• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 12:11 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 28th, 2024

Top Ten cities sa NCR kinilala ng isang NGO

Posted on: February 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYANG pagkilala ng isang non- governmental organization ang top ten cities sa National Capital Region pagdating sa usapin ng masinop na pananalapi.

 

 

Ayon kay Jose Esgaña, tagapangulo ng grupong CPAS-LEADGROUP Inc., napili ang sampung nangungunang lungsod batay sa pagsusuri na nakabase naman sa mga datos na nakalathala sa website ng Commission on Audit.

 

 

Nangunguna ang Quezon City na sinundan ng mga lungsod ng Valenzuela, Manila, Pasay, Marikina, Muntinlupa, Mandaluyong, Las Piñas, Navotas at Parañaque.

 

 

Paliwanag pa ng dating alkalde ng bayan ng Sta. Fe sa lalawigan ng Cebu, napili ang sampung lungsod batay sa criteria na Fund Utilazation base sa cash in balance, excess from revenue & expenses at presumptive spending to capital outlay o iba pang mga gastusin.

 

 

Paliwanag pa ni Esgaña, ang kanilang grupo ay naglalayon na ipabatid sa publiko ang kahusayan ng mga local government unit sa paghawak ng pondo ng bayan at sa tamang utilization o paggamit nito para sa mga basic services at development project.

 

 

Sa huli, sinabi ni Esgaña na ito ay panimula pa lamang dahil sa mga susunod na panahon ay kanila namang itataas ang antas ng pagkilala sa provincial level. (PAUL JOHN REYES)

Nangakong hindi na ito mauulit… Sen. ROBIN, nag-sorry na sa Senado sa pagpapa-IV drip ni MARIEL

Posted on: February 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINUTAKTI at kaliwa’t kanan ang natanggap na batikos nang ginawang pagpa-IV drip ng asawa ni Sen. Robin Padilla na si dating host at aktres Mariel Padilla.

 

 

Paliwanag pa agad ni Mariel na hindi raw naman niya sinadya ang naturang pangyayari.

 

 

Nataon lang daw kasi na doon siya inabot sa opis ng kanyang asawang senador at may mahalaga siyang pupuntahan kung kaya late na raw siya sa naturang appointment. “Drip anywhere is our motto! Hehehe I had an appointment… but was going to be late so I had it done in my husband’s office, hehehe!” Bahagi pa ng post ni Mariel. Wala na rin naman ang naturang post at larawan, binura na ito ng aktres sa kanyang Instagram account. Dagdag paliwanag pa rin ni Mariel na hindi raw siya naman nagmimintis sa pagpapa-drip (ng Vitamin C at hindi raw Glutatione) dahil sa nakikita niyang magandang benepisyo nito sa kanyang katawan. Agad namang humingi ng paumanhin si Sen. Robin matapos itong mag-viral. “Nakakatawa naman po ang isyu na yan, my goodness. Kung may nakita po silang masama sa larawan na yan, paumanhin po,” pahayag pa ni Robin. Dagdag pa rin ng senador na wala raw namang intentions of disrespect ang viral picture na yun ng asawa niya. “No intention of disrespect. My life loves to promote good looks and good health,” sey pa ng senador.

 

Nag-apologize din si Senator Robin Padilla kina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senator Nancy Binay, na chairman of the Senate Committee on Ethics and Privileges.
At noong Lunes, Pebrero 26, sumulat din si Sen. Robin sa opisyal ng Senado na sina Senate’s Medical and Dental Bureau chief Dr. Renato DG Sison and Senate Sergeant-at-Arms retired Lt. Gen. Roberto Ancan.

 

Sa naturang liham ay nagpaliwanag at nag-sorry ang aktor/politiko hinggil sa kontrobersyal na drip session ng asawa sa kanyang opisina.

 

 

“Ang liham pong ito ay upang ipaabot ang aking paghingi ng paumanhin sa pangyayari noong ika-19 ng Pebrero, 2024 patungkol sa pagsasagawa ng Vitamin C Intravenus Drip ng aking maybahay sa loob ng aking tanggapan dito sa Senado,” pahayag ni Sen. Robin

 

 

“Kailanman po ay hindi ko naisip na ipagwalang-bahala ang mga umiiral na alituntunin ukol sa seguridad ng Senado, lalo’t higit ang hindi pagbibigay-galang sa ating institusyon.”

 

 

Sa kanyang liham kay Dr. Sison ay sinabi naman ni Sen. Robin na wala raw intensyon ang asawa na labagin ang umiiral na patakaran sa Senado.

 

 

“Nais ko pong bigyan ng diin na wala pong intensyon ang aking maybahay na ipagwalang-bahala ang mga umiiral na patakaran ng Medical Bureau,” pahayag pa niya.

 

 

Nangako rin ang esposo ni Mariel na hindi na raw ito mauulit.

 

(JIMI C. ESCALA)

Baon sa lahat ng estudyante, isinusulong

Posted on: February 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISINUSULONG ng isang mambabatas ang paglalaan ng taunang cash assistance na P1,000 sa pre-elementary, P2,000 sa elementary, P3,000 sa junior high school, P4,000 sa senior high school at P5,000 sa mga college students.

 

 

 

Nakapaloob ito sa House Bill 6908 na inihain ni Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro.

 

 

 

Ayon sa mambabatas, ipinasa noong 1988 ang batas para sa Free Public Secondary o High School Education.

 

 

 

Matapos ang halos 30 taon noong 2016 ay isinabatas naman ang Universal Access to Quality Tertiary Education o ang Free College Education Program Law.

 

 

 

“Napapanahon na upang atin pang dadagdagan ang access sa edukasyon ng lahat ng ating mga kabataan at mamamayan. Patotohanan din natin ang pagbibigay ng pinakamataas na prayoridad ng budgetary allocation sa edukasyon na syang utos ng ating Saligang Batas. Let’s institutionalize a universal educational assistance program,” anang bagitong mambabatas.

 

 

 

Sakop ng cash assistance sa ilalim ng panukala ang lahat ng estudyante sa public o private schools.

 

 

 

Wala umanong magiging requirement sa economic condition ng student beneficiary o kanyang pamilya para makakuha ng tulong o assistance. Gayundin walang limitasyon aniya sa bilang ng beneficiaries kada amilya.

 

 

 

Ngunit, para magatuloy ang ibinibigay na assistance ay kailangang naka-enroll at dumadalo ng klase o 80% attendance ang student beneficiary.

 

 

 

Magkakaroon rin ng assessment sa halaga ng cash assistance upang maikunsidera ang inflation at iba ang economic indicators na makakaapekto dito. Ang cash ay ipamamahagi sa pamamagitan ngelectronic cash transfer.

 

 

 

“Alam natin na kailangan nating dagdagan at ayusin ang ating mga school buildings. Kailangan din mag upgrade ng ating mga school facilities, laboratories at mga computers. Ang ating mga guro ay nararapat na mabigyan ng sapat at kaukulang mga trainings at skills upgrading.Subalit, ang ating mga mag aaral ang una dapat sa lahat. Ang cash assistance sa House Bill 6908 ay maliit na baon lamang, subalit malayo ang mararating nito upang ang ating mga estudyante ay makapasok araw-araw at tuluyang makatapos ng pag aaral,” pagtatapos ni Luistro .  (Ara Romero)

China Coast Guard responsible sa jamming signal

Posted on: February 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INAKUSAHAN ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang Chinese counterpart ng jamming sa signal ng tracking system ng mga barko ng Pilipinas ng ilang beses sa mga kinakailangang operasyon  sa West Philippine Sea (WPS) na pinipigilan makapag-broadcast ang mga barko ng kanilang mga posisyon sa dagat.

 

 

Sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na naobserbahan nito sa rotational deployment ngayong buwan ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquiatic Resources (BFAR) ships sa Bajo de Masinloc  na may mga pagkakataon na ang kanilang barko ay hindi makapag-transmit ng kanilang automatic identification signals (AIS).

 

 

Noong Pebrero 22, binanggit ni Tarriela na humarang umano ng China Coast Guard (CCG) ang AIS ng BRP Datu Sanday ng BFAR, na idineploy para mag-supply ng gasolina at matiyak ang seguridad ng mga mangingisdang Pilipino upang suportahan ang press release ng China sa matagumpay na pagtataboy sa mga barko ng Pilipinas.

 

 

Sinundan ng pagpapalabas ng pahayag ng CCG sa kanilang official website na itinaboy nila ang BRP Datu Sanday nang iligal itong pagpasok katubigan na katabi ng Huangyan Dao ng China.

 

 

“We also noticed this occurrence during the last deployment of BRP Teresa Magbanua and BRP Datu Tamblot. Through such jamming, any commercial AIS monitoring cannot also disprove such statements because they may not be able to find our vessels,”sabi ni Tarriela. GENE ADSUARA

Masaya na nag-uusap na sila ng anak: DENNIS, gustong maihatid sa altar o ma-witness kapag ikakasal na si JULIA

Posted on: February 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA mismo ni Dennis Padilla na nag-uusap na sila ng kanyang anak na si Julia Barretto.

 

 

Sa grand presscon ng romantic-comedy film na ‘When Magic Hurts’ starring Beaver Magtalas and Mutya Orquia last Saturday, sinabi ng aktor na nag-reach out si Julia noong birthday niya last Feb. 9, sa pamamagitan ng short text message.

 

 

“Nung birthday ko, kaya naman natutuwa ako and actually, naluha ako nang mabasa ko ang birthday message niya, dahil masarap sa pakiramdam.

 

 

“And sana magkita kami soon,” pahayag ni Dennis.

 

 

Hirit pa niya, “palagay ko dito magsisimula ang ‘magic’.”

 

 

Dagdag pa ni Dennis tungkol dito, “Tinatanong ko rin sa sarili ko kung dapat ba na sabihin ko sa mga press na nag-text siya.

 

 

“Sabi ko, hindi ko alam kung tama, pero ‘yun ang nararamdaman ko na okay naman na malaman ng tao na nag-text na siya sa akin, proud lang ako.”

 

 

Hoping si Dennis na magtutuloy-tuloy na ang communication nila ng anak at ng mga kapatid nito na sina Claudia at Leon.

 

 

“Oo sana, sumunod na sila. I’m sure naman, nalaman ng mga bata, nina Claudia, Leon, na Ate (Julia) texted papa.

 

 

“Si Leon nami-miss ko na talaga. Siya rin ang huli kong nakausap na… at saka, lalaki `yon, kaya talagang nami-miss ko siya,” sabi pa ni Dennis na gaganap bilang isang gay na may-ari ng malaking flower farm sa ‘When Magic Hurts’, na magiging nanay-nanayan ni Mutya.

 

 

Nabanggit din niya sa interview na happy siya for Gerald Anderson and Julia na sana raw ay siya ang maghatid sa altar sa anak sakaling magpakasal na ang dalawa.

 

 

“Yung ihahatid mo ang sa daugther mo sa altar, isang beses lang mangyayari sa buhay mo ‘yun, kaya gusto kong mangyari ‘yun.

 

 

“Pero kung hindi man mangyayari, gusto ko pa rin ma-witness ‘yung wedding na `yon, kahit na hindi ako ang maghahatid.”

 

 

Paano kung hindi ka inimbita nina Julia at Gerald?

 

 

“Siguro magsusuot ako ng wig, tsaka facemask, at dark shades,” natatawang sagot pa ng aktor.

 

 

“Pero sana naman ma-invite ako. Para mas masaya ‘yun. At saka, sa palagay ko `yun ang tama yata, eh…,” sabi na lang ni Dennis.

 

 

***

 

 

TUNGKOL pa rin kay Dennis Padilla, magkakasama uli sila ni Claudine Barretto na gaganap namang mother ni Mutya Orquia sa ‘When Magic Hurts’ na mula sa panulat at direksyon ni Gabby Ramos.

 

 

Naikuwento ni Dennis ang experience niya working with Claudine.

 

 

Nagkasama na sila sitcom ni Aga Muhlach at sa ‘Home Along Da Riles.

 

 

“Sa pelikula, first time pa lang namin magkasama. Kasa very touching and madrama ang moments namin kasi totoong buhay, dati ko siyang kapatid.

 

 

“Tapos dito sa movie, lalabas na parang ako ang magpapatuloy na mag-aalaga sa character ni Mutya, kasi something will happened to the character of Claudine.

 

 

“May eksena kami ni Claudine, na talagang maluluha kayo. Tapos feel na feel ko ang role, kasi tungkol sa daughter. Alam n’yo naman ang drama ng buhay ko.

 

 

“So, noong ginagawa ko yun pelikula, isa sa pinakamadali kong gawin ay ‘yun maluha.”

 

 

Dagdag pa ni Dennis, “halos three days kaming magkasama, at magkatabi lang ang rooms namin.

 

 

“Tapos yun weather pa, ang mga eksena namin na very touching, kaya masaya na maluluha kayo, kaya panoorin n’yo.”

 

 

Inamin nga ni Dennis na madali siyang naka-relate sa pagganap niya bilang Nanay Anton kay Olivia (Mutya).

 

 

“Madali dahil ang dami kong anak, pito sila. Sa first chapter ng buhay ko, dalawa anak ko, sa second chapter, tatlo anak ko, at sa third chapter, dalawa rin anak ko.

 

 

“Pero siyempre ang pinakasikat kong daughter at si Julia, kaya madali akong maka-relate sa role ni Mutya.

 

 

“Very touching ang eksena naming tatlo ni Claudine. Especially noong nagdadalaga si Mutya, ako ang nagpapaliwanag sa kanya.

 

 

“Parang sa totoong buhay, yung mga magulang, gina-guide ang mga anak natin. Lalo sa tatay na mas protective sa mga anak na babae.”

 

 

Ang masakit lang tanggapin at hindi ito nagagawa ni Dennis sa iba niyang anak.

 

 

“Hindi eh, that’s why kapag nagsasalita ako, lagi akong nagsasabi na, ‘I’m just a text or call away’. Kahit na anong anong problema, pwede mo akong tawagan o kausapin.

 

 

“And ako, willing akong mag-advice, willing akong mag-protekta, basta alam ko lang kung kailan.”

 

(ROHN ROMULO)