• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 3:36 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2022

Speaker Romualdez pormal nang tinanggap ang P5.268-T Marcos proposed nat’l budget; tiniyak ang transparent sa pagpasa

Posted on: August 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL nang natanggap ng Kamara ang Proposed 2023 National Expenditure Program (NEP).

 

 

Mismong si House Speaker Martin Romualdez, kasama sina Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co at vice chair Rep. Stella Quimbo na siyang humarap kay Department of Budget and Management (DBM) Sec. Amenah Pangandaman sa pagsusumite ng P5.268 trillion proposed budget.

 

 

Ang naturang pondo para sa susunod na taon ay 4.9% na mas mataas kumpara sa kasalukuyang 2022 General Appropriations Act (GAA).

 

 

Pinakamalaking bahagi ng pondong ito na katumbas ng 39.31% o kabuuang P2.071 trillion ay ilalaan sa social services sector.

 

 

Pumangalawa naman ang economic services sector, na paglalaanan ng P1.528-trillion.

 

 

Nasa P807.2 billion ang naka-allocate para sa general public services sector habang kabuuang P611 billion na budget ang inilaan para sa pambayad utang at ang nalalabing P250.7 billion ay para sa defense sector.

 

 

Nananatili na ang DepEd, CHEd, at SUCs sa mga ahensya ng pamahalaan na mayroong pinakamataas na pondo na nagkakahalaga ng P852.8 billion.

 

 

Sinundan naman ito ng DPWH na mayroong P718.4 billion budget.

 

 

Ang DOH at Philhealth na may P296.3 billion, DSWD na may P197 billion, DA at NIA na may P184.1 billion na 39.2% na mas mataas kumpara sa 2022 budget, habang makatatanggap naman ang DOTr ng 167.1 billion.

 

 

“We will make sure that every centavo will be spent wisely to implement programs that would save lives, protect communities and make our economy strong and more agile. in partnership with the Senate and Malacañang, the House leadership will continue the Build, Build, Build program and create more jobs,” wika ni Speaker Romualdez.

 

 

Sa darating na Biyernes, Aug. 26 sisimulan na ang budget briefing kung saan haharap ang DBCC at inaasahang matatalakay ito sa plenaryo sa September 19.

 

 

Siniguro naman ni House Speaker Romualdez na magiging transparent sila sa pagtalakay sa budget at bawat centavo na gagastusin ay hindi mapupunta sa wala.

 

 

“The passage of the 2023 national budget will be transparent. This will be a product of the entire House of Representatives where the majority will listen to the concerns of our friends from the minority bloc. In a manner of speaking, this will be a ‘Unity National Budget’ because we plan to get the widest consensus on our spending plan,” pahayag pa ni Speaker Romualdez.

 

 

Samantala, siniguro naman ni DBM Sec Pangandaman na makikipagtulungan sila sa kongreso para “swift passage” ng national budget.

Pinasilip din ang kakaibang kulay ng outfits ng debutante: SHARON, nag-post ng baby picture ni MIEL na turning 18 na this September

Posted on: August 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HOW soon time flies!

 

 

Nag-post si Megastar Sharon Cuneta ng baby picture ng youngest girl niya na si Miel Pangilinan who is turning 18 on September 2, 2022.

 

 

Maraming natuwa sa picture ni Miel at maraming nagpasalamat kay Sharon for sharing the cute baby photo of her youngest daughter.

 

 

Kasunod na post ni Mega ang pictorial ni Miel para sa kanyang debut, suot ang mga outfits na kulay pantone (shade of orange)

 

 

Maraming mga friends ni Ate Shawie na nagpahatid ng maagang pagbati para sa 18th bday ni Miel.

 

 

Last June ay nag-post si Miel sa kanyang IG account that she is an openly and publicly queer.

 

 

Maraming nag-react at nagulat that time. Hindi nila ini-expect that Miel would come out and reveal that she is queer.

 

 

***

 

 

SI Benz Sangalang ang main kontrabida sa ‘Sitio Diablo’, ang latest movie ng cult director na si Roman Perez, Jr.

 

 

Bida sa pelikula sina AJ Raval at Kiko Estrada.

 

 

Ayon kay Benz, kwento ng mga gang sa squatter at drug trafficking ang ‘Sitio Diablo’.

 

 

“Sobrang kakaiba po talaga ang movie na ito dahil sa panahon ngayon ay bihira ang gumagawa ng ganitong movie tungkol sa mga gang at buhay ng mahihirap sa Pilipinas,” sabi ni Benz.

 

 

Dapat din abangan ang mga action scenes nila sa movie.

 

 

Sa movie, Benz is playing the role of Tonix. Siya ang leader ng buong Sitio Diablo. Maangas si Tonix sa harap ng mga tauhan niya at kalaban pero pagdating sa pamilya niya ay may kabaitan di naman siyang nakatago.

 

 

Para paghandaan ang kanyang role physically, he went on a diet at nag-workout si Benz religiously. Nag-research din siya sa buhay ng mga squatter.

 

 

Ano ang masasabi niya sa kanyang partner na si Azi Acosta?

 

 

“Mabilis siyang matuto. Noong una ay medyo nahihirapan siya pero dahil nakikinig naman siya sa mga advice ni Direk Roman ay agad naman nakaka-pickup.”

 

 

Kumpara sa unang dalawang movies niya, feeling ni Benz ay nag-improve na ang acting niya sa ‘Sitio Diablo’. Mas maangas daw ang acting niya.

 

 

Bakit dapat panoorin ang ‘Sitio Diablo’?

 

 

“Dahil po bukod sa ang blockbuster director na si Direk Roman Ang gumawa nito ay ginawa po namin lahat ng cast dito ang best namin para magmukhang realistic at maganda ang kabuuan nang movie,” pahayag pa ni Benz sa ending ng aming chikahan.

 

 

 

(RICKY CALDERON)

27.6 milyong estudyante, balik-eskwela

Posted on: August 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS ang dalawang taon, magbabalik-eskwelahan na ngayong Lunes ang mahigit 27.6 milyong mag-aaral sa bansa.

 

 

Sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa SY 2022-2023 na inilabas ng DepEd, nasa 27,691,191 na ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral.

 

 

Katumbas ito ng 100.47% o higit sa bilang ng naitalang datos mula sa enrollment ng SY 2021-2022, na umabot lamang sa 27,560,661.

 

 

Mula sa nabanggit na kabuuang bilang, 23,561,764 ang mula sa enrollment quick counts habang 4,129,427 naman ang bilang ng mga mag-aaral na mula sa early registration.

 

 

Pinakamarami ang nakapagpatala sa Region IV-A (Calabarzon) na umabot sa 3,899,077, na sinusundan ng Region III (Central Luzon) na nasa 2,974,068, at National Capital Region (NCR) na nasa 2,851,022.

 

 

Anang DepEd, bagama’t maaaring nagkaroon ng duplikasyon mula sa datos ng Early Registration at Quick Counts, ito ay agad namang matutukoy ng sistema sa umpisa ng School Year.

 

 

Ang enrollment period para sa SY 2022-2023 ay sinimulan noong Hulyo 25 at inaasahang magtatagal hanggang ngayong Lunes, na siyang unang araw ng pasukan. (Daris Jose)

₱86.5B, kailangan para makapagpatayo ng silid-aralan para sa susunod na taon

Posted on: August 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANGANGAILANGAN ang Department of Education (DepEd) ng  ₱86.5 bilyong piso para sa pagtatayo ng mga silid-aralan para sa susunod na taon.

 

 

Bukod pa sa hindi pa nito natutugunan ang kakapusan ng silid-aralan.

 

 

“The ₱86.5 is actually not the overall shortage, this is just what we think should be implemented in 2023,” ayon kay DepEd Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla sa Senate basic education committee.

 

 

Inihayag pa rin ni Sevilla, sa ngayon, inaprubahan lamang ng Department of Budget and Management (DBM) ang  “₱5.9 billion–or 6% DepEd’s proposal–to be included in the National Expenditure Plan for next year. This is the plan that will be submitted to Congress for enactment.”

 

 

“Despite the instruction of the Department of Budget and Management to only include fifth- and sixth-class municipalities, what we submitted is the overall requirement that we can implement next year,” paliwanag ni Sevilla.

 

 

Sinabi naman no DepEd Undersecretary Epimaco Densing III na “all in all,” ang bansa ay kapos sa 91,000 silid-aralan

 

 

Sinulatan na aniya ni  Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang  DBM, Ipinaliwanag na ang school building program ay hindi dapat kabilang sa mga proyektong  dinevelop ng local government units.

 

 

Ani pa ni Sevilla, “may backlog na ₱40 billion para sa pagkukumpuni ng mga silid-aralan na winasak ng kalamidad–₱16 billion ng nasabing halaga ay “most urgent” , para tugunan ang pinsalang dulot ng  Abra earthquake at mga bagyong Odette at Agaton.

 

 

Subalit ang inaprubahan lamang ng DBM ay ₱1.5 bilyong piso para sa classroom repairs.”

 

 

“That is the problem we will face in 2023,” ayon kay Sevilla sabay sabing “With this given budget, we have to just prioritize the fifth and sixth class municipalities for repair and new construction.”

 

 

“Kung may darating na bagong calamity or disaster wala po talaga kaming maibibigay na quick response fund,” ang babala ni Sevilla.

 

 

Gaya aniya ng sinabi ni  dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte,  “we are in a quicksand.” Ang kakulangan ng pondo ay makalilikha lamang ng karagdagang  classroom shortage “year in and year out.” (Daris Jose)

MGA PASAHERO APEKTADO ng MALING IMPLEMENTASYON ng NCAP

Posted on: August 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BAKIT tutol ang Lawyers and Commuters Safety and Protection (LCSP) sa maling implementasyon ng NCAP e hindi naman daw apektado mga pasahero ng public transport.

 

APEKTADO PO ANG MGA PASAHERO. UUBUSIN NG MALING IMPLEMENTASYON ANG PUBLIC TRANSPORT KAPAG HINDI ITO NAAYOS.

 

Bakit?

 

Hardest hit ng NCAP ang public transport. Kaya ang panawagan ng LCSP sa LTFRB ay makipag coordinate sa mga public transport tungkol dito.

 

Makumbinsi ang LTO na i-renew ang rehistro ng mga units at sa LGU ay i-suspinde muna ang implementasyon.  Apat na malalaking transport groups ang nagsampa na ng kaso sa Korte Suprema upang ipawalang bisa ang NCAP ng mga LGU.

 

Bakit apektado mga pasahero?

 

Dahil ang napipilitang magbayad ng multa ay ang mga operator na HINDI NAMAN LUMABAG SA BATAS TRAPIKO. Daan-daan libo ang binabayaran nila na NCAP violation sa di-umano ay violation ng mga driver. Ia-alarma ng LTO ang rehistro ng mga sasakyan at hindi papayagan mag-renew hanggat hindi nababayaran ang NCAP violation.

 

Katwiran ng mga LGU na dahil driver ng operator yan dapat sila magbayad dahil sa sila ang may supervision sa driver.

 

MALI PO YUN mga sir!

 

Yan po ay kapag FRANCHISE VIOLATION O DI KAYA KAPAG MAY AKSIDENTE. OPERATOR ANG MAY PANANANAGUTAN DYAN.  Pero pag traffic violation PERSONAL SA DRIVER YAN. LISENSYA NG DRIVER ANG TITIKITAN, HINDI ANG REHISTRO. Kung pati multa sa traffic violation ay ipasasagot sa operator PAANO KA MAKAKAPAGDISIPLINA NG DRIVER?  So hindi nag didisiplina ng pasaway na driver ang NCAP.  KINUKUNSINTI NITO ANG PASAWAY NA DRIVER.

 

 

Sabi ng LGU singilin ng operator ang driver – eh di lalayasan lang sya.  BAKIT? DAHIL HINDI NAMAN MAHAHABOL ang LISENSYA ng DRIVER NIYA DAHIL HINDI NAMAN ALAM NG LGU AT LTO NA ANG DRIVER ang TRAFFIC VIOLATOR.

 

Ang interes lang ng LGU ay mabayaran ang multa ng NCAP KAHIT NA HINDI YUNG VIOLATOR ANG NAGBAYAD.

 

So anong pagdidisiplina o pagbabago ng kultura ang sinasabi nila dito? Masahol pa talaga sa kotong ‘to.  Sa kotong yun may kasalanan ang nagbibigay ng ilang daan lang.  Sa ncap YUNG WALANG KASALANAN ANG NAGBABAYAD NG LIBU-LIBO!

 

At umaaray na ang public transport. Dumapa noong pandemya, tumaas ang presyo ng gasolina, nagsipagbago ng hanapbuhay ang mga driver AT NGAYON MALALAKING MULTA SA NCAP NAMAN!

 

AND THERE;S MORE- HINDI MAKA RENEW NG REHISTRO SA LTO!

 

 

Tapos gusto ng gobyerno efficient safe modern public transport? Paano makaka comply ang mga operator?

 

 

LTO ALAM NAMAN NINYO ANG EPEKTO SA PUBLIC TRANSPORT BAKIT HINDI NIYO IRENEW ANG REHISTRO NILA.

 

 

 

ANO ANG BASEHAN NG PAGAALARMA NYO- TRAFFIC VIOLATION?

 

Katumbas na pala yan ng carnapping o hit and run na inaalarma ang sangkot na sasakyan.

 

At sa driver – gasino na lang kinikita ng driver? Tapos mumultahan ng pinakamababa sa P2000 piso!  Sabi ng LGU para madisiplina. Aba! wala sa lugar ang disiplina nila.  Parang sa magulang papaluin at pagsasabihan ang anak na nagkamali. Yun ang disiplina. Pero pag ginulpe na ng magulang ang anak SA NGALAN NG DISIPLINA aba, mali na yun. Ganun ang NCAP.  GINULPE MO ANG DRIVER SA MULTA. KAYA NGA LABAG SA KONSTITUSYON ANG MAGPATAW NG EXCESSIVE FINES!

 

Ano epekto sa pasahero.

 

MABABAWASAN ANG MASASAKYAN DAHIL LUGI ANG MGA OPERATOR AT WALA NANG GUSTONG MAGHANAPBUHAY NA DRIVER. WALA NA RIN MGA DELIVERY MOTORCYCLES na maghahatid ng inyong pangangailangan. Wala ng trucks na magdadala ng goods and services. Hindi kailangan pa manawagan ng tigil pasada.  KUSA NANG TITIGIL YAN.

 

KAYA ASEC GUADIZ NG LTO, BAKIT NAGBAGO KAYO NG PANININDIGAN?

 

ISIPIN NYO EPEKTO NG GINAWA NYO SA PUBLIC TRANSPORT AT MGA PASAHERO!

 

PAYAGAN NYO MA-RENEW ANG REHISTRO DAHIL MANDATO NG LTO YAN. KUNG AYAW NG LTO ISUSPINDE ANG NCAP NILA BAHALA SILA SA BUHAY NILA, BASTA I-RENEW MO ANG REHISTRO SAPAT NA YAN.

 

AT ANG PAG-ASA NATING LAHAT ay ANG KORTE SUPREMA na AT MGA MAMBABATAS NATIN.

(Atty. Ariel Inton Jr.)

Marami ang pumuri pero meron ding ilan na nanglait: Sexy photos ni JULIA suot ang animal print lingerie, pinagpiyestahan ng netizens

Posted on: August 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA latest IG post ni Julia Barretto, pinasilip na niya ang sexy photos na suot ang animal print lingerie para sa latest movie niya sa Vivamax.

 

Caption niya, “Hello? It’s Candy. I’m coming soon.

 

“EXPENSIVE CANDY” FULL TRAILER DROPS TOMORROW at 7PM. 🍬”
Pinusuan ng mga netizens ang hot na hot photos ni Julia, na talaga namang itinodo na ang kaseksihan.

 

Iba’t-iba naman ang naging opinyon ng mga marites sa series of photos na pinost din sa entertainment blog:
“Aminin sexy si accla at sosyal tignan.”

 

“Expensive pero may butas un panty hose.”

 

“Sa edit and liyad ang butt. Hindi naman siya big butt.”

 

“More like cheap candy tignan. Wala man lang pizzazz and oomph factor sa photos niya.”

 

“Mejo cheap looking not expensive.”

 

“Sexy yung damit and setting but no justice. Para syang neneng nag papaka dalaga.”

 

“For a Filipina and a skinny built girl she actually has a butt 5:57 di lang mala kardashian but she has a butt.”

 

“Di ako makahinga sa pagkaka ipit ng hinaharap nya. Proud naman syang flat chested sana hindi pinilit dahil maganda naman hubog ng katawan nya kahit hindi kalakihan.”

 

“It’s for a role. The character she plays might or should possess a blessed bossom. It’s not her as Julia, it’s her as Candy.”

 

“Cheap looking! The blondie hair and outfit doesn’t become her. Kulang sa sex appeal!”

 

“Why? Pag flat hindi sexy? Dami kayang sexy na not that gifted ang hinaharap.”

 

“Ayan na. Pag nagpa-sexy na talaga si Julia talbog na lahat sa kanya.”

 

“Yan ang LEGIT na maganda c julia barretto walang RETOKE!!!!! #FACT young and fresh!!!!!!!”

 

“The animal print is tacky but she looks gorgeous and sosyal as ever. Ganda talaga ng face.”

 

“No wonder she keeps posting bikini photos sa ig account niya lately, now i know.”

 

“Maganda namn talaga ang mga Barretto.”

 

“Ang ganda ni Accla! Sana maganda rin yung movie!”

 

“Di kailangang nag-color ng hair at pinilit ang cleavage. Being sexy can be achieved by being confident, clothing, and aura. Expensive candy daw pero nagmukhang cheap ang look dahil sa hair color.”

 

“Kinis ng butt. Kaingget!”

 

“Love it! Julia is sooooo beautiful! she makes it sosyal ung look or concept nya.”

 

“Wow! Alluring siya as Candy. Love it.”

 

“Its time na magsexy na rin ang ibang artista or daring roles kasi hindi na sila mga bata.”

 

“Lahat talaga ng roles pwede kay julia. Pabebe man (dahil fresh and young) or matured roles (dahil maganda at sexy). Swerte ni Geraldo.”

 

“Di ba ang role niya dito sex worker, kaya medyo cheap ang dating ng outfit? baka channeling julia roberts sa pretty woman ang vibe niya.”

 

Wow! Alluring siya as Candy. Love it.

 

“Expensive candy tapos may butas ang stockings. But she’s gorgeous, nonetheless.”

 

“Blockbuster hit for sure. Dekalikad pag Julia Eh.”

 

***

 

FEW days ago, pinost ni Nadine Lustre ang teaser ng produkto na kanyang ini-endorse na kung saan litaw na litaw ang kagandahan ng morenang aktres, lalo na ang kanyang mahabang buhok.

 

Caption niya, “I like styling my hair but all that has taken a toll on it and caused hair damage.

 

“With that, I’ve been on a constant search for hair perfection but there’s always something that I have to give up to achieve it.

 

“Luckily, I think I’ve found the ultimate solution. Salon perfection, reimagined. Stay tuned.

 

#PerfectionMadePossible.”

 

Sa short video, makikita ngang umiikot si Nadine at ‘yun ang pinansin ng sikat na vlogger/YouTuber at endorser din na si Mimiyuuuh, na kilala rin na Mimi.

 

Ang witty at nakatatawa ng comment niya, “Ms. Nadine para kang iniinit na ulam sa microwave.

 

KIMMMYMYYYYYYY!!!”

 

Aliw na aliw at tuwang-tuwa naman ang mga netizens sa naging komento ng comedian at fashion designer din:
“Potacca mhie.”

 

“Grabe ka namn mimi HAHAHAH.”

 

“Naur!!! Tho super havey na comment.”

 

“Hahaha gagi natawa ko sa comment mo kay miss @nadine.”

 

“WITTY YERN WHSHSHSHSHSHSHSHSHAHAGA PISTE.”

 

Pagsakay at pag-agree pa ng iba:

 

“Na may foil, but stunning.”

 

“HAHAHAHA tas sabay “TING!”

 

 

“Ngayon ko lang naisip.”

 

“Oo nga kanin na lang ang kulang.”

 

Dagdag comment pa ng mga marites na gandang-ganda nga kay Nadine:

 

“hahahahaha the best! Collab please.”

 

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAH naimagine ko. Ganda mo president!!!”

 

“LAKAS MAKA BLACKPINK COMEBACK TEASER.”

 

“Bagong member po ba ikaw ng blackpink?”

 

“Grabe naman, jusko walang kupas!”

 

“GANDA SO MUCH QUEEN!”

 

Sa latest IG post ni Nadine, ni-reveal na nga niya ang new products ng kanyang ini-endorse para mapanatiling maganda ang kanyang buhok.

 

Samantala, sa nag-aabang ng next project niya sa Viva Films, nag-post si Direk Jeffrey Hidalgo para movie na gagawin, caption niya, “Workshop for #Deleter @nadine @louise.dr w/Direk @red_mikhail and Direk @da_bombi.”

 

Kasama rin nina Nadine at Louise sa ‘Deleter’ si McCoy de Leon, kaya super excited din ang mga fans ng aktor.
Tanong ng netizens, sexy film ba itong gagawin ng aktres na idi-direk nga ni Jeffrey, na ang latest niya na streaming sa Vivamax ay ang ‘Lampas Langit’ na bida si Christine Bermas?

(ROHN ROMULO)

“DRAGON BALL SUPER: SUPER HERO” OPENS AT NO.1 IN U.S. WITH $21-M

Posted on: August 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AUGUST 22, 2022 — Dragon Ball Super: SUPER HERO topped the U.S. box office in its opening weekend, shattering expectations by summoning an impressive $21 million in North American ticket sales.

The anime film is being distributed in North America by Crunchyroll, which specializes in anime film and television. “We’re absolutely thrilled that ‘Dragon Ball’ fans could come together to experience and enjoy this amazing film in theaters,” Mitchel Berger, Crunchyroll’s senior VP of global commerce, said in a statement. “Crunchyroll thanks all of the fans, whether or not you are a ‘super’ fan or a newcomer, and we hope they come back again and again.”

Dragon Ball Super: SUPER HERO follows two warriors, Piccolo and Gohan, as they face down an attack by a pair of ultimate Androids that call themselves “Super Heroes” and combat the schemes of the villainous Red Ribbon Army.

The film is also a big hit among critics, garnering a 92% Tomatometer score in Rotten Tomatoes, with a glorious critical consensus: “Blending beautifully animated action with fresh character development, Dragon Ball Super: SUPER HERO is everything fans of the franchise will be looking for.”

The New York Times called the film “exquisitely gratifying,” while  Los Angeles Times wrote the movie “is a must see for fans that salutes one of the series’ best relationships.”

Variety raved that the film “mostly finds a sweet spot between fan service and narrative heft,” as The Guardian endorsed that “SUPER HERO’s eye candy animation is mesmeric.”

Finally, Den of Geek hailed “Dragon Ball Super: SUPER HERO is a celebration of what’s made Dragon Ball great for more than 35 years, but it also leaves the franchise in a place that’s more liberated than ever before.”

[Watch the film’s trailer at https://youtu.be/5LBd8BAWp2Q]

 

About Dragon Ball Super: SUPER HERO

Distributor: This is the first truly globally-distributed theatrical release for Crunchyroll and is distributed in North America by Crunchyroll. Internationally, the film will be distributed by Crunchyroll and Sony Pictures Entertainment.

Synopsis:  The Red Ribbon Army was once destroyed by Son Goku. Individuals, who carry on its spirit, have created the ultimate Androids, Gamma 1 and Gamma 2. These two Androids call themselves “Super Heroes”. They start attacking Piccolo and Gohan… What is the New Red Ribbon Army’s objective? In the face of approaching danger, it is time to awaken, Super Hero!

In Philippine cinemas August 31, Dragon Ball Super: SUPER HERO is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #DragonBallSuperSuperHero

 

(ROHN ROMULO)

Maging proud and responsible pet parents: ALDEN, nananawagan ng ‘fair treatment’ sa mga Aspin sa campaign ng PAWS

Posted on: August 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANG lumabas ang campaign ng National Aspin Day, na ini-launch ng PAWS, kinatuwaan ang post ni Alden Richards, na “I Love (heart emoji) My Aspin” na kasama ang aso niyang si Chichi.  

 

 

He is the newest celebrity spokesperson who will join Heart Evangelista in promoting aspins, na ini-encourage nila ang mga owners ng asong Pinoy or aspin to be proud of their native dogs and to be responsible pet parents to them.

 

 

Chichi is the 7-year old aspin ni Alden na kasama niya sa pagpu-promote sa mga aspins and aspin adoption.

 

 

“My family has always had dogs, may pure breeds, may aspins at we love them equally.  Kaya naaawa ako kapag may discrimination ang ibang tao na kapag tinanong kung ano ang breed ng alaga nilang aso, ang sagot ay “Aspin lang” o may nagsasabi pang ‘bakit gumastos ka pa sa vet eh aspin lang naman yan?’

 

 

“Malalambing kasi ang mga aspin. Minsan nga nag-pretend akong umiiyak, lumapit agad sa akin si Chichi at parang tsini-check ako, kaya dapat talaga part na sila ng family.  With this campaign, I want to tell everyone na I am a proud aspin parent, na nagmamahal sa kanila.”

 

 

Meanwhile, busy na si Alden sa pagpu-promote ng bago niyang serye sa GMA, ang Philippine adaptation ng K-drama, ang “Start-Up PH,” at first team-up nila ni Bea Alonzo.  This September ang world premiere nila sa GMA Primetime.  At ang isa pang teleserye ni Alden, ang “The World Between Us” ay pwede na ring mapanood ng mga Kapuso natin abroad sa Amazon Freevee.

 

 

***

 

 

SA August 29, na ang world premiere ng “What We Could Be” nina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega at Yasser Mata, ang first local series ng Quantum Films with GMA Network.

 

 

Nang mag-guest sila sa “Unang Hirit” ng GMA-7, ibinahagi nila ang inspirasyon sa pagganap ng kani-kanilang role. Si Miguel ay lola si Celeste Legaspi at madalas daw ay hindi sila magkasundo sa mga eksena, pero sa tunay na buhay, marami raw siyang lola na nilalambing at binibiro.

 

 

Si Ysabel naman ay isang nurse sa story, alaga niya si Celeste, kaya nag-research siya at nakatulong daw sa kanya ang pagiging fan niya ng “Grey’s Anatomy.”

 

 

Si Yasser naman ay best friend niya si Ysabel sa story, na na-in love siya rito at sa tanong kung nagkaroon ba siya ng experience na nain-love sa best friend niya?  Nangyari raw iyon noong nag-aaral pa siya na na-in love siya sa best friend niya, masarap daw sa feeling, pero masakit din kung hindi ka naman minahal nito.

 

 

Sa direksyon ni Jeffrey Jeturian, mapapanood ang “What We Could Be” sa August 29, 8:50 PM sa GMA-7 pagkatapos ng “Lolong.”

 

 

                                                           ***

 

 

FINALE week na ng “Bolera” at kaabang-abang ang mga eksena, kung tuluyan bang mabubulag si Joni (Kylie Padilla) dahil may mga oras na hindi na siya nakakakita habang naglalaro ng billiards.

 

 

Paano siya tutulungan ng boyfriend niyang si Miguel (Rayver Cruz).  Manalo pa rin ba si Cobrador (Gardo Versoza) sa billiards o mahuli na siya dahil sa pagpatay niya sa ina ni Toypits (Jak Roberto) na sinagasaan niya?

 

 

Ang “Bolera” ay napapanood 8:50 PM sa GMA-7, after “Lolong.”

 

 

                                                           ***

 

 

NATAPOS na pala ni Billy Crawford ang taping ng naiibang game show na “The Wall Philippines,” sa muli niyang pagbabalik sa GMA Network, kaya mapapanood na ito simula sa August 28 and every Sunday, 3:30 PM, sa GMA-7.

 

 

Kaya naman pwede nang umalis muna si Billy kasama ang kanyang mag-ina, papuntang Paris, France para mag-taping naman ng “Dancing With The Stars,” na nasa 12th season na.  No problem naman kay Billy, dahil mahusay siyang magsalita ng French.

 

 

Pagbalik sa bansa, balik-GMA  siya muli, dahil may gagawin din siyang isang show dito.

(NORA V. CALDERON)

Inaasahan na gagawa uli ng box-office record: VICE at Direk CATHY, sanib-puwersa sa MMFF entry na ‘Partners In Crime’

Posted on: August 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGSASANIB-PUWERSA sa isang malaking pelikula para sa Metro Manila Film Festival 2022 ang Phenomenal Box-Office Star Vice Ganda at Box-Office Director Cathy Garcia-Molina.

 

 

May title na Partners in Crime ang action-comedy na pagbibidahan ni Vice at ni Ivana Alawi. Na-announce na ito noong nakaraang July ng bumubuo ng MMFF kasama ang tatlo pang confirmed entries.

 

 

Nag-meeting na para sa project na ito at pinost ito sa social media ng Star Cinema marketing executive Mico del Rosario na may caption na: “Family. Power. Vice X Cathy #MMFF2022”.

 

 

Two years na hindi nakagawa ng pelikula sa MMFF si Vice dahil sa global pandemic. Halos lahat ng MMFF entries ni Vice ay naging top-grosser simula sa Sisterakas (2012), Girl, Boy, Bakla, Tomboy (2013), The Amazing Praybeyt Benjamin (2014), The Beauty and The Bestie (2015), Gandarrapido: The Revenger Squad (2017), Fantastica (2018) at The Mall, The Merrier (2019).

 

 

Highest grossing film ni Vice sa MMFF ay ang Fastastica with P595 million.

 

 

Si Direk Cathy naman ang nagdirek ng Philippines’ highest-grossing film na Hello, Love, Goodbye na kumita ng P880 million. Bida rito sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

 

 

Ang iba pang box-office hits ni Direk Cathy ay ang One More Chance (2007), A Very Special Love (2008), You Changed My Live (2009), Miss You Like Crazy (2010), My Amnesia Girl (2010), Unofficially Yours (2012), It Takes A Man And A Woman (2013), She’s Dating A Gangster (2014), A Second Chance (2015), My Ex and Whys (2017), and The Hows Of Us (2018).

 

 

***

 

 

INUSISA ang katotohanan sa relasyon noon nila Angelu de Leon at Bobby Andrews sa Surprise Guest with Pia Arcangel.

 

 

Sey ni Angelu na “more than friends but less than lovers” daw ang naging relasyon noon ni Bobby: “Sabihin na nga nating si Bobby lang ang hindi ko nakatuluyan. Kasi at that time talaga, meron kaming age difference, at medyo malayo. Si Bobby, he’s really just a gentleman kaya feeling niya, baby na baby ako sa paningin niya, little sister. Kaya walang romantic love.”

 

 

Dahil dito, hindi na raw kailangan pang lagyan ng label ang pagkakaibigan nila noong panahon na magka-loveteam sila sa TGIS.

 

 

“Pero sabi ko nga as always, my high respect for him. Kaya parang nag-supersede kami roon sa friendship level compared to the others. Kasi nga ‘yung self-respect namin sa isa’t isa ibang klase, kaya nga kami nagkaroon talaga ‘yung saying na ‘more than friends but less of a lover,’ kasi andoon kami sa, ‘yung mahal namin ang isa’t isa because we respect each other so much, na to the point na hindi siya kailangan lagyan ng label, hindi siya kailangan romantic para maging authentic. Kaya when you see us together, hindi mo ma-explain ‘yung chemistry kasi nga you know, it supersedes that relationship status na kailangan mag-jowa kayo or kailangan romantic kayo, ‘yun ‘yung level of relationship namin ni Bobby. Sabi nga namin baka soulmates kami, in that sense ‘di ba?”

 

 

Inamin naman ni Angelu na nakarelasyon niya sa TGIS noon ay sina Onemig Bondoc at Michael Flores.

 

 

Kasalukuyang umuupong konsehal si Angelu sa 2nd district ng Pasig City.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

19% lang ng mag-aaral ang fully vaccinated bago pasukan — DepEd

Posted on: August 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAABOT  lamang sa 19 percent ng mga mag-aaral ang fully vaccinated laban sa COVID-19 bago magsimula ang pasukan sa Lunes.

 

 

Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, ang naturang porsiyento ay mula sa tala ng Department of Health (DOH).

 

 

Aniya, ang mababang bilang ng mga mag-aaral na fully vaccinated ay dahil ang bakuna ay hindi sapilitan o hindi mandatory.

 

 

Samantala, 92% ng mga guro at non-teaching personnel ay full vaccinated.

 

 

Sinabi ni Poa na maglalagay sila ng mobile vaccination sa mga paaralan para mapataas ang bilang ng mga mag-aaral na bakunado laban sa COVID pero hindi pa rin ito garantiya dahil kailangan pa rin maengganyo ang mga mag-aaral na magpabakuna laban sa virus.

 

 

Samantala, 46 percent ng mga paaralan sa buong bansa ang magsisimula nang magpatupad ng full face-to-face classes sa August 22.

 

 

Ang 46% ay kumakatawan sa 24,175 public at private schools sa buong bansa na magsasagawa ng limang araw na pasok sa paaralan.

 

 

Simula sa November 2 ay ipatutupad na ang in-person classes sa lahat ng public at private schools sa buong bansa. (Daris Jose)