• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 8:50 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2022

12 e-sabong website, 8 socmed pages natukoy ng PNP

Posted on: May 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NABUKING  ng Philippine National Police (PNP) ang patuloy na operasyon ng 12 ­e-sabong at walong social media pages sa kabila na ­iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil nito.

 

 

Ayon kay Lt. Michelle Sabino, hepe PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) public information office, sa 12 websites na natukoy ng PNP dalawa ang nakarehistro sa Pilipinas na may operators at administrators, habang ng 10 ay nasa ibang bansa.

 

 

Sinabi ni Sabino na dina-download lamang ng mga mananaya ang application at maaari nang mamili ng online games at tumaya.

 

 

Kadalasan ding pino-promote ang link sa mga FB page.

 

 

“This is the recruitment avenue of bettors. The bettors will communicate with the administrators of the Facebook page and then the administrator will give them a link for them to download,” ani Sabino.

 

 

Kailangan din munang magdeposito ang mananaya ng P100 bilang deposit upang marehistro. Ginagamit na rin umano sa online sabong ng cryptocurrency sa pagtaya.

 

 

Hiniling na rin ng PNP sa FB ang pagtatanggal sa e-sabong.

 

 

Matatandaang ipinagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan ang e-sabong kasunod ng pagkawala ng 34 sabungero. (ARA ROMERO)

Gilas Pilipinas at South Korea may laro bago ang FIBA Asia Cup

Posted on: May 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG  makaharap ng Gilas Pilipinas ang South Korea sa buwan ng Hunyo.

 

 

Ayon sa South Korea website na Jumpball , na isasagawa ang “evaluation match” mula Hunyo 17-18 sa Anyang City.

 

 

Itinuturing ng South Korea ang nasabing laro ay makakatulong par asa evaluation ng kanilang manlalaro bago ang FIBA Asia Cup 2022 sa Hulyo.

 

 

Sa panig naman ng Gilas Pilipinas ay isang bahagi ito ng paghahanda nila para sa second window ng FIBA World Cup Asian qualifiers na itinakda mula Hulyo 30 hanggang Hulyo 3.

Suportado siya ni Inah sa bagong teleserye: JAKE, aminadong nangapa sila ni BEA sa muling pagtatambal

Posted on: May 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IT’S super grand celebration of love and friendship as Beautederm Home marks another milestone as it commemorates the formal renewal of Marian Rivera-Dantes as its official brand ambassador for another 30 months.

 

 

Sa launch may nagtanong bakit 30 months lamang? Para kay Ms. Rhea Anicoche-Tan ng Beautederm, wala raw limit ang contract, forever na raw iyon.

 

 

Inihayag naman ni Marian na overjoyed siya sa relationship niya with Beautederm Home na nagsimula pa noong 2018, “and I am excited as I look forward to many more years with this brand that is very dear to my heart,” sabi ni Marian matapos niya muling pumirma ng panibagong contract.

 

 

“We have worked so hard in developing these new products and I am so proud to introduce and present them to everyone.”

 

 

Para naman kay Ms. Rhea ang relasyon daw niya kay Marian has transcended from business to a loving sisterly bond that she deeply treasures, “Marian is an extremely valued member of the Beautederm family and I am so happy to have her onboard as the brand ambassador for another 30 months and hopefully more years in the future.

 

 

“Marian and I are really like sisters. She’s my baby sister as she is the sweetest and the kindest, and one of the most professional ambassadors that we have.”

 

 

Dapat daw pala ay dadalhin niya si Marian sa store ng Beautederm sa Singapore, pero hindi natuloy dahil sa pandemic, pero kapag maayos na raw ang lahat ay itutuloy nila ni Marian ang pagbisita.

 

 

Dalawa ang new products na ini-release nila, ang Pour Tout Faire, a 3-in-1 multi-purpose spray that deodorizes, disinfects and protects as it is formulated to eliminate unpleasant odors. Dalawa ang variants nito, ang Fresh & Vibrant at Clean & Calm.

 

 

***

 

 

SUPORTADO ni Inah de Belen ang boyfriend na si Jake Vargas sa bagong serye nito, ang The Fake Life sa GMA Afternoon Prime.

 

 

Balik-tambalan sina Jake at dating ka-loveteam and ex-girlfriend na si Bea Binene, after seven years na nagkahiwalay sila. Pangungunahan nina Ariel Rivera, Beauty Gonzalez at Sid Lucero ang afternoon series.

 

 

Gaganap si Bea as the young Beauty, si Jake naman ang batang si Sid at ka-love triangle nila si Kristoffere Martin na gaganap namang batang Ariel. Natanong sina Jake at Bea kung nagkaroon ba sila ng ilangan sa isa’t isa sa first scene nila together.

 

 

“Matagal din po kaming hindi nagkasama sa TV ni Bea, kaya medyo nangangapa pa kami noong una, pero nang tumagal okay na kami,” sagot ni Jake.

 

 

“Medyo po mabibigat ang mga eksena namin ngayon, ‘di tulad noon na sweet at mga kilig moments ang eksena namin.”

 

 

Mapapanood na ang The Fake Life simula sa Monday, June 6, 4:15PM sa GMA-7.

 

 

(NORA V. CALDERON)

4-door strategy ikakasa ng DOH vs Monkeypox

Posted on: May 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGPAPATUPAD ng “four-door strategy” ang pamahalaan kabilang ang paghihigpit sa mga borders ng bansa para hindi makapasok ang bagong monkeypox virus.

 

 

“Kasalukuyang 12 bansa na ang may pinakabagong kaso ng monkeypox. Kabilang dito ay siyam na bansa sa Europa pati na rin sa Estados Unidos, Canada at Australia. Dahil dito ang DOH ay pinaigting, katuwang ng ibang national agencies ang four-door strategy,” ayon kay Health undersecretary Abdullah Dumama Jr. sa lingguhang “Talk to the People.”

 

 

Kabilang sa istratehiya ay pagpapatupad ng mga restriskyon sa mga biyahero at pagpapatupad ng ban bilang pangunahing lebel ng depensa at dagdag sa umiiral na mga health protocols na ipinatutupad kontra COVID-19.

 

 

Pagsasagawa ng ‘scree­ning, testing at qua­rantine’ sa mga ‘points of entry’ para mabawasan ang banta na posibleng madala ng mga biyahero na maaaring magdulot ng lokal na pagkalat ng virus.

 

 

Pagpapalakas ng im­plementasyon ng ‘prevent-detect-isolate-reintegrate strategies’ para agad na matukoy at maihiwalay kung sino man ang dadapuan ng virus.

 

 

At pagpapalakas ng kapasidad pangkalusugan at ‘critical care’ para masagupa ang inaasa­hang surge ng mga kaso at matiyak din ang tama at napapanahon na panga­ngalaga sa mga pasyente.

 

 

“Ating pagtitibayin ang screening process sa borders para maiwasan ang pagpasok sa bansa,” ayon kay Dumama. (Daris Jose)

15 milyong pasahero nakinabang sa libreng sakay ng MRT-3

Posted on: May 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT kahapon ng Department of Transportation (DOTr) na umaabot na sa mahigit 15 milyong pasahero ang napagsilbihan ng libreng sakay na ipinagkakaloob ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

 

 

Ayon sa DOTr-MRT-3, kabuuang 15,381,945 pasahero na ang nakinabang sa libreng sakay mula nang simulan ang programa noong Marso 28 hanggang nitong Mayo 23 lamang.

 

 

Sa naturang bilang, 8,472,637 ang nakalibre ng pamasahe noong unang buwan ng implementasyon ng libreng sakay, o mula Marso 28 hanggang Abril 30.

 

 

Mula naman Mayo 1 hanggang 23 ay nasa 6,909,308 na ang napagseserbisyuhan ng linya.

 

 

Matatandaang ipinatupad ng DOTr-MRT-3 ang libreng sakay bilang pagdiriwang sa matagumpay na pagtatapos ng rehabilitasyon ng linya at upang maipakita sa mga pasahero ang mas pinagandang serbisyo nito.

 

 

Layunin din ng programa na makatulong sa publiko sa gitna ng pagtaas ng presyo ng petrolyo at mga bilihin.

 

 

Dapat sana ay hanggang Abril 30 lamang ang libreng sakay, ngunit pinalawig pa ang programa hanggang Mayo 30, 2022, upang mas marami pang mapagserbisyuhan at makaramdam ng mga positibong pagbabago sa MRT-3, gaya ng mas mabilis na biyahe, mas malamig na mga bagon, at mas maayos na mga pasilidad sa linya.

Robredo, Moreno walang kuwestiyon sa COC

Posted on: May 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLENG  anumang oras ngayon ay maiproklama na sina presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang bagong pangulo at ikalawang pangulo ng bansa.

 

 

Sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, na dahil sa manifestation ng mga abogado nina Vice President Leni Robredo at Mayor Isko Moreno kaya posibleng mapaaga ang tapos ng canvassing ng mga boto ngayong araw.

 

 

“By early afternoon we should be done,” ayon pa kay Zubiri na co-chairman ng National Board of Canvassers (NBOC).

 

 

Ito ay dahil sa gitna ng canvassing ay nag-manifest si Atty. Romulo Macalintal na hindi na sila tututol sa resulta ng mga certificate of canvass (COCs) gayundin ang sinabi ng abogado ni Isko Moreno na si Atty. Rizalina Romera.

 

 

Sa pahayag ni Macalin­tal, nag-wave na ang kampo ng outgoing vice president ng kanilang appea­rance sa joint canvassing committe para mapabilis ang proseso ng bilangan ng boto para sa mga kandidato sa presidential race.

 

 

“We interpose no objection to the inclusion of all the certificates of canvass for president from the various provincial and city boards of canvassers found by this honorable board to be authentic and duly-executed,” pahayag ni Macalintal.

 

 

Matapos nito ay kaagad tumayo sa plenaryo si Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni presumptive president Bongbong Marcos at ipinaabot kay Robredo at Moreno ang pasasalamat sa pagkilala ng mga ito sa integridad ng resulta ng katatapos lang na eleksyon.

 

 

Bago ito ay nag-convene ang joint congressional canvassing committee na siyang magka-canvass ng boto para sa presidential at vice-presidential elections. Dumalo sa joint session ang may 20 senador at 296 kongresista.

 

 

Sa pangunguna nina Senate President Tito Sotto at Speaker Lord Allan Velasco ay unang agenda ang pag-adopt sa mga alituntunin para sa gaga­wing canvassing kung saan ang mga senador at kongresista ang tatayong National Board of Canvassers (NBOC).

 

 

Dakong 10:30 ng umaga nang ipag-utos ni SP Sotto sa House at Senate secretariat na isa-isang buksan ang bawat balota kung saan nauna rito ang ballot boxes mula sa Embahada ng Pilipinas sa Cambodia.

 

 

Unang sinuri ang serial number at lock seals ng bawat envelope gaya ng nailatag na tuntunin at saka muling lalagyan ng seal ang mga certificate of canvass na nasuri na.

 

 

Sa ilalim ng mga na­pagkasunduan alituntunin sa panahon ng canvassing, ang Joint Committee ang magdedesisyon sa mga tanong at isyu ukol sa COCs sa pamamagitan ng majority votes ng miyembro ng bawat panel na hiwalay na boboto ang Senado at Kamara.

 

 

Sakaling hindi magkasundo ang dalawang panel, ang magdedesisyon ay ang chairperson at kapag nagkaroon ng deadlock, ang reresolba ay ang Speaker at Senate President.

 

 

Tinataya naman na matatapos ang canvassing ngayong araw at maaa­ring magproklama ng mga nanalong kandidato sa Huwebes. (Daris Jose)

P1K pension sa seniors, sumalang na sa Senado

Posted on: May 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISINALANG na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na gawing P1,000 ang social pension ng indigent senior citizens mula sa P500.

 

 

Sa sponsor speech ni Sen. Joel Villanueva, nag-sponsor ng Senate Bill 2506, umaasa siya na mula sa P500 ay magiging P1000 ang monthly pension ng mga indigent senior citizens bilang pagkilala sa kahalagahan ng mga nakakatanda at sa kontribusyon nila sa mga komunidad.

 

 

Bukod sa increase sa social pension ng mga senior citizen, layon din ng panukala na magbigay ng opsyon bukod pa sa cash payouts para sa pension na makaabot sa mga target beneficiary at hindi sasagutin ng mga benepisyaryo ang transaction fee.

 

 

Sa konsultasyon ni Villanueva sa mga kasamahan at representante mula sa DSWD at Budget and Management, maging sa National Commission of Senior Citizens, Coalition of Services of the Elderly and Senior Citizens Sectoral Council, nagkasundo sila na ang kasalukuyang P500 monthly allowance ay hindi sapat para matugunan ang arawang pangangailangan  at gamot  ng mga mahihirap na senior citizens.

 

 

Kung ibabatay umano sa datos ng DSWD, aabot sa mahigit 3.8 milyon ang indigent Filipinos na may edad 60 at higit pa at sa P500 kada buwan, nasa P23.6 bilyon ang kasalukuyang allotment para sa social pension kada taon. (Daris Jose)

UNANG BABAENG MAYOR NG MAYNILA MAYOR HONEY LACUNA PANGAN

Posted on: May 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Binabati ng lahat ng pamunuan/Editorial Staff ng People’s Balita ang lahat ng bagong halal noong nakaraang eleksyon 2022 sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuna Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto at mga Congressman sa unang Distrito Congressman Ernix Dionisio, ikalawang distrito Congressman Rolan Valeriano, ikatlong distrito Congressman Joel Chua, ikaapat na distrito Congressman Edward Maceda, ikalimang distrito Congressman Irwin Tieng, ika anim na distrito Congressman Benny Abante.

 

 

 

Samantala ang mga konsehal naman na nanalo  sa unang distrito ay sina, Konsehal Irma Alfonso-Juson, Konsehal Niño Dela Cruz, Konsehal Jesus “Taga” Fajardo Jr., Konsehal Martin “Marjun” Isidro Jr., Konsehal Moises “Bobby” Lim, Konsehal Erick Ian “Banzai” Nieva. Sa ikalawang distrito naman ay sina, Konsehal Ruben “Dr. J” Buenaventura, Konsehal Macario “Macky” Lacson, Konsehal Numero “Uno” Lim, Konsehal Roma Paula “Roma” Robles, Konsehal Darwin “Awi” Sia, Konsehal Edward Tan. Sa ikatlong distrito naman ay sina, Konsehal Terrence Alibarbar, Konsehal Arlene “Maile” Atienza, Konsehal Pamela “Fa” Fugoso, Konsehal Ernesto “Jong” Isip Jr., Konsehal Johanna Maureen “Apple” Nieto-Rodriguez, Konsehal Timothy Oliver “Tol” Zarcal.

 

 

 

Sa ikaapat na distrito naman ay sina, Konsehal Krystle Marie “Krys” Bacani, Konsehal Don Juan “DJ” Bagatsing, Konsehal Louisito “Doc Louie” Chua, Konsehal Louisa Marie “Lady” Quintos, Konsehal Science Reyes, Konsehal Joel “JTV” Villanueva. Sa ikalimang distrito naman ay sina, Konsehal Daniel “Nikko” Atienza, Konsehal Laris Borromeo, Konsehal Jaybee “Atty. Jaybee” Hizon, Konsehal Ricardo “Boy” Isip Jr., Konsehal Charry Ortega, Konsehal Raymundo “Mon” Yupangco. Sa ika amin na distrito naman ay sina, Konsehal Benny “Fog” Abante III, Konsehal Carlos “Caloy” Castañeda, Konsehal Salvador Philip Lacuna, Konsehal Elmer “Joel” Par, Konsehal Luis “Joey” Uy, Konsehal Luciano “Lou” Veloso. Congratulations pos a inyo lahat mula kay Bishop Jesus “Jemba” M. Basco ng Spiritual Filipino Catholic Church Quezon City Chapter. BUmabati rin ang lahat ng officer at members ng Manila City Press Club sa pangunguna ng Presidente JR Reyes. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Nagandahan sa kanya nang magbihis-babae… XIAN, natuwa at nagpasalamat sa suporta ng kanyang ina

Posted on: May 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGING very professional si new Kapuso leading man Xian Lim.

 

 

Siya ang isang actor na hindi tumatanggi sa role na ibinibigay sa kanya. This week nga ay pasabog ang finale ng GMA Primetime series na False Positive nila ni Kapuso actress Glaiza de Castro.

 

 

Last Monday nga nagsimula nang mapanood si Xian na isa nang babae, mula sa isang lalaking nabuntis gawa ng mga engkatadong sina Malakas at Maganda. At para makaiwas sa tsismis, nagbihis-babae siya at carry naman niya, naka-wig nang mahaba, at nag-make-up transformation.

 

 

Kuwela na natuwa pa ang mommy ni Xian, si Mommy Mary Anne, at sabi nito: “The daughter I never had. Pretty yarn!” Ang ganda raw ng anak niyang binata. Natuwa naman si Xian at nagpasalamat sa suporta ng mommy niya. This Friday, May 27 na ang finale ng False Positive, at 8:50PM after ng First Lady sa GMA-7.

 

 

***

 

 

NGAYONG Friday, May 27, ang much-awaited grand reveal ng bagong show ng GMA-7, ang Running Man Philippines.

 

 

Sinu-sino kaya ang magiging hosts ng show at magiging contestants nito. Isang co-production venture ito between GMA and a South Korean network. At isu-shoot ito sa South Korea for two months bago ipalabas dito sa bansa.

 

 

(NORA V. CALDERON)

Miting sa pagitan nina Pangulong Duterte at Marcos Jr., bago ang inagurasyon, wala pang iskedyul-Andanar

Posted on: May 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALA pang naitatakdang araw at petsa sa meeting sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at presumptive president Ferdinand Marcos Jr.

 

 

“Wala pang sinasabi sa amin. We will wait for further announcement,” ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) at acting presidential spokesperson Secretary Martin Andanar.

 

 

“I don’t have information on that and we could know more after the Cabinet meeting next week,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Gayundin, sinabi ni Andanar na tikom ang bibig ni Pangulong Duterte sa kung sino ang napipisil ni Marcos Jr., sa magiging miyembro ng gabinete nito.

 

 

Sa ngayon, pinangalanan ni Marcos Jr. sina dating spokesperson at Atty. Vic Rodriguez bilang Executive Secretary, dating Aquino administration National Economic Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balisacan na bumalik sa dati nitong posisyon, Cavite lawmaker Jesus Crispin Remulla bilang Justice Secretary, dating Labor Undersecretary Susan Ople bilang Kalihim ng Department of Migrant Workers at Bienvenido Laguesma bilang Labor chief.

 

 

“Walang binanggit ang pangulo on the choices of the presumptive president,” ani Andanar.

 

 

Matatandaang, noong Nobyembre 2021, tinawag ni Pangulong Duterte si Marcos Jr. bilang “weak leader and a spoiled child” na walang accomplishment sa kanyang pangalan.

 

 

Subalit, tatlong araw bago ang halalan, bigla na lamang nagbigay ng “kind words” si Pangulong Duterte kay Marcos Jr. at namuhay ng simpleng buhay si Marcos Jr., kahit may pagdududa hinggil sa ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.

 

 

Magtatapos ang termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo 30. (Daris Jose)