• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 9:12 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2022

Pasok suspendido sa gov’t offices, eskwela sa NCR, 6 lalawigan dahil kay ‘Florita’

Posted on: August 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUSPENDIDO na ang pasok sa lahat ng pampublikong paaralan at tanggapan ng gobyerno sa National Capital Region (NCR) at anim pang probinsya mula ngayon hanggang ika-24 ng Agosto dahil sa epekto ng Severe Tropical Storm “Florita” at Habagat.

 

 

Nag-ugat ito sa mungkahi ng National National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nilagdaan, Martes.

 

 

“Nag-issue na po kami ng announcement na ang trabaho at pasok sa lahat ng lebel in the public sector ay suspendido na po today and tomorrow,” ani Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, Martes, sa isang press briefing.

 

 

“Sa pribadong sektor, base ‘yun sa discretion ng employers. Pero rekomendado na isuspinde na rin.”

 

 

Sakop ng naturang suspensyon ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Zambales at Bataan.

 

 

Kasalukuyang Signal No. 3 sa hilagang bahagi ng Ilocos Norte, Apayao, katimugang bahagi ng Babuyan Islands, mainland Cagayan at hilagangsilangang bahagi ng Isabela dahil sa bagyo.

 

 

Una nang nag-anunsyo ng pagkakaantala ng mga klase sa sari-saring paaralan sa Pilipinas kahit na kasisimula pa lang ng face-to-face classes nitong Lunes.

Diskriminasyon ng CHED sa hindi bakunado at bakunado walang basehan –Atty. Larry Gadon

Posted on: August 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALANG legal na basehan ang inilabas na order ng Higher  Education Institutions laban sa mga hindi bakunado  at hindi kumpletong bakunado  na mga mag- aaral ay labag  daw sa konstitusyon.

 

 

Sa isinagawang pulong Balitaan  sa tanggapan ng public  attorney’ office sa lungsod ng Quezon City sinabi ni Atty: Larry  Gadon, isang paglabag sa karapatang pangtao  sa edukasyon at labag sa batas at taliwas sa seksyon  12 ng Republic Act. No 111525.

 

 

Nanawagan si Gadon, sa CHED na itigil na nila ang kanilang ginagawang diskriminasyon sa mga estudyante. na hindi bakuna at hindi kumpletong bakunado

 

 

Ayon kay Gadon , dapat i-abolish na ng CHED ang kanilang inilabas na  memorandum laban sa diskriminasyon sa mga estudyante  ng CHED.

 

 

Sinabi pa ni Atty Larry Gadon, base sa seksyon 1, artikulo XIV, ng saligang batas ng Pilipinas.(1987 Philippine.  Constitution ) malinaw  na batayang isinaad na:”  nararapat na protektahan at itaguyod  ng estado  ang karapatan ng naayon sa  mga hakbang  para masiguradong  ang edukasyon  ay abot-kamay.

 

 

Aniya ang pagbabakuna laban sa COVID 19 ay hindi itinakda ng batas na sapilitan. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

THOMAS DOHERTY, THE MYSTERIOUS LORD OF THE MANOR IN “THE INVITATION”

Posted on: August 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SCOTTISH actor Thomas Doherty (HBO Max’s Gossip Girl reboot) stars as Walter, the lord of the manor holding court over the wedding events in Columbia Pictures’ terrifying horror-thriller The Invitation.

[Watch the film’s trailer at https://youtu.be/cHF2a2XZxUk]

In the film, after the death of her mother and having no other known relatives, Evie (Nathalie Emmanuel) takes a DNA test…and discovers a long-lost cousin she never knew she had. Invited by her newfound family to a lavish wedding in the English countryside, she’s at first seduced by the sexy aristocrat host but is soon thrust into a nightmare of survival as she uncovers twisted secrets in her family’s history and the disturbing intentions behind their generosity.

“At first he seems like a charming, sweet man who doesn’t fit the aesthetic of what Evie’s just been brought into,” says Doherty of his character. “When he and Evie first meet, there’s a lot of chemistry – a spark. And as that relationship evolves, it intensifies pretty quickly. It seems that because he doesn’t fit into this very conservative world and he sees her as a strong, independent woman from New York, and for that reason, he wants her to stay, to run away with him. Of course, he has his own agenda.”

Playing a character who holds those secrets was a process for Doherty. “To try to embody the character, the best thing to do is to have the weight and heaviness in my eyes. Everything comes from that,” he says. “Obviously, there’s a confidence and a knowingness. It was useful to me to know the character always has a knowing thought at the back of his head.”

“Thomas has that X factor,” says director Jessica M. Thompson. “You can’t not watch him. Part of it is the way he looks – he has these incredible features, so sharp and defined. But the way he commands the space and handles himself… he brings a lot of layers to the role. It’s almost like he’s playing two characters – the charming romantic Lord of the Manor, our leading man… and then he reveals who he really is. That could have been difficult to balance, but Thomas commands the space and makes it look easy.”

Doherty stars in the highly anticipated reboot of Gossip Girl for HBOMax, which premiered in 2021 as HBO Max’s most-watched original series over launch weekend. It has been renewed for a second season. He was previously seen in Hulu’s High Fidelity opposite Zoe Kravitz. He is a graduate of The MGA Academy of the Performing Arts who at the age of 27 has gained a huge following from his starring role as Harry Hook in Disney’s hit franchise Descendants, which garnered nearly 21 million viewers in the most sought after demographic. Doherty has amassed over 4 million social media followers.  He can also be seen in HBO’s Catherine the Great opposite Helen Mirren and Jason Clarke.

Now showing in Philippine cinemas nationwide, The Invitation is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #InvitationMovie

 

(ROHN ROMULO)

Pangako ng DepEd, lagyan ng ‘pananggalang” ang batas na magbabalik sa mandatory ROTC

Posted on: August 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO ang Department of Education (DepEd)  na makikipagtulungan sa Kongreso na hindi mangyayari ang bullying sakali at maipatupad ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

 

 

Sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa, suportado ng departamento ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.   na buhayin ang programa subalit nilinaw na ang gagawing pagbabalik sa ROTC ay kailangan na paganahin ang batas, kapangyarihan na nasa ilalim ng legislative branch.

 

 

“Para sa kaalaman ng publiko, ang pagsasagawa ng mandatory ROTC is not something DepEd can do. It’s an act of Congress. It will need an enabling law. Tayo, we will have to sit down with Congress and CHED (Commission on Higher Education) kung may mapafile na bill to discuss ‘yung details kung ano ba ang magiging sistema ng ROTC. In terms of the general idea, the DepEd supports ‘yung ating Pangulo sa panukalang ito,” ayon kay Poa.

 

 

“We’re not turning a blind eye, alam natin na may insidente ng ganyan. We will not sugarcoat things. This is in the implementation part, that’s why when we see ‘yung panukala….We will make sure na doon sa bill may safeguards na mailalagay para ‘yung bullying ay hindi maulit. Maipapakita natin natuto po tayo sa previous incidents na ganyan,” dagdag na pahayag ni Poa.

 

 

Kabilang sa mga mahahalagang legislative agenda na isusulong ng administrasyon ni Pangulong Marcos ay ang pagbabalik ng mandatory ROTC sa senior high school programs sa lahat ng public at private na eskwelahan sa bansa.

 

 

Sa kanyang kauna-unahang state of the nation address (SONA) ngayong araw, nanawagan si Pres. Marcos sa Congress na magpasa ng batas para sa pagbabalik ng ROTC upang ihanda ang mga estudyante na ipagtanggol ang bansa at makatulong sila sa ano mang kalamidad o sakuna.

 

 

Ayon sa pangulo, ang mga Grade 11 at Grade 12 sa lahat ng pampubliko at pribadong tertiary-level educational institutions ay dapat na i-require na magpatala sa mga military program para mayroong reservists ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na makakatuwang nito.

 

 

“This will seek to reinstitute the ROTC program as [a] mandatory component of senior high school programs (Grades 11 and 12) in all public and private tertiary-level educational institutions,” pahayag ni President BBM.

 

 

“The aim is to motivate, train, organize and mobilize the students for national defense preparedness, including disaster preparedness, and capacity building for risk-related situations,” dagdag niya sa kanyang mahigit isang oras na 1st SONA. (Daris Jose)

Pagbabalik ng ‘in person classes’ malaking tagumpay vs COVID-19 – VP Sara Duterte

Posted on: August 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINAWAG ni Vice president at DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio na “malaking tagumpay” para sa mga kabataang Pilipino ang pagsisimula ng in-person classes, Agosto 22.

 

 

Pinangunahan ng bise presidente ng bansa ang National School Opening Day Program nitong Lunes sa Dinalupihan Elementary School sa Bataan.

 

 

Sa kanyang talumpati, sinabi rito na buong tapang na ginawa ng DepEd ang muling pagbukas ng in-person classes sa kabila ng mga hamon at takot na dala ng COVID-19 pandemic.

 

 

Iginiit nito na narinig niya ang panawagan ng ilang organisasyon na suspendihin ang klase sa Septembre o Oktubre ngunit nilinaw nito na priority nila ang kinabukasan ng mga kabataang Pilipino.

 

 

Dagdag pa ng bise presidente at kalihim ng edukasyon na naniniwala siyang makukuha lamang ang de-kalidad na edukasyon kapag ibalik na ang in-person classes.

 

 

“Ang makakapagpabago sa buhay ninyo ay ang determinasyon ninyong magtagumpay,” ani VP Sara.

 

 

Nauna nang iniulat ng kagawaran na walang mga major challenges na na-encounter ang mga paaralan sa pagsisimula ng unang araw ng in-person classes ngayong araw.

 

 

Naging mapayapa at ligtas ang pagbubukas ng School Year ‎2022-2023.

 

 

Lahat aniya ng mga mag-aaral ay nakasuot ng kanilang mga face masks, at ang kanilang mga temperatura ay sinusuri.

 

 

Batay sa datos ng DepEd, 27.8 milyong mag-aaral, na mula sa pribado at pampublikong paaralan, ang nag-enrol para sa akademikong taon na ito

 

 

Inaasahan namang tataas pa ang naturang bilang.

 

 

Samantala, ang sektor ng edukasyon pa rin ang may pinakamalaking bahagi sa panukalang 2023 national budget na may P852.8 bilyon.

 

 

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang pagtutuunan ng pansin sa social services sector ay ang pangangalaga sa kalusugan at ang ligtas na muling pagbubukas ng mga harapang klase — kaya ang malaking badyet para sa sektor ng edukasyon.

 

 

Ang iminungkahing badyet para sa sektor ng edukasyon — na binubuo ng Department of Education (DepEd), state university and colleges (SUCs), Commission on Higher Education (Ched), Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) — ay mas mataas kaysa sa inaprubahan noong 2022 General Appropriations Act na nasa P788.5 bilyon. (Daris Jose)

Nasa Los Angeles nang maganap dahil sa ‘BET Awards’: MARIAH CAREY, nanakawan na naman at sa bahay niya sa Atlanta, Georgia

Posted on: August 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NILOOBAN ng mga magnanakaw ang bahay ni Mariah Carey sa Atlanta, Georgia.

 

Ayon sa ginawang imbestigasyon, tatlong lalake ang inaresto na may koneksyon sa pagnanakaw sa bahay ni Mariah. May force entry na ginawa sa back door ng bahay ng singer.

 

Heto ang official statement ng Sandy Springs Police Department: “The Miami-Dade Police Department captured and placed Jeremy ‘J-Rock’ Caldwell, Terryion Anderson and Jalen Huff under arrest based on the intelligence and investigation of the Sandy Springs Police Department. Caldwell, Anderson and Huff were all connected to the Armed Robberies, Home Invasions and Burglaries in Sandy Springs and the metro Atlanta area.

 

“A RICO case was indicted at a grand jury hearing this morning, August 22, 2022, with 220 charges brought against a total of 24 gang members, only 4 of which are now outstanding. The charges include Gang Involvement, Home Invasion, Burglary, Aggravated Assault, Possession of a Firearm by Convicted Felons, and many more. The Fulton County Sheriff’s Department will extradite Caldwell, Anderson and Huff from Miami, FL to the Fulton County Jail in the coming days.”

 

Nagpahatid ng kanyang pasasalamat si Mariah sa mga taong may kinalaman sa pag-imbestiga. Nung mangyari raw ang pagnanakaw sa kanyang bahay ay wala siya Atlanta at nasa Los Angeles siya para sa ‘BET Awards’.

 

Hindi ito ang unang beses na manakawan si Mariah. Ang bahay niya noon sa Los Angeles ay pinasok din ng mga magnanakaw at natangay ang $50,000 worth of purses and sunglasses.

 

***

EXCITED na ang Sparkle artists na sina Crystal Paras at Vilmark Viray na i-promote ang kanilang singles sa ilalim ng GMA Playlist at GMA Music.

 

“Hintay” ang title ng single ni Crystal at “Paraya” naman kay Vilmark.

 

Dahil puwede nang mag-show sa mga probinsya, mauuna muna silang mag-show for GMA Regional TV. Dasal nila na sunod naman sa abroad via GMA Pinoy TV.

 

Sa ‘Starstruck’ season 7 galing si Crystal at nakatulong daw ang theater background niya sa naturang contest kahit na siya ang unang natanggal.

 

Si Vilmark naman ay maaga ring napauwi sa ‘The Clash’ season 4 pero nakabalik siya dahil sa Wildcard Round at naging 1st runner-up pa siya.

 

Parehong tungkol sa pag-ibig na nawala ang tema ng awitin nila na tiyak makaka-relate ang marami sa hugot lyrics ng Hintay at Paraya.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

E-Commerce bill, hiniling ng DTI sa Senado na aprubahan

Posted on: August 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINILING ng  Department of Trade and Industry (DTI) sa Senado na aprubahan ang pagpapasa upang maging ganap na batas ang  Internet Transactions Act.

 

 

Sinabi ni DTI Assistant Secretary Mary Jean Pacheco  na ang Internet Transactions Act, o  E-Commerce law, ay isa sa mga priority legislative agenda ng administrasyong Marcos.

 

 

“We’d like to see a robust e-commerce sector that will also protect consumers, data privacy, intellectual property and security, as well as of course product and safety standards,” ayon kay Pacheco sa idinaos na virtual organizational meeting kasama ang Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship.

 

 

Tinukoy nito ang Google-commissioned “e-Conomy Southeast Asia Report” para sa taong 2021  na nagsasabing ang Pilipinas ang “fastest growing internet economy” sa Southeast Asia na mayroong 12 milyong consumers at maaaring umabot sa US$40 billion “in value” sa taong 2025.

 

 

“Overall, the Philippines was the fastest-growing market in the region, driven by strict lockdowns as well as a tipping point on the adoption of certain digital services,” ang nakasaad sa report, may 39% ng  digital merchants  na nagsasabing  hindi ito makaka- survived sa pandemiya kung wala ang  digital platforms.

 

 

Ang panukalang E-Commerce Act ay naglalayong “to create an E-Commerce Bureau under the DIT to regulate internet commercial activities and protect consumers who engage in online transactions.”

 

 

Samantala, hiniling din ni DTI Secretary Alfredo Pascual sa mga senador na sang-ayunan ang paglagda ng Pilipinas sa  Regional Comprehensive Economic Partnership trade deal at pag-amiyenda sa  Republic Act 9501 o Magna Carta for Micro, Small and Medium Enterprises. (Daris Jose)

Proud na proud na pinost ang video ng 3D ultrasound: LUIS, nagpasalamat na kamukha ni JESSY at ikatutuwa ni VILMA kung baby girl

Posted on: August 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PROUD na proud ang soon-to-be daddy na si Luis Manzano na pinost sa kanyang IG account ang video ng 3D ultrasound ng first baby nila ni Jessy Mendiola.

 

Caption nga ng tv host, “Hi Baby Peanut! @senorita_jessy and i love you ❤️ thank you Lord kamukha ng Mommy!”

 

Agad namang nag-comment ang kanyang misis ng, “Baka maniwala sila na Peanut yung pangalan 😂😂😂 palayaw lang po namin yan hahahaha.”

 

May nag-react nga kung bakit ganun ang ipapangalan nila sa kanilang baby, buti na lang at nilinaw ito ni Jessy.
Marami ang bumati at pinusuan ang IG post ni Luis, kasama na ang kanilang mga celebrity friends.

 

At kasama na rito si Alex Gonzaga, na malapit kay Luis na nag-comment ng ‘three smiling face with heart-eyes emojis’.

 

Kaya naman ang wish ng isang follower, “@cathygonzaga next ikaw nmn❤️😇”

 

Um-agree naman ang mga netizens na may hawig nga ang baby nila sa kanyang ina. Ini-expect din nila magiging maputi o sobrang puti ang kanilang magiging anak:

“Parang mas kamukha ni Luis, siguro maputi din yung baby just like her mommy.”

“Pareho naman maputi si Luis and Jessy.”

“Kamukha ni Jessy.”

“Sobrang puti ng baby na yan for sure!”

“To be honest talaga if girl ang baby mas nakakamukha nila ang tatay sa una but will look like the nanay din while growing up.”

“Sana nga. At bawas bawasan ang bashing na “maputi lng tlga”

“Ganda siguro nito batang to.”

Tanong naman ng isang netizen at sinagot din naman ng iba:

“How can he say that it looks like mommy basing on that utz??”

“Pag parents ka, you can see the features clearly, if sa mom or dad ba yung ilong, mouth etc. and plus excited ka. Just give it to them! It’s a happy kind of news anyways.”

“Kahit kanino kamukha as long as it’s healthy & normal . And besides the parents are good looking.”

“Masasabi na ba agad hahaha pero for sure ang mestiza or mestizo ng magiging anak nila, Pinoy American Lebanese.”

Obserbasyon ng netizen, na parang nagbibigay ng hint si Luis, na girl ang nasa tummy ni Jessy. Na pag nagkatotoo ay labis itong ikatutuwa ng soon-to-be lola na si Vilma Santos-Recto.

“Siguro Luis is hinting girl ang gender ng baby nila ni Jessy and Wish come true ni Momshie Vilma Santos. Ate Vi has been wishing for a girl apo since puros mga boys ang nasa paligid niya.”

May isa namang marites na nag-agree din, pero binahagi niya na ‘di siya nagandahan sa baby girl niya sa ultrasound pix, bagay na na inalamahan ng ilang netizens.

“Ang ganda nga. Ako sa ultrasound palang nakikita ko na sino kamukha ng mga anak ko. Tsaka ang ganda ng baby nila ha kahit utz plang. Ung girl ko kahit anong tingin ko sa utz ang pangit. Nka 3 ultz ako pero sabi ko bakit parang pangit. Di nga sya maganda nung baby. Bumawi ngayong mag 2 yrs old na sya.”

“What kind of person calls a baby, let alone your own, pangit?”

“Ang harsh mo naman sa anak mo marsh. You really thought that about your very own child? Pinaramdam mo din ba sa anak mo na pangit sya and now that she’s 2 years old and maganda na tanggap mo na sya?”

“Eh mas mahirap nman mgfeeling feeling tayo na maganda anak natin kahit hindi. Syempre kahit ano pa yan anak natin yan. “Di nman nkabase sa hitsura kung mahal at tanggap mo anak mo. Grabe din nman judgement nyo base lang sa comment ko na pangit anak ko sa ultz.”

Dagdag pa ng isa na nakaalala sa naging pahayag ni Ate Vi sa isang interview.

“Kung napanood nyo interview ni luis ky momskie vi nya sabi din ni ate vi napangitan sya ky luis nung baby pa. Wag nyo kasi dibdibin porket sinabi na pangit parang ang sama sama na ng magulang. Di nman yan ganyan.

“Yung iba nga binibigyan pa ng pngit na mga nickname anak nila. Di ibig sabihin nun di tanggap or di mahal. Iba nman ang salita kesa sa kung ano nasa puso ng isang magulang.”

Isa nga ito sa aabangan ng mga marites pag isinilang na ang first baby nina Luis at Jessy, at marami ang nagwi-wish na sana nga ang first apo ni Ate Vi ay girl.

(ROHN ROMULO)

Maayos naman ang kalagayan sa Amerika: TOM, palilipasin muna ang isyu sa kanila ni CARLA bago magbalik-showbiz

Posted on: August 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAAYOS ang kalagayan ni Tom Rodriguez sa Amerika, pero kailangan daw muna siyang manatili doon at palipasin ang issue sa kanila ng ex-wife niyang si Carla Abellana.

 

 

Noong makapanayam si Tom ng GMA News, naging special judge ito sa ‘Miss Philippines USA’ sa San Diego, California. Ang naturang event ang first public appearance ni Tom mula nang maghiwalay sila ni Carla.

 

 

Aminado si Tom na nami-miss na niya ang kanyang trabaho sa Pilipinas bilang aktor. Kinatutuwa niya na maram siyang naka-lineup na trabaho sa Amerika.

 

 

“We got a few things lined up. I have been lucky enough to be a part of a series of shows. Hopefully, I can start plugging them soon,” masayang balita pa ng aktor.

 

 

Tiniyak din ni Tom sa kanyang mga kaibigan at fans na okey siya at moving on siya sa buhay niya.

 

 

“I’m okay and I really really appreciate the sentiments. I miss all of you guys right back so I can’t wait to see all of you again. Let’s collaborate, let’s work on something for all of us,” sey pa ni Tom na huling napanood sa teleserye na ‘The World Between Us’ na ipapalabas na sa Amazon Freevee.

 

 

***

 

 

NAGBABALIK sa modelling scene ang ’90s supermodel na si Linda Evangelista sa pamamagitan ng pagiging cover ng September 2022 issue ng British Vogue.

 

 

Kabilang noon si Linda sa top supermodels ng dekada ’90 kasabay sina Cindy Crawford, Naomi Campbell at Cristy Turlington.

 

 

Higit sa sampung taong hindi nagtrabaho ang 57-year old model dahil sa pinagdaanan niyang cosmetic procedure na sumira sa kanyang magandang mukha. Dinemanda niya for $50 million ang naturang beauty clinic for emotional stress ang loss of income.

 

 

Na-settle na raw ang lahat kaya naging kampante na si Linda na muling bumalik sa eksena. Sa kanyang comeback photoshoot, ginamitan daw siya ng tape at elastic para mabalik ang dating hugis ng mukha, leeg at panga niya.

 

 

“That’s not my jaw and neck in real life — and I can’t walk around with tape and elastics everywhere. You know what, I’m trying to love myself as I am, but for the photos. Look, for photos I always think we’re here to create fantasies. We’re creating dreams. I think it’s allowed. Also, all my insecurities are taken care of in these pictures, so I got to do what I love to do,” sey pa ni Linda.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

DSWD ‘nag-sorry,’ magsasagawa ng ‘recalibration’ sa ‘payout system’

Posted on: August 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HUMINGI nang paumanhin si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Erwin Tulfo matapos na magdulot ng kaguluhan sa ilang tanggapan nila ang programa sa Educational Assistance Payout sa mga student-in-crisis.

 

 

Layon ng naturang programa sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ay makatulong sa pagbili nila ng mga estudyante ng kanilang school supplies at iba pang kagamitan at pangangailangan sa pag-aaral.

 

 

Paliwanag naman ni Tulfo ang naturang programa ay hindi umano nababanggit ng dating administrasyon ng DSWD at marami umano sa mga bumuhos sa mga tanggapan nila ay ngayon lamang nalaman na meron pa lang ganitong uri ng proyekto.

 

 

Sa panayam  kay DSWD spokesperson at Asec. Rommel Lopez, inamin nito na “na-overwhelm” sila at hindi inaasahan ang response ng napakaraming nangangailangan ng tulong.

 

 

Marami sa mga pumila sa ilang tanggapan ng DSWD ay madaling araw pa lamang ay pumila na habang ang ilan naman ay nagpalipas pa ng magdamag.

 

 

Sa central office ng DSWD sa Quezon City ay inanunsiyo na magbubukas ang gate ng alas-7:00 ng umaga pero pagsapit ng naturang oras ay agad nang nagpatupad ng cut-off dahil sa hindi na makayanan sa dami ng nag-aagawang makapasok sa gate ng kagawaran.

 

 

Ang iba namang DSWD field office o SWAD satellite offices sa mga rehiyon ay itinakda ang payout ng alas-8:00 ng umaga, pero dinagsa rin ang mga ito kahit madilim pa.

 

 

Liban sa walk-in ay tumatanggap din ng aplikasyon ang DSWD sa pamamagitan ng email basta may maipakita lamang na certificate of registration sa enrollment o anumang dokumento na magpapatunay na enrolled na ang bata.

 

 

Kabilang pa sa requirement ay valid ID ng mga magulang o guardian at mga estudyante na nasa college/vocational na tatanggap ng educational assistance.

 

 

Batay sa educational assistance ng DSWD ang ayuda sa elementarya ay may P1,000; habang sa mga high school ay P2,000; samantalang sa senior high school ay P3,000, at sa mga nasa kolehiyo o nag-aaral na sa vocational ay makakatanggap ng P4,000.

 

 

Sa panayam kay Henry Nopia na matagal ding pumila sa DSWD NCR office, sinabi nito na “dapat sana ang ginawa ng DSWD ay sa unang Sabado ay elementarya lamang muna, at sa susunod naman ang high school.”

 

 

Nagdulot din ng napakahabang pila ang sitwasyon sa Loyola Street sa Legarda, Maynila kung saan inilipat muna doon ang pagproseso para sa DSWD NCR.

 

 

Sa head office ng DSWD ay halos magka-stampede na.

 

 

Marami sa mga pumila ay hindi lamang mga estudyante kundi maging ang mga benipisaryo ng 4Ps na nagpadagdag lalo sa buhos ng mga tao.

 

 

Ang maraming hindi nakaabot sa cut-off ay pinaiwan na lang muna ang kanilang mga requirements at tatawagan na lamang ng DSWD para sa convernient na schedule nila.

 

 

Kaugnay nito, tiniyak ni Asec. Lopez na magpapatupad na sila nang pagbabago sa mga susunod na payout para hindi na maulit ang nangyaring kaguluhan sa ilan nilang mga tanggapan. Kabilang sa umano’y pagbabago ay makakatuwang na nila ang DILG.

 

 

“Doon sa labas, we will admit humihingi kami ng pang-unawa at dispensa doon sa ating mga kababayan na kahit kami ay na-overwhelm. Kaya sa 7AM cut-off na kami para naman hindi naman namin ma-break ang COVID protocols,” ani Asec. Lopez .