• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 2:27 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2022

Russian gymnast pinatawan ng 1-year ban dahil sa pagsuporta sa paglusob sa Ukraine

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINATAWAN ng isang taon na ban si Russian gymnast Ivan Kuliak.

 

 

Ito ay dahil sa paglalagay niya ng simbolo sa uniporme ng panghihikayat ng giyera sa Ukraine.

 

 

Inilagay kasi ng 20-anyos na si Kuliak ang letrang “Z” sa uniporme nito habang katabi si Ukrainian gymnast ​Illia Kovtun sa podium.

 

 

Nagwagi kasi ng gold medal si Kovtun habang bronze medal si Kuliak sa parallel bars event sa gymnastics World Cup event na ginanap sa Doha, Qatar noong Marso.

 

 

Ang “Z” symbol kasi ay inilagay ng mga Russia sa kanilang tangke at mga sasakyan na mga military na sumisimbolo sa paglusob nila sa Ukraine.

 

 

Kinondina ito ng International Gymnastics Federation (FIG) kaya ito ay kanilang idinulog sa Disciplinary Commission of the Gymnastics Ethics Foundation (GEF) para mabigyan ng parusa.

 

 

Binigyan ng ng 21 araw naman ang gymnast para iapela ang desisyon nito.

Malakanyang, binati si Maria Filomena Singh bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINATI ng Malakanyang si Maria Filomena Singh sa pagkakatalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas.

 

 

Si Justice Singh ay nagsilbi bilang Associate Justice ng Court of Appeals.

 

 

“We are confident that she would continue to uphold judicial excellence and independence in the High Court,” ayon kay Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Sec. Martin M. Andanar.

 

 

“We wish AJ Singh success in her new assignment,” dagdag na pahayag ni Andanar.

 

 

Si Singh ang pang-194 na Associate Justice at sinasabing huling appointee ni Pangulong Duterte sa SC bago bumaba sa puwesto sa darating na Hunyo 30.

 

 

Pinalitan ni Singh si dating SC Justice Estela Perlas-Bernabe na nagretiro nitong Mayo 14.

 

 

Batay sa impormasyon, bandang alas-5:00 ngayong hapon ang oathtaking o panunumpa sa tungkulin ng kapatid ni Health spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire. (Daris Jose)

Mag-inang Lacson-Noel nanalo sa Malabon poll

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING nahalal sa kanyang ikalawang termino si Malabon City Rep. Jaye Lacson-Noel habang ang kanyang anak na si Councilor-elect Nino Lacson-Noel ay pinakabagong miyembro ng Sangguniang Panlungsod.

 

 

Nagpaabot naman ng kanyang pagbati si Cong. Lacson-Noel sa lahat ng lokal na mga nanalo habang ipinahiwatig ang kanyang pagnanais na makipagtulungan sa bagong halal na alkalde na si dating vice mayor Jeannie Sandoval para sa ikabubuti ng lungsod at ng mamamayan nito.

 

 

“The election is just a one-day affair, so we all buckle down to work and let’s unite and work together so that we can have a much better Malabon with its people experiencing a better life ahead,” ani Lacson-Noel, na ang asawa niyang si Rep. Florencio “Bem” Noel ay nakakuha na rin ng isa pang puwesto sa House of Representatives bilang first nominee ng An-Waray party-list.

 

 

Nangako si reelected Lacson-Noel na magsagawa ng higit pang mga hakbangin lalo na ang mga proyektong pang-impraktrastura at mga programang pangkabuhayan upang gawin mas progresibo at mapagkumpitensya ang lungsod.

 

 

“The overwhelming votes the local electorate gave me during the last May 9 elections would serve as inspiration for me to continue working for the residents’ interests and their all-out support only showed that they approved all the programs I am implementing for them,” aniya.

 

 

Siya ay binigyan ng kredito ng karamihang mga residente para sa iba’t-ibang proyektong pang-imprastraktura na kanyang ipinatupad, kabilang ang 8.6-kilometer mega dike para mapigilan ang pag-apaw ng ilog na naging sanhi ng mga pagbaha lalo na sa Barangay Dampalit kung saan dinadalaw din ito ng mga namamasyal, pati na rin ang mga joggers at bikers.

 

 

Samantala, si councilor Nino ang nanguna sa boto sa mga kandidato sa pagka-konsehal sa unang distrito ng lungsod na may 8,348 votes.

 

 

“I will assure the people of Malabon that I will focus on introducing measures at the city council that will be beneficial to the interest of constituents and the city as a whole,” pahayag ng batang Lacson-Noel. (Richard Mesa)

SC, natanggap na ang ika-2 petisyon sa hiling na TRO sa vote canvassing at proklamasyon kay Marcos

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NATANGGAP na ng Korte Suprema ang ikalawang petisyon na humihiling para sa temporary restraining order (TRO) sa canvassing ng Kongreso sa mga boto at proklamasyon bilang pangulo kay Bongbong Marcos.

 

 

Sa 75 pahinang petisyon ng grupo, hinihimok din ang SC na ideklara ang kandidato na may pinakamaraming votes na si VP Maria Leonor Gerona Robredo bilang panalo sa katatapos na halalan kung mabaliktad ang ruling ng Comelec.

 

 

Ang mga petitioners na naghain ikalawang petisyon ay pinangungunahan nina Bonifacio Parabuac Ilagan, Saturnino Cunanan Ocampo, Maria Carolina Pagaduan Araullo, Trinidad Gerilla Repuno, Joanna Kintanar Carino, Elisa Tita Perez Lubi, at Liza Largoza Mazan na pawang mga miyembro ng Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA) kasama ang martial law survivors, religious at youth rights advocates,

 

 

Ayon sa SC, ang unang petisyon na inihain noong Mayo 16 ay na-assign sa isang hukom na magsasagawa ng inisyal na pagsisiyasat at magsusumite ng rekomendasyon sa plea para sa temporary restraining order.

 

 

Sa kanilang petisyon, inihayag ng mga ito na bigo raw si Marcos na maghain ng kaniyang income tax returns sa apat na magkakasunod na taon noong siya ay nanunungkulan pa bilang bise gobenador at gobernador ng Ilocos Norte mula noong taong 1982 hanggang 1985 na hindi maituturing na isang simpleng omission lamang.

 

 

Inaasahan na ang ikalawang petisyon ay consolidated sa unang kaso.

 

 

Subalit ngayon ang justice na in-charge sa naturang petisyon ay hindi pa nagsusumite ng plea for TRO sa unang petition. (Daris Jose)

‘Broken Blossoms’, umani ng parangal sa filmfest sa India: JERIC at THERESE, ginawaran ng Critics Choice Award bilang Best Actor at Best Actress

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMANI ng parangal ang Philippine entry na Broken Blossoms sa Mokkho International Film Festival sa India.

 

 

Sa IG account ni Direk Louie Ignacio, pinost nito ang mga nakuhang awards ng dinirek niyang pelikula na bida sina Jeric Gonzales at Therese Malvar.

 

 

Caption pa niya: “Congratulations Team Broken Blooms. congrats Bentria Productions big boss Engr. Benjie Austria @theresemalvar @jericgonzales07″

 

 

Best Narrative Feature Film ang Broken Blooms. Special Jury Award naman ang nakuha ni Direk Louie bilang director.

 

 

Critics Choice Award naman ang ginawad kina Jeric at Therese sa categories na Best Actor and Best Actress in an Indie.

 

 

***

 

 

NAG-SHARE sa kanyang Instagram ang international star na si Lea Salonga ng kanyang character sa upcoming HBO Max series na Pretty Little Liars: Original Sin.

 

 

Pinost ng Tony Award-winning actress ang isang kuha sa kanyang eksena na nilagyan niya ng caption na: “Coming summer 2022.”

 

 

In-announce ni Lea noong September 2021 ang pagkaka-cast niya sa bagong Pretty Little Liars series.

 

 

“The moms have descended upon the town of Millwood! And we have secrets and lies of our own, can’t let the children have all the fun. So excited to be part of the cast of Pretty Little Liars: Original Sin,” sey pa ni Lea.

 

 

Makakasama rin sa series sina Sharon Leal, Elena Goode, Zakiya Young at Carly Pope.

 

 

Ayon sa Variety: “Salonga will play the role of Elodie, the overbearing mother of Minnie (Malia Pyles) who works overtime to protect her daughter from her childhood trauma. The series is set in the present, 20 years after a series of tragic events almost ripped the blue-collar town of Millwood apart. Now, a disparate group of teen girls — the new ‘Little Liars’ — find themselves tormented by an unknown ‘Assailant’ and made to pay for the secret sin their parents committed two decades ago, as well as their own.”

 

 

Ang original na Pretty Little Liars ay pinagbidahan nina Lucy Hale, Shay Mitchell, Ashley Benson, Sasha Pieterse at Troian Bellisario. Nagtapos ang naturang series noong 2017 after seven seasons.

(RUEL J. MENDOZA)

12 nanalong senador naiproklama na

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPRINOKLAMA na ng Commission on Elections na umuupo bilang National Board of Canvassers nitong Miyerkules, Mayo 18, ang 12 senador na nanalo sa nakalipas na May 9, 2022 National at Local Elections.

 

 

Alinsunod sa NBOC Resolution No. 002-22, iprinoklama na sina ­Senators-elect Robin Padilla, Loren Legarda, Raffy Tulfo, Sherwin Gat­chalian, Francis ‘Chiz’ Escudero, Mark Villar, Alan Peter ­Cayetano, Juan Miguel Zubiri, Joel Villanueva, JV Ejercito, Risa Hontiveros at Jinggoy Estrada.

 

 

Sa kanyang talumpati, ipinagmalaki ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan ang kanilang ‘very efficient and flawless Transparency Server’ ngayong eleksyon matapos lahat ng election result ay agad na natanggap matapos ang aktuwal na halalan.

 

 

“As we usher in a new set of leaders from the local government units up to the national positions, I am proud to say that the Commission on Elections has successfully defended the sovereign right of the people to the democratic process of elections,” pahayag ni Pangarungan.

 

 

Iginiit naman ng ­opisyal na ang tagumpay ng halalan ay hindi lamang bunsod ng kanilang pagsisikap kundi malaking papel ang ginampanan ng mga botante na matiyagang pumila.

 

 

“This is an election  with the lowest election-related violence of only 16 incidents compared to around 160 violent incidents in the 2019 elections,” dagdag ng opisyal.

 

 

Pasasalamat sa Comelec, sa kani-kanilang mga pamilya at sa taumbayan naman ang namutawi sa bibig ng lahat ng Senators-Elect sa pagbibigay ng pagkakataon sa kanilang makapaglingkod.

 

 

Kanya-kanyang pangako rin ang mga bagong senador na tutuparin ang kanilang mga ipinangako noong kampanya para sa kapakanan ng publiko. (Daris Jose)

Toll increase sa CAVITEx pinagpaliban

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAGPALIBAN  ng Cavitex Infrastructure Corp (CIC) na isang subsdiary ng Metro Pacific Tollways Corp. at ang joint venture partner na Philippine Reclamation Authority (PRA) ang pagtataas ng toll sa Cavitex.

 

 

Gagawin ang pagtataas sa darating na May 22 na dapat sana ay sa May 12 upang bigyan ng pagkakataon ang mga pampublikong drivers at operators ng mga utility vehicles upang magparehistro muna sila sa “toll reprieve program” kung saan sila ay patuloy na mabibigyan ng dating toll rates sa ilalim ng rebate program.

 

 

“All PUV operators and drivers have to do is enroll their account to the program in coordination with their transport organizations,” wika ng CIC.

 

 

Magpapatuloy ang rebate program sa loob ng 90 na araw simula sa unang araw ng pagpapatupad ng bagong toll rates sa Cavitex.

 

 

Simula sa May 22, ang toll rate para sa Class1 na gagamit ng CAVITEX R-1 segment na simula sa Cavitex – Longos, Bacoor papuntang MIA Exit at vice versa ay magbabayad ng P33 mula sa dating P25. P67 naman ang ipapataw sa mga Class 2 na sasakyan mula sa dating P50 habang ang Class 3 naman ay magbabayad ng P100 mula sa dating P75.

 

 

“The new rates are inclusive of the 2011 and 2014 periodic toll petitions as well as add-on toll petition for enhancement works along the expressway, including bridge lane widening works,” saad ng CIC.

 

 

Kasama sa ginawang enhancements ay ang completion ng asphalt overlay sa kahabaan ng Cavitex, paglalagay ng Pacific flyover, left turn facility at bridge widening at ang pagsasagawa ng regular maintenance works upang masiguro ang road quality at safety ng mga motorista.

 

 

Ang CIC ay siyang concessionaire para sa Cavitex kasama sa isang joint venture ang Philippine Reclamation Authority (PRA). LASACMAR

Ads May 20, 2022

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Marcos, Xi pinag-usapan ang relasyon, regional dev’t

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-USAPAN nina Chinese President Xi Jinping at presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., “over the phone” ang relasyon ng dalawang bansa at developments at progreso sa rehiyon.

 

 

Sa nasabing telephone conversation, sinabi ni Xi na ang dalawang bansa ay dapat na “grasp the general trend, write a grand story on the China-Philippines friendship in the new era and follow through the blueprint for bilateral friendly cooperation.”

 

 

“Citing a Philippine saying: ‘If you do not know where you have come from, you cannot go far,’ President Xi urged both countries to carry forward the friendship of the two sides and stay true to their original aspiration,” ayon sa Chinese Embassy sa Maynila.

 

 

Samantala, muli namang binati ni Xi si Marcos, tinukoy ng huli ang naging partisipasyon nito sa “the development of China-Philippines relations.”

 

 

Tinawag din nito si Marcos bilang “a builder, supporter and promoter of the China-Philippines friendship.”

 

 

Ang “phone call” ni Xi kay Marcos ay nangyari ng Miyerkules ng umaga, ayon sa embahada. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Tag-ulan, idineklara na ng PAGASA

Posted on: May 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan o rainy season sa bansa.

 

 

Kasunod ito ng nararanasang severe thunderstorms na nagdulot ng malawakang pag-ulan sa nakalipas na 5 araw.

 

 

“This satisfies the criteria of the start of the rainy season over the western sections of Luzon and Visayas,” ayon sa PAGASA.

 

 

Kaugnay nito, nagbabala rin ang PAGASA na ang ulan na may kasamang southwest monsoon ay magsisimula nang makaapekto sa Metro Manila at sa western sections ng bansa.

 

 

“However, breaks in rainfall events (also known as monsoon breaks), which can last for several days or weeks may still occur.”

 

 

Sinabi rin ng PAGASA na ang ongoing La Niña ay inaasahang makakaapekto pa rin sa ilang bahagi ng bansa, na magpapataas sa posibilidad nang pagkakaroon ng above-normal na rainfall conditions sa mga susunod na buwan. (Daris Jose)