• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 1:13 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2022

Caloy sabak agad sa ensayo pagbalik sa Japan

Posted on: May 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISA hanggang dala­wang araw lang ang magi­ging break ni two-time world gymnast champion Caloy Yulo para paghandaan ang mga lalahukan pang international competitions ngayong taon.

 

 

Isa sa mga ito ay ang Asian Gymnastics Championships sa Hunyo 15-18 sa Doha, Qatar na magsisilbing qualifying tournament para sa 41st FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Liverpool, England sa Oktubre.

 

 

“Imposible kay coach Mune (Munehiro Kugimiya) ang mahabang break,” wika ng 22-anyos na Pinoy gymnast. “Isang araw tama na.”

 

 

Limang gold at dalawang silver medals ang inangkin ni Yulo sa pagtatapos ng kanyang kampanya sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Dinuplika niya ang limang gintong medalyang nakuha ni gymnast Rolando Albuera noong 1979 Jakarta SEA Games.

 

 

Naghari ang Batang Maynila sa men’s floor exercise, vault, still rings, horizontal bar at individual all-around at sumegunda sa team event at parallel bars.

 

 

Sa pommel horse lamang siya nabigong makahablot ng anumang medalya.

 

 

Sa kabuuan ng kanilang kampanya sa Vietnam SEA Games ay nagposte ang national gymnastics team ng 7 golds, 4 silvers at 1 bronze kumpara sa nakamit na 3 gold, 5 silver at 4 bronze medals noong 2019 edition.

 

 

Bukod sa limang ginto ni Yulo ay nagdagdag din si Fil-Am Aleah Finnegan ng dalawa pa sa vault at women’s team event.

Pinay Muay Thai athletes nagbigay ng 1st gold medal para sa PH

Posted on: May 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMEKSENA rin nitong araw ang Women’s Wai Kru Mai All-Female event ng Pilipinas matapos magbulsa ng gold medal.

 

 

Ang team ay binubuo nina Islay Erika Bomogao at Rhichein Yosorez na nakapagtala ng score na 8.68.

 

 

Samantala, nauwi naman sa silver medal ang kampanya ng Fencing Women’s Team ng Pilipinas na kinabibilangan nina Samantha Catantan, Wilhelmina Lozada Justine Gail Tinio at Maxine Esteban.

 

 

Habang nagkasya sa bronze medal ang pagsisikap ni Robyn Brown sa Women’s 400m Hurdles event.

Pagbubukas ng Dolomite Beach, iniurong ng DENR sa Hunyo 3

Posted on: May 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGPALIBAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mu­ling pagbubukas ng Manila Baywalk Dolomite Beach sa susunod na buwan.

 

 

Matatandaang ang reopening nito ay nakatakda sana sa Mayo 20 ngunit malaunan ay nagpasya ang DENR na iurong ito ng dalawang linggo pa, o sa Hunyo 3, 2022 na lamang.

 

 

Paliwanag ng DENR, may ilang imprastraktura sa lugar na kailangan pa nilang tapusin.

 

 

Kinakailangan pa rin umanong magsagawa ng paglilinis sa lugar, partikular na sa bahaging malapit sa US Embassy.

 

 

Nais din umanong matiyak ng DENR ang kalinisan at kaligtasan ng tubig ng Manila Bay bago ito muling buksan sa publiko.

 

 

Matatandaang ang naturang dolomite beach ay unang binuksan sa publiko noong Setyembre 2020.

NAVOTAS NAKAPAGTALA NG PINAKAMABABANG ACTIVE COVID CASES NGAYONG TAON

Posted on: May 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGTALA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng pinakamababang active COVID-19 cases ngayong taon.

 

 

Tatlo na lamang ang natitirang COVID patients ng Navotas kasunod ng limang araw na magkakasunod na zero daily case reports.

 

 

Nagpasalamat naman si Congressman-elect Mayor Toby Tiangco at Congressman Mayor-elect John Rey Tiangco sa mga Navoteños para sa kanilang suporta at kooperasyon sa pagtataguyod sa paglaban kontra COVID-19.

 

 

“Our sacrifices and continued vigilance have paid off. Congratulations to us all. Let us keep our defenses up. Continue to practice the health and safety protocols, and complete your vaccinates, including your booster doses,” paalala nila.

 

 

Sa ulat ng Navotas, ang huling may tatlong aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ay noong nakaraang December 18, 2021.

 

 

“Now that the Department of Health has confirmed the local transmission of the more contagious Omicron sub-variant, we must be more cautious and work harder to limit its possible spread and prevent any more surges,” ani Tiangco Brothers. (Richard Mesa)

Tuparin ang pangakong P20 na presyo ng bigas, hamon ng KMP

Posted on: May 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINAMON ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tuparin ang pangakong P20 na presyo ng bigas.

 

 

Nangangamba ang KMP na baka kasama ito sa mga mga “imposibleng pangako” ni Marcos Jr kaya dapat ihayag ng presumptive president kung paano niya ito gagawin at ano ang malinaw na programa niya para sa lokal na rice industry at agrikultura.

 

 

“Hindi matatanggap ng mga magsasaka ang panibagong Green Revolution at Masagana 99 na nagwasak sa kabuhayan ng mga magbubukid gaya ng ginawa ng tatay niya noon.”

 

 

Matatandaan na nangako si Marcos Jr. na ibababa sa P20 hanggang P30 ang kada kilo ng bigas kung siya ang mananalong Pangulo. Ipinangako rin ni Marcos Jr. na ititigil na ang importasyon ng bigas kapag naging rice self-sufficient na ang bansa.

 

 

“Ang unang dapat gawin para maibaba ang presyo ng bigas ay ipawalambisa ang RA 11203 o Rice Liberalization Law at maibalik sa kontrol sa National Food Authority ang pag-iimport ng bigas. Kailangan rin na masubsidyuhan nang husto ang mga magsasaka ng palay para maitaas ang rice productivity,” ayon kay Danilo Ramos, tagapangulo ng KMP.

 

 

Dagdag pa ni Ramos, dapat rin na maibaba ang presyo ng abono at maipatupad ang Free Irrigation Services Act. “Hindi pwede ang mga pangako at programang hinugot sa hangin gaya ng laging sinasabi ni Marcos Jr. Kailangan may konkretong programa para sa pagpapaunlad ng local rice industry.”

 

 

Sa unang quarter ng taon, patuloy na bumababa ang kabuuang output ng sektor ng agrikultura dahil sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng abono na lumobo na sa Php3,000/sako. Bumaba rin ang bolyum ng produksyon ng palay sa 4.5 million metric tons (MT) mula sa 4.63 million MT. Samantalang ang volume production ng mais ay bumaba sa 2.41 million MT mula sa 2.45 million MT.

 

 

Ayon pa sa KMP, matagal nang may nakahain na panukala kaugnay sa pagpapaunlad ng industriya ng palay at bigas sa Kongreso na dapat maisabatas — ang Rice Industry Development Act. Dapat itong ma-certify as urgent ng paparating na 19th Congress. (ARA ROMERO)

Rodriguez: Tigilan na ang panggugulo

Posted on: May 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAPELA  ang chief of staff at spokesman ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na si Atty. Vic Rodriguez sa mga petitioner ng disqualification case na tigilan na ang kanilang walang humpay na panggugulo at pagpupunla ng galit at pagkakawatak-watak na siyang lalong magpapagulo ng sitwasyon sa halip na makausad na ang bansa patungo sa pag-unlad.

 

 

Sinabi rin ni Rodriguez na dapat na nilang matutunang respetuhin ang kagustuhan ng mayorya na siyang bumoto para kay Marcos at kanyang running mate na si Vice President-elect Inday Sara Duterte sa katatapos lang na national and local elections.

 

 

“I appeal to those who keep on pursuing this divisiveness, the people have spoken. The Filipino people have spoken and an overwhelming majority has voted President-elect Bongbong Marcos and Vice President-elect Inday Sara Duterte into office as President and Vice President. Learn to respect the will of the Filipino people,” sabi niya.

 

 

Ayon pa sa spokesman ni Marcos, hindi pa nila natatanggap ang kopya ng petisiyon na isinampa sa Supreme Court upang makansela ang certificate of candidacy ng presumptive president na may hiling na maglabas ng temporary restraining order (TRO) upang mapigilan ang pagbibilang ng boto at pagpo-proklama sa kanya bilang panalo.

 

 

Gayunman, ipinunto ni Rodriguez na ang mga disqualification cases laban kay Marcos ay unanimously dismissed na ng Commission on Elections, parehong sa division at en banc level.

 

 

“We have yet to receive a copy of the petition that was filed this morning. However, I think these cases have been resolved unanimously (already) by the Commission on Elections on the division level as well as the Commission on Elections en banc. And these cases have been dismissed and the decision was unanimous,” aniya.

 

 

Nanawagan din siya sa mga petitioners na hayaang makapagtrabaho si Marcos at ang kanyang magiging administrasiyon sa halip na maglaan ng oras para sa pag-intindi sa kanilang galit.

 

 

“And I appeal to you, instead of pushing for your agenda of animosity e tulungan niyo na lang kami na pagtuunan at gamitin natin ang ating limitadong oras everYday, we are all limited to 24 hours in a day, allow us to be more productive,” sabi ni Rodriguez.

 

 

Bago ang ginanap na press conference ay nagtungo sa Supreme Court ang mga petitioners na sina Fr. Christian Buenafe, Fides Lim, Ma. Edeliza Hernandez, Celia Lagman Sevilla, Roland Vibal, and Josephine Lascano upang hilingin sa mataas na hukuman na maglabas sila ng TRO na nagpipigil sa Senate at House of Representatives na masimulan ang pagbibilang ng boto na nakuha ni Marcos at pagpo-proklamang sa kanya bilang panalo.

 

 

Base sa tala ng Comelec transparency server nakakuha na si Marcos s 31,104,175 na boto samantalang ang kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte ay may 31,561,948 naman.

 

 

Mayroon ng 55,197,306 na boto mula sa 67,442,616 registered voters ang naitala sa ngayon. May kabuuang 98.35% ng election returns na rin ang naproseso.

 

 

Noong nakaraang linggo, pinagtibay ng Comelec En Banc ang resolusyon ng Second Division na nagbasura sa petisyon na inihain ni Buenafe para kanselahin ang COC ni Marcos.

 

 

Kagaya sa naging desisyon ng iba pang disqualification cases, sinabi ng Comelec En Banc na nabigo ang mga petitioner na maghain ng mga bagong usapin o isyu na magpapatunay sa pagbaligtad sa pasya ng dating Comelec Second Division.

 

 

Nito lang sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na sa ilalim ng Comelec rules, ang mga nanalong kandidato sa ginanap na 2022 election na may mga nakahain pang disqualification cases ay maari pa ring maiproklama kung walang magbabawal sa poll body na gawin ito at kung wala ring makakapigil para sila ay maiproklama.

DOH, kinumpirma na may local transmission na ng Omicron subvariant BA.2.12.1 sa PH; 3 karagdagang kaso ng BA.2.12.1

Posted on: May 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA  ngayong araw ng Department of Health na nadetect na sa bansa ang local transmission ng highly transmissible Omicron subvariant BA.2.12.1.

 

 

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nangangahulugan na ang mga kaso na nadetect ay wala ng kaugnayan sa mga kaso mula sa labas ng bansa ngunit makikita pa rin ang linkages ng mga nadetect na mga kaso.

 

 

Sa kabila nito, iginiit ni Vergeire na wala pang community transmission sa ngayon.

 

 

Iniulat din ngayong araw ng DOH na nadagdagan pa ang kaso ng COVID-19 omicron subvarainat na BA.2.12.1 sa Pilipinas.

 

 

Tatlong bagong kaso ng naturang Omicron subvariant ang nadetect mula sa Western Visayas.

 

 

Ayon kay Vergeire, dalawang local cases at isang returning Filipinos ang nasuri na positibo sa subvariant.

 

 

Ang returning Filipino ay mula sa Amerika at fully vaccinated gayundin ang isang local cases kumpleto ang bakuna habang ang isa pang local cases ay kasalukuyang biniberipika pa ang kaniyang status.

 

 

Nilinaw naman ni Vergeire na hindi pa ito maituturing na community transmission kung saan malawakan ang pagkalat at hindi matrace ang lineages ng kaso.

 

 

Magugunita na ang unang 14 na kaso ng highly transmissible subvaraint na nadetect sa bansa ay naitala ang 2 local cases mula sa Metro Manila at 12 naman sa Puerto Princesa kung saan 11 dito ay foreign travelers at 1 naman ang local individual.

 

 

Samantala, sa ngayon hindi pa itinuturing ng mga eksperto ang omicron subvariant BA.2.12.1 bilang isang variant of interest o variant of concern. (Daris Jose)

“WHERE THE CRAWDADS SING” UNVEILS GRIPPING NEW TRAILER

Posted on: May 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

“WHERE THE CRAWDADS SING” UNVEILS GRIPPING NEW TRAILER 

 

 

WHERE the mysteries lie. Where the secrets are buried. Where the crawdads sing.

 

 

Watch the new trailer of Columbia Pictures’ Where the Crawdads Sing, featuring the new original song by Taylor Swift. Uncover the mystery, exclusively in cinemas across the Philippines soon.

 

 

 

YouTube: https://youtu.be/04kbkq2595c

 

 

 

Also check out the new vignette in which star Daisy Edgar Jones and producer Reese Witherspoon  talk about the film.

 

 

 

YouTube: https://youtu.be/v_dk8SAN3lo

 

 

 

About Where the Crawdads Sing

 

 

 

From the best-selling novel comes a captivating mystery. Where the Crawdads Sing tells the story of Kya, an abandoned girl who raised herself to adulthood in the dangerous marshlands of North Carolina. For years, rumors of the “Marsh Girl” haunted Barkley Cove, isolating the sharp and resilient Kya from her community.

 

 

Drawn to two young men from town, Kya opens herself to a new and startling world; but when one of them is found dead, she is immediately cast by the community as the main suspect. As the case unfolds, the verdict as to what actually happened becomes increasingly unclear, threatening to reveal the many secrets that lay within the marsh.

 

 

 

Where the Crawdads Sing stars Daisy Edgar-Jones (Normal People) as “Kya Clark,” Taylor John Smith (Sharp Objects) as “Tate Walker,” Harris Dickinson (The King’s Man) as “Chase Andrews,” Michael Hyatt (Snowfall) as “Mabel,” Sterling Macer, Jr. (Double Down) as “Jumpin’,” and David Strathairn (Nomadland) as “Tom Milton.”

 

 

 

Olivia Newman (First Match) directs the screenplay by Lucy Alibar (Beasts of the Southern Wild) based upon the novel by Delia Owens. The 3000 Pictures film is being produced by Reese Witherspoon and Lauren Neustadter.

 

 

 

Where the Crawdads Sing is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #CrawdadsMovie

 

(ROHN ROMULO)

Ads May 19, 2022

Posted on: May 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Brodkaster na si Mon Tulfo arestado sa Maynila dahil sa cyber libel

Posted on: May 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DINAKIP ng mga otoridad ng Manila Police District (MPD) ang kolumnista at brodkaster na si Ramon Tulfo — kapatid ni presumptive senator Raffy Tulfo — dahil sa reklamong cyber libel.

 

 

Bandang 10:05 a.m., Miyerkules, nang hainan ng warrant of arrest si Tulfo sa loob ng quadrangle ng Manila City Hall ng mga kawani ng Special Mayor Action Team (S.Ma.R.T)-MPD.

 

 

Ayon sa MPD, binigyan ng warrant ang naturang media persionality dahil sa diumano’y paglabag sa Section r (c) (4) of R. A 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

 

 

“[P]rior to the arrest [a certain] Atty Lean Cruz, [counsel] for the complainant informed this office about the case and seek police assistance to arrest the accused,” ayon sa pahayag ng MPD public information office kanina.

 

 

“The accused was duly informed of her Constitutional Rights under R.A. 7438 in a language known to and understood by his and the nature of the charged being imputed against him but opted to remain silent.”

 

 

Ang naturang warrant ay inisyu ni Maria Victoria A. Soriano-Villadolid, presiding judge ng Manila Regional Trial Court branch 24.

 

 

Sa panayam kay Maj. Phillip Ines, tagapagsalita ng MPD, kasalukuyang naka-detain sa loob ng opisina ng S.Ma.R.T si Tulfo.

 

 

Una nang sinabi ng kapatid niyang si Raffy, na nakatakdang iproklama sa pagkasenador ngayong hapon sa Pasay City, na nais niyang i-decriminalize ang kasong libelo. Oras na mangyari ito, wala nang kulong na parusa at kailangan na lang magbayad ng “civil damages.”

 

 

Para sa mga press freedom advocates at media groups, nagagamit ang criminalized libel para i-harass ang mga reporter palayo sa kritikal na pagbabalita. (Daris Jose)