na nagbukas noong October 2023 sa Gielgud Theatre. Ngayon ay magsisimula na si Lea ng kanyang UK tour para sa kanyang ‘Stage, Screen & Everything in Between’ this summer.

 

 

 

Eight venues ang pagdarausan ng show at ang makapag-perform ulit ng isang gabi sa sa Drury Lane ay dream come true kay Lea: “We’ll definitely have Sondheim, some pop music, Disney, Miss Saigon, especially here, but it might not be the ones I sang. I remember doing the show and being envious of other people and their music. Now it’s 30-plus years on, I can pick and choose.”

 

 

 

After three decades sa theatre industry, malaki na raw ang pinagbago nito dahil naging open na ang lahat sa iba’t ibang klase ng tao: “There are more people of colour behind the scenes, where we need to be: directors, producers. In the upper echelons, I don’t know how far we’ve gotten because the positions of really great power are still occupied mostly by white folks.

 

 

 

“With producers like Clint Ramos, who I work with in Here Lies Love, and writers like Lin-Manuel Miranda; for him to also keep pushing needles in his own way and for all of these people of colour.”

 

 

 

***

 

 

 

INAMIN nina Shaira Diaz at EA Guzman na two years na silang engaged.

 

 

 

Sa GMA morning show na ‘Unang Hirit’ inamin ng dalawa na noong December 25, 2021 nag-propose si EA kay Shaira.

 

 

 

Ang rason kung bakit nila tinatago ang tungkol sa pagiging engaged nila ay dahil gusto ni EA na maging ready muna si Shaira.

 

 

 

“Ni-respect ko lang yung time niya. I know na ‘pag nag-propose ako baka mag “no” siya sa akin. That’s the truth. Pero naniwala ako sa pagmamahal niya and alam niya na ‘pag nag-propose ako sa kaniya, ‘pag nag-“yes” siya, I’m willing to wait. Maghihintay ako sa kanya, sa right time niya. Sa gusto niyang goal namin na pupuntahan. I’ll wait for her,” sey ni EA.

 

 

 

Sey naman ni Shaira na ramdam na niya na handa na siyang magkaroon ng sariling pamilya kaya ngayon lamang nila napagdesisyunan na i-announce officially ang kanilang engagement sa masa.

 

 

 

“Ngayon ko lang na-feel talaga na reding-ready na akong gumawa ng pamilya in the future, makasama siya habang buhay so sobrang ready na ako. Gusto ko nang ipagsigawan sa mundo kung gaano kami nagmamahalan, kung gaano ko siya kamahal,” sabi ni Shaira.

 

 

 

***

 

 

 

KINASAL na ang R&B singer na si Usher at ang longtime partner niyang si Jenn Goicoechea sa Las Vegas ilang oras pagkatapos ng kanyang Super Bowl LXVIII half-time show noong nakaraang February 11.

 

 

 

Kinasal ang dalawa sa Vegas Weddings, according sa marriage certificate na nilabas sa publiko noong February 12.

 

 

 

The ceremony was officiated by the Rev. Ronald Joseph Polrywka na kilala bilang Ron DeCar. Naging witness sa kasal ay si Jonnetta Patton, ina ni Usher.

 

 

 

The Clark county clerk, Lynn Marie Goya, the head of the county’s marriage license bureau ang nag-confirm na nag-issue sila ng a license kina Usher at Goicoechea last week.

 

 

 

Usher, 45, and Goicoechea, 40, have been together since 2019 and have two young daughters.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Naghintay lang ng tamang oras para i-announce… EDGAR ALLAN, ni-reveal na December 2021 pa sila engaged ni SHAIRA

Posted on: February 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MABUTI naman at nakikipag-date na muli si Andrea Torres.

 

 

Mula kasi noong nag-break sila ni Derek Ramsay noong 2020, wala na tayong nabalitaan na espesyal na lalaki sa buhay ni Andrea.

 

 

Sayang naman na sa ganda at seksi niyang iyon ay tatanda siyang dalaga, hindi ba?

 

 

Kaya sa pag-amin ni Andrea na back in the dating game siya, marami ang natuwa para sa magandang aktres.

 

 

Sa podcast na “Updated with Nelson Canlas” ay inihayag ni Andrea ang tungkol dito, na medyo matagal na rin siyang nakikipag-date pero hindi madalas.

 

 

“Yes,” umpisang pahayag ni Andrea. “Actually, matagal-tagal na rin. Hindi kasi ako yung maya’t-maya.

 

 

“Medyo may gap talaga.”

 

 

Dagdag pa ng aktres…

 

 

“Lumalawak ang mundo ko, and ngayon din na nagta-travel ako, nakakatuwa kasi siyempre parang nakaka-meet ka ng iba-ibang klaseng tao, tapos nalalaman mo yung buhay nila.

 

 

“Ine-enjoy ko lang talaga. Ganun pa rin naman, single, pero happy and nag-e-enjoy, nag-e-explore ng buhay.”

 

 

Ayon pa sa ‘Pasional’ lead actress hindi exclusive ang pakikipag-date niya.

 

 

***

 

 

SO, inechos lang pala kami ni Shaira Diaz sa interbyu namin sa kanya November last year.

 

 

Sa naturang panayam namin kay Shaira sa presscon ng ‘Lovers/Liars’ ay sinabi niyang HINDI pa sila engaged ng boyfriend niyang si Edgar Allan Guzman.

 

 

Pero heto at umamin na sila ni EA na December ng 2021 pa pala sila engaged!

 

 

Nangyari ang pag-amin ng dalawa sa ‘Unang Hirit’ nitong Biyernes, February 16.

 

Pahayag ni EA, “It happened on December 25, 2021… yes, mga Kapuso, UH fam, Shaira and I are engaged!”

 

Ayon pa sa dalawa iyon na nga, 2021 pa sila engaged pero dahil nirerespeto ni EA ang desisyon ni Shaira naghintay muna sila ng tamang oras bago ihayag sa publiko ang engagement nila.

 

“Ni-respect ko lang yung time niya. I know na pag nag-propose ako baka mag-“No” siya sa akin.

 

 

“That’s the truth. Pero naniwala ako sa pagmamahal niya and alam niya na pag nag-propose ako sa kaniya, pag nag-“Yes” siya, I’m willing to wait.

 

 

“Maghihintay ako sa kanya, sa right time niya. Sa gusto niyang goal namin na pupuntahan. I’ll wait for her,” wika pa rin ni EA.

 

Ayon naman kay Shaira na now is the time na handa na siyang humarap sa buhay-may-asawa kaya nag-decide na silang i-announce na ang kanilang engagement.

 

 

“Ngayon ko lang na-feel talaga na reding-ready na akong gumawa ng pamilya in the future, makasama siya habang buhay so sobrang ready na ako. Gusto ko nang ipagsigawan sa mundo kung gaano kami nagmamahalan, kung gaano ko siya kamahal,” bulalas pa ni Shaira.

 

 

Mag-e-eleven years na silang magkasintahan.

 

 

Going back sa interbyu namin kay Shaira last November kung saan sinabi niya mismo sa amin na hindi pa sila engaged, in fairness naman ay sinabi rin niya na pinag-uusapan na nila ni EA ang tungkol sa kasal.

 

 

Plano raw nilang magpakasal pagka-graduate ni Shaira, then isang taon silang mag-iipon.

 

 

“Para lang ready kami parehas, hindi kami pupulutin sa kangkungan.

 

 

“Para magawa namin yung dream wedding namin, gusto ko may ipon kami parehas, hindi lang siya, hindi lang ako,” bahagi pa rin ng interbyu namin kay Shaira last November.

 

 

Fourth year Marketing Management student si Shaira sa University of Perpetual Help sa Las Pinas City that time na kausap namin siya last November; isang taon na lamang at magtatapos na si Shaira sa pag-aaral.

 

 

Wala rin naman daw silang target na edad sa pag-aasawa.

 

 

“Wala naman, pero sakto na din naman po e, twenty-eight na po ako ngayon, si Edgar ay thirty-three na po, thirty-three or thirty-four, hindi ako sure,” sinabi pa sa amin ni Shaira November last year.

 

 

Well, hindi naman porke engaged na sila noong 2021 at inanunsiyo na nila ang tungkol dito ngayong 2024 ay hindi naman siguro nangangahulugang agad-agad silang magpapakasal.

 

 

Baka naman nga ga-graduate muna si Shaira sa school at mag-iipon muna bago ang wedding nila.

 

 

Abangan natin.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

WYATT RUSSELL TALKS ABOUT THE SINISTER POOL AND HIS TROUBLED CHARACTER IN THE SUPERNATURAL THRILLER “NIGHT SWIM”

Posted on: February 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Like his Night Swim character, Wyatt Russell (The Falcon and the Winter Soldier, Monarch: Legacy of Monsters) was a former athlete, one of the reasons director Bryce McGuire wanted him for the role of former baseball pro Ray Waller. 

 

 

 

For the actor, being able to draw on his own experience as an athlete definitely helped his performance. “There are aspects of this character that obviously I’ve felt before, or seen in people I know, where you’re sort of losing your ability and sense of identity to injury,” says Russell, who played hockey on the amateur and professional levels for six years, until injuries forced him to quit. “I know the feeling of wanting to do anything, even if it’s detrimental to yourself or your family, to keep playing; it’s a hard drug to let go of. There was that element of it that I know Bryce wanted, and I was able to do that because I had lived aspects of that life.”

 

 

 

In Night Swim, based on director McGuire’s acclaimed 2014 short film of the same name, Ray Waller (Russell) is a former major league baseball player forced into early retirement by a degenerative illness. Secretly hoping, against the odds, to return to pro ball, Ray persuades his wife, Eve (Kerry Condon), that their new home’s shimmering backyard swimming pool will be fun for the kids (Amélie Hoeferle and Gavin Warren) and provide physical therapy for him. But a dark secret in the home’s past will unleash a malevolent force that will drag the family under, into the depths of inescapable terror.

 

 

 

Watch the trailer: https://youtu.be/hgnUYV330cA?si=I447yv_uA3Bt25du

 

 

Besides his personal connection to his character, Russell says he was drawn to Night Swim because of the thematically rich story that McGuire had built from its fiendishly simple swimming-pool premise.

 

 

 

“I just love everything that the swimming pool represented – how it gives life and takes it away; how it holds both good and evil – and how it made for a refreshingly different approach to a genre story,” Russell says, adding he also appreciated the trajectory of Ray’s increasingly dark arc and how the true evil that threatens Ray and his family isn’t supernatural but his own flaws. “I liked how his selfishness and his misguided strategies for dealing with everything that comes with M.S. [multiple sclerosis] ends up being the forces that drive him. He’s a nice guy with a nice, normal family dealing with very real human dilemmas, but there’s this little kernel of narcissism that leaves him vulnerable to corruption that can take over his soul. It was just a fun part to play.”

 

 

 

McGuire says Russell was a joy to work with. “From our first conversation, I saw how deeply he understood the psychology of an athlete and an athlete’s struggle to move on from the sport they’ve dedicated so much of their life to,” he says of Russell. “Wyatt was a joy to work with for me because he was completely fearless. Without saying too much, he has to go to some extreme places in the movie and he was never self-conscious. He understands how to connect to an audience and he’ll try five different versions of something to give you options. That’s a dream for a director. He was game for anything, very selfless and always thinking of the movie.”

 

 

 

Dare to take a dive when Night Swim, distributed by Universal Pictures International, opens in cinemas February 21. #NightSwimMoviePh

 

 

 

Follow Universal Pictures PH (FB)UniversalPicturesPH (IG) and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates on Night Swim.

 

(ROHN ROMULO)

GMA, waging-wagi sa ‘2024 Platinum Stallion National Media Awards’: RHIAN, tinanghal na Best Primetime Actress para sa pagganap sa ‘Royal Blood’

Posted on: February 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAG-UWI ng 19 na parangal ang GMA Network sa 2024 Platinum Stallion National Media Awards, kasama ang TV Station of the Year award.

 

Sa iba’t ibang kategorya sa Telebisyon at Radyo, muling pinatunayan ng Kapuso Network na ito pa rin ang academe’s choice.

 

Nanalo sa ika-7 beses bilang Regional TV Network of the Year ang regional arm ng GMA — ang GMA Regional TV
Ang flagship AM radio station ng network na DZBB Super Radyo 594 ay muling napili bilang AM Radio Station of the Year.

 

Tinanghal na Best TV News Program ang award-winning at top-rating na flagship newscast ng GMA Integrated News na 24 Oras.

 

Tumanggap ng parangal para sa Female News Anchor of the Year at Male News Anchor of the Year ay sina Vicky Morales para sa “24 Oras” at Atom Araullo para sa “State of the Nation,” ayon sa pagkakasunod.

 

Ang multi-platform leader ng GMA Public Affairs at multi-awarded show na “Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS)” ay nag-uwi ng isa pang Best News Magazine Program Award.

 

Tinanghal ding Best Morning Show ang longest-running morning show sa bansa, ang “Unang Hirit.

 

Ang pagkapanalo ng Best Documentary TV Show Award ay ang pinaka-kinikilalang public affairs show na “Reporter’s Notebook.”

 

Kinilala bilang Best Public Service Program Host Award ang beteranong mamamahayag na si Emil Sumangil para sa “Resibo: Walang Lusot ang May Atraso.”

 

Sa pagpapatunay ng kahusayan sa paggawa ng superior entertainment, ang GMA Entertainment Group ay nagkamit ng iba’t ibang pagkilala.

 

Ang “Royal Blood,” ang biggest murder mystery sa primetime TV, ay nagwagi bilang Best Primetime Drama Series.

 

Nanalo bilang Best Game Show ang top-rating game show na Family Feud, hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

 

Muling ginawaran bilang Best Comedy Program ang Pepito Manaloto.

 

Samantala, pinatunayan ang kanilang natatanging talento at husay sa larangan ng entertainment ay ang mga Kapuso personalities na si Rhian Ramos, na nanalo ng Best Primetime Actress Award para sa “Royal Blood”; Pokwang, na tumanggap ng Best Variety Show Host Award para sa “TiktoClock”; at Ashley Ortega, na ginawaran ng Breakthrough Artist of the Year Award para sa “Hearts on Ice.”

 

Ang GMA Synergy sportscaster at 24 Oras Game Changer segment host na si Martin Javier ay napili rin ng award-giving body bilang Best TV Sports Program Host.

 

Panghuli sa mga awards na nakuha ng Kapuso Network, ay isa pang hanay ng mga parangal para sa pelikula ng GMA Pictures at ng GMA Public Affairs na “Firefly.” Si Zig Dulay ay nanalo ng Director of the Year Award, habang si Euwenn Mikael ay tinanghal na Child Star of the Year.

 

Itinatag noong 2015, kinikilala ng Platinum Stallion National Media Awards ng Trinity University of Asia ang mga indibidwal at institusyon para sa kanilang mga kontribusyon sa industriya na nagbibigay inspirasyon sa komunidad ng Trinitarian.

(ROHN ROMULO)

Ads February 17, 2024

Posted on: February 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Gayahin ang Senado, magpasa ng P100 wage hike bill

Posted on: February 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINAMON ng isang grupo ng mga manggagawa ang Kamarang maghain ng counterpart bill sa panukalang P100 minimum wage hike ng Senado, bagay na lusot na sa ikalawang pagdinig.

 

 

Miyerkules lang nang pumasa sa second reading ang Senate Bill 2534, na layong iangat ang arawang minimum na pasahod para sa mga manggagawa’t empleyado sa pribadong sektor.

 

 

“Bagama’t nahuhuli na at maliit kumpara sa family living wage, deserve ng mga manggagawa na itaas ang kanilang sahod lalo pa’t taun-taon ay lumalaki ang inaambag ng mga manggagawa sa yaman ng bayan,” wika ng Kilusang Mayo Uno (KMU) nitong Miyerkules.

 

 

“Hinahamon namin ang mga mambabatas sa House of Representatives na isantabi na ang pakikipagbangayan. Dapat mas pagtuunan ng pansin ang pagpapasa ng kaparehong batas sa Kamara, at hindi ang pagtatalo-talo dahil sa [Charter Change].”

 

 

Dati nang inilalaban ng KMU at mga grupo ng manggagawa ang P750 na umento sa arawang sahod para mailapit ang minimum wage sa family living wage (FLW), o ‘yung sahod na kailangan para mabuhay nang disente ang pamilyang may limang miyembro.

 

 

Kasalukuyang kasing nasa P1,193/araw ang FLW para sa mga nakatira sa Metro Manila, malayo sa P610 na minimum wage sa ngayon sa

 

 

Una nang pinalagan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at grupo ng mga employer ang panukalang wage hike sa dahilang mahihirapan aniya ang mga maliliit na negosyante rito, bukod pa sa pagbilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin (inflation).

 

 

Pero sagot ng mga manggagawa, higit namang mas maraming ine-empleyado sa ngayon ang mga malalaking kumpanya kaysa sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs).

 

 

Binabanatan sa ngayon ng mga progresibong grupo ang pagtatalakay ng pagbabago ng 1987 Constitution, bagay na magpapahintulot sa mas malaking pagmamay-ari at pamumuhunang banyaga sa mga lokal na serbisyo, negosyo at industriya.

 

 

Sinabi ng KMU na mas mahalagang unahin ang mga panukalang magpapagaan sa buhay ng karaniwang Pilipino kaysa sa Cha-Cha at dayuhang interes.

 

 

“At para naman sa mismong mastermind ng Cha-cha na si Bongbong Marcos, galaw-galaw naman! Dalawang taon ka na sa pwesto pero wala ka pa ring ginagawa para sa mga manggagawa,” dagdag pa ng grupo.

 

 

“Gawin mo namang priority ang mga manggagawa, hindi puro pagpapayaman!”

 

 

Sinang-ayunan naman ng grupong Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR) ang pagpapasa ng P100 dagdag sa minimum wage, lalo na’t kailangang kailangan daw ito ng mga manggagawa.

 

 

Sa kabila nito, aminado ang grupong kulang pa rin ito para matugunan ng karaniwang tao ang mga batayang pangangailangan.

 

 

“P100 increase in the minimum wage will help wage earners cope with inflation and high costs of social services,” wika ng CTUHR. “While the proposal will result in wage distortion, it will also help even those who earn above the minimum wage.”

 

 

“While higher than the meager amounts that have been approved by the country’s regional wage boards, a P100 wage increase still falls short of the basic needs of an ordinary family.”

 

 

Payo pa ng CTUHR, magandang gawing “across-the-board” o i-apply sa buong bansa ang panukalang dagdag sahod upang mapigilan ang wage distortion at alitan sa sweldo.

 

 

Mahalaga aniya ang ini-sponsor na panukala ni Sen. Jinggoy Estrada sa ngayon lalo na’t bigo raw ang 35-anyos na regional wage boards sa pagbibigay ng agarang kaginhawaan sa mga manggagawa.

 

 

Dagdag pa nila, kung gusto ng gobyernong protektahan ang mga MSMEs ay panahon na raw upang babaan ang singil sa kuryente at tubig, ayusin ang mga imprastruktura at solusyunan ang problema sa trapik. (Daris Jose)