• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 7:26 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2022

Wala namang masama kung aminin na nila: Relasyon nina MILES at ELIJAH, naging official sa Instagram

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGING Instagram official pala na ang relasyon nina Miles Ocampo at Elijah Canlas.

 

Pinost ni Miles sa kanyang Instagram account ang ilang photos sa kanyang mga naging birthday celebration noong nakaraang May 1. Sa pinakahuling photo na black and white, may kayakap siyang lalake. Yun ay walang iba kundi si Elijah.

 

Sa IG naman ni Elijah ay may pinost siyang TikTok video nila ni Miles at may caption na: “Happy birthday to my favorite person in the world! Here’s to more adventures and memories.”

 

Sa isang post ni Elijah, nag-comment si Miles ng, “Hi crush!”

 

Wala namang masama kung aminin na ng dalawa ang kanilang relasyon. Mas matanda nga lang si Miles kay Elijah ng apat na taon. 25 na si Miles samantalang 21 naman si Elijah.

 

Unang nagkasama sa music video ng “Sandali Lang” ng Over October sina Miles at Elijah. May followers sila na umaasang magkasama sila sa isang drama series.

 

Kasalukuyang nasa series na Love Vs. Stars si Miles habang may Gameboys 2 naman si Elijah.

 

(RUEL J. MENDOZA)

‘Downton Abbey: A New Era’ Now Screening Exclusively at Ayala Malls Cinemas

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DOWNTON Abbey: A New Era, the much-anticipated cinematic return of the global phenomenon reunites the beloved cast as they go on a grand journey to the South of France to uncover the mystery of the Dowager Countess’ newly inherited villa.

 

 

The film is directed by Simon Curtis and written by Julian Fellowes. The entire cast is returning for this new big-screen chapter, led by Hugh Bonneville, Jim Carter, Michelle Dockery, Elizabeth McGovern, Maggie Smith, Imelda Staunton, Penelope Wilton. Joining them are new cast members Hugh Dancy, Laura Haddock, Nathalie Baye and Dominic West.

 

 

Julian Fellowes talks about “Downton Abbey: A New Era” in the following Q&A:

 

 

Where are the Downton characters at the beginning of this new movie?

 

 

“At the end of “Downton Abbey: The Motion Picture” it was clear that Mary was really taking over as the boss at Downton and that’s a theme we go with throughout this second film. One of the jobs of being in a hereditary business is to accept that it is hereditary and there comes a time when your usefulness is diminished and the moment has come to hand on to the next generation. Edith’s marriage to Bertie is going well and she has now given birth to a boy but in a rather modern sense, running Brancaster and motherhood is not quite enough for her.

 

 

“She needs an activity that draws on her brain and something outside the family unit. Cora and Robert’s job in the first film was to host the King and Queen, which they did with good grace. They both have a more difficult emotional journey in this film. I wanted to give all the characters more to do this time round and I am rather pleased with the way it turned out.”

 

 

When you are writing, how conscious are you of the balance of drama and humour?

 

 

“The sort of comedy that I like is real-life comedy and in our day to day lives we all know people who are funnier than others. Those people have the gift of coming up with phrases that are funny but they don’t remove you from what’s going on around you so in that sense you can return to the truth of the narrative situation without any difficulty. That is the level of comedy that sits well in an ongoing family saga like Downton and of course, for that, you need certain members of the cast to be talented with comedy lines.

 

 

“I was lucky with Maggie Smith, because I’d worked with her a few times before and the character I wrote that she played in “Gosford Park” was quite similar to Violet Grantham in “Downton.” Maggie has many gifts and one of them is that she can be very funny one minute, and two minutes later have you crying and she can shift gear without changing into someone else. She remains very true to the character.”

 

 

What do you hope audiences will take away from “Downton Abbey: A New Era”?

 

 

“I’m part of a dying breed who believes that one of the jobs of the entertainment industry is to entertain. I want people to watch Downton and enjoy it. I want them to go to this movie, have a nice time – laugh and cry, then go out and have a decent dinner and get back home and feel they’ve had a really good evening.

 

 

“That’s my goal and if people ask is it enough to just entertain, then the answer is yes. I also hope that every now and then we can make them think about the disparity of backgrounds in an equal society, or make them think of the difficulties of being homosexual in a period when it was still illegal. We touch on those sorts of subjects but that’s not the prime purpose of the film. The purpose of the film is to give the audience a really good evening out.”

 

 

Watch Downton Abbey: A New Era now screening exclusively at Ayala Malls Cinemas – Glorietta 4, Greenbelt 3, Bonifacio High Street, Ayala Malls Feliz, U.P. Town Center, Trinoma, Ayala Malls Vertis North, Marquee, Harbor Point, Ayala Malls Manila Bay, Alabang Town Center, Ayala Center Cebu, Centrio, Ayala Malls Capitol Central, Ayala Malls The 30th and Ayala Malls Solenad.

 

(ROHN ROMULO)

 

Bagong toll rates sa Cavitex, ipapatupad na sa May 22

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS  ipagpaliban ng sampung araw, tuloy na sa Mayo 22, 2022 (Linggo), ang pagpapatupad ng bagong toll rates para sa CAVITEX R-1 segment.

 

 

Matatandaang inanunsyo ng Cavitex Infrastructure (CIC) at ng joint venture partner nito na Philippine Reclamation Authority (PRA), sa pakikipagtulungan ng  Toll Regulatory Board (TRB), ang bagong toll rates para sa CAVITEX R-1 segment o Parañaque Toll Plaza ay dapat ipatutupad noong Mayo 12, 2022.

 

 

Nagpasiyang ipagpaliban ito upang magbigay ng mas maraming oras para sa pagpaparehistro ng mga PUV driver at operator sa toll reprieve program na nagpapahintulot sa kanila na patuloy na matamasa ang lumang toll rates na P25.00  para sa Class 1, P50.00  para sa Class 2 sa pamamagitan ng rebate program.

 

 

Ang toll reprieve program ay sistema sa pamamagitan ng RFID, kaya lahat ng PUVs operators at drivers ay kailangang i-enroll ang kanilang account sa programa sa pakikipag-ugnayan sa kanilang iba’t ibang transport organizations. Ang programa ay tatakbo sa loob ng 90 araw simula sa “Day 1” ng pagpapatupad ng bagong toll rates.

 

 

Ang bagong rate simula sa Mayo 22, sa mga  motoristang bumibiyahe sa CAVITEX R-1 segment (Cavitex Longos Bacoor hanggang MIA Exit v.v.) P33.00 para sa Class 1 vehicles, P67.00 para sa Class 2, at P100.00 para sa Class 3.

Mahigit 5-K na kabahayan napautang ng PAG-IBIG Fund sa mga miyembro nito

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AABOT na sa mahigit 5,000 mga kabahayan ang naipautang ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund para sa mga minimum wage earners at low-income members.

 

 

Ayon sa PAG-IBIG, na ang mayroong kabuuang 5,411 na mga socialized homes ang kanilang naipautang o na-financed mula Enero hanggang Abril 2022.

 

 

Binuo ito ng 18% ng 29,310 units ang na-financed ng ahensiya sa unang apat na buwan ng taon.

 

 

Sinabi naman ni Pag-IBIG chief executive officer Acmad Rizaldy Moti na ang nananitili sa 3 percent rate ang kanilang Affordable Housing Program (AHP) ang rate na ibinigay sa mga low income members mula pa noong 2017 na siya ring pinakamababa sa merkado.

Health experts inirekomenda ang 2nd booster shots para sa mga medical workers at mga matatanda

Posted on: May 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIREKOMENDA ngayon ng Health Technology Assessment Council (HTAC) ang pagbabakuna sa second booster shot para sa mga health care workers na nasa A1 category at at senior citizens na nasa A2 category.

 

 

Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) chief at Health Undersecretary Myrna Cabotaje, hinihintay na lamang daw sa ngayon ng HTAC ang isa pang requirement mula sa World Health Organization (WHO) para sa naturang pagbabakuna.

 

 

Sinabi ni Cabotaje na ang guidelines para sa second booster para sa A1 at A2 ay nailabas na sana pero mayroon daw pagbabagong ginawa ang WHO sa requirement.

 

 

Agad naman daw mag-iisyu ang mga Health authorities ng guidelines para sa pagbabakuna sa second booster shots para sa A1 at A2 kapag nagbigay na ng go signal ang WHO.

 

 

Kung maalala, nagsagawa na ang pamahalaan ng second booster shot sa mga immunocompromised adults.

Sa IG post para sa kaarawaan ni Billy… Netizens nag-react sa hitsura ni COLEEN at may nanghinayang sa kanyang career

Posted on: May 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-POST sa Instagram si Coleen Garcia ng kanyang heartfelt message para sa birthday ng hubby na si Billy Crawford, kasama nito ang series of photos na kung saan makikita ang kanilang anak at daddy ng actor/singer/tv host.

 

Panimula ng caption ni Coleen, “I’m a day late (grinning face with sweat emoji) but happy birthday again, my love!

 

“I hope every birthday only gets better and better for you. I know we both have our shortcomings, but I’m incredibly blessed that I get to live this fun, happy, beautiful life with you and our little family.”

 

Pagpapatuloy pa niya, “I hope you’re always reminded that you are not just an amazing husband, but also a great friend, caring son, and wonderful father to a little angel who already adores you and looks up to you. We love you and appreciate you soooo much, and I hope you feel it every second of every day!”

 

“Thank you to everyone who made Billy’s birthday extra special!”

 

Sagot naman ni Billy, “I love you and THANK YOU again and again and again… (heart-eyes emoji) @coleen.”

 

Dumagsa naman ang pagbati mula sa kanilang celebrity friends at followers.

 

Pero may comment naman ng ilang netizens na kung pinansin nila ang hitsura ngayon ni Coleen at panghihinayang sa kanyang career:

“Coleen looks older than Billy now.”

 

“Yes she looks 40 something.”

 

“40s hwaaat?! That comment made me check her ig.She looks llike she’s in her 20s what are you talking about! Hell to the no does she look my age.”

 

“Sinayang career naging taong bahay nalang sya.”

 

“Walang sayang if my inaalagaan syang baby for women with PCOS ot’s impt. And taong BAHAY “LANG” talaga? Baka mas malaki pa kasi allowance nyan kysa mag risk sa show besides celebrity yan kumikita kahit walang show basta my brand.”

 

“She is happy so anong sayang dun?”

 

“Humahabol sa itsura si coleen ha. nagmumukha na silang magkaedad lang.”

 

“Pabonggahan at patalbugan ng mga greetings to show off how good of life they are living lol.”

 

Samantala, nauna nang nag-post ng pasasalamat si Billy sa kanyang asawa, dahil sa ginawa nito para maging memorable ang kanyang 40th birthday.

 

“My wife made this happen! I’m so thankful for you @coleen for making my dreams come true. I never thought my father would even meet his grandson. And by Gods grace you have made all of this possible. Thank you so much my love. (person bowing emoji) to the strongest, sexiest and most loving wife ever! Best 40th birthday ever.”

(ROHN ROMULO)

BBM, landslide win sa Overseas Voting

Posted on: May 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITINANGHAL na ‘big winner’ si incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos itong makakuha rin ng landslide victory mula sa mga Pilipino sa iba’t ibang mga bansa sa katatapos na halalan.

 

 

Dahil dito, ayon sa kampo ni Marcos ay walang kaduda-duda na talagang suportado ng mayorya ng mga Pinoy ang pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na record-breaking sa nakuhang mahigit 31M boto sa kasaysayan ng bansa simula ng post-Edsa era.

 

 

Base sa ulat mula sa iba’t ibang Philippine diplomatic posts at sa mismong Commission on Elections (Comelec) Transparency Media server, si Marcos ay nakakuha ng 330,231 boto na malayong-malayo ang lamang mula sa 89,624 ni Vice Pres. Leni Robredo.

 

 

Sa Asia Pacific cluster kung saan kabilang ang China, Japan, Australia, Thailand, Malaysia, Korea, Singapore, at Taiwan, nakakuha si Marcos ng 159,186 boto habang 35,862 lang ang nakuha ni Robredo.

 

 

Ang pinakamaraming boto na nakuha ni Marcos ay sa Singapore, sumunod ang Japan at Taiwan.

 

 

Ang kalamangan ni Marcos ay patuloy hanggang Middle East at Africa cluster, na binubuo ng Lebanon, Qatar, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, United Arab Emirates, Bahrain, Saudi Arabia, Amerika at Europe clusters. (Daris Jose)

PDu30, nilagdaan ang batas na magbibigay ng monthly pay sa mga opisyal ng Sangguniang Kabataan

Posted on: May 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TININTAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na magpapalakas sa Sangguniang Kabataan (SK), kabilang na ang pagbibigay ng monthly honoraria sa youth council officials.

 

 

Nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Mayo 6 ang Republic Act No. 11768, naga-amiyenda sa ilang probisyon ng Sanggunian Kabataan Reform Act of 2015. Ang kopya ng bagong batas ay ipinalabas sa media, araw ng Martes, Mayo 17.

 

 

Sa ilalim ng batas, ang lahat ng miyembro ng SK kabilang na ang treasurer at secretary ay dapat na makatanggap ng monthly honorarium sa pagtatapos ng bawat regular monthly SK meeting. Iyon nga lamang ay dapat na hindi ito lalagpas ng 25% ng pondo ng SK at hindi dapat na lalagpas sa kompensasayon na natatanggap ng SK chairperson.

 

 

Ang kani-kanilang local government units ay maaaring mag-provide ng karagdagang bayad at social welfare contributions at hazard allowance sa SK chairperson at iba pang elected at appointed members ng youth council sa pamamagitan ng local ordinances.

 

 

Ang SK members ay dapat din na entitled o may karapatan sa civil service eligibility base sa taon ng kanilang serbisyo sa barangay, ayon sa RA No. 11768.

 

 

Ang iba pang benepisyo ng SK officials ay kinabibilangan ng “exemption from the National Service Training Program, being excused from attending classes while attending regular or special SK meetings and special Sangguniang Barangay sessions, in the case of the chairperson being provided by the national government with PhilHealth coverage.”

 

 

Binibigyan naman ng mandato ng bagong batas ang bawat SK na magtalaga ng secretary at treasurer at magtakda ng iskedyul ng regular meetings at Katipunan ng Kabataan assemblies sa loob ng 60 araw ng pagtanggap ng posisyon.

 

 

Ang itinalagang SK treasurer ay dapat na mayroong education at career background na may kinalaman sa business administration, accountancy, finance, economics o bookkeeping.

 

 

Sa pag-upo sa tanggapan, ang mga miyembro ng SK ay inaatasan na lumikha ng three-year rolling plan na tatawaging Comprehensive Barangay Youth Development Plan.

 

 

Ang mga miyembro ay papayagan na magsagawa ng fund-raising activities, alinsunod sa development plan, ang proceeds o kikitain mula sa fund raising activity ay tax-exempt at idaragdag sa general fund ng SK. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

After magluto ay humirit ng, ‘Do I deserve a bag?’… HEART, isang mabilis na ‘no’ ang natanggap mula kay Sen. CHIZ

Posted on: May 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

VERY open ang actor na si Edu Manzano na dapat ay dumaan sa psychological test ang pilot na nag-vlog at lumikha ng isyu na diumano’y nag-power tripping si Vice President Leni Robredo at pina-priotize diumano ang pag-landing niya.

 

 

Itinanggi na ng management ng Cebu Pacific ang naturang isyu at kesyo under disciplinary action na ang naturang piloto. Though, maraming netizens ang hindi sumasang-ayon na D.A. lang ang katapat.

 

 

Though, meron at meron din Pinoy na sa kabila ng statement na inilabas ng Cebu Pac, mas pininipiling paniwalaan ang sinabi na una ng piloto. Kaya may mga nagsasabi rin na dapat itong papanagutin at sampahan ng kaso, lalo na’t merong mas pinaniniwalaan ito.

 

 

Katulad ng ibang mga netizens, walang-duda na isa si Edu sa naniniwalang dapat na i-psych test ito at kinukuwestiyon kung dapat na payagan pa itong magpaandar ng eroplano.

 

 

May diretsong nagtanong dito kung sasakay na ito ang piloto. At sinagot ito ni Edu nang, “No way! Seriously, he should be tested. It’s not a joke. I have family!”

 

 

At siya raw mismo, hindi siya sasakay sa Cebu Pac hangga’t hindi nabibigyan ng tamang kaparusahan ang naturang piloto.

 

 

Aniya, “I have to agree! What is his state of mind? I will definitely not fly #CebuPAC until they have addressed the issue.”

 

 

“More than that you worry about his state of mind. Will never trust my family in his hands.”

 

 

***

 

 

KINAAALIWAN talaga ng mga netizen kapag nagpo-post si Heart Evangelista ng mga “banter” nila ni Gov. Chiz Escudero at isa sa sure na pasok sa Top 12 for new elected Senators.

 

 

Nagluluto si Heart at nakitulong-tulong sa kanya si Chiz. Kaya sabi ni Heart, “Either way, mukhang natutuwa naman siya. Minsan na nga lang ako magluto kasi, pagod na pagod na siya sa kaluluto, pero tinulungan pa rin niya ‘ko.”

 

 

Pero dalawa ang kinaaliwan ng mga netizen s video na pinost ni Heart. Nang magdikit ang mga palad nilang dalawa na siguro, ang naalala ni Sen. Chiz ay ang eksena sa Hollywood movie na Ghost at napakanta ito ng “Unchained Melody.”

 

 

Kaya sey ni Heart, “Hindi ko alam kung matatawa ako or mai-stress ako sa situation.”

 

 

Nang matikman na nila ang inilutong pagkain na ayon kay Heart, recipe raw ng mommy niya, napa-smile ito at saka humirit sa asawa na, “Do I deserve a bag?” Pero isang mabilis na “No” ang sinagot sa kanya ni Sen. Chiz.

 

 

Napapa- “sana all” ang netizens sa dalawa. At mga comment na, “couple goal.”

 

 

***

 

 

NGAYONG May 27, may mga pagbabago ng mapapanood sa longest running gag show sa telebisyon, ang Bubble Gang ng GMA-7.

 

 

Bukod sa bago nitong mas pinaagang time-slot na 9:40 pm, may bagong mga segments na mapapanood at new cast.

 

 

May mga cast members kasi na nawala na at napalitan naman ng mga bago. Kabilang sa mga nawala ay sina Mikoy Morales, Arra San Agustin, Lovely Abella at iba pa. Mga bago namang mapapanood sina Tuesday Vargas, Faith Da Silva, Dasuri Choi at Kim de Leon.

 

 

At kahit inamin ni Michael V. na nakausap din daw niya ang bawat isang nawala, pero nando’n daw talaga ang kirot kapag may nawawala.

 

 

“Siyempre, palagi namang may kirot kapag may isang cast member na magpapaalam or mawawala. Pero lahat naman ng pumasok sa industriya, alam naman ang kalakaran ng show business.”

 

 

At sabi pa niya, “Even myself, hindi rin naman ako absuwelto. Kumbaga, parang kahit ako, pwedeng mawala sa show na ‘to.”

 

 

Hirit naman namin kay Bitoy, kung siya ang mawawala, baka mawala na rin ang Bubble Gang.

 

 

“Hindi naman, hindi naman siguro,” natawang sabi niya.

 

 

At kilala ang Bubble Gang sa pagpapakilala ng mga nakatatawang character base sa mga sikat o kilalang personalidad. Ngayong magkakaroon na ng bagong administrasyon, tinanong namin si Bitoy kung makikita rin ba rito ang ilang mga bagong character sa gobyerno o pulitika.

 

 

“Definitely, definitely,” saad niya.

 

 

“Hangga’t hindi binubusalan ang karapatan ng mga shows para mag-express,” natawang sabi niya. “I’m pretty sure, makapapanood kayo ng mga sketches, mga gags, satire regarding the government and otherwise.”

 

 

(ROSE GARCIA)

Canvassing of votes ng Presidente, VP ikinasa ng Senado, Kamara

Posted on: May 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPULONG  na ang mga Senador at Kongresista sa isasagawang pagha­handa para sa canvassing ng boto ng Presidente at Bise Presidente na gaganapin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso umpisa sa Martes, Mayo 24 hanggang 27.

 

 

Sina House Secretary General Llandro Mendoza at mga opisyal ng Senado sa pangunguna ni Senate Secretary Atty. Myra Marie Villarica ay nagsagawa ng online meeting kung saan tinalakay ang paglilipat ng mga ballot boxes na naglalaman ng Certificate of Canvass (COCs) at Election Returns (ERs) mula sa Senado patungo sa Kamara sa Lunes, Mayo 23.

 

 

Sinabi ni House Deputy Secretary General for Legal Affairs Atty. Annalou Nachura na maglalaan ang Kamara ng espasyo para paglagyan ng mga bibila­nging COCs at ERs.

 

 

Alinsunod sa 1987 Constitution ay kailangang mabuksan na ang lahat ng mga certificates sa harapan ng Senado at Kamara sa joint public session sa loob ng 30 araw matapos ang halalan.

 

 

“The CCS machine initialized last May 9 by Senate President Vicente Sotto III and Speaker Lord Allan Velasco will receive the COCs from the provinces, cities and overseas. Secretary-General Mendoza said that on May 24, the canvassing will take place starting at 2pm, while from May 25 to 27, the canvassing will last from 10am to 10pm”, anang opisyal. (Daris Jose)