• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 12:11 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2022

Kevin Durant, pumayag na manatili sa Brooklyn Nets matapos kausapin ng management

Posted on: August 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO ngayon ng management ng Brooklyn Nets na mananatili pa rin sa kanilang team ang NBA superstar na si Kevin Durant.

 

 

Ang “pag-move forward” na ng Brooklyn ay matapos na mabigo na makakuha ng deal sa ibang team na pampalit sana sa paglipat kay Durant.

 

 

Kung maalala mula pa noong June 30 humihingi na ng trade si Durant, 33.

 

 

Naging dahilan ito nang pagbuhos ng mga interesadong teams upang makuha sana ang serbisyo ng dating MVP, tulad na lamang ng Boston Celtics, Miami Heat, Memphis Grizzlies, Philadelphia 76ers at Toronto Raptors.

 

 

Gayunman ayon sa statement ng general manager ng Brooklyn Nets na si Sean Marks, iniulat nito na kinausap nila si Durant kasama ang coach na si Steve Nash Joe Tsai at Clara Wu Tsai doon sa Los Angeles para magkapaliwanagan.

 

 

Sa ngayon aniya, nakapokus na sila sa basketball at iisa lamang ang layunin at ito ay makuha ang kampeonato.

 

 

Ang tinaguriang isa sa “deadliest offensive weapon sa NBA” na si Durant ay merong apat na taong kontrata sa Nets.

 

 

Kung maalala ang isa pang NBA star na si Kyrie Irving ay humingi rin ng trade sa Brooklyn pero sa huli ay hindi rin natuloy at mananatili pa rin siya sa team para muling magsama ng puwersa kasama si Durant.

Malakanyang sa publiko, maging maingat

Posted on: August 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang publiko na maging vigilante at maingat  laban sa  monkeypox.

 

 

“Ang bawat isa ay pinapaalalahanang maging maingat at mapagmatyag sa sakit na monkeypox,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa kanyang Facebook post.

 

 

Ang pahayag na ito ni Cruz-Angeles ay matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) ng isa pang kaso ng monkeypox virus sa bansa.

 

 

Bunga nito, umaabot na sa apat ang kaso ng monkeypox sa Pilipinas.

 

 

Tinukoy ang pag-aaral na ginawa ng mga eksperto, sinabi ni  Cruz-Angeles  na  sa pagitan ng  5 at 21  araw  lilitaw ang sintomas ng monkeypox.

 

 

“Ang mga sintomas naman ay inaasahaang maramdaman ng taong nahawa sa loob ng dalawa hanggang apat na linggo,” anito.

 

 

Kaya ang payo ni Cruz-Angeles sa publiko ay bisitahin ang social media platforms na hawak ng DOH upang makakuha ng karagdagang impormasyon hinggil sa  monkeypox at protektahan ang kanilang sarili laban sa nasabing sakit.

 

 

Sa ulat, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng isa pang kaso ng monkeypox virus sa bansa.

 

 

Bunga nito, umaabot na sa apat ang kaso ng monkeypox sa Pilipinas.

 

 

Ang ika-apat na kaso ay isang 25-year old na Filipino na may travel history.

 

 

Siya ay nagpositibo sa Polymerase Chain Reaction or PCR test noong Biyernes, August 19.

 

 

Ayon sa DOH, ang naturang pasyente ay naka-admit ngayon sa isang isolation facility.

 

 

Natukoy na rin ang 14 na close contacts ng nasabing pasyente kung saan ang isa ay nasa isolation facility na rin habang ang anim ay naka-quarantine.

 

 

Ang isa naman ay isang healthcare worker na nakasuot ng complete Personal Protection Equipment (PPE) noong magpakonsulta ang pasyente.

 

 

Nasa low risk naman ito at kasalukuyang nagse-self monitoring.

 

 

Patuloy namang bini-verify ang anim na iba pang close contacts. (Daris Jose)

Netizens, nagtalo-talo na naman dahil meron pa ring nanglait: HEART, pinasalamatan ni JINKEE dahil nagustuhan ang hand-painting sa Hermes bag

Posted on: August 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINASALAMATAN ni Jinkee Pacquiao si Heart Evangelista dahil nagustuhan niya ang hand-painting sa kanyang Hermes pink bag.

 

Pinost niya sa IG ang naturang painting ni Heart at may caption na, “thank you dear @iamhearte (pink heart emoji).

 

At nag-comment naman ang asawa ni Sen. Chiz Escudero ng, “I’m happy (kasama ang 5 red heart emojis).

 

Gandang-ganda rin sina Ruffa Gutierrez at Nadine Samonte, ganun din ang mga netizens.

 

Sa entertainment blog, iba’t-iba ang naging comments ng mga marites dahil meron ding nanglait sa hand-painting ni Heart…

 

“Maganda pala ang bag painting na yan ni Heart. Noong kinlose up kasi, nachahakahan ako kasi parang may chicken pox yung girl lol.”

 

“That’s ostrich leather.

“Friends nman pla sila.”

“I looove the cubism elements Heart has been incorporating in her art lately. Gumanda lalo yung bag.”

“Medyo nag iba na nga siya ng style Dati plain lang yng nga characters niya.”

“Overall, maganda naman pala.”

“That kind of painting is like so yesterday.”

“Arte mo. there is no such thing as “so yesterday” when it comes to art. art is timeless. kaloka ka.”

“Ka cheapan ang knowledge mo sa art. Jusme!”

“Check your art history, since you want to act like a fake aristocrat. do you know the movements and styles that stayed over the years?”

“So yesterday? So pano yung mga painting na gawa ng mga artists from before, so centuries ago? Kalowka! Nakakasad may time mag tsismis pero kulang sa tamang kaalaman.”

“Sa true lang, mas gumanda yung bag ni Jinkee. Maski mahal hindi tlaga maganda ang bag. Ang plain tingnan. Opinyon ko lang naman to.”

“Chaka! Mas madami syang magandang design. Parang pinagbigyan na lang si jinky para matapos na. Charot 😜”
“Sa mga naglait sa artwork ni Heart. EAT IT. Ang sosyal kaya. Love it 😍”

“Ang shala ng dating. I want it.”

“Ang importante happy sya sa outcome. 😌”

“Pareho sila ni Heart. Ibang mundo at time zone.”

“Sobrang talented talaga ni Heart. Nasa kanya na lahat.”

“In 5 years time may value na ng bongga ang name ni Heart E sa art industry.”

“Heart’s painting is beautiful pero in my case kahit super yaman ako hindi ko ipapa paint ang hermes. Better appreciate the painting in a wall kaysa in a bag na pwedeng ma damage ang leather ng paint.”

“Sabi ng nanay ko pag mayaman ka naman talaga wala kang paki kung panget ang painting sa bag kasi pwede ka naman bumili ng bago or excuse mo para bumili ng bago.”

“It’s a matter of preference… not being rich or not. Marami mayayaman na may Hermes but chose not to paint their bag with acrylic. Maganda naman yung pagka paint ni H. I love it but like the comment above, I would choose to leave my bag alone and buy H’s painting to hang on my wall if I could afford her painting. What matters most is J is satisfied Kahit iba iba tayo ng preference.”

“Kanya-kanyang trip tayo sa buhay.Maraming collection sila ng Hermes.”

“Nakakadagdag ba sa presyo nun Hermes kung pinturahan? or ipinapintura dahil may defect yun Hermes para maitago yun imperfection nun bag?”

“If you’re a true collector person of Hermes bags? you would understand its price value as the paint gave validation that it is indeed an exclusive bag “used to be owned” by a prominent person when sold.”

“That hand paint did by Heart gave more class to the bag, personalized and no other kind like it!”

 

***

 

MATITIGIL na ang kumakalat na tsismis na buntis daw ang Kapuso actress at bida ng sport-serye na ‘Bolera’ na si Kylie Padilla.

 

 

Nilinaw na nga ng aktres sa panayam ni Nelson Canlas sa ‘Chika Minute’, na wala itong katotohanan, ganun din ang sinasabing magka-relasyon sila ni Gerald Anderson, na co-star niya sa ‘Unravel’ na kinunan para sa Switzerland at kababalik nga lang niya ng bansa.

 

 

“Magkaibigan lang po kami ni Gerald. Yes, super professional lang po ang relationship namin. Nothing else,” pahayag niya.

 

 

Inamin naman ni Kylie na nakaramdam siya ng pagkainis dahil ang dami talagang gumawa ng ‘fake news’ na naka-post nga sa kani-kanilang YT channel at Tiktok. Naba-bother daw siya dahil baka may maniwala kumalat na isyu sa pagitan nila ni Gerald.

 

 

Naniniwala naman ang mga netizens sa naging pahayag ni Kylie. Di naman siya yung tipo ng babae na desperada para sa lalaki, lalo na ‘yun may karelasyon na, kaya safe na safe sa kanya si Julia Barretto.

 

 

Inamin din naman niya na may dini-date na siya bago pa sila nag-shoot ng movie ni Gerald sa ibang bansa.

 

(ROHN ROMULO)

Nag-short vacation sa South Korea kasama ang pamilya: SHARON, hirap na hirap pa rin na maka-move on sa pagpanaw ni CHERIE

Posted on: August 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HIRAP na hirap pa rin na maka-move on si Megastar Sharon Cuneta sa pagkawala ng isa sa pinakamalapit na kaibigan na si Cherie Gil.

 

Mahigit na dalawang linggo na ang nakalilipas, pero pakiramdaman niya ay kamamatay lang kaibigan.

 

Kaya naman marami ang natuwa at napa-sana all pa ang iba sa IG post niya na kung saan muli silang nakapag-travel sa isa sa favorite places niya.

 

Caption ni Mega, “Thank you for this short escape with family to one of my happiest places on earth, KOREA!🇰🇷❤️🙏🏻🥰 Badly need this.”

 

Comment ng ilang Sharonians, “well deserved ma!! enjoy and make the most out of it <33 praying that when you go back here in ph, u’ll feel more recharge and all pain and sorrow of urs will be lessened. lots of love ma 💕”
“Ma kung ano po ung nararamdaman nyo ngaun ganyan din po nararamdaman namin kapag alam namin makikita ka namin😚💜”

 

Hihintayin na lang daw nila ang short video ng trip ng pamilya sa South Korea sa kanyang vlog and hopefully nakapag-recharge na siya.

 

Next IG post ni Sharon ang throwback photo nila ni Cherie na may caption na, “Wherever I go…you are with me…No DORINA without LAVINIA…I feel like about half of me is missing…I really miss you…18 days now and it’s like I lost you just yesterday, my Chichi…I will love you always…”

 

Ramdam na ramdam lalo ng mga netizens ang kanyang labis na kalungkutan at pagka-miss kay Cherie, kaya ganun lang ang kanilang pagsuporta at pagdarasal para kay Sharon na malampasan ang kanyang pinagdaraanan.

 

Dagdag comment pa nila, “I watched your performance in ASAP last Sunday 😭 I cried with you, Mega. I felt your pain. ‘twasn’t just a performance. ‘twas a tribute to the one & only Ms. Cherie Gil. I cried even more when you said, “I WILL NEVER EVER ALLOW THIS COUNTRY TO FORGET YOU.” You honored her in ASAP while saying those words. She might also smiling up there while listening to your words. Hugsss Mega.”

 

“It’s been a while since people saw you grieved that long ms. Sharon.. she’s really a big part of you..🙏 praying for ms. Cherie’s soul and your healing..🙏”

 

Samantala, sa South Korea nag-celebrate ng 59th birthday si Sen. Kiko Pangilinan kahapon, August 24 at malamang isa yun sa dahilan ng kanilang pagbabakasyon.

 

Nag-post si Sharon ng family photo kasama nila sina Frankie, Miel at Miguel, “Happy Korean Fried Chicken Birthday lunch, my neighbor Kiko! Happy to be spending your 59th (yuuuuuck!😂😂😂) with you in Korea. We ❤️ you. God bless you always!”

 

***

 

NAG-POST naman ang anak ni Cherie na si Raphael Rogoff nang nakaka-touch na mensahe para sa pumanaw na ina na si Cherie Gil, kasama ng masasaya nilang larawan.

 

Caption niya, “You were a gift to this world. You touched every life that you came across, whether through the silver screen, on stage, or in person.

 

“To your most prized fans, you were Cherie Gil, La Primera Contravida. To some, Evangeline Rose; or perhaps Cheech. To me, simply, Momma—my homie. What a luxury.

 

“You were a light that filled every room with pure warmth and bliss.

 

“Your laugh, wit, and humor, resonated deeply with all who had the pleasure of basking in it.

 

“You taught me to love unconditionally and bathe in the beauty of emotions; to appreciate every moment, big or small, happy or sad.

 

“You showed me how to live freely; with no care in the world. Always wearing your heart on your sleeve and unapologetically being yourself. Always.

 

“You were the life of every party and the party to my life.

 

“What I’d give for just another minute to spend with you—No amount of time would ever be enough. What I’d do to see you crack that unforgettable smile of yours; the one that radiated with so much joy.

 

“When I think of home, I will always think of you; carrying you with me always. Thank you for the greatest gift I could’ve asked for; this life, and your love.

 

“For you, I will continue to dance to the music of life. For both of us. Just like we promised.
“Love, Your Raphael (purple heart emoji) 💜”

(ROHN ROMULO)

P546 milyong budget ng PSC para sa major events sa 2023

Posted on: August 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PONDONG  P546 milyon ang ipinanukala ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa partisipasyon ng mga national athletes sa siyam na malalaking international competitions sa 2023.

 

 

Kabilang rito ang 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia sa Mayo 2-16 at ang 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 8.

 

 

Ang paglahok ng Pinas sa 2023 Cambodia SEA Games ay gagastusan ng P250 milyon habang P100 milyon para sa Hangzhou Asiad.

 

 

“We are hoping that the proposed budget will be approved by our country’s leaders,” ani PSC Commissioner at Officer-in-Charge Bong Coo kahapon.

 

 

Ang proposed budget ay isinumite ng PSC sa Department of Budget and Management (DBM).

 

 

Sasabak din ang mga Pinoy athletes sa 2023 ASEAN Para Games sa Cambodia sa Hunyo 3-9 at sa Asian Para Games sa Hangzhou sa Oktubre 22-28 pati sa mga world-level competitions na FIBA at FIFA.

 

 

Bukod pa ito sa 2nd World Beach Games sa Bali, Indonesia sa Agosto 5-17, sa 4th World Combat Games sa Riyadh, Saudi Arabia sa Oktubre 5-14, 2023 at sa 6th Asian Indoor and Martial Arts Games sa Bangkok-Chonburi, Thailand sa Nobyembre 17-26.

Ads August 25, 2022

Posted on: August 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Bagay naman dahil magaling siyang magluto at mag-bake: AI AI, endorser na rin ng isang culinary school na kung saan kumuha siya ng short course

Posted on: August 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

JUST finished watching “Memories of a Love Story,” a film by Joselito “Jay” Altarejos starring Oliver Aquino, Migs Almendras and Dexter Doria.

 

Hindi nga ba pwedeng magkaroon ng happy ending ang love story ng isang mahirap (Eric) at isang mayaman (Jericho)?

 

The movie shows us na dahil sa pagkakaiba ng social classes, malabo talaga ang happy ending. Kahit na in their own way and because they love each other, sinubukan nina Eric and Jericho to find a way to connect, hindi talaga pwedeng magtagpo ang langit at lupa.

 

Hindi kayang burahin ng pag-ibig ang malaking agwat ng kanilang social classes. What is acceptable to the poor is not acceptable to the rich.

 

Kahit na ano pang adjustment ang gawin ng bawat isa, there is the problem of full acceptance of the circumstances.
Mahusay ang performance ni Oliver as Eric pero hindi naman nagpahuli si Migs.

 

Oliver proves once again that he is a good actor who is capable in taking a role and making it his own. Migs is not far behind but the movie belongs to Oliver.

 

Congratulations to direk Jay. Now streaming on Vivamax.

 

 

For a change ay nakapanood kami ng isang Vivamax movie na walang extended sex scenes.

 

 

As usual, hindi kami binigo ni Direk Jay. Matino ang pelikula at pinag-iisip ka while watching. Pwedeng mag-agree ka sa mensahe or di mo magustuhan ang ending peto worth watching from beginning to end.

 

 

***

 

 

DAHIL mahilig naman si Ms. Ai Ai delas Alas sa pagluluto kaya keri naman na kunin siyang endorser ng isang culinary school.

 

 

Today, nakatakdang pumirna ng kontrata sa Treston International College si Ai Ai bilang endorser ng kanilang culinary school. Matatandaan na noong 2021 doon nag-graduate si Ai Ai ng short course in Pastry and Bakery Arts.

 

 

Bagay naman si Ai Ai na maging endorser dahil bukod sa mahusay siyang magluto ay nanay pa siya.

 

 

Kaya tiyak na maraming mga nanay ang makaka-relate sa bagong endorsement na ito ni Ai Ai.

 

 

Pwede rin maengganyo ni Ai Ai ang ibang mommies na mag-enrol sa culinary school para matuto ng added skills.

 

 

(RICKY CALDERON)

Number coding ng PUVs suspedido

Posted on: August 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINUSPINDE  ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng number coding scheme sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila upang masiguro ang dami ng sasakyan sa pagbubukas ng klase.

 

 

 

“We have agreed to suspend the number coding scheme for public transportation for the school year to pave the way for the smooth opening of face-to-face classes in Metro Manila,” wika ng MMDA.

 

 

 

Pinaalalahanan naman ng MMDA ang mga drivers ng mga pampublikong sasakyan na maaari pa rin silang mahuli at mabigyan na kaukulan multa para sa ibang traffic violations.

 

 

 

Ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay humingi sa MMDA na suspendihin muna ang pagpapatupad ng number coding scheme at ang programa sa no-contact apprehension (NCAP) upang makatakbo ang mga drivers ng pamapublikong sasakyan sa kanilang mga ruta at nang mabigyan ng serbisyo ang mga estudyante.

 

 

 

Subalit pinagaaralan pa rin ng MMDA kung sususpendihin naman ang pagpapatupad ng NCAP sa Metro Manila.

 

 

 

Sinabihan rin ng LTFRB ang mga drivers at operators na dapat silang tumupad sa mga guidelines at provisions na nakalagay sa kanilang mga prankisa upang maiwasan ang pagpapabayad ng mga multa kasama na ang pagkansela ng kanilang prangkisa.

 

 

 

Noong nakaraang Aug. 18 ay naglabas ng Memorandum Circular (MC) No. 2022-067 ang LTFRB na nagbibigay daan sa pagbubukas ng 33 bagong ruta ng buses at MC No. 2022-068 na naglalayon na buksan ang 68 ruta ng mga PUJs at 32 UV Express  para sa pagbubukas muli ng klase sa mga paaralan.

 

 

 

Kung kaya’t binigyan ng LTFRB ang mga pampublikong sasakyan kasama ang PUJs, buses at UV Express ng special permit upang gamitin pansamantala.

 

 

 

Upang mapanatili ang peace at order sa mga paaralan, ang Philippine National Police (PNP) ay nag deploy ng “considerable number” ng mga tauhan nito. Ang mga police personnel ay nakatalaga malapit sa mga paaralan at iba pang academic institutions sa buong bansa.

 

 

 

Habang ang MMDA naman ay nagpadala rin ng 2,238 na traffic personnel sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila. Ang 581 traffic personnel ay nakadeploy sa mga 146 na paaralan sa Metro Manila.

 

 

 

Samantala, libre naman ang pamasahe ng mga estudyante sa Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) simula Aug. 22 hanggang Nov. 5. Inaasahang may 40,000 na estudyante ang sasakay sa LRT 2 ngayon pasukan kada araw. Magkakaron ng separate na ticketing booth ang mga estudyante upang kumuha ng kanilang libreng single journey ticket kung saan dapat ay ipakita lamang ang kanilang mga identification cards o di kaya ay ang enrollment registration forms.

 

 

 

Nagbigay din libreng sakay ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga estudyante mula Quezon City at Manila. Tatlong buses ang kanilang patatakbuhin mula 6:00 hanggang 9:00 ng umaga at sa hapon naman ay mula 4:00 hanggang 7:00 ng gabi.  LASACMAR

Consumers, ine-enjoy ngayon ang pagbagsak ng presyo ng asukal sa P70 kada kilo- PBBM

Posted on: August 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TAPOS na ang paghihirap ng mga ordinaryong mamimili  dahil bumaba na sa P70.00 kada kilo ang  presyo ng asukal o retail price nito sa mga supermarkets at  groceries sa Kalakhang Maynila.

 

 

Pinagbigyan kasi ng mga nagmamay-ari ng supermarket at grocery chains ang request ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na ibaba nila ang presyo ng asukal sa P70.00 mula sa P90-P110 kada kilo.

 

 

Dahil dito. pinuri ni Pangulong Marcos ang walang pag-iimbot na tugon ng mga negosyante na batid kung kailan ibaba ang kanilang dapat sana’y magiging tubo para sa kapakanan ng  mga Filipino consumers na labis na naghihinagpis mula sa  kamakailan lamang na pagtaas ng presyo ng asukal at iba pang pangunahing bilihin.

 

 

“This is a classic display of the Filipino spirit of ‘bayanihan’ and love of country. It is good to know that consumers are now enjoying the price-drop of sugar in the leading groceries and supermarkets,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Matatandaang, pumayag ang mga malalaking supermarkets sa bansa na ibaba ang preyso ng kada kilo ng asukal na kanilang ibinebenta.

 

 

Ito ay matapos makipag-usap ni Executive Secretary Victor Rodriguez sa mga malalaking supermarket owners, tulad ng SM Supermarket, Robinsons Supermarket, Puregold Supermarket at S&R Membership Shopping, base na rin sa kautusan ng Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

 

 

Nabatid na mula sa P90 hanggang P110 per kilo ay ibababa na ang suggested retail price na P70 kada kilo ng asukal.

 

 

“The President lauded the selfless response from these businessmen who are sacrificing not just their own inventory but also their projected business profits for the sake of the ordinary Filipinos at this time when the country is besieged by many problems,” ani Rodriguez.

 

 

Sinabi ni Rodriguez na ang SM stores ay nangakong ang segundang asukal (washed sugar) ay ibebenta ng P70, gayundin ang Robinson’s Supermarket na magbabagsak ng isang milyong kilo ng asukal na ibebenta rin ng P70 kada kilo sa Metro Manila.

 

 

Nangako rin ang Puregold na ibababa sa P70 kada kilo ang presyo ng kanilang refined sugar at gagawing available sa publiko ang 2 milyong kilo.

 

 

Upang matiyak na maraming ‘consumers’ ang makabibili ng murang asukal, sinabi ni Rodriguez na babantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang bawat merkado upang maiwasan din ang posibleng ‘household hoarding’ ng ilang nangangalakal na mamimili.

 

 

Inaasahang babagsak ang presyo ng asukal sa Metro Manila sa susunod na linggo at mananatili ang P70 kada kilo ng asukal’ sa merkado hangga’t may sapat na supply.

 

 

Ang Savemore Market ay itinuturing na ‘fastest growing format’ ng SM Markets.

 

 

Nagsisilbi rin itong ‘umbrella brand’ ng SM Supermarket, SM Hypermarket at Savemore, pati ang its sister company na Alfamart.

 

 

Mayroon itong 1,500 stores na binubuo ng 206 Savemore stores, siyam na Savemore Express stores, 60 SM Supermarket stores, 53 SM Hypermarket stores, at 1,201 Alfamarts.

 

 

Ang Robinsons Supermarket, isang dibisyon ng Robinsons Retail Holdings, Inc. ang ikalawang pinakamalaking supermarket chain sa Pilipinas na may 274 stores nationwide.

 

 

May 280 operating stores at mahigit 20 food service stalls naman sa buong bansa ang Puregold Price Club, Inc.

 

 

Ayon pa kay Rodriguez, maging ang Victorias Milling Company ay nangako rin upang tulungan ang mga ‘traders food manufacturing industries’ sa pamamagitan ng 45,000 sako at 50 kilos per sack bottler-grade sugar para soft drinks companies, tulad ng like Coca-Cola, Pepsi at RC Cola.

 

 

Ang Victorias Milling Company, Inc. (VMC or the Company) na may produktong ‘integrated raw and refined sugar’ ay mula sa Barangay XVI, Victorias City, Negros Occidental.

 

 

Ang kumpanyang ito na pinakamodernong sugar company sa bansa ay itinatag noong May 7, 1919 ni Don Miguel J. Ossorio.

 

 

Bukod dito, nakipagpulong rin si  Pangulong Marcos sa mga miyembro ng Philippine Chamber of Food Manufacturers, Inc. (PCFMI) para pag-usapan ang problema sa kakulangan ng supply ng asukal sa bansa.

 

 

Ang PCFMI ay principal organization ng manufacturers and distributors ng mga food products sa bansa. Responsable sila sa pagbibigay sa mga mamimili ng ligtas, masustansya at murang processed food products alinsunod sa local and international standards and regulations.

 

 

Plano rin ng Pangulong Marcos ang direct importation ng mga food manufacturers bilang bahagi ng ‘emergency measures’ sa pagtugon sa kasalukuyang pangangailangan ng industriya. Kailangan lang nito ng approval ng Sugar Regulatory Administration (SRA) kung saan naman chairman ang Pangulong Marcos.

 

 

Ayon kay Pangulong Marcos, hangad niya ang maayos na takbo ng mga negosyo.

 

 

Kasama rin ang magkaroon ng seguridad sa trabaho ang mamamayan lalo na sa industriya ng fast-moving consumer goods.

 

 

Kaya naman ani Pangulong Marcos, kanyang sinusuri ang pagtatakda ng malinaw na sistema na may kinalaman sa pagtaas ng suplay ng asukal. (Daris Jose)

Ads August 24, 2022

Posted on: August 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments