• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 25, 2025
    Current time: October 25, 2025 2:08 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2022

Estranged husband na si Tom, missing in action… CARLA, two years nang ini-enjoy ang paggawa ng sabon

Posted on: May 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY bagong hobby ang Kapuso actress na si Carla Abellana at ito ay ang paggawa ng sabon.

 

 

Pinakita ni Carla sa kanyang Instagram ang mga nagawa niyang sabon. Two years na raw niya itong ginagawa simula noong magkaroon ng pandemic. Nakaka-relax daw ito at nakakawala ng pagod.

 

 

“From attending basic and advance classes (missing these) to learning how to spot dangerous chemical ingredients in commercial soaps and other household products we use everyday. Soap making is science [plus] art. In my opinion, it’s also therapeutic [and] anxiety inducing. Other soap makers would relate,” caption pa ng aktres.

 

 

Tapos na yata si Carla sa mga eksena niya sa Voltes V: Legacy at naghihintay na lang siya ng bagong sisimulang teleserye.

 

 

Wala na raw nababalitaan ang netizens tungkol sa estranged husband niyang si Tom Rodriguez simula noong i-deactivate nito ang kanyang Instagram account. Ngayon ay wala nang tuluyan ang verified IG account ni Tom na @akosimangtomas at puro na lang mga fan accounts ang makikita.

 

 

May nakapagsabi na nasa Amerika daw ngayon si Tom at gusto raw muna nitong lumayo sa mga marites kaya off-the-grid muna ang aktor. Kaya walang balita kung nakapag-usap na ba sila ng misis niyang si Carla.

 

 

Huling napanood si Tom sa teleserye na The World Between Us at sa All-Out Sundays bago siya biglang nanahimik at maging MIA o missing in action.

 

 

***

 

 

MAGSISIMULA na ulit ang lock-in taping ng PH adaptation ng Start-Up dahil nakabalik na ang dalawang bida na sina Alden Richards at Bea Alonzo.

 

 

Gumaganap si Alden bilang si Good Boy at si Bea naman ay si Dani. Sa original Koreanovela, ang lead star ay si Bae Suzy plays Dal Mi at Kim Seon Ho portrays Han Ji Pyeong or Good Boy.

 

 

Tungkol sa young entrepreneurs dreaming and working para maging successful ang pinakakuwento ng Start-Up.

 

 

Nasubukan na ang compatibility nila Alden at Bea sa unang lock-in taping nila. Dahil matagal silang nagkasama sa taping, nadiskubre ni Alden na pareho pala sila ni Bea na may OCD o ‘yung masyadong organized sa lahat ng bagay.

 

 

“Organized kasi sa bahay din ‘yan si Bea eh. One of the things in common with us, parehas kaming may OCD. Gusto maayos, malinis ‘yung bahay, especially ayaw niyang nagagalaw ‘yung mga gamit na naayos na niya,” sey ni Alden.

 

 

Sumang-ayon naman si Bea: “Oo, umiinit ang ulo ko kapag marumi ang bahay, hindi ako makapag-isip nang tama.”

 

 

Pareho rin daw sila ni Bea na mas ginagawang priority parati ang pamilya. Gusto nilang laging nakikitang masaya ang kanilang pamilya.

 

 

 

Sey ni Alden: “When it comes to family, nako-compromise ang family or any issues within the family, I see how si B takes care of her family. If something’s wrong with family, I think ‘yun ang mga nagpapalungkot kay Bea. And that’s what we share in common.”

 

 

Sey ni Bea: “Oo tama. Kaya natutuwa nga ako na kinukuwento ni Alden na lagi pa rin siyang umuuwi sa Laguna. Kasi ako rin lagi rin akong umuuwi sa Zambales.”

 

 

Kasama rin sa cast ng Start-Up PH ay sina Gina Alajar, Yasmien Kurdi, Jeric Gonzales, Lovely Rivero, Gabby Eigenmann, Ayen Munji-Laurel, Jackie Lou Blanco, Kevin Santos, at Jojo Alejar.

 

 

***

 

 

ANG Filipino-American singer na si Olivia Rodrigo ang naging big winner sa nakaraang 2022 Billboard Music Awards (BBMAs) na ginanap sa MGM Grand Garden Arena in Las Vegas.

 

 

Nauwi ni Rodrigo ang pitong BBMAs for Top New Artist, Top Female Artist, Top Hot 100 Artist, Top Streaming Songs Artist, Top Radio Songs Artist, Top Billboard Global 200 Artist and Top Billboard 200 Album for SOUR.

 

 

Anim na BBMAs naman ang napanalunan ni Kanye West a.k.a. Ye. Kabilang na rito ang Top Gospel Album.

 

 

Limang BBMAs naman ang nauwi ni Drake kabilang dito ang Top Artist, Top Male Artist, Top Rap Artist and Top Rap Male Artist awards.

 

 

Apat naman na awards ang nahakot ni Taylor Swift kabilang na ang Top Country Album, Top Billboard 200 Artist, Top Country Artist, and Top Country Female Artist.

 

 

Ang Korean boyband naman na BTS ay nakakuha ng tatlong trophies: Top Song Sales Artist, Top Selling Song and Top Duo/Group.

 

 

Ang most nominated artists this year na si The Weeknd with 17 ay isa lang ang napanalunan at ito ay ang R&B Male Artist.

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Kai Sotto patuloy ang paghahanda sa 2022 NBA Draft

Posted on: May 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ang ginagawang paghahanda ni Filipino basketball player Kai Sotto parea sa 2022 NBA Draft.

 

 

Kahit na hindi nakasama ito sa Draft Combine ay patuloy ang ensayo ng 7-foot-2 sa Atlata.

 

 

Nakipag-work outs rin ito sa ilang NBA teams.

 

 

Sinabi ng 19-anyos na si Sotto na patuloy ang kaniyang pinag-aaralan ang kaniyang kahinaan at ang kaniyang kalakasan.

 

 

Kabilang sa mga kanyang ginagawa ngayon ay ang pagsasanay sa perimetr shooting.

 

 

Naglaro ng isang season si Sotto sa Adelade 36ers sa National Basketball League ng Australia.

Watchdog ‘Kontra Daya’, brainchild ng CPP-NPA-NDF dating kadre

Posted on: May 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IBINUNYAG ni Jeffrey “Ka Eric” Celiz, dating kadre ng communist terrorist groups na ang Election watchdog Kontra Daya ay binubuo ng aktibong urban operators at infiltrators ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

 

 

Ang “Kontra Daya group” ay kilala sa hanay ng dating mga rebelde, kadre at organizers ng CPP-NPA-NDF” bilang “nothing but a special project of the communist terrorists’ urban operators and infiltrators”.

 

 

Sa katunayan, kinilala ni Celiz ang isa sa mga core leaders bilang si Danilo Arao, isang University of the Philippines professor at tinukoy ang kanyang sarili bilang journalist na konektado sa Media Asia, Kontra Daya, Bulatlat, Pinoy Weekly, at Kodao Productions.

 

 

Si Arao, Kontra Daya convenor, ay nagpahayag na ang May 9 election ay ang “worst” o pinakamasama na automated election history.

 

 

“Kung may mas mababa pa na grado sa singko, ‘yun ang ibibigay ko sa Comelec (Commission on Elections) pati na sa service provider na Smartmatic,” ayon kay Arao sa media forum “Balitaan sa Maynila”, araw ng Linggo.

 

 

Sinabi naman ni Celiz na ang Kontra Daya ay isang CPP project na ginagamit upang manipulahin ang electoral public opinion.

 

 

Aniya pa, ang mga opinyon, ang mga panunulsol sa electoral fraud, at party-list manipulation ay kabilang sa standard propaganda operation lines ng CPP-NPA-NDF at ipinasa sa Kontra Daya bilang political analysis.

 

 

“Though there may be some interesting insights regarding how the influential and wealthy families try to dominate the party-list groups, yet the bogus Kontra Daya group maliciously and consciously avoids and brushes aside the exposition on the very obvious fact that the CPP-NPA-NDF, which is the main operator, is the one that really continues to infiltrate, hostage and sabotage the integrity of our electoral process, including their deceptive and manipulative ‘Kamatayan party-lists’ which are the vehicles for the communist terrorists’ government bureaucracy infiltration,” anito.

 

 

Aniya ang “obvious and intentional slant” ng Kontra Daya, ayon kay Celiz ay naglalayon na pagtakpan ang actual electoral at bureaucracy infiltration operation n communist terrorist group, “an act that is premeditated and orchestrated by the leadership of the CPP-NPA-NDF”.

 

 

Sa katunayan ayon pa rin kay Celiz, top nominee at secretary general ng Abante Sambayanan na nagpartisipa sa katatapos lamang na halalan, ang kanilang grupo ay isa sa naging biktima ng “prejudiced at partisan public opinion manipulation” na tinawag niyang “mind frame game and conditioning modus operandi”.

 

 

Ang Kontra Daya ay nagpartisipa sa post-election protests at rallies, kabilang na ang tinatawag na “Black Friday Protest”, araw ng Biyernes, Mayo 13.

 

 

Kinalampag ng election watchdog ang Comelec na imbestigahan ang di umano’y electoral fraud sa katatapos lamang na halalan sa bansa. (Daris Jose)

Petisyon laban sa kandidatura ni Presumptive President Marcos, naihain na sa SC

Posted on: May 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKARATING na sa Supreme Court (SC) ang petisyon para ipakansela ang certificate of candidacy (CoC) ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Humirit din ang mga petitioners sa Supreme Court (SC) na mag-isyu ang kataas-taasang hukuman ng temporary restraining order (TRO) para harangin ang pagbibilang ng mga boto at ang proklamasyon kapag ito ay ideklarang manalo.

 

 

Kasama na rito ang nais ng grupo na ipaharang ang canvassing ng mga boto ng Senado at House of Representatives.

 

 

Kabilang sa mga petitioners ay sina Father Christian Buenafe, Fides Lim, Ma. Edeliza Hernandez, Celia Lagman Sevilla, Roland Vibal at Josephine Lascano. (Daris Jose)

Pinas walang naitalang COVID-19 surge – OCTA

Posted on: May 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISANG linggo matapos ang  isinagawang 2022 elections , inihayag ng OCTA Research Group na wala pang naitatalang panibagong COVID-19 surge sa bansa.

 

 

Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David sa Laging Handa public briefing nitong Lunes, na bagama’t nagkaroon ng bahagyang pagtaas ng bilang ng CO­VID-19 cases, ito ay bumaba rin naman.

 

 

“Wala pa tayong nakikitang increase ng cases doon sa campaign rallies, sorties. February pa tayo nagkaroon ng campaigns, wala pa namang nagkakaroon ng pagtaas ng kaso na talagang sustained,” paliwanag niya.

 

 

“May nagsasabi na maghintay pa tayo up to two weeks. So far wala pa naman tayong nakikitang indication na may clustering of cases dahil doon sa recent elections natin noong May 9,” dagdag pa niya.

 

 

Una nang inianunsiyo ng Malacañang nitong ­we­e­kend na ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay mananatili sa Alert Level 1 hanggang sa katapusan ng buwang ito.

 

 

Pinaburan naman ito ni David dahil wala naman silang nakikitang anumang banta na muling magkaroon ng surge ng COVID-19 sa kabila nang kumpirmasyong nakapasok na sa Pilipinas ang Omicron subvariant BA.2.12.1. (Daris Jose)

Paghihigpit sa protocol ‘di na kailangan – health expert

Posted on: May 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na kailangang higpitan ang pagpapairal ng protocol laban sa COVID-19 kahit na may paglitaw ng bagong Omicron subvariant sa Pilipinas.

 

 

Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, wala namang indikasyon sa ngayon na tataas ang kaso ng COVID na maaaring maging banta sa kalusugan ng maraming mamamayan.

 

 

“Sa ngayon, ang nakikita naman natin, hindi umaakyat ‘yung cases, okay naman ‘yung health care capacity, I don’t think kailangan maghigpit. Sa ngayon, minimal o low risk naman ‘yung health care utilization rate natin so I don’t think there’s any reason na maghihigpit tayo,” pahayag ni  Salvaña.

 

 

Mas mainam anya ay ang palagiang pagsunod ng publiko sa health standards tulad ng pagsusuot ng mask, pagpapabakuna kontra COVID, social distan­cing, at malinis na pangangatawan.

 

 

“The numbers remain manageable and even if the numbers increase, dahil sa antas ng pagbabakuna, ‘yung number of people developing severe and critical disease remain low. Hindi na talaga tayo babalik doon sa nagla-lockdown tayo,” dagdag ni Salvana.

 

 

Bigyang diin din nito na kahit na tamaan ng virus ang mga hindi bakunado ay mayroon namang mga gamot ngayon na maaaring maging panlunas sa sakit.  (Daris Jose)

PDU30 inutos ang paggamit ng digital payments sa gobyerno

Posted on: May 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng departamento at ahensiya ng gobyerno ang paggamit ng digital payment services.

 

 

Sa Executive Order 170 na nilagdaan ni Duterte noong Mayo 12, nakasaad na nakita ang mga benepisyo ng digital payment services sa iba’t ibang sektor sa kasagsagan ng COVID-19.

 

 

Nakasaad sa EO na naging mabilis, convenient, secure at transparent ang paggamit ng digital payment services.

 

 

Sa ilalim ng EO, lahat ng departmento, ahensiya, at instrumentalities ng gobyerno kabilang ang mga state universities at colleges, government-owned-or-controlled corporations, at maging ang mga local government units (LGUs) ay inaatasan na gamitin ang digital payments para sa kanilang disbursements at collections.

 

 

Lahat ng mga ahensiya na sakop sa EO ay dapat ipatupad ang ligtas at maayos na digital disbursement sa pagbabayad ng goods, services, at iba pang disbursements, kabilang ang pamamahagi ng pinansiyal na tulong, suweldo, allowances at iba pang bayarin sa mga empleyado.

 

 

Para sa koleksiyon ng gobyerno, lahat ng kinauukulang ahensiya ay dapat mag alok ng digital mode para sa pagbabayad ng buwis, fees, tolls st iba pang dapat kolektahin.

 

 

Nakasaad sa EO na hindi pa naman tuluyang isinasara ang pagtanggap ng cash at iba pang tradisyunal na paraan nang pagbabayad.

Willing na maghintay kahit gaano katagal: RAYVER, inamin na rin na ‘mahal’ niya at inspirasyon si JULIE ANNE

Posted on: May 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKABALIK na si Asia’s Multimedia Star Alden Richards early morning of Tuesday, May 17, matapos niyang mag-attend ng red-carpet premiere showing ng favorite series niya sa Netflix ang “Stranger Things” na Season 4 na, last Saturday, May 14, in Brooklyn, New York.

 

 

Nag-post agad si Alden sa kanyang Twitter ng, “When a dream turns into reality. #StrangerThings #StrangerThings4.”

 

 

Nag-post din si Daddy Bae ng photo ni Alden habang in-interview sa after party ng premiere night, wearing a Christian Dior Homme CD Blue Buckle Belted Blazer na hindi na naming isusulat kung magkano ang price.

 

 

Today, Wednesday, May 18, ay magpapa-swab test na si Alden in preparation para sa lock-in taping nila ng Start-Up with Bea Alonzo, Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi and Ms. Gina Alajar na excited nang muling makatrabaho si Alden.

 

 

Gagampanan ni Gina ang role ng mabait na lola na mag-aalaga kay ‘Good Boy’ na si Tristan Hernandez (Alden). Ayon kay Gina, matagal na niyang gustong mag-artista muli at makaganap naman ng isang mabait na role. Kaya challenge daw sa kanya si Lola Joy, dahil mabait nga ang kanyang character.

 

 

Halos lahat daw kasi ng nagawa niyang movies o series ay mataray ang character niya, tulad ng huli, ang Nagbabagang Luha.

 

 

Ang Start-Up ay idinidirek nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata.

 

 

***

 

 

PAREHONG mula sa ABS-CBN sina Ariel Rivera at Beauty Gonzalez, pero first time lamang nilang magtatambal sa The Fake Life ngayong isa nang Kapuso si Beauty at muling nagbabalik si Ariel sa GMA Networks. Makakasama rin nila sa seye si Sid Lucero.

 

 

Inamin ni Beauty na madalas siyang kabado kapag kaeksena ang dalawang mahuhusay na actor. Kaya sinisiguro raw niyang prepared siya sa mga eksena nila para hindi siya mapahiya sa kanila.

 

 

Nasa second leg na ang lock-in taping nila ng The Fake Life, kaya medyo naging emosyonal si Beauty nang magpaalam siya sa anak na si Olivia. Mami-miss daw niya ang anak dahil lagi silang magkasama nito.

 

 

Kasama rin sa cast sina Kristoffer Martin, ang muling magtatambal na sina Bea Binene at Jake Vargas, Will Ashley, Rina Reyes at marami pang iba.

 

 

Papalitan ng The Fake Life ang GMA Afternoon Prime na Artikulo 247 nina Rhian Ramos, Mark Herras, Benjamin Alves at Kris Bernal, na nasa last three weeks na at napapanood after Raising Mamay.

 

 

***

 

 

MUKHANG totohanan na ang relasyon ng mga Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

 

 

Isang Instagram post ang inilabas ni Rayver noong birthday celebration ni Julie na nagpapasalamat siya kay Julie for “everything.”

 

 

“Gusto ko lang sabihin how much I appreciate you, Juls,” sabi ni Rayver.

 

 

“You are such a “blessing to me and everyone.”

 

 

Isa raw inspirasyon sa kanya si Julie, “Gusto ko lang sabihin is nandirito lang ako, maghihintay ako kahit gaano katagal. Kapag ready ka na and kapag okay na kay Tito at Tita, palagi lang akong nandito. Mahal kita, Happy Birthday.”

 

 

Muling mapapanood ang Limitless: A Musical Trilogy, Part 2: Heal this Sunday, May 22, at 2:00PM, after All-Out Sundays sa GMA-7.

 

 

Si Rayver ang special guest dito ni Julie.

 

 

(NORA V. CALDERON)

Carlos Yulo itinuring na ‘most bemedalled athlete’ sa SEA Games

Posted on: May 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NGAYON pa lamang itinuturing na most bemedalled athlete na ang Pinoy Olympian at dating world champion gymnast na si Carlos Edriel Yulo sa nagpapatuloy na SEA Games doon sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Liban kasi sa limang gold medals, meron pa siyang dalawang silver medals sa team at at parallel bars.

 

 

Sa mga atleta ngayon sa Vietnam si Caloy ang may pinakamaraming gold.

 

 

Ang Japan based na si Yulo, ay inaasahan na namang tatabo sa matatanggap na cash incentives batay naman sa batas sa Pilipinas.

 

 

Ang nanalo kasing atleta ng gold medal sa SEA Games ay mabibiyayaan ng P300,000, ang silver medal ay may nakalaang P150,000, habang ang bronze medal ay merong nag-aantay na P60,000 na cash incentive.

 

 

Sa inisyal na pagtaya nasa P1.5 million ang kanyang matatanggap sa limang gold medals at meron pa siyang premyo at percentage sa dalawang silver medals.

 

 

Napantayan ni Yulo ang swimming legend ng Pilipinas na si Eric Buhain (isa ng congressman ngayon sa Batangas) na nakasungkit din ng limang gold medals sa SEA Games noong taong 1991.

Netizens, tinag pa si Kim para subukang mag-react: Photo nina BARBIE at XIAN na kuha sa isang hotel, ginawan ng malisya

Posted on: May 18th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-VIRAL ang photo nina Barbie Imperial at Xian Lim na kuha sa lobby ng isang hotel sa Davao Oriental dahil nilagyan ito ng malisya ng ilang netizens.

 

 

Una itong lumabas sa Facebook post ng isang hotel sa Mati, Davao Oriental noong Linggo, May 15 at may caption ito na, “Thank you so much, Mr. Xian Lim & Ms. Barbie Imperial for staying at Hotel Rosario Mati (smiling, black heart emoji).”

 

 

Kaya naman agad na nag-comment ang ilang netizens sa pagsasamang ito nina Barbie at Xian at naglagay nga ng malisya sa photo at tinag pa sa girlfriend ng aktor na si Kim Chiu.

 

 

Ilan sa naging comments nila:

 

“Xian Lim ngiti nang tagumpay.”

 

 

“Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko – Kim Chiu tara kape.”

 

 

“Okay lang yan kim. I know you are in a good place now.”

 

 

“Barbie kabahan kana sa hot water.”

 

 

May nagtanggol din naman na netizens kung bakit magkasama sina Xian at Barbie sa naturang hotel:

 

“This hotel is creating a gossip. Wala alam sa confidentuality.”

 

 

“Kaya sila magkasama sa Mati City kasi isa sila sa celebrity guest ng candidato doon. Dyan siguro sila nag-stay habang nasa Mati City haha.”

 

 

“FYI THEY WERE HERE SA MATI CITY FOR A SHOW SA MITING DE AVANCE HAYS PEOPLE LOVE CHISMIS KAAYO.”

 

 

“Nag guesting sila sa isang Political Rally dito sa Mati City invited by Mayo Almario and his team, same hotel po sila ng pinagstayhan pero iba-ibang kwarto.”

 

 

“Yung resting place po nila ay prepared by the people who invited them. Nandoon sila for work po. Wag tayong pala desisyon at gumawa ng issue na wala naman doon.”

 

 

Reaction naman ng netizens sa photo na kuha noong May 7, 2022 sa nasabing hotel, sa isang entertainment blogsite:
“Infer, bagay sila.”

 

“No, sa height medyo tagilid, nagmuka maliit si barbie sa tabi ni xian.”

 

“Common sense na lang e. Magpapapicture ba yan na magkasama kung may something.”

 

“Sadly sa Pinas, kulang sa sustansya ang mga tao. Mas gusto nila paniwalaan yung ikakasira ng isang tao.”

 

“Natawa ako dun sa comment na ngiting tagumpay haha.”

 

“I wondered when they’d drag Xian to get back at Kim & I guess this lame attempt is it. Nothing but malicious gossips!”

 

“Grabe ung mga hotel sa pinas, kung dito yan sa US pwedeng kasuhan.”

 

“Cheap publicity.”

 

“Grabe no, how did we end up like this. Parang people are living for chismis and they glorify misinformation. People rejoice pag may binabash.”

 

Sa ngayon, wala pang reaction sina Xian at Barbie sa ginawang pagli-link sa kanila and hopefully ‘wag na nilang patulan.

(ROHN ROMULO)